Share

LIGTAS

Noah Oliver

"Please open the door for me, Love."

Uy! Gastu, ano daw?

"Noah Oliver, pag buksan mo na nga ako ng pinto. Ginawa ko na nga yung gusto mo eh. Ano pa ba gusto mo?" Reklamo niya.

Paulit ulit―de joke!

Agad kong binuksan ang pinto.

"Sorry na culture shock lang. Pasok~" Magiliw na sabi ko at ibinuka ng malaki ang pinto para makapasok siya.

Mabilisan ko namang pinindot ang stop button ng audio recorder ko.

Hindi ko naman aakalain na gagawin niya talaga. Knowing her, mas pipiliin na lang niya matulog sa labas bago sumunod sa mga pinang-uuto ko sa kanya.

BUT THIS TIME, SHE DID IT!

Rinig na rinig ko dahil medyo malakas pa ang pagkakasabi niya na mas lalong hindi ko pa inaasahan. Kasi ang inaakala ko ay kung sasabihin niya man, kung lang, mga ten percent out of one hundred, sasabihin niya ito ng hindi malakas. Pero mali pala ako ng akala. Maling akala lang pala talaga.

"Nag dinner ka na?" Pag-iibang topic ko.

Tinignan naman niya ako ng masama. "Kaya nga umuwi ako, kasi dito na ako magdi-dinner." Sagot niya, bago ibaba ang shoulder bag sa sofa.

"Ahh, sige kain na tayo." Sagot ko at papunta na sana sa kusina nang mag-salita siya ulit.

"Maglu-luto muna ako saglit. Marunong naman ako tumupad sa usapan." Sagot niya.

Agad akong napa-harap sa kanya.

Nag-maling akala nanaman kasi ako eh.

"I cooked for our dinner already." Saad ko sa kanya na ikinagulat niya.

Oo, halata yung gulat niya eh.

Ako lang to, Arwen.

"Alam kong pagod ka sa gala kaya I cooked already. Since tumupad ka naman sa usapan, fair pa rin naman hindi ba?" Tanong ko sa kanya.

Taka pa rin siyang tumango tango. "Magbibihis muna ako saglit." Ani niya at pumasok sa kwarto niya.

Ang akala ko kasi talaga uuwi siya bago mag six, 'yan ba pa? Ayaw na ayaw niyan na matatalo sa akin. Kaya expected ko na maaga siya uuwi pero mali pala talaga ako.

Habang nagbi-bihis siya sa loob, kumilos na ako para mag-hain ng makakain namin.

Naabutan niya pa ako na naghahain sa sala.

"Ano nakain mo? Nabagok ka ba?" Tanong niya.

Taka akong lumingon sa kanya. "Ha? Bakit naman?" Tanong ko pabalik.

"Weird mo ngayon." Sagot niya.

"Masama bang mag-kusang gawa? Edi 'wag ka kumain." Pagsusungit ko.

Weird, weird pa siyang nalalaman. Buti nga nagkusang gawa eh.

"Oh, ba't ka galit? Nagtatanong lang naman." Sagot niya bago umupo sa sahig.

Kahit may table and chair kami para sa pagkain, natagpuan na lang namin mga sarili naming kumakain sa sala. Nakaupo sa sahig at ginagawang mesa ang maliit na mesa dito sa sala, para maka-nuod ng television.

"Niluto ko favorite ko, hindi ka naman siguro aangal 'di ba?" Tanong ko at umupo na rin.

Umiling siya bago sumandok ng kanin sa pot.

"Hindi naman ako umaangal, pinapangunahan mo kasi ako lagi." Sagot niya.

"Shempre mamaya baka sabihin mo ba't ito niluto ko. Iba pa naman takbo ng isip mo madalas." Panunumbat ko.

Tinignan niya naman ako ng masama bago bumalik sa pagsa-sandok ng kanin. "As long as masarap ka mag-luto, 'di ako magrereklamo sa ulam." Sagot niya na ikinabigla ko nanaman.

"BAKA IKAW YUNG WEIRD SA'TIN! BA'T KA GANYAN?" Nagh-hysterical na sagot ko. "May nakain ka ba na kung ano ro'n?" Tanong ko pa sa kanya.

Never niya akong sinabihan na masarap ang luto ko. Although kahit sinabi niyang masarap ako mag-luto indirectly pero shempre first time to! First time after three year na mag kasama kami!

Hinampas niya na ako ng sandok. "Ang dami mong sinasabi, kumain ka na lang!" Sigaw niya at galit na ibinigay sa akin yung sandok.

Siya na nga nang hampas, siya pa galit?

Crazy Arwen.

Tahimik na kaming kumain katapos namin mag sagutan. Baka mamaya yung plato niya na ang sunod na ihahampas niya sa akin.

"Kamusta naman gala niyo?" Tanong ko pagka-tapos ko uminom.

"Ayos naman." Tipid na sagot niya, bago ulit kumain.

"Hindi ka naman sumemplang 'no? Wala ba kayong video na sumemplang ka? Gagawin ko sanang pampalubag loob sa t'wing malungkot ako." Pang-aasar ko, kaya agad niya akong inambahan ng hampas pero hindi niya na lang tinuloy.

"Na-enjoy mo naman siguro ano? Na-late ka pa ng one minute eh." Ani ko sa kanya.

Bigla niya namang binaba yung kubyertos at hinarap ako.

"Alam mo ba kanina, habang nag s-skate kami, may bumabangga ng bumabangga kay Belle. Yun pala gusto raw makipag-kaibigan sa amin at niyayaya pa kami mag lunch with them." Kwento niyang may bahid pa ng inis.

First time nanaman to ulit.

Hanggang short talks lang kasi kami lagi nito, tapos magku-kwento sa akin bigla? 'Kala nito friend na kami agad?

Crazy Arwen talaga.

"Mga lalaki? Ilan?" Tanong ko na lang, ini-entertain ang kwento baka mag tampo pa.

"Apat din, tapos sabi pa nung lalaki kilala niya kami. Na sa Stratford kami nag-aaral, taga kabilang school lang daw sila." Dagdag na kwento niya pa.

"Pero bakit kayo kilala? Ang dami daming students sa Stratford. Nakita niyo na ba sila noon?" Tanong ko.

Umiling naman si Arwen. "Baka sa social media." Sagot niya bago tuluyang bumalik sa pagkain.

Yun na 'yon?

Tapos na agad?

Nag-kwento pa to, bitin naman pala.

"Tapos? Anong ginawa mo?" Tanong ko na lang.

Imposible naman kasi na wala siyang gawin. Hindi ko siya pinalaking gan'on. Joke lang ulit.

Hindi kasi 'to papayag na hindi siya papatol eh.

"Hinubad ko yung skate shoes, sabi ko 'pag lumapit pa siya sa amin ihahagis ko talaga sa kanya 'yon. Buti nakinig, dahil ibabato ko na talaga sa kanya yung skate shoes dahil naiirita na ako sa kanila." Casual na sagot niya.

Muntik pa ako magkaroon ng asawa'ng may kaso.

Buti na lang umalis na agad yung lalaki, mabuti at pinili niyang iligtas ang buhay niya, dahil kung hindi baka sa hospital na ulit sila magkikita ni Arwen o malamang sa malamang, sa prisinto.

'Pag sinabi niya pa naman, gagawin niya. Based on my own experience for three years. Expert na ako sa wording at actions nitong si Arwen.

"Ay, oo nga pala. Tumawag pala sa akin si Kuya Atticus. Sabi niya family dinner daw tayo next week, Sunday." Paalala ko sa kanya. "Hindi ka ata ma-contact kanina, kaya sa akin na lang sinabi. Sabi ko nasa mall ka with your friends." Paliwanag ko pa.

Tumango tango naman siya.

May gusto pa sana akong itanong eh, kaso natatakot naman ako sa gagawin niya. Baka mamaya tuluyan akong patayin. Pero curious ako eh, bahala na!

"Bakit mo nga pala ginawa yung sinabi ko kanina. Ayaw mo na ulit matulog sa labas?" Tanong ko.

One time kasi, umuwi rin siyang late. Ni-lock ko ang pinto at sinasangga para kahit mabuksan niya, hindi pa rin siya makaka-pasok. Sabi ko sa kanya noon 'Sabihin mo muna, 'sorry master, 'di na mauulit', pero hindi niya ginawa at mas pinili na lang na manahimik at matulog sa labas ng pinto. Laughtrip talaga yung araw na 'yon.

Kaya nga hindi ko inaasahan na gano'n gagawin niya.

May masamang umihip ata sa utak ng babaeng 'to.

"Kasi mas gusto kong matulog sa loob kaysa sa labas." Pgda-dahilan niya.

'Bakit malakas? Hindi ka ba shy type na baka crush mo na talaga ako?'

Gusto ko pa sana itanong kaso natatakot naman ako.

"Nilakasan ko na pagkakasbai, kasi baka mamaya ipaulit mo nanaman tapos sasabihin mo hindi mo narinig.

Ay advance naman pala mag-isip.

"Defensive agad? 'Di ko pa nga tinatanong. 'Di naman ako magagalit pag umamin ka nang crush mo ako." Lakas loob na pang-aasar ko.

Agad niya naman akong sinipa na hindi ko naman naiwasan dahil hindi ko nakita ang attack sa ilalim.

Napahawak ako sa sakit sa sinipa niya.

"Are you a horse? It damn hurts!" Reklamo ko habang hinihimas himas yung sinipa niya.

Tumayo na lang siya at kinuha ang pinagkainan papuntang kitchen.

"Sakit. Parang kabayo manipa." Mahinang reklamo ko at dinadamdam pa rin ang sinipa niya.

Galit na galit sumipa.

Kinabukasan, paggising ko late na pala ako. Hindi man lang ako ginising ni Arwen at nauna na talagang pumasok.

'Di talaga masarap ka-bonding si Arwen.

Sana pala hindi ko na lang siya pinagbuksan ng  pinto kagabi.

Mabilis akong tumakbo pagbaba ko sa taxi. Akala ko naman late na late na ako pero bakit ang daming tao sa labas? Wala pa bang mga prof?

"Uy, pare! You are late. Good thing walang prof." Bungad nito sa akin nang makita ko siya sa corridor, kausap yung taga kabilang section na chicks, paglaki manok.

Tumango na lang ako at pumasok sa room para ilapag ang gamit ko. Pagkatapos ay tumakbo na ako palabas para pumasok naman sa kabilang kwarto.

"Ikaw ha!" Sigaw ko pagpasok at tinuro-turo si Arwen.

"Ano nanamang trip mo sa buhay, Noah Oliver?" Tanong niya at banggit banggit pa ang buong first name ko.

'Ba't hindi mo ako ginising?'

'Yan lang naman gusto ko itanong. Ikaw pa naman morning clock ko.

"Trip kong asarin ka habang buhay." Sagot ko.

"Oh my gosh. Look mo to Keziah, they messaged me pala on my i* kanina." Sabi ni Belle at pinakita ang phone kay Arwen.

Sinipat naman ni Arwen yung phone ni Belle at pinindot ang block button.

Pala-desisyon po si Arwen, opo.

Crazy Arwen.

"Sakin din." Sabi pa ni Macy at pinakita rin ang phone kay Arwen at ganun din ang ginawa, auto block.

"I blocked them already. I think they all messaged us." Dagdag na komento ni Hazel.

Kinalabit ko naman si Arwen. "Ano? Nag message rin sayo? Tingin naman." Sabi ko sa kanya.

"Aba malay ko, pwede bang bumalik ka na sa room niyo at dito ka nanaman tumatambay?!" Inis na sita niya sa akin pero hindi ko na siya pinansin.

Nilahad ko palad ko sa kanya. "Alis ako katapos mo ipakita message nila sayo." Sagot ko.

She sighed deeply before handing me her phone. "Lumayas ka na rito katapos." Maiksing sagot niya.

Agad ko namang binuksan ang phone niya at dumayo agad sa chat messages. Pinindot ko yung message request at nakita ang mga chat ng mga hayop.

"Hi, sorry if we made you uncomfortable yesterday. I hope we can be friends."

"The lunch treat is still up, do not hesitate to message me back if you change your mind."

Basa ko sa chat nung guy na mukha bisugo.

Sorry not sorry, mas gwapo asawa niya kaysa sayo.

Inayos ko ang buhok ko at itinaas ng kaunti ang phone para sa angle, bago pinindot ang video button.

"Hi, sorry this is her love of her life. You are making me uncomfortable too. The lunch treat is not up, do not hesitate to message me back. So change your mind." Ani ko bago i-end ang video at hit send sa bisugo bago ibalik ang phone ni Arwen. "Remember this, I saved you from perverts." Saad ko sa kanya.

"Thanks." Sarcastic na sagot niya pabalik sa akin.

Wala talaga 'tong kabaitang taglay sa'kin.

"Wait! How did you know her passcode?" Tanong ni Macy sa akin.

Shit. Paano nga ba?

Inaantay nila akong mag-reply.

Isip, Noah.

" I saw her thrice before. Sorry my hawk eyes can't escape anything." Pagmamayabang ko kahit hindi naman totoo.

Sinabi niya kasi sa akin noon eh, malay ko bang 'yon pa rin.

"Wait pa ulit!" Sita sa akin ni Macy. Napatigil naman ako at nilingon siya. She pointed at my chest. Agad kong tinakip ang kamay ko sa katawan ko. "No, I am not a pervert ha. I think I saw that ring before somewhere else." Dagdag niya at tinignan ang ring na ginawa kong pendant.

Mabilis kong sinilip ang kamay ni Arwen kung suot niya ba dahil baka mabuko kami.

"This is unique, you won't be able to see this everywhere." Paliwanag ko. "Baka hawig kami ng design." Dagdag ko.

Buti na lang at hindi suot ni Arwen yung ring niya.

Kung ako ginawa kong pendant, siya naman ay sinuot niya sa middle finger ng right hand niya. Glad she did not wear it!

"Maybe, I think I saw it sa may skating rink. Siguro one them may kahawig ng ring mo, but it's nice ha, don't get me wrong."

"Wala, papaliwanag ka pa!" Pang-aasar ko. "Joke, pero baka nga. Tago ko na nga lang, dami mo napapansin." Biro kong sabi at itinago nga sa loob ng shirt yung pendant.

Nilingon ko naman si Belle. "Ikaw? Kailan mo papansinin si Felix?" Sunod na inasar ko si Belle, dahil crush ni Felix si Belle.

Felix is my friend together with Mico.

"Bakit ako nanaman nakita mo?" Tanong niya sa akin pabalik.

"Hindi ako pinapansin eh." Sagot ko at tinuro si Arwen.

"Ano ka ba, she is in pain kaya." Komento ni Hazel.

Napa-lingon naman ako at chineck si Arwen.

"Kaya pa ba today?" Dinaan ko sa asar ang tanong ko.

"Noah, stop. Masakit puson niya baka malintikan ka diyan lalo. Ikaw rin, sinabihan ka na namin." Pagbabanta pa sa akin ni Macy.

Oh, red days.

I know she's hurting.

"I won't tease you for now. I want to fight you fair and square. I don't think of taking your condition as an advantage." I told her. "I will retreat for now. I will go now." Saad ko sa mga kaibigan ni Arwen.

Kaya pala wala sa mood. Kung nasa mood kasi yun, paniguradong hinabol na ako noon habang umuusok ang ilong sa galit. Hanggang sarcastic remarks lang siya ngayon.

I fished out my phone and texted her.

'Arwen, message me if you need anything.'

Sabi ko at tinago ang phone ko.

Bait ko namang asawa. Maalalahanin kahit dragon siya madalas.

Sabagay, pang plus points ko rin to sa langit.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status