Loving You in the Dark

Loving You in the Dark

last updateLast Updated : 2025-10-31
By:  Anna MarieUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
13Chapters
25views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

He is Lt. Col. Adrian Drake Rodriguez, a member of a military force abroad. Two significant things happened to him upon his return to the Philippines. First, the woman who ended up with him inside his car. They were trapped in the vehicle due to a violent storm and the fierce blows of the wind. It was a night of enchantment between the two of them. But the next morning, she was gone—leaving behind no trace except her name, Faye, and the beautiful memory of what transpired between them that stormy night inside his car. Second, his attempt to reconcile with his own father ended in another heated argument. The fight pushed him to return overseas and accept a mission where survival was uncertain. Two years later, he received a call from his uncle, asking him to become the head of security at his father’s mansion and serve as his personal bodyguard, after receiving numerous death threats. Even his father pleaded for his help—for the safety of his only grandchild. Only then did Adrian discover that the mother of the grandchild was none other than Faye—the same woman he had shared that unforgettable night with, and now the wife of the man he despised the most. He accepted his father’s request for one reason—Faye. An intense obsession grew inside him, fueled by the memory of their past. He fell for her in the darkest part of their intertwined fates. Until he discovered something that intensified his desire to take Faye away from the man she married. He was willing to face death itself just to reclaim what he believed was rightfully his.

View More

Chapter 1

PROLOGUE 1

MALAKAS ang ulan ng gabing iyon at ang kalangitan ay tila hinahagupit ng kulog at kidlat. Nahihirapang makasakay ng pampasaherong jeep si Ceryna gawa na kung hindi puno ay nauunahan naman siya ng iba pang nag-aabang na pasahero.

Ramdam na rin niya na basa na ang unipormeng suot dahil sa malakas na anggi ng ulan. Hindi sapat ang proteksyon ng payong niyang dala upang salagin ang mga angging tumatama sa katawan ng dalaga. Ang lamig na hatid ng ulan at ang basang damit na suot niya ay nanunuot na sa kanyang kalamnan. Unti unti na ring nanginginig ang katawan niya sa sobrang lamig.

Mayroong dumaang pampasaherong jeep at huminto sa tapat ng waiting shed ngunit ilang pasahero lang din ang nakuha nito.

Nagpasya nang lumakad si Ceryna upang salubungin ang paparating na jeep upang hindi na siya makipag-unahan sa kapwa pasahero. Hindi baleng mabasa na siya ng tuluyan kaysa naman abutan pa siya ng dilim kahihintay sa paparating na jeep.

Huminto siya sa lugar na mangilan ngilan lang ang nag-aabang ng jeep upang sa ganoon ay kung may dumating man ay madali siyang makakasingit.

Napayakap siya sa sariling katawan nang biglang humangin ng malakas na may kasamang hampas ng ulan at muntik nang tangayin ang payong niyang dala.

Napabuntong hininga siya at wala nang magawa nang tuluyang mabasa na ang damit niya. Anong oras pa siya makakauwi niyan kung laging ganitong punuan ang jeep pagtatapat sa kanya?

Niyuko niya ang sarili at tiningnan ang uniporme niyang basa. Halos bumakat na ang katawan niya sa puting uniporme niya. Parang wala na siyang tinago.

Pag-angat ng mukha niya ay sinilaw naman siya ng headlight na paparating na sasakyan. Napapikit siya at itinakip ang braso sa tapat ng mata niya upang hindi siya masyadong masilaw ng sasakyang paparating.

Nang makalagpas na ito ay ibinaba na niya ang braso dahil namataan niyang may paparating na ulit na jeep. Malayo pa lang ay napansin niyang mabilis ang takbo niyon kaya naman itinaas na niya ang kamay niya upang parahin ang paparating na jeep. Ngunit nalagpasan lamang ulit siya. Nanlulumong sinundan ng tingin ang jeep at halos mainis nang makitang huminto iyon sa waiting shed na pinaghintayan niya kanina.

Huminga siya ng malalim upang tanggalin ang inis na nararamdaman. Kung babalik siya doon ay magmumukha lamang siyang katawa-tawa kaya paninindigan niyang sa pwesto niya na ito siya maghihintay.

PAUWI na si Adrian lulan ng kanyang sasakyan na Toyota Fortuner. Malakas ang hangin sa labas at may kasama ding malakas na ulan. Madilim ang kapaligiran lalo na sa kahabaan ng Mc Arthur Highway dahil sa malalayong distansya ng mga poste. Mabagal lamang ang takbo ng sasakyan niya dahil na rin sa madulas na daan.

Mula sa loob ng sasakyan ay tanaw niya ang mga pasaherong naghihintay ng masasakyang jeep. May isang partikular na pasahero ang pumukaw ng atensyon niya. Nakita niya kung paano hinampas ng hangin at iwasiwas ang payong nitong dala. Basa na ito at tanaw na tanaw ang hubog ng katawan sa suot nitong puting uniporme. Hindi rin maiwasan na matutok ang ilaw ng sasakyan niya dito at masilaw ito. Paglapagpas niya sa babae ay nakita pa niya mula sa rearview mirror ang pagtaas ng kamay nito upang humarang ng paparating na jeep ngunit nilagpasan lamang ang babae. Kitang kita niya sa mukha ang pinipigilang inis nito.

Out of curiosity, iginilid niya ang sasakyan at huminto. Pinagmasdan ang babae na noon ay yakap-yakap ang sarili, marahil ay sa matinding lamig dahil basa na ito. Walang pagdadalawang isip ay iniatras niya ang sasakyan niya at huminto sa tapat ng babae.

NATIGILAN si Ceryna at bahagyang napaatras nang mapansing umaatras ang sasakyan sa direksyon niya at huminto sa mismong tapat niya.

Toyota Fortuner na kulay silver-gray at sa tingin niya ay bago pa dahil kahit madilim sa pwesto niyang iyon ay kitang kita niya ang makinis at kumikinang nitong kaha.

Bumukas ang pinto ng passenger seat. Napaatras ulit siya dahil tatamaan siya ng pinto nito.

"Get in!" malakas na sabi ng lalaking driver sa loob at nakasungaw sa kanya.

"H-ha?" hindi kaagad nakakilos si Ceryna.

Hindi niya kilala ang taong ito kaya bakit siya sasakay. Hindi rin niya gaano makita ang anyo nito dahil madilim sa loob ng sasakyan pero sa boses nito ay isang factor na para isiping may kaaya ayang anyo ang lalaki.

"I said, get into the car." ulit nito na mukhang maiksi lang ang pasenya. Ang tono nito ay naguutos na tila nasa kanya ang kapangyarihan na magpasya at bawal tumanggi.

Nagulat si Ceryna at sa katarantahan ay hindi na nakapag-isip ng maayos pa. Nagmamadali pa siyang sumakay ng fortuner sa takot na mabulyawan ng lalaki.

Pagsakay niya at mabilis niyang kinabig pasara ang pinto dahil biglang humangin ng malakas at tila hinahabol siyang basain ng dala nitong ulan.

Ibinaba niya ang nasirang payong niya sa sahig ng sasakyan.

"Thank you," mahina niyang sabi. Pero hindi ito kumibo.

Bahagya niyang sinulyapan ito. Nakasideview ito at nakatutok ang atensyon sa daan. Malinis ang pagkakagupit ng buhok nito. Matangos ang ilong at mukhang seryoso. May magandang hubog ng pangangatawan. At maganda ang tindig dahil sa deretso ang upo nito habang nagmamaneho.

Madilim ang loob ng sasakyan at tanging ilaw sa monitor ang nagsisilbing liwanag at hindi sapat iyon para makita niya ang anyo ng lalaki. Tanging pag asa na lamang niya ay ang manggagaling sa liwanag na makakasalubong nilang sasakyan para mapigurahan ito.

"Where can I drop you off?" bigla ay tanong nito, buong buo ang boses na bahagyang ikinagulat niya.

Napalunok siya bago magsalita.

"Y-You can drop me off... a-at the upcoming intersection. From there, I-I’ll just walk to the terminal going to Alabang." nauutal niyang tugon at nagfocus sa harap ng sasakyan.

Tumango lamang ang estrangherong lalaki at hindi na nagsalita pa.

Sa mga oras na iyon ay lalong lumakas ang buhos ng ulan at ang ihip ng hangin. Tahimik na nagpasalamat si Ceryna dahil kahit papaano ay hindi siya inabutan ng ganoong kalakas na ulan.

Medyo nakakaramdam na din siya ng panlalamig.

"Kaya mong pumunta sa backseat?" tanong nito sa kanya na hindi lumilingon. "Dito ka dadaan," tinuro nito ang awang sa pagitan nilang dalawa.

Sinundan niya ng tingin ang itinuro nito at nagtatakang tumingin sa sa lalaki.

"Meron akong malinis na damit sa bag, change your clothes. You're soaking wet," utos nito.

"No! It's okay, malapit na rin naman ang bababaan ko." tanggi niya.

"Malayo pa ang Alabang dito. Just do what I said," mahinahon ang boses nito pero makapangyarihan.

Saglit siyang natigilan. Iniisip niya na maselan ang lalaking estranghero at mababasa ang seat cover ng kotse nito. Kaya napilitan siyang sumunod sa inuutos nito.

Pigil ang hiningang dumaan siya sa pagitan ng dalawang upuan at iniwasan na masanggi ng katawan niya ang lalaki.

Nakahinga siya ng maluwag nang maluwalhating nakadaan siya at kaagad na umupo sa likod ng driver's seat.

May pinindot si Adrian sa may bandang taas ng kotse upang magkaroon ng konting liwanag sa backseat upang makita ang bag niya. Hindi niya mapintahan ang mukha nito dahil natatakpan ng buhok. Tanging ang hubog ng katawan lamang nito ang nakita niya kanina nang matutukan niya ito ng headlights.

Maingat na binuksan ni Ceryna ang malaking bag na parang pangmilitar at basta na lang humugot ng isang t-shirt doon. Mainam na rin iyon dahil nanginginig na rin ang katawan niya sa lamig , dagdagan pa ang binubuga ng aircon ng sasakyan.

Pagtingin niya sa rearview mirror ay mata nito ang nakita niyang nakatingin sa kanya. Matalas ang mga tingin nito na tila nanunuri at may tapang.

Hindi nakatagal si Ceryna sa mga tingin nito kaya iniwas niya ang mga mata dito.

"C-Can you turn the light off?" mahinang sabi ni Ceryna.

Pinatay ni Adrian ang ilaw at pinilit na tinuon ang paningin sa daan. Bilugan ang mga matang mailap at may maamong mukha. Iyon ang mabilis na rumehistro sa isip ni Adrian.

Mabilis na nagpalit si Ceryna ng pangitaas na damit at kahit papaano ay nabawasan ang ginaw sa katawan. Oversized sa kanya ang damit na pinahiram ng estranghero na nagmistulang dress sa katawan niya dahil talaga namang malaking tao ito.

Maingat na bumalik si Ceryna sa passenger's seat.

"Thank you," mahinang sabi niya habang tinutupi ang hinubad na puting uniporme.

Mabilis ang mga matang pinasadahan ng tingin ni Adrian si Ceryna at walang kibong nagmaneho.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Nhvenz Mhae
eto n my bago na ulit si author hehe binabalik balikan kita eh eto n my bago na,he he d
2025-10-31 14:16:31
0
13 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status