Share

Chapter 06

Author: AuthorJia
last update Last Updated: 2024-03-04 18:58:46

"Anong nangyari dito?" bungad na sabi ni Quen nang ibigay ko sa kanya 'yung suit coat ni Lucas.

Aksidente iyong nalagayan ng acrylic paint kaya't gano'n na lamang ang reaksyon niya. Hindi naman sobrang lala nung nangyari sa coat ni Lucas, nalagyan lang ng acrylic 'yung dulo ng sleeve pero nakakahiya pa rin lalo na't hiniram ko lang ito sa kanya.

Hindi ko napansin na nalagyan 'yun ng acrylic paint dahil drama queen ako that time, kaya paano ko mapapansin? Busy ako sa pag-iyak, hello.

"Ano... may pag-asa pa bang maalis 'yan?" aniko bago ako mapakagat sa aking ibabang labi.

"Volleyball player ako, hindi painter. Anong alam ko d'yan?"

"Quen naman, e!"

"I'm serious," natatawa nitong sabi. "Hindi basta-basta ang suit nitong si Lucas kaya I'm sure mahal 'to."

Dagdag pa ni Quen habang pinagmamasdan ang kaburaraan ko. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko dahil sa sinabi niya. Sa halip na pagaanin niya ang loob ko, she just made it worse! Kaloka.

"Baka naman makakaya kong bayaran? Ano kayang klasing suit 'yan? Anong brand?" sunod-sunod kong tanong.

Alam kong bakas sa boses ko ang kaba dahil sa mga tanong na lumabas sa aking bibig.

"Baka sakaling sapat 'yung ipon ko..." I added.

Agad na napa-iling si Quen, halatang namomroblema rin sa nagawa ko. Hindi ko naman kasi sinasadya na malagyan ng acrylics paints ang suit coat niya. Tapos iba't ibang kulay pa ang nalagay sa dulo ng sleeve.

Pwede bang kainin na lang ako ng lupa?

Pinaikot-ikot ni Quen ang suit coat, hinahanap ang brand nito.

Pinapanood ko lang siya habang nakakunot ang noo niya habang ginagawa iyon.

"Tang-" Agad kong pinutol ang pagmumura ni Quen nang mabilis kong hablutin iyon sa kanya. Agad kong sinilip iyong papel na nakatahi ron at halos mawalan ako ng dugo nang makita ko ang brand ng suit coat ni Lucas.

"Gucci..." bulong ko.

Agad kong hinagis kay Quen ang coat na iyon bago ko niyakap ang aking mga tuhod at sumubsob doon.

"Hoy, paano 'to, anong plano mo?"

"Sabihin ko na lang kaya na naiwala ko?"

"Paano kung ipahanap niya? Ipagtanong niya? Nakakaawa naman kung ipapahanap mo 'yung bagay na alam mo kung saan nakatago."

"Kumuha ka na lang ng shovel," aniko.

"Shovel? Pala? Aanhin mo ang pala, Nathalia?"

"Simulan mo nang maghukay at ilibing mo na 'ko ng buhay. Wala akong pambayad diyan..." sabi ko sa kanya habang nakasubsob pa rin sa aking mga tuhod.

Paano pa kapag nalaman 'to ni Mama? Siguradong sermon na naman ang matatanggap ko ron. Atsaka, biruin mo ba naman ang brand ng suit coat nitong si Lucas. Eh mukhang tuition fee ko na ata ng ilang taon iyong coat niya. Wala naman akong ganun kalaking pera, 'yung scholarship na natatanggap ko buwan-buwan e para din dito sa pagkokolehiyo ko.

"Bakit hindi mo subukang magtanong sa mga kasamahan mo sa art studio? Malay mo, alam nila kung anong pwedeng makatanggal d'yan."

Naramdaman ko ang pag-abot sa'kin ni Quen nung suit coat kaya't agad akong tumunghay. Tinanggap ko iyon bago ako huminga nang malalim at tumayo. Wala talaga akong pambayad dito, at wala rin akong alam na dahilan para hindi na 'to makita ni Lucas. Ingat na ingat pa naman ako nung nilabhan ko tapos malalagyan lang ng acrylic.

Napaka-tanga ko naman kasi!

Iniwan ko 'yung bag ko kay Quen bago ako dumiretso sa building C.

Hindi ko alam kung may tao pa ron dahil kadalasan ay hanggang ala-singko lang ang mga students sa 4th floor, sa art studio.

Halos lumawit na ang dila ko nang maabot ko ang pang apat na palapag ng gusali. Hindi ko maintindihan kung bakit naglagay pa sila ng elevator sa building na 'to kung hindi naman para sa lahat. They said that elevators are for our professors only, no students allowed, depende kung emergency.

Nang makarating ako sa pinto ng studio, agad akong kumatok bago ko iyon binuksan. Nagulat ako at nanlaki ang mga mata ko nang bumungad sakin si George. Dahan-dahan akong pumasok nang makita ko siya, pero agad niya rin akong nilingon nang marinig niya ang pagsara ng pinto.

"N-Nathalie?" aniya.

"Uy, George. U-Uhm, kumusta?" utal kong sabi nang binati niya ako.

Bumaba ang tingin ko sa braso niya at kahit mahaba ang sleeve ng damit niya, pansin ko pa rin ang benda na nakabalot sa braso niya. Napansin ko rin na may hawak na paint brush ang injured niyang kamay.

Hindi ko alam kung alam na niya na ako ang pinili ng school na pumalit sa kanya kaya't ganun na lang ang naging reaksyon ko.

"Medyo ayos na," malamig niyang sagot sa akin bago niya tapunan ng tingin ang sariling braso.

I gave him a forced smile, bago ako nagpanggap na may hinahanap sa lamesa na nasa unahan.

"U-Uh Nathalie," dagdag niya.

"Hm?" Tumaas ang pareho kong kilay at ngumiti sa kanya.

"I heard that you're the one who'll represent our school in the upcoming competition. Akala ko nga hindi ka papayag..." aniya.

"Hindi pa rin naman ako sigurado, George, 'yung list na nasa ibaba, hindi pa sigurado 'yon."

Kumunot ang noo niya at dahan-dahan na tumayo. Humigpit ang hawak ko sa coat ni Lucas bago ako bahagyang tumawa.

"Wag kang mag-alala, may isang araw pa 'ko para magdesisyon, susubukan ko naman makapunta."

Nilingon niya ako.

"Mahalaga ang competition na 'to sa school natin, Nat. Save our reputation the way I save it when you chose to leave us," he said, with teary eyes.

Natigilan ako. Hindi ako nakapagsalita at tila ba umatras ang dila ko. Bakas sa mga mata niya ang pagsisisi, at alam kong nagulat din siya sa salitang nabanggit niya.

Tama naman siya.

Siguro kaya bigla akong natahimik kanina ay dahil tama naman ang sinabi niya. Ako talaga ang representative ng university na 'to ng ilang taon pero nang malaman iyon ni Mama ay agad akong umalis bilang representative at si George ang sumalo sa pwesto ko.

Wala akong choice nung mga panahon na yon, kailangan kong sundin ang gusto ni Mama.

Nagulat ako nang ilahad niya ang kanyang palad sa harap ko, hawak ang isang paint brush.

"Goodluck to you," ani George.

Agad kong tinanggap yung paint brush na inaabot niya at balak ko sanang makipagkamay at magpasalamat pero agad din niyang nilisan ang silid.

Nang nilisan niya ang silid ay agad na lumuwag ang lalamunan ko, nawala ang paninikip ng dibdib ko.

Matagal kaming hindi nag-usap ni George, simula nung tumigil ako sa pagsali sa competition. Kapag nagkakasabay kami dito sa studio, kahit pagtatama ng aming mga mata ay hindi ko nagawa.

Dahan-dahang bumaba ang tingin ko sa brush na binigay niya sakin bago ko iyon nilapag sa lamesa na nasa harap ko. Mas importante sa'kin si Mama, matalo na ang university namin pero hindi ko kakayaning mas tumagal pa ang hindi namin pag-uusap ni Mama.

Tinapunan ko ng tingin ang suit coat ni Lucas, wala na 'kong mapagtatanungan dahil ako na lang ang laman ng kwartong ito. Lalabas na sana ako nang may biglang humarang sa daan ko. Bumungad sa'kin ang itim na sapatos at habang iniaangat ko ang paningin ko ay pa-formal nang pa-formal ang suot niya.

"L-Lucas!?"

He chuckled.

"Bakit gulat na gulat ka?" nakangiti niyang tanong pero hindi ko magawang makasagot.

Nanlalaki ang mga mata ko habang nakataas ang mga kilay ko.

"Anyway, Quen told me you're here. Dala mo ba 'yung coat ko?" dagdag pa niya.

Nang marinig ko 'yun ay agad ko iyong tinago sa aking likuran at muling nanlaki ang mga mata ko nang bumaba ang tingin niya sa kamay ko. Kumunot ang noo niya bago siya lumapit pero umatras ako at mas tinago pa iyon sa likod ko.

"Nathalie..."

"Lalabhan ko pa kasi siya. Nakakahiya naman kung isosoli ko sa'yo nang marumi," palusot ko.

"It's okay, ako na ang bahala."

Hahablutin na sana niya iyon nang bigla akong umatras.

"Isosoli ko kaagad sa'yo bukas na bukas. Kailangan ko lang talaga siyang malabhan mamaya," muli kong palusot.

"You don't have too," he chuckled. Muli niya iyong hinablot sa akin and this time, he succeeded.

"Lucas—"

Wala na 'kong nagawa at basta na lang natigilan nang makuha niya iyon sa'kin. Saglit niya lang iyon tinapunan ng tingin bago ako tingnan.

"Ayos ka na ba? Do your cramps still bother you?"

Hindi ko magawang pansinin ang gwapo niyang boses at mukha dahil sa takot na baka makita niya 'yung stain sa suit coat niya.

"Ano bang tinitingnan mo?"

"Ah wala, wala." Aniko.

Lalong nanlaki ang mga mata ko nang inangat niya iyon at pinagmasdan ang buong parte ng coat niya.

"Ang ganda kasi ng tela kaya—" he cut me off.

"What's this? Is this paint?"

Mariin akong napapikit bago ako napakagat sa aking labi. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko at tinapunan siya ng tingin. Seryoso siyang nakatingin sa'kin habang nakaangat ang suit at pinapakita sa akin.

"Lucas, sorry, hindi ko talaga sinasadya na malagyan ng paint 'yung suit mo. Hayaan mo't pagiipunan ko para mabayaran ko sa'yo," nangangatal kong sabi.

Mukhang sa murang edad ay mababaon na agad ako sa utang. Agad niya akong tinawanan bago siya lumapit at akbayan ako.

"Actually, I like it."

Nang marinig ko iyon at tila ba sumigla ang mga mata ko pero hindi pa 'ko kontento sa sinabi niyang yun.

"Y–You like it?" sambit ko, nakangiti.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 40

    Dean talked to Quen regarding some matters related to our program’s organization. I’m not sure about all the details, but from the look on her face, everything seemed fine.Tila ba nabunutan ng tinik ang dibdib ko nang malaman kong iyon lang ang rason. Nang malaman ko kasi na hinahanap siya ni Dean, iba agad ang pumasok sa isip ko.Akala ko nalaman niya ang tungkol sa kanila ni Coach.“Kamusta ka?” Tanong ko kay Quen na ngayon ay ngumingiti-ngiti na. Kanina kasi, tila ba hindi maipinta ang kanyang mukha dahil sa kaba.“Nakakahinga na. Natakot ako kanina e.” Malumanay niyang sagot sa akin.Naglalakad kami ngayon sa daan, ilang kembot na lang ay mararating na namin ‘yung coffee shop na madalas naming pinupuntahan kapag may sobra sa allowance namin. Medyo mahal kasi ang mga kape rito kaya’t minsan lang kam

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 39

    Nakatambay kami ni Quen sa rooftop, sinasayang ang oras habang hinihintay ang mga klase namin. One hour pa bago ang sa’kin, two hours naman kay Quen. Gusto sana naming umuwi, pero sa totoo lang, sobrang miss na namin ang isa’t isa.Ang tagal na rin namin hindi nagagawa ‘yung mga ganitong bagay. Kaya naisipan namin na dito na lang muna kaming dalawa. Tahimik pero magaan naman sa pakiramdam.Madalas siyang busy sa pagiging varsity, habang ako naman, laging kasama si Lucas at Kuya. Kaya ngayong pareho kaming may free time, why not spend it together?Dati pa naming tambayan ’tong rooftop. Hindi ko rin alam kung bakit, wala lang—mahangin, presko, at kita mo lahat mula sa taas. Lalo na ’yung volleyball court sa quadrangle. Hilig ko siyang samahan manood dito sa rooftop kahit medyo takot ako sa bola.“Tuturu­an kita mag-volleyball pag may free time ako,” basag ni Quen sa katahimikan.Napating

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 38

    “Ilang buwan na lang, ga-graduate na kayong lahat. Hindi na kayo elementary o high school para habulin ko pa kayo sa requirements. Kapag may kulang, cinco agad. Madali akong kausap.”Iyan ang bilin ni Ma’am Dizon bago niya iniwan ang silid, kasabay ng pagbagsak ng katahimikan.Nag-unat ang ilang kaklase ko, habang ang iba’y abala sa pagbubuklat ng notebooks at pag-double check kung may kulang ba sila sa requirements. Ako nama’y tahimik na tumayo at ipinasok ang mga gamit sa bag. Mabuti na lang talaga at naipapasa ko ang mga output ko kahit pa hindi ko gusto ang kursong ito.Sapat na ang stress ko sa course—hindi ko na hahayaang magkaproblema ako sa grades.Nilingon ko ang upuan ni Candice. May babaeng tumayo roon, ngunit agad akong nagdikit-kilay nang marealize kong hindi pala siya si Candice. Wala ni isang gamit sa silya—mukhang ibang kaklase lang ang lumipat ng upuan. Kaya pala hindi siya tumayo kanina nang banggitin ni Ma’am na siya ang highest. Akala ko wala lang siya sa mood.Lum

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 37

    Kanina pa ako naiilang sa mga taong kasama ko. Hindi ako sanay makihalobilo sa mga taong hindi ko kilala pero wala akong choice kundi ngumiti at makipag-usap sa kanila. Nasanay akong sina Quen ang kasama ko kaya’t medyo nahihirapan ako sa mga ganitong sitwasyon. Ilang beses ko na nakakasama ang mga kaibigan ni Kuya at Lucas pero hindi ko pa rin maiwasan ang mailang.Lahat sila ay successful na’t may mga bigating negosyo. Bigla na lang ako nananahimik kapag nag u-usap sila ng tungkol sa mga career at pag a-asawa lalo na kapag tungkol sa negosyo ang usapan. Parang gusto kong mag walk out na lang at umuwi na lang. Parang bigla akong na-pressure sa buhay kasi successful na silang lahat, e. No one chose the wrong path. Walang kahit na isa sa kanila ang naligaw sa landas.Habang ako, nagtitiis sa kurso na hind

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 36

    "Enough, Nathalie!" Singhal sa akin nung isa nilang kasama na hirap na hirap din sa pag pigil kay Niko. "Bakit hindi 'yang kaibigan niyo ang pag sabihan niyo? Masyadong affected sa mga sinabi ko," sabi ko bago ako bahagyang ngumiti at tapunan ng tingin ang mga kuko ko. Pilit nilang pinipigilan si Niko sa pamamagitan ng paghawak sa braso nito habang nakatayo lang kami ni Quen sa harap nila. Kanina pa 'kong niyayaya ni Quen na umalis na lang pero nag matigas ako. Hindi naman ako ang nauna, hindi naman ako ang nagsimula ng gulo, at mas lalong hindi naman ako 'yung nauna na magsambit ng mga masasakit na salita. Malinaw na malinaw naman na payapa lang kaming naka-upo ni Quen kanina. Just minding our own business, but they ruined it. He looked so pissed. Wala naman akong sinabing mali o kasinungalingan para magalit siya ng ganito. Who would have thought that this guy in front of me, who looks like a gentleman, wants to punch a girl? "Pasalamat ka dahil babae ka!" sigaw sa akin ni Ni

  • Hidden Heir Of The Billionaire    Chapter 35

    “You see, I’m just concerned about your friend. Napansin ko rin kasi na napapadalas ang pagiging maliyuhin at pagsusuka niya,” dagdag pa niya. “I’m not forcing her to take the test. Pero kung makukumbinsi mo s’ya, much better.”“Susubukan ko po,” tipid kong sagot.“Hindi naman kita kakausapin tungkol dito kung hindi siya pa ulit-ulit na bumabalik dito dahil sa liyo at pagsusuka. Ang sa’kin lang kasi, baka mapasama sa kanya ‘yung mga gamot na naibigay ko last time, dahil nga humihingi siya sa akin at wala naman akong alam sa nararamdaman niya. If you can talk to her, kumbinsihin mo na lang na magpa check-up siya. Kasi iniiwasan naman n’ya ang mga tanong ko,” ani pa ni Nurse Georgia.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status