HANGGANG makarating ako sa opisina, hindi pa rin maalis sa isip ko ang sinabi sa akin ni Zandy nang nagdaang gabi tungkol sa katotohanang sinasabi niya tungkol kay Roven. Hindi ko alam ang iisipin ko o kung dapat ko bang paniwalaan si Zandy sa sinabi niya. Pero pakiramdam ko, may nakatago sa nakaraan ko na na kailangan kong malaman. Dapat ko pa bang kausapin si Roven para marinig ang lahat ng iyon?
"The interview will be on Saturday, Miles," sabi ni Sir Troy nang makarating ako sa opisina niya dahil pinatawag niya ako.
Tumango ako. "Sir, may I know who he is, para naman mapaghandaan ko ang pagharap ko sa kaniya. I've never experienced an interview with unknown personality. Ni hindi ako makakapag-research para magkaroon ng konting idea kung sino siya at ano'ng dapat kong itanong sa kaniya," paliwanag ko sa kaniya.
Bahagyang kumiling si Sir Troy. "Don't worry, he's kind and easy to get along with, Miles. For sure na kilala
"SINO naman kaya ang anonymous person na iyon?" usisa ni Andrea habang palabas kami ng gusali. Nagtataka rin siya at nagtatanong kung sino ang personality na iyon na kailangan kong interview-hin at ayaw magpakilala sa akin. Ano bang tingin niyon sa akin, manghuhula? Umiling ako. "I don't have an idea who he is. Nakakapagtaka lang na bakit ayaw niyang sabihin ang pangalan niya?" tanong ko. Kumibit-balikat naman si Andrea. Naiwan sa opisina si Chad at Andrea dahil naghahabol ang mga ito ng deadline dahil sa tambak nilang trabaho habang kami ni Andrea, makakatulog na ng maayos dahil sa wakas tapos na kami ng aming mga articles at kailangan naman naming paghandaan ang susunod na trabaho. Naiwan pa nga naming nagtatalo ang dalawang iyon. Naramdaman ko ang malamig na hangin na yumakap sa akin nang tuluyan kaming makalabas ng gusali. "Maybe he's ugly or he's a ghost CEO?" hula ni Andrea. "Kung my ghost writer, may ghost C
NAPANGITI AKO nang makita ko si Mama at Papa na nakaupo sa sofa nang makapasok kami ni Zandy sa loob ng bahay. Bahagya pa si Papang nagulat habang malawak naman ang ngiti ni Mama na bakas ang saya at pananabik doon.Tumayo silang dalawa at sinalubong kami ni Zandy. Niyakap ko si Mama at Papa. Kahit may sama ako ng loob sa kanila dahil sa pagpapakasal nila sa akin, hindi ko pa rin sila kayang tiising hindi makita. Alam ko namang ako lang ang iniisip nila, pero ang hindi ko lang matanggap, ang dahilan nila kung bakit gusto nila ako ikasal, ang sumpa at ang lalaking ipinakasal pa nila sa akin ay si Zandy. Pero hindi ako nagtanim ng galit sa kanila."Kumusta po?" magalang naman na tanong ni Zandy nang bahagya akong lumayo kila Mama at Papa, nagulat pa sila nang magmano si Zandy. Nagkatinginan ang mag-asawa at saka masayang ngumiti."Napakagalang na bata," puri ni Mama. Ngumiti lang si Zandy habang tumataas ang klilay ko. "Ma
Nakita ko ang bahagyang pagyuko ni Zandy na pinipigilang hindi ngumiti. Nag-angat siya ng tingin sa akin. Nagtama ang mga mata namin. Kita ko ang simpleng ngiti sa mga labi niya na ang sarap sa mga mata ko. Hindi ko alam pero 'yong ngiti niya para bang hinahalina akong titigan iyon."Yes, Tito inaalagan naman po ako ni Miles. Don't worry, kaya ko naman pong kainin ang luto ng anak ninyo. She's trying and I really appreciate it," kaswal na sagot ni Zandy."Well, that's good to hear that she's taking care of you. By the way, I heard about the accident. Thank you, Zandy, for saving my daughter. Kumusta ka na?" baling ni Papa kay Zandy.Naalala ko na naman ang nangyaring aksidente at ang ginawa ni Zandy. Sa tuwing naalala ko iyon hindi ko maiwasang humanga sa kaniya. May kung ano sa puso ko na natutuwa at hindi ko maipaliwanag.Ngumiti si Zandy at saglit akong binalingan. "She's my wife, Tito and I'm her
NAPABUNTONG-HININGA ako at nagusot ang mukha dahil sa pagpayag ni Zandy na dito kami matulog sa bahay ngayong gabi. Ano bang naisip niya para pumayag sa kanila? Saan siya tutulog, sa sofa? Alangan namang magsama kami sa iisang silid? No way!"Are you out of your mind, Zandy? Bakit naman naisipan mong pumayag at sumakay sa gusto nila?" sermon ko sa kaniya nang makaalis na sila Mama at Papa.Seryoso ang mukha ni Zandy at kapagkuwa'y ngumiti sa akin na para bang natutuwa pa sa ginawa niya. "Why not, 'di ba? Don't you miss your house, Miles? Why you're acting like a nervous wife in her first night with her husband?" tanong niya.Kumunot ang noo ko. Ganoon ba ang dating niyon? Bigla akong huminahon. Lumunok ako ng laway. "Ok, fine pero dito ka matutulog sa sofa, ok? Walang ibang silid sa bahay na ito at hindi tayo pwedeng matulog sa iisang kwarto, naiintindihan mo ba?" paliwanag ko sa kaniya para maintindihan niya na hindi si
"YOU have a huge bed, can I also sleep here?" sabi niya. Lumapit pa siya sa kama at umupo sa gilid niyon habang hinihimas iyon.Kumunot ang noo ko at bahagyang nanlaki ang aking mga mata. "Are you crazy, Zandy? No! Hindi pwede, matulog ka diyan sa baba, sa labas, sa sofa, sa CR o kung saan mo gusto pero hindi sa kama ko." Dahil sa gulat ko sa sinabi niya, napabilis ang pagbuka ng bibig ko.Nag-angat siya ng tingin sa akin, seryoso ang mukha. "Bakit hindi, you're my wife and I'm your husband, bakit hindi ako pwede matulog na katabi mo?"Hindi agad ako nakaimik sa sinabi ni Zandy. Ano'ng pinagsasabi niya? Nababaliw na ba siya? "You're crazy, Zandy!" naiiling kong sabi."Ako, baliw? No, I'm not. I just want to remind you that I'm your husband, we're married and married couple supposed to be sleeping together, right?" patuloy niya na seryoso pa rin ang mukha na para bang seryoso rin siya sa sinasabi.
KINAUMAGAHAN, maaga akong nagising dahil sa hindi ko alam na dahilan. Hindi na nga ako masyadong nakatulog nang nagdaang gabi dahil sa kakaisip sa huling mga sinabi ni Zandy sa akin. Paulit-ulit iyong bumabalik sa isip ko na para bang may nakatagong mensahe roon.'I'm ok, Miles I can't sleep in your room, I'm afraid.' Ipinilig ko ang aking ulo para alisin iyon sa isip ko. Bakit ba iniisip ko pa ang bagay na iyon?Umupo ako sa kama at luminga sa paligid at hindi ko nakita roon si Zandy na totoo ngang hindi siya roon natulog. "Saan kaya natulog ang mokong na iyon?" mahina kong sabi. Nasa kama pa rin nakapatong ang blanket na ipagagamit ko sana sa kaniya.Ilang minuto pa ako bago nagpasiyang lumabas ng silid at nagulat ako nang madatnan ko si Zandy sa sofa habang nakabaluktot ang katawan dahil masyado siyang mahaba para sa sofa. Halatang nahihirapan siya sa posisyon niya. Hindi ko maintindihan ang sarili ko pero nakaramdam
DAHIL nitong mga nakaraang araw, palaging ginugulo ni Zandy ang isip ko, nakalimutan ko ang meeting namin ni Sir Troy with that anonymous person na kailangan kong interview-hin. Until now wala pa rin akong ideya kung sino ang lalaking iyon at kung makilala ko man siya, hindi ko alam kung paano ko siya Kakausapin. Ni hindi ako nakapag-background check sa taong iyon para magkaroon ng ideya kung ano'ng klaseng tao siya.Kaninang umaga nga, naka-receive ako ng message mula kay Sir Troy para ipaalala sa akin ang meeting na iyon with that person. Susunduin niya raw ako sa bahay, bandang alas-sais ng gabi. Nagulat pa ako dahil nakalimutan ko iyon. Isa pa, dapat pahinga ko pa ngayon dahil linggo pa lang kaya dapat may additional ang sahod ko.Kaninang tanghali naman, umalis si Zandy at malamang makikipagkita na naman siya kay Ton. Palagi na lang siyang nakikipagkita sa lalaking iyon at kapag nandito naman sa bahay, malimit siya sa silid o kaya naman
"YEAH! Miles Virgilio, right? You're still the same person I knew." Nakaramdam ako ng inis kay Roven. Umaakto siyang parang walang nangyari sa nakaraan namin. Ngumisi ako. "You're wrong, Ro—Sir Tuaris, I'm not the old Miles that you knew," madiin kong sabi. Ngumiti siya at marahang yumuko saglit. "Ok, sabi mo, eh." Humarap muli siya kay Sir Troy. "Let's go to our mini bar here in our company. Alam kong gutom na rin kayo so, dinner muna tayo before we're going to talk some serious matters," dagdag pa niya na hindi man lang apektado sa sinabi ko. Mayamaya pa'y bumalik ang babaeng sumalubong sa amin. "Hello, Sir the dinner is ready," anunsyo nito. "Ok, thanks," kaswal na sagot ni Roven. Ibang-iba na siya sa Roven na kilala ko noon. Napaka elegante na niyang tingnan, mula sa suot niya hanggang sa pananalita. Totoo ngang malayo na ang narating niya. Hi