Keziah Arwen
"Punta muna ako sa comfort room saglit." Sabi ko sa mga friends ko at tumayo na para tumungo sa comfort room.
Sobrang sakit na talaga ng puson ko. Kapag first day kasi, masakit talaga lagi ang puson ko. Parang minsan gusto ko na lang maging lalaki. Walang problema every month.
"Okay, we will just be here." Macy replied.
"Text us kung you need help." Hazel added.
Tumango ako sa kanila at nag-lakad na paalis.
Pag-pasok ko sa comfort room ay agad akong umihi.
"I forgot to bring an extra pad." Sambit ko sa sarili nang malimutan na mag-dala ng extra.
Nasa cafeteria na ako kanina, pero hindi ko naalala bumili na lang doon.
I fished out my phone para sana i-message sila Macy to ask for help, but I think they are already eating. I do not want to bother them anymore.
Pag open ko ng phone, I saw Noah's message.
'Arwen, message me if you need anything.'
'Yan ang bungad sa notification ko.
Instead of calling the girls, I tap the button to call Noah.
Ilang segundo naman ay sinagot niya agad ang tawag ko.
"Bakit?" Tanong niya agad. "Do you need help?" Dagdag na tanong niya pa.
I do not know if it is right to ask for help from him.
Pero bahala na.
"Pwede mo ba akong tulungan? I forgot to bring an extra pad. I need it now." Sagot ko.
Hindi naman siya sumagot sa kabilang linya.
Sabi ko na nga ba hindi niya ako matutulungan sa ganito.
"Huwag na lang, I will just call my f―"
"I am at your room already." He interrupted. "Saan mo ba nilagay banda?" Tanong niya pabalik.
Naka-hinga naman ako ng maluwag nang tanungin niya ako.
"Sa may red na pouch nakalagay. Nandito ako sa comfort room, malapit sa cafeteria." Sagot ko.
"SIge, sige. Wait mo ako d'yan." Sagot niya bago ibaba ang tawag.
Glad he is nice to me. I do not know kung ano ang nasa isip niya, but I am thankful. We rarely talk this calm and it is very unusual, but I find it good.
Okay naman kasi talaga siya minsan kasama. 'Wag lang mabaliw. Kapag napag-tripan kasi ako, kung anu-ano ang nasa isip at iisa-isahin sa akin. Pero 'pag nasa apartment naman kami, nagkaka-sunod kami when it comes to cooking.
He will listen carefully every time na may bagong recipe ako na ituturo sa kanya. Masarap na rin siya mag-luto, unlike before na unang turo ko. Noon, hindi mo maiintindihan ang lasa pero ngayon na natuto na siya at tulad nga ng sabi niya na 'It is fun', masarap na ang mga luto niya at wala akong reklamo roon.
"Arwen? Are you here?" I heard someone called my name. "Uhh, this is Noah Oliver at your service." Natatawa niyang dagdag.
"I am here. Pang third cubicle." Sagot ko.
Tahimik nanaman ulit, narinig ko na lang ang footsteps na huminto sa tapat ng pinto.
"Here." Sabi niya at inabot mula sa baba yung pad.
"Thank you." Ani ko sa kanya.
"No problem, mura lang delivery fee ko. Wait na lang kita sa labas at baka makita pa ako sa loob ng girl's comfort room." Natatawang sabi niya at narinig ko na ang yapak niya palabas ng comfort room.
Mabilis naman akong nag palit at inasikaso ang sarili bago lumabas. I saw him waiting at the side.
"You good?" Tanong niya.
Ngumiwi na lang ako at umiling. "Masakit pa rin puson ko." Sagot ko.
May binunot naman siya sa bulsa niya at ibinigay ito sa akin. "Here. Use this, put it sa puson mo para mabasawan sakit." Saad niya sa akin.
Taka kong inabot ang warm compress at inilagay sa puson ko. "Saan mo naman 'to nakuha?" Tanong ko sa kanya.
"Shempre pinabili ko kay Felix, bago siya maka-pasok sa school." Sagot niya. "Alam kong ganyan mangyayari sayo. I believe masakit din yung balakang mo at likod mo." Dagdag niya.
Nagulat ako sa sinabi niya.
Paano niya nalaman? I mean, bakit niya alam yung tungkol doon. Hindi ko naman sinasabi sa kanya noon.
"We have been together for years, Arwen. Napapansin ko 'yon. Anong akala mo sa akin bulag?" Sambit niya.
"Minsan." Sagot ko.
"Wow, ikaw na nga tinulungan." Padamdam na sabi niya.
"Anyway, thank you. I appreciated it." Ani ko sa kanya.
"Maliit na bagay. Asan nga pala yung ring mo? Muntik na tayo mahuli kanina, buti na lang hindi mo suot." Saad niya sa akin.
Kanina, nung napansin ni Macy yung about sa password ko sa phone pati na rin yung about sa ring ni Noah, kinabahan ako ng bongga.
Sino ba naman hindi kakabahan. Mabuti na lang talaga at hindi ko suot, muntik pa kaming mahuli at mabuko.
Hindi ko rin alam ang gagawin at sasabihin kung sakali.
Binunot ko naman sa bulsa yung wedding ring namin at ipinakita sa kanya.
"Hindi ko suot, pero nasa bulsa ko lang." Paliwanag ko.
Napahawak naman siya dibdib niya at huminga ng maluwag.
"Buti na lang matalino ka talaga." Sabi niya sa akin at pina-pat pa ang balikat ko.
Hindi ko alam kung dapat ba ako matuwa o hindi.
"Huwag mo muna suotin ng ilang linggo. Mahirap na, yung mga kaibigan mo pa naman ang daming napapansin. Nakaka-kaba kasama." Dagdag niyang sabi. "Kumain ka na?" Tanong niya.
Umiling naman ako. "Hindi pa, ikaw ba?" Tanong ko pabalik.
Umiling din siya sa akin. "Kakain pa lang. Sige na, balik ka na sa mga imbestigador mong mga kaibigan at mahuli pa tayo." Saad niya at tumakbo paalis.
Bumalik na nga ako sa pwesto namin.
"Kamusta?" Tanong ni Belle pag-upo ko sa tabi niya. "Binilhan ka na namin ng pagkain oh. Eat ka na." Dagdag niyang sabi.
"Salamat." Ani ko sa kanila.
"Saan mo naman nakuha 'yang warm compress?" Tanong ni Hazel.
"Ahh, kinuha ko na sa bag bago bumalik dito. Sobrang sakit na kasi ng puson ko." Pagsisinungaling ko.
"Sana ginamit mo na yan kanina pa. Nahirapan ka tuloy ng ilang subject saka mo naisipan gamitin." Reklamo tuloy ni Macy sa akin.
Ngumiti na lang ako. "Akala ko kasi kaya ko pa tiisin." Sagot ko at kumain.
"Sa sunod, use it right away. Kaysa naman you are suffering." Pangangaral niya pa sa akin.
"Opo, Nay!" Sagot namin ni Belle at Hazel sa kanya.
"Wow ha! I am too young to be your mother, but since you guys are pretty I will take that as a compliment." Sagot niya pabalik.
After namin mag lunch break ay bumalik na kami sa room. Nadatnan pa namin na nagla-laro sila Noah kasama mga kaklase niya sa corridor at nagla-laro ng basketball, gamit ang trash bin bilang shootan at papel na naka-crumple bilang bola.
Inantay namin sila matapos para makadaan kami pero mukhang hindi naman sila tumitigil.
"Excuse, padaan." Saad ko sa kanila.
Tumigil naman ang iba niyang kaklase pero sila ni Felix at Mico, hindi tumitigil sa pag-aagawan sa bola.
Sinubukan ko ng mag-lakad dahil may maliit naman na space para makadaan kami, pero baliw ata talaga nanaman 'tong si Noah at hinarangan ako.
"Umikot! Step back at shinoot ang bolaaaa, PASOK!" Sigaw niya matapos nga i-shoot ang crumpled paper sa trash bin.
"Padaan." Sabi ko sa kanya.
Pinantayan naman niya ako at inilapit ang tenga sa akin. "Hindi kita marinig, ang liit mo kasi. Ay sorry, truth hurts. Honesty is the best policy." Saad niya sa akin, kaya agad kong hinila ang tenga niya at piningot. "Ahh! Masakit, masakit! Ayaw ko na!" Reklamo niya.
"Honesty is the best ka pang nalalaman ah!" Sigaw ko sa kanya at mas piningot siya ng malakas.
"Sorry na, master! Hindi na po mauulit." Pagmamakaawa niya kaya binitawan ko na ang tenga niyang namumula. "Sakit naman no'n. Hindi ako ready." Ngusong sabi niya sa akin.
Tinaasan ko siya ng kilay. "Eh kung pinadaan mo kami kanina pa, edi sana hindi na 'to nangyari sayo. Sino may sala?" Tanong ko pabalik sa kanya.
"Ako po. Ma'am, yes Ma'am!" Sagot niya na para bang nasa militar siya at naka-saludo pa sa harap ko.
Kinurot ko siya ulit sa tagiliran.
"Kahit kailan, hindi mo talaga ko tinitigilan. Saglit ka lang tumitino." Saad ko sa kanya.
"Baka 'pag tumino ako sa 'yo, main-love ka pa sa akin." Pang-aasar niya.
Nakatanggap naman kami ng pang-aasar mula sa mga classmates niya na naka-tingin pala sa amin.
"Aminin niyo na kasi, hindi naman kami magagalit!" Dagdag na pang-asar ni Mico.
"Oo nga eh. Diyan nag-simula lolo at lola ko, kaya nakagawa ng basketball team!" Tawang dagdag pa ni Felix.
Hinarap ko naman sila at akmang kukurutin pero tinaas na nila ang kamay nila.
"Sorry po, joke lang." Tawang hilaw ni Felix sa akin.
"Oo nga. Joke joke lang naman eh." Segunda pa ni Mico.
"Ano ba kayo. 'Wag niyo nga siyang asarin. Mamaya umamin tuloy." Pang-aasar nanaman ni Noah sa akin.
Tinignan ko siya ng masama bago magpa-tuloy sa paglalakad papunta sa room namin.
Humanda ka sa akin mamaya sa bahay Noah Oliver.
Tatanggalan kita ng laman sa kurot ko. Akala mo ha.
"Hindi talaga kayo titigilan ng grupo ni Noah." Natatawang sabi ni Hazel.
"Bakit kasi hindi mo pinapansin si Felix, ha Belle?" Tanong ni Macy.
"Eh sa ayaw ko eh. Hindi ko siya type." Sagot ni Belle kay Macy.
Matagal-tagal na rin kasing kinukulit ni Felix si Belle. Dinadaan ni Felix si Belle sa asar, pero hindi naman siya pinapansin.
"Yung grupo ni Noah, magagaling mang-asar baka dinadaan lang kayo sa asar pero like naman talaga ko for real." Saad ni Hazel kaya agad kaming napatingin ni Belle sa kanya.
"Huwag ka ngang ganiyan!" Saway ko sa kanya na ikinatawa niya naman.
"Oh, bakit ka galit agad? Nagsasabi lang naman." Paliwanag niya.
"Hindi ganito ang bonding, Hazel. It's a no for me." Segunda ni Belle.
Hindi ko na lang ito sinagot pa at dinukdok na lang ang sarili sa mesa. Hindi ko na nga nararamdaman na masakit ang puson ko, pero yung likod ko naman ang masakit.
Ihihiga ko na lang talaga 'to after class.
Pagtapos ng klase ay agad akong nag-paalam kina Macy, Hazel, at Belle na mauuna nang umuwi para makapag-pahinga sa bahay.
"Mag-iingat ka. Rest well." Ani ni Belle.
"Message mo na lang kami kung naka-uwi ka na sa bahay niyo." Dagdag ni Macy.
Tumango naman ako sa kanila bago pumasok sa taxi.
Bago ko pa maisara ang pinto ay may bumukas naman nito at pumasok agad agad.
"Tara na po! Bye girls! Ingat kayo sa pag uwi." Saad niya pa. "Tara na po, Kuya. Alis na ho tayo." Dagdag niya pa bago tuluyang umalis yung sinasakyan namin.
Agad ko siyang hinampas.
"Siraulo ka. Akala ko kung ano nang nangyari!" Inis na sabi ko sa kanya.
Natawa naman siya sa akin. "Nagulat ka ba? Ako lang 'to, Arwen." Sagot niya. "Kamusta puson?" Tano niya naman sa akin pagkatapos.
May saltik ba to sa ulo?
Kanina mabait, tinulungan ako. Matapos akong asarin kanina, ngayon naman mabait nanaman siya.
Nabagok ba ulo nito?
"Sabihin mo nga sa akin, tumitira ka ba ng bawal na gamot?" Tanong ko sa kanya.
Gulat naman siya at winagayway ang kamay sa akin. "Ay grabe ka naman sa akin, Arwen!" Sigaw niya sa akin. "Kahit kailan hindi ko 'yan naisip gawin no." Dagdag niyang sabi bago bumaling sa taxi driver. "Kuya, hindi po ako gumagamit ng kahit anong illegal drugs ha? Do not get me wrong." Paliwanag niya pa kay Kuya.
"Eh kasi para kang baliw. Mabait ka, tapos mang-aasar ka bigla. Tapos ngayon, tunog mabait ka nanaman. Para kang baliw." Sagot ko sa kanya.
"Bakit? Masama bang maging concerned sayo? Eh nag-aalala ako eh. Bawal ba mang-asar tapos mag-alala pagkatapos?" Tanong niya sa akin pabalik. "Hindi ba okay lang naman 'yon, Kuya?" Tanong niya pa sa driver.
Nakita ko namang tumango si Kuyang driver mula sa rear view mirror.
Humingi pa talaga siya ng tulong.
"Oho, Ma'am. Normal lang ho iyan sa mag kasintahan." Sabi pa ni Kuya.
"Tama ka diyan Kuya, apir tayo." Ani naman ni Noah at nagawa pang makipag-apir sa driver.
Hindi ko na lang sila pinansin. Samantalang busy naman siya makinig sa mga payong pang mag-asawa mula kay Kuya.
"Maraming salamat po, Kuya. Sana kayo ulit masakyan ko sa susunod, inuman din tayo minsan." Sabi pa ni Noah matapos namin madating ang apartment.
"Salamat rin ho, Sir at Ma'am. Mauuna na ho ako." Saad nito at umalis na.
Tahimik kaming pumasok sa apartment.
"Change ka na muna. I will just order for our food na lang." Saad niya sa akin.
Tumango na lang ako at dumiretso na sa kwarto ko upang mag bihis.
Hihiga pa sana ako nang tawagin niya naman ako para lumabas daw.
"Wala pa naman yung pagkain ah?" Tanong ko sa kanya.
"Oo nga, pero dito ka na muna. Higa ka rito." Sagot niya at pina-pat ang couch.
Taka ko siyang tinignan.
HInila niya na ako paupo sa couch. "Taob ka na lang." Sabi niya pa at pilit akong pinahiga ng naka-taob.
Magtatanong pa sana ako nang bigla niyang itaas ang damit ko sa likod.
"WALANG HIYA KA!"
Noah Oliver"WALANG HIYA KA!"Tinadyakan niya ako patalikod. Kaya nahulog ako mula sa pinagkakaupuan ko.Aba eh, sipain ka ba naman."KABAYO KA BA?!" Sigaw ko sa kanya pabalik.Sinigawan niya ako, edi sisigawan ko rin siya para it's a tie."A-anong ginawa mo?" Utal niyang tanong sa akin matapos umupo ng maayos.Tumayo naman ako sa pagkaka-sipa niya sa akin.Ako na nga concern, ako pa ata mababalian ng buto."I was trying to help you." Sagot
Noah Oliver"Arwen, let's go na. Diyan ka na lang ba magdi-dinner sa loob ng kwarto mo? Sabihin mo para mauna na ako." Tawag ko sa kanya mula sa labas.Kanina pa siya natapos maligo, nauna pa nga siya sa akin maligo pero anong oras na hindi pa rin siya tapos mag-ayos."Kahit mag pang bahay ka na lang, kung gusto mo? Wala ka na bang mapiling damit na maisusuot?" Tanong ko pa sa kanya.I am currently wearing semi-formal attire. Since lagi naman ganito ang porma namin every family dinner.Magsa-salita pa sana ako nang buksan niya na yung pinto.She is wearing a white simple dress with a small floral print. Her hair was also styled, and she wore white doll shoes."Ano? Diyan ka na lang ba, hindi mo na ako papalabasin?" Masungit na tanong niya sa akin.Binigyan ko naman siya agad ng daan para maka-daan. Sungit naman."You are pretty." Komento ko sa kanya. "Para sa akin ba 'yan?" Tanong ko.Sinamaan niya naman agad ako
Keziah Arwen Napa-tigil ako sa panunuod ng may kumatok sa pinto ng kwarto ko. "Keziah Arwen, this is Kuya. Could you open your door for me?" I heard Kuya Arlo say it from the outside. Tumayo ako para pag buksan ng pinto sina Kuya Arlo. Pag bukas ko naman ng pinto ay sumalubong sa akin sina Kuya Arlo, Kuya Atticus, pati na rin si Noah Oliver na naka-akbay kina Kuya. "There, she is my wife." Sabi ni Noah nang dumako sa akin ang paningin niya. "Kuya Arlo, she is my wife. What is your name again?" Tanong niya pa sa akin. Hindi sana ako sasagot, pero lumapit siya sa akin at mahigpit akong niyakap. "Love." Sambit niya at bumitaw na sa pagkakayakap bago bumaling kina Kuya. "This is love, my wife po. Ganda niya po hindi ba?" Tanong niya pa sa kanila. Natatawa namang tumango sina Kuya kay Noah na kung anu-ano ang mga sinasabi. "Madami po ba ininom niyo?" Tanong ko sa kanila. Napa-kamot naman sina Kuya sa ak
SunnyNagising ako sa tunog ng aking alarm.Agad naman akong bumangon at nilingon ang natutulog na si Noah sa sofa.Tumayo ako at binitbit ang phone ko na tumutunog pa rin dahil sa alarm. Itinapat ko ang phone ko sa tenga niya. Ni hindi nga siya gumalaw at hindi kumibo sa tunog ng cellphone ko."Noah Oliver, wake up. Uuwi pa tayo sa bahay." Saad ko sa kanya at mahina siyang tinapik. "Noah, gising na. May pasok pa." Panggi-gising ko sa kanya."Arwen, antok pa ako." Sagot niya. "Pwede bang hindi muna tayo pumasok?" Sunod na tanong niya sa akin."Bahala ka. Mauuna na akong umuwi, kung ayaw mo pumasok dito ka na lang muna. Lumipat ka doon sa higaan." Saad ko sa kanya."Sige..." Sagot niya at tumayo sa pagkakahiga. "Sakit ulo ko." Sumbong niya pa sa akin."Sino ba kasi nag-sabi na uminom ka ng madami?" Tanong ko pabalik sa kanya.Dahan dahan naman siyang bumangon, inalalayan ko siya papunta sa kama ko."Sakit ulo ko, A
Keziah Arwen "Where is that idiot?!" Inis na tanong ko nang makadating ako sa room nila. Inilibot ko ang mata ko at pilit na hinahanap si Noah. "Mico, where is he?" Kalma ko na tanong sa kanya nang makalapit ako sa kinauupuan niya. "I know, you know, where is he now. Tell me or malalagot ka rin sa akin." Banta ko sa kanya. Agad naman siyang umiling sa akin. "Hindi ko alam. Promise." Sagot niya sa akin. "Kanina pa siya wala rito sa room. Simula nung break, lumabas na siya." Dagdag na paliwanag niya sa akin. "Involved ka ba sa plano na 'to?" Tanong kong muli sa kanya at ipinakita ang isang half-sized paper. "Umamin ka na sa akin ngayon din, dahil 'pag hindi ako nakatiis makakatikim ka na rin sa akin." Inis na pagbabanta ko. Umiling nanaman siya sa akin. "Uy, hindi ah. Wala akong alam d'yan. As in!" Depensa niya sa sarili. "Kung meron man, sa tingin mo ba uupo pa ako rito sa room kung alam ko namang pupunta ka rito para sugurin kami?" Tan
Keziah "Kuya Atticus will fetch me after school. I cannot go with you guys today." Saad ko kina Belle. "Really? Are you guys will bond ba?" Tanong ni Macy. Tumango na lang ako para hindi na sila mag-tanong pa, dahil puro kasinungalingan lang naman ang lalabas sa bibig ko. "How about Noah?" Sunod na tanong naman ni Hazel sa akin. Agad ko naman siyang nilingon. "H-ha? What about him ba?" Pagkukunwari ko. Kung may best in acting awards lang dito, siguro naka-tatlo na ako. Hasang hasa na acting skills at kasinungalingan ko sa kanila. I hope hindi sila magalit sa akin. They are the only friends I have. "He is weird. Hindi mo ba napapansin?" Tanong niyang muli sa akin. Kinunot ko naman ang noo ko na para bang wala akong ideya sa sinasabi niya. "Yung pagiging tahimik niya ba these days?" Tanong ko, dahil tahimik naman talaga siya nitong nagdaang araw. Tumango naman sa akin si Hazel. "Oo nga no? Ilang araw na si
Keziah Arwen "Can you just move and give me some space?" Rinig kong sabi ni Noah at pilit na nilalakihan ang space sa kama. "Ayaw ko! Bakit ka ba nakiki-siksik sa kama ko, go back to the couch!" Naiinis kong sambit sa kanya. "No! I want to lie here. I have been laying in that small couch for days already! Just give me some space, will you?" Sagot niya sa akin. "Malaki ang bed mo and it can accommodate two to three people. Why are you taking the entire space?" Naiirita niya ng tanong sa akin. "Sino ba kasi nag sabi na rumito ka sa amin? May apartment pero nandito ka. Doon ka sa guest room kung gusto mo, why do you have to squeeze yourself into my room? You are invading my privacy already, pero hindi ako nag reklamo. Ngayon, I think it is too much." Reklamo ko sa kanya. Naiinis na siyang bumangon sa pagkakahiga. "Ilang araw na kitang niyayaya umuwi sa bahay, ayaw mo. Lagi kitang tinatanong na kung kailan tayo uuwi, sabi mo hindi mo pa alam. Kaya
Noah Oliver"Hindi naman siguro kayo nag-away habang naglu-luto ako nang breakfast 'no?" Tanong ni Kuya Atticus nang bumalik na siya sa sala, dala dala ang niluto niyang pang-umagahan.Mabilis naman akong umiling. "Hindi Kuya, nag-usap na kami. In a calm way. Walang halong death threats at violence, hindi ba?" Tanong ko pa kay Arwen na sinagot naman niya ng tango."Opo, Kuya. Nag-usap na rin kami. We apologized to each other na rin po." Ani nito sa Kuya niya.Agad naman na ngumiti si Kuya Atticus.Shempre, hindi naman sana ako mananakit kung hindi dahil kay Arwen at alam niyang kasalanan niya rin naman in the first place.At alam kong masama ang manakit ng babae pero ibang usapan ang amin. Nagtataka na nga rin ako kung babae ba talaga yung pinakasalan ko. Kasi malay niyo, mukhang babae pero hindi naman pala talaga. May tinatagong lakas eh. Yung sipa pa lang kanina, parang kabayo ang impact. Kaya nung sinabunutan na ako, gumanti na ako. Sino