"Magandang gabi sa mga kapwa kong magagandang babae!" masiglang-masiglang bati ni Binibini at bahagyang inilapit ang microphone arm sa tapat ng kaniyang bibig."Tama kayo, nasa ere na nga ngayon ang babaeng pinatatag na nang panahon, sibilisasyon, edukasyon at sari-saring prodaksyon!""I'm your Dj Bini, na nanalangin sa langit na, sana lahat ng lalakeng hindi tapat," binitin pa niya ang kaniyang signature punch line."Lord, please, kunin ninyo na agad!" malakas at feel na feel niyang sambit kasabay nang pagtingala sa kisame.Pininidot ni Bini, ang laughing sound para sabayan ang ilan pang background music. Banayad niyang binawasan ang ingay mula sa background."Before we start the show, let's check the clock!""It's 10 in the evening, babalik tayo matapos ang ilang patalastas. Let's just listen to this, heart breaking song."Sandaling naghanap si Bini ng makabagbag-damdaming kanta mula sa isang banda. Nagpatikim siya nang ilang intro ng kanta bago muling inihinto ito."Para sa mga tan
Last Updated : 2026-10-14 Read more