NAPALINGON ako kay Zandy na nagulat din na nakita ang mommy niya.
"Ayaw mo bang makita ako, 'nak? I miss you, my son." Nilapitan ni Tita Mandy si Zandy at hinalikan siya sa magkabilang pisngi. Hindi naman gumalaw si Zandy.
"Ano'ng kailangan mo, 'Ma? Hindi ba't nag-usap na tayo?" Halata ang inis sa boses at mukha niya.
Lumungkot naman ang mukha ni Tita Mandy at lumayo sa anak. "I'm not here to talk about it, Zandy I just here to visit you and Miles," ani Tita Mandy.
Hindi umimik si Zandy. Hindi ko maintindihan pero nakikita ko ang frustration sa mukha niya at ang lungkot doon.
"Kumusta po si Tito Andrew, Tita?" sabat ko para alisin ang tensyon kay Zandy at ilayo ang usapan ng dalawa. "Dito po tayo sa sofa," sabay sabi ko. Nauna na akong naglakad patungo sa sofa at sumunod ang dalawa.
"He's fine, hija busy sa kompanya dahil sa bagong games na ila-launch next we
HINDI KO alam kung paano ko haharapin si Zandy matapos nang naging usapan namin ni Tita Mandy. Gusto ko siyang lapitan para kausapin tungkol sa bagay na iyon pero pakiramdam ko'y wala ako sa lugar. Isa pa, hindi nga kami magkasundo, baka lumabas lang na nakikialam ako sa kaniya.Bumuntong-hininga ako habang nakatingin sa labas ng terrace. Kita ko ang mga puno at bahay sa harapan niyon. Ang gandang pagmasdan ng kalangitan na kulay asul at ang ulap na nagkalat doon.Hindi maalis sa isip ko ang naging pagtatalo ni Zandy at Tita Mandy. Hanggang ngayon mayroong bumubulong sa isip ko na kilalanin pa si Zandy at maintindihan siya. Nararamdaman ko ang sarili ko sa kaniya, dahil pareho kaming pinilit ng mga magulang namin sa bagay na hindi namin gustong gawin, ang kaibahan lang, pati ang career na gusto ni Zandy, gusto ring pakialamanan ng pamilya niya.Mayamaya pa'y napapitlag ako ng marinig ko ang pag-vibrate ng cellphone na ha
"MAY I know what happened to your past? I want to know you more, Zandy." Hindi ko alam kung bakit naitanong ko iyon. Kusang lumabas sa bibig ko ang mga iyon at huli na para ma-realize ko ang naging tanong ko. Hindi naman kasi kasama iyon sa dapat kong itanong dahil isa iyon sa private matter ni Zandy at naiintindihan ko iyon. Kumurap ako at bahagyang yumuko. "I mean...you don't need to answer—""Ano'ng gagawin mo if the person in your past came back?" seryoso niyang tanong na pumutol sa sasabihin ko."Huh?" tanging naging reaction ko sa tanong niya habang pilit ko iyong iniisip at inuunawa. Sinong bumalik mula sa nakaraan? Bigla kong naalala si Roven at ang nakaraan namin na muling bumalik kasabay nang pagbabalik nito. Sumeryoso ang mukha ko. "I don't know, Zandy maybe it depends on what that person did to you at kung may nararamdaman ka pa sa taong iyon. Pero sa totoo lang, mahirap sabihing kalimutan ang taong iyon kahit pa sa h
HALOS hindi ako nakatulog nang nagdaang gabi dahil tinapos ko ang articles tungkol kay Zandy Saavedra dahil kailangan na iyon ni Sir Troy. Nahirapan pa akong gawin iyon dahil sa maraming bagay na gumugulo sa isip ko habang ginagawa ko iyon. Hanggang ngayon, hindi maalis sa isip ko ang naging sagot ni Zandy sa mga tanong ko. Ibang-ibang Zandy ang humarap sa akin. Napakaseryoso niya at napakatotoo. Pakiramdam ko'y nakilala ko siya sa maikling pagkakataong iyon. Gumugulo rin sa isip ko ang sinabi niya tungkol sa katotohanang iyon na hindi mo maunawaan."Finally, I'm done!" sabi ko at sumandal sa swivel chair at iniunat ang mga kamay. Na-send ko na kasi ang lahat ng artices ko."Congrats, Miles another achievement na naman," ani naman ni Chad."Buti napapayag mo si Zandy sa interview?" usisa naman ni Andrea."Bakit naman hindi, Andrea he's her husband," sagot ni Melissa.Nagkatingina
"Aw! Ang sweet naman ng mag-asawa. Dito pa talaga sa hallway naglandian," ani Ate Shai nang makalapit siya sa amin ni Zandy habang nakatingin sa amin na bakas ang kilig. "Maawa naman kayo sa mga single na dumadaan, naiinggit," natatawa pa nitong dagdag."Hello, Ate Shai," magiliw naman na bati ni Zandy. Kumunot lang ang noo ko dahil sa muling pagiging magiliw niya sa iba habang hindi ko maintindihan ang ugali niya sa akin."Hi, Mister Zandy," balik nito. "By the way, hinihintay na kayo sa studio A para sa photoshoot," pagbabago ni Ate Shai ng usapan.Ngumiti ako na hindi makatingin ng diretso kay Ate Shai. Nahihiya ako. "Sige po, Ate Shai aalis na kami," sabi ko. Hinawakan ko ang braso ni Zandy at hinila siya patungo sa elevator. Pinindot ko iyon sa 10th floor kung nasaan ang studio ng kompanya. Saka ko lang napagtantong hawak ko pa pala ang kamay niya. Para akong napaso kaya mabilis kong binitawan iyon at umiwas nang ti
HINDI ako mapakali habang naghihintay sa labas ng silid sa hospital kung saan dinala si Zandy matapos niyang mabagsakan ng lightning na iyon sa seat ng photoshoot. Hindi naman siya nawalan ng malay pero mukhang nagtamo siya ng serious injury sa likod niya dahil sa bigat niyon. Agad siyang dinala sa hospital ng emergency team ng kompanya.Pinagsalikop ko ang kamay ko at bahagya iyong pinisil para kahit pa paano mabawasan ang kaba ko. Kung ano-ano nang pumapasok sa isip ko na pwedeng mangyari kay Zandy. Paano kung mabali ang likod niya? Paano kung makuba siya? Nag-aalala ako para sa kaniya at sa kalagayaan niya.Pumikit ako habang nakaupo sa waiting area. Muling bumalik sa isip ko ang nangyari kanina at ang pasagip ni Zandy sa akin. Hindi ko alam kung bakit niya naisip na iligtas pa ako. Sinisisi ko tuloy ang sarili ko sa nangyari sa kaniya. Hindi ko maiwasang ma-guilty dahil sa kabila ng pagsusungit ko sa kaniya nagawa pa rin niya akong iligt
"KUMUSTA si Zandy?" usisa agad ni Andrea nang makabalik ako sa opisina. Kakalabas ko lang ng hospital at naisipan kong bumalik dito. Tinawagan ko na rin sila Tita Mandy para papuntahin sa hospital. Hindi ko na lang sila hinintay na dumating doon.Dumeretso ako sa upuan ko at parang lantang gulay na umupo roon. "He's fine now, sabi ng doctor wala naman daw serious injury," malungkot kong sagot."Grabi ang asawa mo, Miles napaka-sweet naman. Kailan kaya ako makatatagpo ng ganoong lalaki, 'yong ililigtas ako sa kapahamakan," sabi naman ni Melissa na nakalapit na sa akin at halatang kinikilig sa nalamang ginawa ni Zandy."Inililigtas din naman kita, ah? Kay sir Troy kapag late ka?" sabat naman ni Chad.Nagulat naman si Andrea at Melissa sa sinabi ni Chad. "Eh, ano ngayon? You're not my type, Chad," prangkang sabi ni Melissa."Ouch! Grabi ka naman kay Chad, Melissa," natatawang
PAGKATAPOS ng trabaho, hindi na ako dumeretso sa bahay para umuwi. Nagpasiya akong dumaan sa hospital para bisitahin si Zandy doon at kamustahin ang kalagayan niya.Kanina pang tumatakbo ang isip ko kay Zandy, halos hindi nga ako makapag-focus sa trabaho dahil sa kakaisip ko sa kalagayan niya at kung paano ako makababawi sa pagligtas niya sa akin. Hanggang ngayon, hindi pa rin maalis ang pag-aalala ko sa kaniya.Bago ako pumasok ng hospital, nagpasiya akong bumili ng pagkain sa labas para kay Zandy. Bumili lang ako ng porage at biscuit para sa kaniya. Sigurado naman kasing kumain na siya dahil nandoon naman si Tita Mandy at Tito Andrew para alagan siya. Nag-text kasi si Tita Mandy na nandoon na raw sila.Nang makarating ako sa tapat ng silid na ikuupa ni Zandy, hindi agad ako pumasok dahil hindi ko alam kung paano ko siya haharapin dahil sa ginawa niya at sa huling naging pag-uusap namin. Huminga ako nang malalim para ku
"HINDI na ako kakain, Miles." Muli siyang umayos ng pagkakahiga at tumalikod sa akin."Ok, fine! Kumain ka na, Zandy susubuan na kita," napilitan kong sabi dahil sa konsesnsiya sa puso ko. Ako na nga ang dahilan kung bakit siya naaksidente tapos 'di ko pa siya tutulungan sa pagkain? Parang ang sama ko namang tao kung ganoon.Dahan-dahan siyang humarap sa akin. Walang emosyon ang mukha. "Wala akong ganang kumain," sabay sabi niya.Kumunot ang noo ko. "Gutom ka, 'di ba? Gusto mo bang lalong magkasakit at nang 'di ka na makalabas dito sa hospital?" inis kong sabi dahil sa katigasan ng ulo niya."Are you concerned, Miles?" seryosong tanong niya.Natigilan ako sa naging tanong niya. Bakit nga ba nag-aaalala ako ng ganito sa kaniya? "Oo. I mean, nag-aalala ako kasi kasalanan—""How many times do I need to tell you na hindi mo kasalanan ang nangyari. It's an a