Share

CHAPTER 6

last update Last Updated: 2024-09-28 19:21:41

"Bakla gising" nagising na lamang ako nang maramdaman ko ang pag-alog ng gumigising sa akin kaya napilitan akong magmulat

"Baks andito ka na pala anong oras na ba?" mahinahong tanong ko dito at agad na bumangon

"7 na bakla" tugon nito sa akin kaya napatingin ako dito dahil sa narinig

"Napasarap pala ang tulog ko" mahina kong saad

"Late ka na natapos sa trabaho kaya late ka na ding nagising at isa pa hindi ko na nakauwi sa bahay mo" mahabang wika nito sa akin kaya napaiwas ako dito nang tingin

Agad akong nagtungo sa banyo na nandito at agad na naghilamos. Naramdaman ko pa na nakatingin sa akin si Alex pero hindi ko na lamang ito pinansin pa. Naghilamos at nagmumog na lamang ako bago lumabas nang banyo at agad na kumuha nang make up at pabango sa bag. Nag-apply ako nang make up upang matakpan ang aking pagkaputla habang pamango naman upang maging mabangong muli ang kasuotan ko.

"Tara na baks" maikling saad ko ko dito bago naunang lumabas nang silid na iyon

Nakasalubong ko ang boss namin na nakakunot noong nakatingin sa akin habang nasa likod nito ang head namin. Agad akong yumuko sa mga ito at agad na nagtuloy-tuloy sa paglalakad patungo sa aking cubic.

"Katherine nasa table mo na ang trabaho mo" masama ang tingin nitong wika sa akin kaya napatango na lamang ako

Nakaramdam na ako nang pagkagutom ngunit hinayaan ko na lamang ito upang makapagsimula na ako sa trabaho. Agad kong tiningnan ang matataas na patong-patong na files tungkol sa finance nang kompanya na kailangan ko pang gawan ng report. Napahinga ako nang malamim at agad kong sinimulan ang trabaho ko.

Nagsisimula nang magdilim ang aking paningin dala nang sama nang pakiramdam ko. Hindi ko na lang din pinansin iyon dahil ayaw kong pag-initan ako ng head namin. Minsan na akong nakaranas na ipahiya nito sa harap nang karamihan kaya muntik na akong umalis dito. Nakiusap lang sa akin ang HR na manatili ako dito nang dalawang taon at nasa akin na kung mananatili ako o hindi na.

Saktong bago magbreak time ay agad na umalis si Alex pero hindi ko na pinansin pa iyon. Nagsialisan na ang mga katrabaho ko nang dumating naman si Alex na may bitbit na maraming pagkain. Inilagay niya ito sa mesa sa may teresa bago ako inalalayan nito papunta sa aming tinambayan kahapon.

"May lagnat ka na Katherine" nag-aalalang wika nito sa akin nang makaupo ako pero hindi ko na pinansin pa ang sinabi nito

Agad akong kumain nang mga pagkain na nasa harapan ko na inilagay ni Alex at kinuha na lamang nito ang kaniyang kakainin. Nabusog ako nang maubos ko ang binili nitong pagkain kaya agad akong nagpasalamat dito.

"Ms. Velasquez pinapatawag po kayo ni Mr. Dela Cuesta" agaw atensyon sa akin nang secretary ni sir Mark kaya tumingin ako kay Alex

"Go na Katherine at baka importante iyan" nakangiting wika nito sa akin kaya tumayo na ako upang pumunta sa opisina nang CEO sa top floor

Naging marahan at may pag-iingat ang aking paglalakad dahil sa sama nang pakiramdam ko. Agad akong iginiya nang secretary ni boss sa loob at wala pa dito ang sir kaya agad akong umupo sa sofa na nandito at agad na pumikit. Agad kong hinilot ang aking noo nang naramdaman kong pumintig iyon. Sinibukan kong imulat ang mga mata ko at nagtutubig na ang mata ko dahil sa sama nang pakiramdam ko.

Ipinikit kong muli ang pakiramdam ko habang iniintay ang boss namin at agad na yinakap ang sarili bago nahiga at namaluktot sa sofa na nandito at hindi ko namalayang nakatulog na pala ako.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 51

    "Huwag kang mag-alala sir Mark kasi hindi naman akonagtanim ng sama ng loob sa inyong lahat noong mga panahong kinakailangan ko ng karamay. Ang totoo niyan nagpapasalamat ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng tulong mga taong malalapit sa akin dahil kinaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Naging matatag ako sa pinakamadlilim na parte ng buhay kong iyon kasi may buhay na kailangan kong protektahanat alagaan kahit na walang-wala ako ng mga panahon na iyon. Ilang buwan akong naging palaboy sa kalsada at namamalimos maitawid ko lamang ang sarili ko sa mga araw na iyo" wika ko dito habang inaalala ang mga pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na lumipas"Sorry" mahinang sabi nito pero umabot pa din sa pandinig ko kaya napangiti ako dito ng mapait"Ayos lang po kasi alam ko naman na hindi nyo ako responsibilidad" nakangiting sabi ko dito "Limang buwan na akong buntis ng mapadpad ako sa lugar na ito, limang buwan na hindi ko alam kung ano bang kalagayan ng anak ko

  • Hiding The Billionaire's Son   Chapter 50

    Buong maghapon na magkasama kami ni sir Mark sa tabing dagat habang pinapanood namin si Ken na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nito. Hindi kopadin nasasabi sa kaniya ang lahat, lalo na ang tungkol sa anak namin na binawian ng buhay habang nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya ang tungkol sa kakambal ni Ken lalo na at hindi ko pa alam kung ano ang motibo nito sa paglapit nito sa aming mag-ina."Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" dinig kong tanong sa akin ni sir Mark kaya bahagya akong bumaling dito bago muling ibinalik ang atensyon ko sa anak ko"Tungkol saan?" mahinang tanong ko dito "Sa lahat" maikling tugon nito sa akin kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hiniga at agad na tumango dito"Sige doon tayo sa may teresa ng bahay para mabantayan pa rin natin si Ken habang naglalaro ito sa may baybayin kasama ang mga kaibigan nito" wika ko dito at nauna ng maglakad patungo sa bahay Ramdam ko

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 49

    Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 48

    Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 47

    Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status