Home / Romance / Her life at 33 / KABANATA 7:

Share

KABANATA 7:

Author: KokoyIsMyLife
last update Petsa ng paglalathala: 2026-10-15 13:24:56

"Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.

Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan.

"Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay.

"Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila.

"Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.

Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.

Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam.

"Bini, ihatid na kita sa trabaho."

Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng matatandang driver sa 'di kalayuan.

"Mark, kaya ko na nga. Atsaka, jeep ang hinihintay ko," pigil ngunit matigas na bigkas ni Bini.

"Sungit mo naman. Libre, hindi kita sisingilan," pamimilit nito habang hawak-hawak ang sariling towel.

Napatingin sila nang may humintong motor sa gilid ng daan. Dahil naka-helmet ay hindi niya makita ang mukha nito.

"Pasensiya ka na. Kanina ka pa ba naghihintay?" tanong nito at nang itaas ang helmet ay nakapakurap siya.

"Allen?"

Tiningan ni Allen ang binatang lumapit sa kaniyang bestfriend na si Binibini. Mukhang nakuha naman ng tricycle driver ang tingin na iyon kaya agad na umatras, tumalikod at naglakad paalis.

"Anong ginagawa mo rito?"

"Kailan ka pa nakauwi?"

Sunod-sunod na usisa ni Bini habang nakamulagat sa kaibigan. Ilang linggo na rin kasi itong umuwi sa probinsiya dahil sa pamamayapa ng isa sa mga kamag-anak nito.

"Hindi ka na ba papasok at magkukwentuhan na lang tayo?" Abot-tengang ngiting tanong nito.

Napatingin siya sa helmet na inabot nito bago sa mukha ng binata.

"Sige na. Angkas na."

"Hindi na. Magje-jeep na lang ako," tanggi niya.

"Sige na. Late ka na o!"

Nagulat si Bini nang hawakan siya sa braso ni Allen at maingat na isinuot sa kaniya ang helmet. Wala na siyang nagawa nang igiya siya nito sa likod ng motor.

Habang nagmamaneho si Allen ay nananatili ang mga kamay ni Bini sa likod para kumapit. Kung may lalake man siyang kaunting pinagkakatiwalaan ay iyon ang kaniyang highschool bestfriend na si Allen.

Pero nang pareho na silang magkatrabaho ay madalang na silang magkita at magkasama nito.

"Salamat," saad ni Bini nang maibalik ang helmet sa kaibigan.

"Your welcome."

"Nga pala, nakinig ako kagabi ng show mo. Sana hinayaan mo muna na makapag-usap iyong dalawa-"

"Hep! Hep! Hep!" putol niya kasabay nang pagtaas ng kamay para pahintuin ang binata sa pagkukwestiyon ng ginawa niya.

"Basher ka ba?" mataray na tanong ni Bini.

Napailing at napangiti na lang si Allen habang pinagmamasdan ang kaibigan. Lalong natawa ang binata nang pameywangan siya nito.

"Huwag mo nga kwestyunin ang mga payo sa kapwa ko babae. It's a girl thing," maarteng katwiran niya kasabay nang pag-snap sa hangin.

"Oo na, ikaw na si Binibini Macaraeg! Ang tagapagtanggol ng mga kababaihan!" Natatawang litanya nito.

"Ganiyan dapat ang sinasabi mo, hindi kinuwestiyon mo ako," Nakahalukipkip at mayabang niyang saad.

"Sige na, pasok na."

Ibinaba ni Bini ang mga braso at sumeryoso. Sinalubong niya ang tingin ni Allen na nananatiling nakangiti sa kaniya.

"Salamat ulit sa paghatid."

Tinanguan lamang siya nito, matapos ngitian ang binata ay tumalikod na siya at tuluyang pumasok sa istasyon. Napailing na lang si Allen habang sinusundan ng tingin ang palaban at hinahangaan niyang matalik na kaibigan.

"Thank you, Mr. Tien."

Nagsalubong agad ang mga kilay ni Bini habang papasok. Nauulinigan at naabutan niya si Seya na yakap-yakap ang kanilang Station Manager.

"Ano naman kayang drama nito?" bulong niya sa sarili habang nakatitig sa ka-trabaho.

"Dj Bini," pigil ang malakas na boses ni Chum nang hatakin siya sa gilid.

Dinala siya ni Chum palayo ng ilang pulgada sa grupong nakapalibot kay Seya. Bahagyang bumulong sa kaniya ang intern.

"Show na naman niya ang top rating."

"Bitter ka?" naiinis at balik bulong niya.

Kahit hindi sila maayos ay hindi siya kailanman nainis na laging nasa top spot ang show ni Seya. Masaya siyang kahit papaano ay may nakikilalang show sa station nila.

Nowadays, humihina na rin ang High Vibe Radio station. Noong nakaraan lang ay halos nasa huling pwesto ang istasyon nila sa buong Pilipinas. At nakalulungkot iyon.

"Dj Bini!"

Awtomatikong ngumiti sina Bini at Chum kahit bahagyang nagulat na napansin sila ng kanilang Station Manager na si Tien.

"Hello, Sir Tien!" nagulat ngunit kinontrol niya ang pagiging kaswal sa pagbati.

"Congrats," Itinaas nito ang kamay, kahit nagtataka ay inabot naman niya iyon.

"Your show got the second spot."

Nagkatinginan sina Bini at Chum, hindi nila napigilan ang mas malawak pang pagkakangiti. Nakipagkamay rin ang station manager nila sa kaniyang intern.

"Kayo talaga nila Dj Seya ang lucky charm ng station natin," matamis na nakangiting papuri sa kanila ni Tien.

"Salamat po, Sir. Lalo na sa tiwala n'yo."

Muling nagsalubong ang mga mata nila ni Chum at agad na naghawak-kamay at parang mga batang tumalon dahil sa saya.

"Dj Bini!" masayang aniya naman ng kaniyang intern.

"Talagang ayos na sa inyo ang laging pangalawa 'no?"

Mabilis pa sa kidlat ang paglaho ng mga ngiti nila sa labi ni Chum. Ang masayang mga mata nila ay naglaho at rumehistro ang pagkaseryoso.

"Bini, Bini, Bini, give me a good fight. Don't get satisfied for always being in the second spot," hamon ni Seya.

Bumuntong hininga si Bini at pinukol ang ka-trabaho ng tingin. Noon pa man ay lagi na lang nito ipinagmamayabang na lagi itong nauuna.

"Seya, Seya, Seya, I am not here to compete nor to impress you. I'm just doing my job, my job to empower women. Show their worth-"

"Oh, cut it out, Bini! Style mo lang iyan, para makakuha ng mataas na rating."

"And, how can you empower women and how can you help them see their value?"

"After you find out, the early pregnancy of your younger sister?"

Natigilan si Bini at awtomatikong tumalim ang tingin kay Seya. Ngumisi lang ito sa kaniya habang parang balewala lang ang sinabi tungkol sa personal na buhay niya.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Her life at 33   KABANATA 8:

    "Ano? Tell me," patuloy na panunudyo ni Seya kay Bini."Dj Bini, relax," Hinawakan siya ni Chum sa braso nang mapansin ang pagbabaga niya sa galit.Napapikit siya ng mariin, minabuting kontrolin ang emosyon. Kung papatulan niya ang letseng ka-trabaho niya ay nakahihiya lamang sa kanilang mga kasamahan. Lalo na sa kanilang Station Manager.Nakangiti na iminulat ni Bini ang mga mata. Diretsong tinitigan si Seya, na nakatikwas ang isang kilay at nakangisi."Seya, that was six years ago, and here you are. Ako nga na ate naka-move on na, mukhang ikaw, issue pa rin iyon. Alam mo, young girls are closer to make mistakes at napatunayan iyon ng kapatid ko.""At hindi ko hahayaang may magdagdagan pa sa mga batang babae iyon," mahabang paliwanag niya habang nakangiti.Tila natameme naman si Seya. Taas-noong lumakad si Bini, inihagis pa niya ang buhok sa hangin bago tuluyang lagpasan ang ka-trabaho."Magandang gabi para sa magagandang babae!"Sumigaw siya ng buong lakas nang magbukas ang kaniyang

  • Her life at 33   KABANATA 7:

    "Bini, dito ka na sumakay!" alok ng isang tricycle driver nang dumaan siya sa kanto.Nagbingi-bingihan si Bini at tumanaw ng jeep sa kalsada. Matapos ang usapan nilang mag-ina ay agad siyang umalis ng bahay. Ayaw na niyang makipagtalo rito baka hindi lang sila magkaintindihan."Bini," Lumapit si Mark, ang kaklase niya noong highschool at ka-baranggay."Hatid na kita," malambing na alok nito nang magsalubong ang tingin nila."Hindi na kailangan. Kaya ko, hindi naman ako tanga," muling tumanaw si Bini sa mga parating na sasakyan.Narinig niya ang tila pambubuyo at panunukso ng kapwa driver ni Mark sa kanila. Pinilit niyang sumeryoso, sa tuwing pumapasok siya sa trabaho ay lagi na lang ganito ang senario.Katulad niya, single rin si Mark, kasing-tanda at kalapit bahay niya lang kaya madalas silang gawing loveteam."Bini, ihatid na kita sa trabaho."Mabilis siyang luminga rito habang pinipigilan ang pagbaha ng inis sa mukha. Sandali pa niyang tinapunan ng masamang tingin ang grupo ng mata

  • Her life at 33   KABANATA 6:

    "O, Bini, Bituin!"Agad silang nagkalas sa pagkakayakap mag-ate at nagpunas ng mga luha. Nagtataka ang anyo ng kanilang ina na si Susan habang palapit sa mesa at dala ang eco-bag na punong-puno ng pinamili sa palengke."O, anong mayroon? At bakit kayo umiiyak?""Hindi po, wala!" pagsisinungaling ni Bini at pasimpleng pinunasan ang luha. Ganoon na rin si Bituin na nakaharap sa gilid.Tiningan sila nang makuhulugan ng ina. Kahit tila binabasa ang kanilang mga hitsura. Naglakad siya at kunyaring hinalungkat ang mga binili nito."Kadadating mo lang ba?" usisa ni Susan habang nakaharap na sa mesa at naghahanda ng maghiwa ng mga gulay."Opo. Si Blessi nga pala?" tanong niya sa ina, tinutukoy niya ang kapatid na bunso."Ate!" masayang bati ni Blessima.Luminga siya sa pinto ng kusina at nang makita ang kapatid ay agad na nagsalubong ang mga kilay niya."Mama!" masiglang-masiglang bati nito at lumapit kay Susan."Anong basura na naman 'yang dala mo?" asik ni Bini habang sinusundan ng masamang

  • Her life at 33   KABANATA 5: BINI'S HUGOT

    "Aba, malayo pa ang semana santa, ba't nandito na si hudas?" bungad agad ni Bini hindi pa man nakapapasok ng gate.Naabutan kasi niya ang dating live-in partner ng kapatid niya at ama ng kambal niyang pamangkin."A-ate Bini naman," nahihiyang sagot ni William."Ate? Hindi kita kapatid!" pambabara niya rito.Dire-diretso siyang pumasok sa gate. Saglit niyang sinulyapan ang pangalawang kapatid na si Bituin bago binalikan ng masamang tingin ang hilaw niyang bayaw."Ano na namang masamang polusyon ang nagdala sa iyo rito?" pagtataray ni Bini habang ang isang kamay ay nakalagay sa bewang."Binibisita ko lang po si Bitu-""Ang ibig kong sabihin, 'yong mga bata!" nadulas na tugon nito at hindi alam kung paano sasalubungin ang tingin niya.Napangiti si Bini dahil sa inis. Nayayamot siyang kumamot sa batok bago muling binato ng tingin si William."Nabisita mo na? O, alis na!" pagtataboy niya rito."Ate," awat sa kaniya ni Bituin at humawak pa sa braso niya."Ano?" pikon niyang sagot."Sige, Bi

  • Her life at 33   KABANATA 4: MEET ADAMSON LEDESMA

    Dahil umaga na natatapos ang trabaho niya, sa iba naman ay nagsisimula pa lang. Karamihan ay nagmamadali pumasok sa trabaho, at may iba't-ibang klase ng estudyante. Abalang-abala rin ang ilang daan na punong-puno ng pribado at pampublikong sasakyan. Habang naglalakad naman sa gilid ng daan si Bini para maghintay ng pampasaherong jeep pauwi.Saglit na sinilip niya ang suot na relo. Ilang minuto na rin siyang naghihintay matapos ang bangayan nila ni Seya.Mabilis siyang naglakad nang maaninag ang isang kulay asul na jeep na madalas niyang sakyan. Agad siyang kumilos palapit doon. Nakipagpatintero siya sa mga taxi at kotse para lang maabutan ang jeep na patuloy na umaandar."Sandali!" sigaw ni Bini habang nagmamadaling tumawid.Awtomatikong inapakan ni Adamson ang preno matapos may walang-ingat na tumawid. Napamura siya dahil sa labis na pagkabigla.Lumingon si Bini na matalas ang mga mata sa isang itim na pick up truck na ilang pulgada na lang ang layo sa kaniya. Dahil tinted ay hindi n

  • Her life at 33   KABANATA 3: INGGIT

    "Okay, Dj Bini. Let's get to our final speech," saad ni Chum at tinapunan siya ng tingin.Tumango si Bini sa intern para sabay na bitawan ang pinakamahalagang parte ng kaniyang show. Kung saan magbibigay na siya ng payo para sa problema nito."Ang payong kababaihan," may tono pa nila iyong sinambit."Listen, caller," seryosong panimula niya."Kahit kailan hindi mahal ang magmahal. Hindi iyan ipinipilit o nanghihingi ng kapalit. Libreng ibinibigay iyan at buong puso namang tinatanggap."Tanging ang malamig at manipis niyang boses ang namamayani sa ere. Tahimik ang lahat, si Chum at ganoon na rin ang ilang kasamahan niyang nasa labas ng booth."Kailangan mong mamili ng lalake, and I don't know kung mayroon pa. O 'yung ibang mga babae na makakilala ng lalake na, magbibigay ng totoong pagmamahal.""Mayroon pa iyan, Dj Bini!" sagot naman ni Chum.Inirapan niya ito, napag-usapan na nila ng management ang pagtatanggol ni Chum sa mga lalake, para raw hindi bias at babae lang ang kinakampihan.

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status