Share

GIRL'S DATE

Keziah Arwen

"Oh my gosh, Keziah Arwen! You took so long." Komento ni Macy nang makadating ako sa meeting place namin.

Umupo naman ako sa bakanteng upuan. "Traffic eh. Kaya natagalan pa ako, may inasikaso pa ako sa bahay saglit." Paliwanag ko.

"Is it about your Kuya Arlo and Atticus ba?" Hazel asked. "How are they pala?" Dagdag na tanong niya pa sa akin.

Ang alam kasi nila ay nakatira pa rin ako kila Kuya Arlo at Kuya Atticus, kung saan talaga kami nakatira. Hindi nila alam na nakatira na ako sa isang apartment at kasama sa iisang bahay si Noah Oliver de buang.

"Ah hindi naman, may inasikaso lang sa bahay para mag-tanggal ng peste." Sagot ko.

Sa sobrang inis ko at gusto kunin pabalik ang notebook mula kay Noah, hindi ko na namalayan ang position namin. Kung hindi niya pa sinabi, hindi ko pa mapapansin.

Nakakahiya talaga!

Hindi ko tuloy alam ano gagawin kanina para makuha yung underwear na naisama ko mahagis!

Nung bumalik pa ako para kunin, nilagay niya na sa table yung underwear ko at mukhang inilagay niya pa roon ng maayos para lalo akong asarin.

Nakaka-gigil talaga siya kanina pero hindi ko na lalo pinansin dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko at kukuha na ako ng kawali para iyon ang ihahagis o ihahampas ko sa kanya.

"Pero ayos naman sila. Medyo busy lang sila sa kanya kanya nilang trabaho." Dagdag na sabi ko patungkol naman sa kondisyon nila Kuya.

Ang balita ko kasi ay may malaki silang project na inaasikaso, kaya ay hindi na kami ganoon magka-usap at mag-kita. Once or twice a month naglalaan sila ng time para makapag-bond kami, pero  dahil nga sa busy sila hindi pa kami nagkikita ngayong buwan.

Naiintindihan ko naman dahil parehas silang nagta-trabaho at mas pinalalawak ang company.

Since hindi pa rin graduate si Noah, ang daddy niya muna ang isa sa naghahandle ng company nila. Inaantay din nilang maka-graduate na si Noah, para naman daw ay matutunan na nito ang gagawin sa company at siya na ang mag-handle sa kumpanya.

Malapit na rin kasi mag-retire ang daddy ni Noah at nag-iisa lang siyang anak.

Matapos kong mag-pahinga ng ilang minuto ay pumunta na kami agad sa ice skating. Bumili na rin kami ng ticket via online dahil may promo and mas makakamura kami.

We availed the ticket for two hours only.

"Huwag kayong lalayo sa akin ha? Mamaya ma-semplang ako. I do not want to be embarrassed alone." Ani ni Belle habang nagsu-suot pa kami ng gears.

"Pag tinawanan ka tignan mo ng masama." suggestion ko. "O kaya naman 'wag mo na lang pansinin. Pag pinag-tripan kayo, hubadin niyo skate shoes tapos ihampas niyo sa kanila." Dagdag ko.

"Why are you like that?" May paiyak-iyak pang tanong sa akin ni Macy. "Madalas na lumalabas sa bibig mo murderous eh." Dagdag pa niya.

"Nakasanayan na kasi kay Noah. Ayan hanggang outside dala dala niya agressive thinking skills." Natatawang sabi ni Hazel sa akin.

"Uy, baka mamaya ma-inlove na kayo sa isa't-isa." Komento pa ni Belle.

"O kaya mamaya sila na pala talaga." Pang-aasar din ni Macy sa akin.

Sus, mag-asawa na nga kami. Late na kayo sa balita.

"Gusto niyo sa inyo ko na lang isa-sample ang pag hampas ng skate shoes?" Tanong ko sa kanila kaya tumayo na lang sila para pumasok  na sa loob.

Dahan dahan kaming pumasok sa loob ng skating rink. Medyo madami dami rin ang tao dahil nga trend ito ngayon sa social media.

"Omg!" Biglang sigaw ni Macy nang muntik na siya madulas.

Mahigpit siyang kumapit kay Hazel at Belle.

We fished out our phones and took selfies before we decided to start learning on how to skate.

After half an hour of trying, natuto na kami mag balance at mag skate kahit papaano. Nakaka-move na rin kami nang hindi dikit-dikit o hawak kamay.

"Look at me! I can skate on my own now!" Macy said excitedly.

Tinutok ko sa kanya ang phone ko. I am currently taking a short video clips, of us skating. This is our first skating experience and so far I love it!

"Hey, Noah commented on my stories and said tell my Love to take care. Guys mi*ht come to her and tell her to shoo them all away." Hazel said habang binabasa niya yung reply ni Noah Oliver sa i* stories niya. "Kahit nasaan ka or siya, he would not definitely let you off." Tawang sabi niya pa.

"Sabihin mo mamatay na siya." Komento ko pabalik.

Hindi talaga niya ako titigilan kahit saan ako mag punta. Dapat pala ni-lock ko yung pinto sa labas para hindi siya maka-labas kahit anong gawin niya.

Pabalik na sana ako mag skate pero nag-salita nanaman si Hazel. "Ayaw ka raw niya maging widower." Natatawa niya pang sabi.

Siraulo.

"Huwag mo na nga siya pansinin pa. Wala na nga siya dito nagagawa niya pa ring sirain araw ko." Inis na sabi ko. "Pag nag reply ka pa sa kanya, I am going to get your phone." Dagdag na warning ko kay Hazel.

"Ouch!"

Agad naman kaming napalingon para tignan kung sino 'yon and it was Belle.

"Sorry, sorry. I did not saw you." Sabi nung lalaki.

I can see the other guys laughing at us.

"Sorry? You have been trying to bump to me a while ago. 'kala mo ba hindi ko napapansin? I am not an idiot no!" Reklamo ni Belle sa lalaki.

Lumapit ako sa kanila at inilayo si Belle sa lalaki.

"Stay out." Banta ko sa kanya. "You are making her uncomfortable." I added.

"I just want to make friends. I have my friends with me, you guys might want to hang out." Sagot niya.

"Well, sorry but not interested at all." Sagot ko pabalik at hinila na si Belle. "Let's move away from them." Dagdag ko.

Lumayo na nga kami sa lalaki pero mukhang sinusundan pa rin nila kami.

"They are getting creepy na ha? I know we are pretty sexy ladies but they can't do this to us 'no." Saad ni Macy.

"Let's go out na?" Hazel asked.

"Let's just stay for another five minutes. Matatapos na rin naman time natin." Belle added.

Instead of skating, we took more photos and also took individual photos to upload on our socmeds later.

After that, napagpasiyahan na namin na umalis. Bago pa man kami maka-alis ay may huminto sa harap namin.

"Ahh, hi! Maybe you would like to have a lunch with us?" Tanong ng isang lalaki, friend nung isang lalaki na bumangga kay Belle kanina.

"Anong year level niyo na ba at hindi niyo maintindihan ang no at stay out sa sinabi ko?" Sarkastikong tanong ko.

Mabilis niyang kinukumpas ang kamay niya. "No, we knew you guys are from Stratford. Malapit lang kami sa inyo, we thought we could hang out." Paliwanag pa niya.

Agad ko siyang tinaasan ng kilay. "And so what? Ayaw namin. Mahirap ba 'yon intindihin? You guys are making us uncomfortable already." Sagot ko naman pabalik. "Kung ayaw mo umalis sa harapan ko..." Hinubad ko yung skate shoes. "Ihahampas ko 'to sa'yo. In one... two..."

"Okay, okay. Sheez." Pag suko niya at bumalik na sa mga friends niyang may sira din ang ulo.

Tuluyan na kaming lumabas at dumiretso sa Starbs to eat lunch.

"Grabe ha, nakakatakot yung kanina. Nagtatanong kung gusto makipag-lunch with them pero sunod ng sunod. Buntot kayo boys?" Natatawang komento ni Macy habang kumakain ng potato gratin with ham and bacon.

"Hindi ako makikipag-bonding sa mga ganung guys. Scary." Sabi pa ni Belle after uminom ng sparkling water.

"Try this pink juice, it's good." Ani ni Hazel at inabot sa akin ang bottled juice.

Agad ko namang tinikman and she is right masarap nga 'to.

"It's good nga." Sagot ko sa kanya at ibinalik ang bottled juice niya.

"Noah's creative pink juice." Natatawang sabi ni Hazel.

Agad ko siyang tinignan ng masama. "Hindi mo talaga ako tinitigilan kay Noah 'no?" Tanong ko sa kanya.

"Actually, you guys look cute kasi. I can't help but to ship the two of you." Paliwanag niya sa akin.

Nakita ko naman ang pag tango ng dalawa sa akin. Sumasang ayon sa sinasabi ni Hazel.

"Hindi ba childhood pa lang magka-kilala na kayo?" Belle asked.

"And?" Tanong ko pabalik.

"Magka-away na kayo noon pa lang?" Tanong niyang muli.

I nodded. "Oo, magka-away na kami from the moment na nakita niya na ako." Sagot ko. "Hindi ko malilimutan yung ginawa niya sa akin noon. Unang una pa lang na pagkikita namin sa party, hinagisan niya ako ng frog!" Kwento ko.

Sa sobrang takot ko dahil nasa balikat ko siya at mukhang ayaw niya umalis. Humingi ako ng tulong kay Noah para paalisin yung frog pero anong ginawa niya? Tinawanan niya lang ako lalo kahit naiiyak na ako sa kinatatayuan ko.

"He did that?" Natatawang sabi nila sa akin.

"Oo! Sinong matutuwa roon? Hahagisan ka ng frog bigla bigla tapos instead of saying sorry or helping me, lalo niya akong tinatakot sa frog." Dagdag na kwento ko.

After that, ang akala ko hindi na kami magkikita. Sinumbong ko nga rin siya kila Kuya kaya pinagalitan pa siya noon. Pero after the party, my lolo invited their family to have a dinner in our house.

Walang kaso sa akin 'yon. Sino ba namana ko para magalit sa lolo ko at sabihin na bakit inimbitahan sila na mag dinner sa bahay, hindi ba?

Buong oras na yun inasar niya lang ako ng inasar. Hindi ko ba alam bakit niya akong gustong gusto na asarin pero dahil sa inis ko sinasaktan ko talaga siya ng pisikal.

Ilang buwan yung ganoong set up. Evey month iniimbitahan ni lolo ang family ni Noah Oliver sa bahay at ganoon rin ang family nila Noah. Tapos nung dumating yung birthday niya, doon nila sinabi sa akin na ikakasal kami 'pag nasa legal age na ako.

Grabe talaga iyak ko after ng birthday ni Noah. Sinabi ko kila lolo at lola na gusto ko maging katulad kina Mom and Dad na mahanap yung taong totoong mahal ka. Pero hindi ko pa rin naipagtanggol sarili ko kasi ngayon nga ay kasal na kami.

Inisip ko na lang na kung hindi ngayon, maybe sa sunod ayos na.

After namin kumain ay nag shopping pa kami at humanap ng useful na magagamit namin aside sa mga clothes.

I also bought some books to read para kapag weekend ay may magagawa ako sa bahay.

"Malapit na pala mag six pm."

Agad akong napalingon kay Macy.

"What? mag-si-six na?" Pag uulit na tanong ko at mabilis na kinuha ang phone ko para tignan yung oras. "Oh gosh! I need to go home already." Panic na sabi ko sa kanila.

"Tell your brothers na dito ka na lang magdi-dinner." Sagot ni Belle sa akin.

"No. It's just I can't. I need to go home as fast as possible." Sagot ko.

"I will call a cab then." Sabi ni Hazel at pumara ng cab. "Is it important?" Tanong niya sa akin.

I nodded. "Sorry, I need to go home." Sabi ko sa kanila.

"Do not worry. After dinner naman ay uuwi na rin kami." Sagot ni Macy sa akin.

"Here's the cab, go na." Saad ni Hazel at binukas ang pinto ng kotse.

"Thank you and I am sorry about this. It's just a fight for death and life. I will probably tell the reason next years, maybe? But not now. I am still not ready. Sorry, girls." I said and headed inside of the cab.

"We got you, sis." Ngiting sabi ni Hazel sa akin. "Ingat ka. Chat us, kung nakauwi ka na ba ng safe." Dagdag niya.

Marahan akong tumayo. "Kayo rin. Una na ako, thank you! I had fun." Paalam ko bago tuluyang umalis.

"Kuya, paki-bilis po ng kaunti sa may Zarsuelo's apartment po tayo." Saad ko sa kuyang driver.

After twenty minutes, nadating ko rin yung apartment. Mabilis akong nag-bayad at tumakbo papasok sa loob.

I even used the stairs para mabilis na makadating sa floor room namin.

I quickly turned the knob but it was not opening.

"You are damn late for a minute, Love. Sorry the door is now closed." Rinig kong sabi niya mula sa loob.

Napatingin ako sa phone ko at late na nga ako ng isang minuto.

"Just open the door, Noah." Pakiusap ko sa kanya.

"Say the password first." Sagot niya naman na ikinataka ko.

"Password?" Tanong ko pabalik.

"Sabihin mo muna 'please open the door for me, Love' dali."

"Are you nuts?!" Sagot ko sa kanya.

"Edi 'wag. Hindi kita papapasukin." Natatawang sagot niya sa akin.

Ilang minuto rin akong nakatayo sa labas ng pinto at sinubukan siyang paulanan ng banta pero mukhang hindi siya natatakot dahil nasa loob siya.

Humanda ka talaga sa akin mamaya.

I guess I have to do it.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status