MasukMadalas sabihin ng marami na ang mga anak ang nagsisilbing angkla ng buhay ng isang ina. Para kay Catriona Lavender Carias, tumimo sa puso ang paniniwalang iyon mula sa sandaling mapag-isipan niya ito—hanggang sa subukin ng panahon ang kanyang tibay at paninindigan. Dumating ang sandaling kinailangan niya ng malaking halaga ng pera para sa operasyon ng kanyang ina. Dahil sa matinding desperasyon, napilitan siyang pasukin ang mundong hindi niya kailanman inakalang kakapitan—ang Dream Fortress, isang lihim na bahay-aliwan kung saan ang mga lalaking may matataas na pangalan sa lipunan ay nagbabayad kapalit ng panandaliang aliw. Ngunit sa isang hindi inaasahang pangyayari, ang serbisyong minsan niyang ibinigay sa isang estrangherong naging nag-iisa niyang kliyente ay nagbunga ng isang alaala na hindi mabubura ng panahon—isang anak. Pagkalipas ng isang taon, muling pinagtagpo ng tadhana ang kanilang mga landas. Si Trever de Gracia, ang dating kliyente at ang tunay na ama ng kanyang anak, ay muling pumasok sa kanyang buhay—ngunit hindi siya nakilala nito. Sa halip, inalok siya ni Trever ng isang kakaibang trabaho: magpanggap bilang kanyang kasintahan, at ang kanyang anak bilang sariling dugo, upang pagselosan ang dating kasintahan nito. Ano ang mararamdaman ni Trever kapag nalaman niyang ang batang inaakala niyang bahagi lamang ng isang palabas ay tunay niyang anak? At paano niya haharapin ang katotohanang ang babaeng inupahan niya noon ay ang inang minahal at isinakripisyo ang lahat para sa kanilang anak?
Lihat lebih banyak“CAT, pagsubok lang ‘to sa inyo. Malalampasan at malalampasan din ninyo ni Mader Chanda ‘to. Magpakatatag ka lang. Alam mo namang ikaw lang ang mapaghuhugutan ng lakas ng Nanay mo.”
Bahagyang naibsan ang bigat na gumugupo sa lakas ni Catriona nang dumating sa ospital ang nag-iisa niyang kaibigan– si Silver. Isang binabae.
Nasa trabaho siya kanina nang may emergency call siyang natanggap. Isinugod ng ilang concern nilang kapitbahay sa ospital ang Nanay Chanda niya.
Madalas nilang pagtalunan ng Nanay niya ang bisyo nitong alak. Hindi kasi ito maawat kahit ano pang pakiusap ang gawin niya. Wala itong pinipiling oras sa pag–inom. Nag-umpisang malulong sa alak ang Nanay niya no’ng nangaliwa ang kinakasama nito na kanyang step–father. Sumama kasi sa mas bata at walang sabit.
“Kaya kong magpakatatag dahil alam kong iyon lang ang higit na mas magagawa ko ngayon, Silver. Kapit na kapit na rin ako sa itaas. Nagmakaawa na ako sa lahat ng santong kilala ko na huwag muna nilang kunin iyong nag–iisang pamilya na mayro’n ako. Pero paano naman iyong bayarin dito sa ospital? Paano ko mapapa-operahan si Nanay gayung minimum wager lang ako. Wala kaming ipon, Silver.”
Hilam ang mga mata ni Catriona. Halatang galing sa matinding pag–iyak. Patang-pata na ang katawan niya hindi lang sa pisikal na aspeto, emotionally din.
Ayon sa doktor na sumuri sa Nanay niya ay may komplikasyon na raw ang atay nito. Seven months ago noong napatignan niya sa specialist ang kalagayan ng kanyang ina at noon nga niya napag-alaman na may stage four liver cancer ito dahil sa labis nitong pang-aabuso sa sariling katawan. Mula noon ay kahit anong pilit niya sa Nanay niya ay nagmatigas talaga itong huwag sumailalim sa ano mang treatment o tumor removal. Kaya bumagsak sila sa ganito kasaklap na suliranin.
Ganito pala ang pakiramdam kapag binabantaan ni kamatayan ang isa sa mga taong pinakaayaw mong mawala saiyo. Napakabigat sa dibdib. Walang katumbas ang sakit. Iyong tipong mas nanaisin mong isanla sa demonyo ang kaluluwa mo, huwag lang tangkain na kunin saiyo ang nag–iisang taong karamay mo sa buhay.
“Si Mader Chanda kasi e. Daig pa ang musmos sa sobrang katigasan ng ulo tapos idagdag pa ang kunsintidor na unica hija sa pagiging tomador ng ina. Kaya ngayon, heto. Napakalaking dagok ang dumating.”
“Silver, ano’ng gagawin ko? Saan ako mangangalkal ng pera para sa operasyon ni Nanay? Malabong may mahita ako sa amo kong Intsik. Ni cash advance, hindi ako mapagbigyan.”
Huli na para pagsisihan iyon ni Catriona. Sa ngayon, ipapako muna niya ang kanyang buong atensyon kung paano siya makakadiskarte para sa pagpapa–opera sa Nanay niya.
Malaki–laking halaga kasi ang estimated cost para sa operasyon dahil nga ay may mga komplikasyon na ang lagay ng kanyang Nanay Chanda. Kung sana ay naagapan ito kaagad at natanggal ang tumor sa atay nito ay mas napalayo pa sana ang buhay ng Nanay niya sa posibling peligro.
“Ganitong gipit na gipit ka, may alam naman akong paraan para maisalba si Mader Chanda sa bingit ng peligro. Alam kong hindi marangal itong trabahong ito, Catriona at kinakabahan ako para saiyo.”
“Silver, sa sitwasyon ko ngayon, sa tingin mo uunahin ko pa kung marangal o hindi iyong paraan para mailigtas ko si Nanay? Silver, utang na loob naman oh! Kahit ano o saan pa iyan basta para sa Nanay ko, kakapit ako.”
Naroon ang pagkabagabag sa hilatsa ng mukha ni Silver. Pero kailangan niyang mapatunayan na disidido siyang pasukin ano mang klaseng trabaho iyon.
“S–sa Dream Fortress, Cat. Tiyak nandoon ang sagot sa problema mo.”
DREAM FORTRESS, isang ekslusibo at confidential na muog na nagsisilbing takbuhan ng mga lalaking nangangailangan ng panandaliang aliw. Ang mismong fortress ay nakatayo sa pusod ng isang liblib at masukal na kagubatan. Kasing-laki niyon ang Spis Castle ng Slovakia ayon sa nagpapalaganap ng kuwento tungkol sa misteryo ng Dream Fortress.
Hera– ang babaeng de maskara. Ito ang Suprema ng Dream Fortress at tanging nagpapatakbo ng ekslusibong muog. Sa labas ng Dream Fortress ay mistulang character ng mga kuwentong–bayan lamang si Hera.
Fortressser– iyon ang tawag sa mga babaeng buong–loob na isinusuko ang kanilang mga sarili sa Dream Fortress. Iba–iba ang kuwento ng mga Fortresser kung paano sila pumasok sa madilim na mundo ng Dream Fortress. Ngunit isa lang doon ang totoo, lahat sila ay may kanya–kanyang pagsubok sa buhay na nais nilang malampasan at sa tulong ng Dream Fortress ni Hera ay hindi sila mabibigo. Para sa kaalaman ng iba, walang karanasan o virgin lamang ang nararapat na maging Fortressser. Rookie sa madaling sabi. May ibang Fortressser na mas piniling manatili sa ilalim ng Dream Fortress. Sarili nila iyong desisyon na pinahintulutan naman ng Suprema na si Hera.
Illuminati– mga Fortresser na natatangi sa lahat. They are exclusive to serve their affluent kliente for a single night only, alinsunod sa Golden Rules ng Dream Fortress. These Fortressser should wear a mask until they are done with their work. Their identity must be keep hidden from their kliente dahil nagiging gulo ng Dream Fortress ang ibang kliente na naghahabol sa Illuminati nila at iyon ang iniiwasan ni Hera. May mga signature color ang bawat antipas na ipapasuot sa kanila ni Hera. Triple kaysa sa ordinaryong Fortresser ang kikitain ng isang Illuminati, nga lang ay triple rin ang serbisyong dapat nilang ibigay sa kanilang kliente.
Kliente– ang mga patron o parokyano ng Dream Fortress na hindi lang native na Pilipino. Mas madalas pa nga ay mga banyaga. Mostly sa mga kliente dito ay may mga asawa. Isa lang ang sinisigurado ng Dream Fortress, walang napapasang kliente na isang kahig isang tuka. Lahat ng kanilang parokyano ay de premiera sa alta–sosyedad at mga Big Shot. Mainly local and international male celebrities and models, politicians, business magnates and even those aristocrats from uppermost class, upper–middle and middle class of the society.
At sa mundo ng Dream Fortress dinala si Catriona ng kanyang kapalaran. And then that one forbidden night happened. One steamy night with her agreesive, wild and furious kliente who happens to be the heir to a multi–billion shipping lines company in the world, a rebel son, a ruthless heartbreaker, a notorious playboy, he's no other than Trever de Gracia.
"MAMA, hindi pa po ba tumatawag ang Papa ko? Akala ko ba sabi niyo papasyal tayo sa bahay nila Papa noong sabado, bukas sabado na naman pero wala pa rin si Papa."Nauubusan na ng idadahilan si Catriona upang pagtakpan si Trever sa kanyang anak.Siya rin nama'y wala ring kaidi-ideya kung bakit bigla na lamang hindi nagparamdam sa kanila ang binata. Maya't maya ay tinatawagan niya naman ito pero off ang cellphone nito. Iniisip niya na baka tinotohanan na nito ang sinabi niya na itigil na nila ang agreement pero maayos namang itong umalis noong huli silang magkita.Sa kabilang dako'y naiisip niya rin naman na wala naman talagang responsibilidad si Trever sa kanilang mag-ina. Ngunit sadyang hindi niya maiwasang makaramdam ng hinanakit dahil parang pinaasa na naman siya, lalo na ang anak niya at iyon ang pinakamasakit doon.Nilapitan ni Catriona ang anak na naroon sa hamba ng kanilang pintuan. Doon kasi ito palaging nakatambay, naghihintay na bakasakaling bumisita doon si Trever. Nag-squ
ILANG araw nang wala sa sarili si Trever dahil sa labis na confusion. Ilang gabi na siyang hindi pinapatahimik ng opinyong maaaring si Catriona ang babaeng matagal na niyang hinahanap. Ang naturang babae sa likod ng lavender mask.It's like he's also telling the whole world that frog can dance flamenco. Yes, it was difficult to deal with such idea pero malakas kasi ang kutob niya.Nasa kalagitnaan siya ngayon ng isang mahalagang conference meeting pero wala na naman doon ang isip niya.".. our company ensure the auditor provides a management letter along with the audit financial report.."He wasn't paying attention to what the head of finance committee reports. Hanggang sa natapos na lang ang meeting ay wala ni isang verdict ang pumasok sa isipan niya.Pagbalik niya sa kanyang opisina ay lutang na naman niyang pinagmamasdan ang kuwentas na may unicorn pendant kung saan nakaukit doon ang mga letrang bumubuo sa salitang Lavender. "Catriona Lavender.." He almost lost count kung ilang be
How would it feel to kiss her?The question lingered, heavy and tempting.He imagined it—slow at first, testing, his hand finding its way to her jaw just to tilt her face the way he wanted. Warmth. Softness. The kind of kiss that wouldn’t just end in a second, but deepen, linger, and pull him in further than he planned.His smirk faded into something quieter, more intent.Not just sweet… no.It would be the kind that ruins control.His face is now inch apart from her and before he knew, Catriona's fist hit his face with a less than a full swing."What the heck?" Kinapa niya ang parte ng kanyang mukha na natamaan ng kamao ni Catriona. Ang kaninang parang inosenting tuta na natutulog ay ngayon para nang mananakmal na liyon.Hindi niya napansing gising na pala ito."Manghahalik ka namang, ugok ka! Akala mo makakaisa ka pa sa akin. Neknek mo!" Nag-aapoy sa galit ang bagong gising nitong mga mata. Ang bigat sa pakiramdam ni Trever na saluhin ang mga tingin nito."You're really a sadist. An
CATRIONA is pissed like hell to the mere point that she felt like exploding like a mad volcano. Tunay nga na masakit ang mag-assume. Naiirita siya ng sobra kay Trever dahil buong akala niya'y siya na talaga ang Cat na binabanggit nito habang natutulog.Iniisip niya tuloy kung paano niya itatapon palabas ng bahay niya ang walang malay na lalaki. Napipikon na talaga siya at ewan ba niya kung bakit gano'n na lang siya kung maka-react.Matalim na titig ang hinahampas niya sa natutulog na si Trever sa kanyang higaan. Sandali pa'y napa-ingit na lang siya nang mapagtantong wala nga pala siyang matutulugan."Kamalas! Bakit kasi dito pa naligaw ang hudas na 'to? Ugh!"No choice kaya sa lumang sofa na lang siya natulog. Minalas pang humahataw sa gabing iyon ang mga mortal niyang kaaway na mga lamok. Tuloy inabot siya ng madaling araw bago sila nagkasundo ng antok.KINABUKASA’Y nagising na lamang si Trever na nasa ibang higaan na siya. Nasapo niya ang kanyang noo nang maalala kung saan siya dina






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.