Share

CHAPTER 24

CHAPTER 24- HAPPINESS

MARIA

"You look so happy." Puna nito habang  nasa sasakyan kami at susunduin si Artemis sa skwelahan nito. After that we will going to the OB gyne. 

"I'm just happy." Sagot ko na para bang sinasabi kung ano ang mali doon. Napailing naman ito sa tinuran ko. 

"Then what makes you happy?" Tanong nito. I pursed my lips and I want to reply 'you' pero ayaw ko naman na ipahiya ang sarili ko. Baka magulat lang ito o kaya naman iba ang isagot na makakasakit lang sa akin. 

"Hmmm basta! Bakit gusto mong malaman?" Usisa ko dito kaya naman umiling ito at nag iwas ng tingin. 

Napahagikhik naman ako at binaling nalang ang pansin sa daan.

Ilang minutong katahimikan ang namayani sa pagitan namin. Binasag naman nito iyon ng tanungin nya ako tungkol sa pagbubuntis ko.

"Then how do you feel? May gusto ka bang kainin?" Tanong nito kaya nakangiti akong umiling. As of now ay wala akong gustong kainin. I'm in my first trimester and usually doon nakakaramdam ng cravings ang mga buntis pero hindi ko masyadong nararamdaman iyon. I don't know why. Siguro ayaw lang kaming mahirapan ni baby. 

Umiiling ako at sumagot sa tanong nya. "Wala pa naman masyado." I answered and in response he nod his head.

Hindi nagtagal ay nakarating kami sa eskwelahan ni Artemis. Hindi masyadong kalayuan ang skwelahan nito kaya naman nakarating kami agad. Naabutan namin itong nakatayo na sa labas at nang makita kami nito ay agad itong lumapit sa sasakyan at nakangiting pumasok.

"Hi kuya. Hi Ate Maria." Bati nya at hinalikan kami sa pisngi. Ngumiti naman ako sa kanya at pinaayos muna sya ng upo ni Denrick bago nito pinaandar ang sasakyan. 

Unti-unting umusad ang sasakyan at bago kami makaalis sa skwelahan ay may naaninag pa akong tao na nakatayo sa hindi kalayuan. Nasa lilim ito ng puno nakatayo at naharap sa amin. Hindi ko alam kung nakita nya din akong nakatingin sa kanya pero hindi ko na dapat pang isipin yun. At kung ano man ang meron silang relasyon ni Artemis ay wala na akong karapatan na manghimasok pa doon. 

Nilingon ko si Artemis na nakangiti habang nakatingin sa cellphone nya. Nag angat ito ng tingin at nilingon ang kanina lamang ay tinitignan ko. After that she look at her phone again and smiled. Sa inakto nito ngayon ay nakumpirma ko ang hinala ko. 

Nag iwas nalang ako ng tingin at bumaling sa labas ng bintana. 

Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa relasyon nila. Ang inaalala ko lang ngayon ay kung ano ang magiging reaksyon ni Denrick. Alam ko na hindi nito gusto na pumasok sa relasyon ang kapatid nya at malaman pa lang nya na may ka relasyon ito ay malaking gulo na. I know his reason is understandable. Alam ko na para lang naman sa ikakabuti ng kapatid nya iyon pero mapipigilan ba ng rason nito ang puso ng isang tao? I know that our heart sometimes can be stubborn. Pigilan man natin ang nararamdaman ay mas lalo lamang itong kumakawala.

Actually, kung titignan mong mabuti ay hindi naman masama ang relasyon nila. Hindi naman kasi masama ang pumasok sa isang relasyon habang nag aaral ka pa. But of course, you should know your limits. Alam mo din kung paano kontrolin ang sarili mo sa mga bagay na makakasira ng future mo. You should know how to balance your study and your love life.

If we look at their relationship in the other side, there is nothing wrong. Lalo pa kung kilala ng pamilya mo ang karelasyon at alam naman na desinte itong tao. Pero nalagay sila sa isang sitwasyon na kaibigan ito ng kuya nya. Malamang sa malamang ay iisipin ng kuya nya na tinira nito ang kapatid nito.

"Ate maria excited na akong marinig na gumagalaw si baby!. Diba pag second trimester na ay mararamdaman mo ng gumagalaw si baby? Omg! I can't wait!" 

Ginising ako ng boses nito at napangiti na lamang sa tinuran nya. Dahil sa kanyang sinabi ay umusbong din at excitement sa puso ko. Hindi na ako makapag hintay na maramdaman na naming gumalaw na ito.

Ngumiti ako sa kanya. 

"Don't worry malapit na din 'yon." Ani ko kaya lumapad ang ngiti nito halata ang pagninigning ng mga mata nya. 

"Yeah, I need to be patient." May bahid ng lungkot ang tono ng boses nito. Alam kong hindi na din ito makapaghintay na maramdamang gumalaw si baby at lalong lalo na ang makita na din ito sa wakas.

Bigla namang umaliwas ang mukha nito kaya nagtaka ako. Isang segundo ay nakasimangot ito at pagkatapos ay bigla na namang ngingiti. Gusto ko nalang mapailing dahil sa pagkakapareha nila ng ugali ng kuya nya. 

"By the way, may ipapangalan na ba kayo kay baby?" Tanong nito kaya nagkatinginan kami ni Denrick bago umiling. Actually hindi pa nga namin naisipan na mag isip ng pangalan ng baby. Siguro ay nawala iyon sa isip namin at tsaka ikatlong buwan ko pa lang naman ito.

Napairap ito sa tinugon namin ng kuya nya. Mukhang hindi ito makapaniwalang wala pa kaming ipapangalan sa pamangkin nya. 

"My gosh! Dapat mayroon na kayong pangalan! Dapat ang ipapangalan ay pinag isipang mabuti." Anito at konti nalang ay iirap na naman. Napangiti nalang ako sa asta nito. Nasasanay na din ako dito at maging sa pagsasalita nito.

 Malapad itong tumingin sa amin. 

"Can I suggest a name? Don't worry because I already think about it thoroughly.You know? I want it to be unique." 

Natawa nalang ako bago tumango. Excited na din akong marinig ang naisip nitong pangalan.

"Hmm.. If it's a girl I want to name her Debbie Maine Moncuedo! Then if it's a boy I want to name him Maxxor Daine Moncuedo! How is it? What do you think Ate Maria?" Tanong nito kaya napatango naman ako. Honestly, I like the name she came out with. Parang marinig mo palang ang pangalan nila ay maiisip mo na mayaman ang taong yun. Well, it gave me that kind of vibe. Well what do you expect from Artemis? Hindi nya gustong kung ano-anong pangalan lang. She always want the best! I already pictured out that my child will be spoil by Artemis. If it is a girl, then it will surely get her attitude. She loves to shop a lot, and it means wasting money.And of course, mataray ito na mostly makukuha ng anak ko pag ito yung palagi nyang kasama. 

"Kuya diba ang ganda?!" Tili ni Artemis. She really looks excited and I can't help but to laugh. Napailing na lamang ang kuya nito at hindi na nagsalita pa.

"D and M for Denrick and Maria." She said in a dreamy tone. Good sense huh.

"Ikaw ate maria anong ipapangalan mo? Sige na! Suggest ka na!" Pagpupumilit nito sakin kaya naman natatawa akong nag isip ng pangalan. 

Kumunot ang noo ko at napangiti ng biglang may isang ideya ang pumasok sa utak ko.

"Hmm If it is a girl, then I will name her Malliyah Isabelle at pag lalaki naman ay yun nalang siguro ang isinaggest mo." Anas ko kaya napalakpak ito. I bet she likes what I suggested. 

"Malliyah isabelle Moncuedo." Usal ng katabi ko kaya nilingon ko sya at nakitang nakangiti. Nang maramdaman nya ang titig ko ay tinapunan nya ako ng tingin bago binalik ang tingin sa daan. "I love it." Dugtong nito habang nakangiting nakatingin lang sa harap. Sumilay naman ang ngiti sa labi ko at nasiyahan dahil nagustuhan nito ang pangalan na binigay ko. I even felt some butterflies in my stomach.

"OmyG! Malliyah Isabelle it is." 

" Did you get Malliyah's name from Maria while Isabelle came from Isabella?" She asked so I nodded. 

"Amazing! That is so smart of you Ate M." Anas nito at napangiti ako sa tinawag nito sa akin. She likes to be different, and I don't have any complaints about how she called me.

Nakarating agad kami sa hospital kaya agad kaming bumaba at pagpasok namin sa clinic ni Doktora Georgina ay agad kaming iginiya ng nurse na assistant nito sa loob since wala sya masyado ngayong pasyente. 

Nakangiti kaming binati ng Doktora bago ito humalik sa pisngi ng dalawang pinsan. Nagkamustahan muna sila ng mabilis ni Artemis bago ito nagsimula. Pinaupo nya kami at tinanong nya ulit ako tungkol sa pagbubuntis ko. I answered all of her questions and she just nodded. After that she ushered me to her clinical bed. Pinahiga nya ako doon bago lagyan ng gel ang tiyan ko. 

Ngumiti ito sa akin at may tinuro sa monitor nito. Napangiti ako habang ineexplain nito kung ano ang nasa monitor. That is our baby. Parang binhi palang sya pero kahit ganoon ay napangiti pa rin ako.

"Wow! The baby is healthy." Usal nito kaya mas lalong lumapad ang ngiti ko.

Binalingan ko si Denrick at nakita ko ang kasiyahan doon. I even saw him teary-eyed. Mas lalong lumapad ang ngiti ko dahil sa nakita. Sobrang saya ko dahil sa nakikitang kasiyahan sa mga mata nya. This is my second time seeing him this happy, and it is because of our baby. Thank you baby. You made your father happy.

**WRITTEN BY: STRINGLILY**

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
sana tuloy tuloy na yang kasiyahan mo maria
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status