Share

CHAPTER 5

last update Last Updated: 2024-09-27 11:45:16

Malakas pa din ang ulan ng magising ako kinabukasan kaya agad na akong bumangon para magluto ng umagahan namin. Medyo masama na ang pakiramdam ko pero pinilit ko pa ding bumangon dahil may trabaho pa ako. Agad akong nagtingin sa group chat kung may announcement ba pero nanlumo na lamang ako ng makitang hindi man lang nila nagawang suspendihin ang pasok namin sa trabaho. Agad akong pumasok sa banyo at naligo na para naman hindi na ako makikipagsabayan sa kanila sa pagligo mamaya. Nang matapos ay agad na akong nagbihis ng pamasok ko sa trabaho at saka nagtungo sa kusina upang magluto.

Alas kwatro pa lamang ng madaling araw kaya sigurado akong tulog pa ang mga nakitulog sa bahay ko. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa pagluluto para hindi ko sila magising dahil sa ingay na nililikha ko sa kusina. Isang oras ang itinagal ko sa pagluluto at nang matapos ay kumuha na ako ng tupper ware upang maglagay ng baon ko na kanin. Naghanap na din ako ng tubigan sa aking kabinet upang hindi na din ako maubusan ng tubig sa office kung sakali. Nang matapos sa ginagawa ay agad akong naghain na sa hapag at agad akong nagtungo sa silid kung nasaan si Alex upang gisingin ito para makaligo na.

*tok* *tok* tok*

"Alex" mahinang tawag ko dito habang kinakatok ang pintuan nito upang gisingin na at narinig ko ang bahagyang pag-ungot nito kaya kinatok kong muli ito upang magising

"Alex gising ka na para makaligo ka na at nang hindi ka makipagsabayan kina boss" paggising ko dito at dahil 5 na rin ng umaga ay sigurado akong nagising na ito.

Agad na bumukas ang pintuan ng kwartong tinulugan ni Alex at tumambad sa akin ang inaantok na mukha nito bago nagtungo sa banyo sa may kusina upang maligo na. Nilabhan nito kagabi sa banyo ang suot para masuot muli nito ngayon sa trabaho. Pagharap ko sa likod ko ay napatalon ako sa gulat ng makita ang driver ni boss na nakatingin sa akin ng ilang minuto bago ako nilampasan kaya napailing ako.

"Ang weird naman ng lalaking iyon" naiiling na bulong ko bago ako nagtungo sa kusina upang maglagay na nang mga kubyertos sa hapag. Nang matapos ay agad akong pumasok sa silid ko upang ayusin ang mga gamit ko na dadalhin ko sa trabaho at agad na binitbit ito sa sala para hindi na ako pumasok dito mamaya para kunin ang bag ko.

Nang matapos si Alex sa paggamit ng banyo ay sunod na pumasok doon ang driver ni boss para maligo na rin. Hinayaan ko na lamang sila na gawin ang morning routine nila at binuhay ko na muna ang TV para makinig ng balita. Lumabas na din si sir sa tinulugan nito at agad na pumasok sa silid ko para siguro maligo na rin dahil malapit nang mag 5:30. Agad na pumunta sa hapag si Mark at ang driver nito kaya sumunod na din ako sa kanila. 

"Baha na sa mga kalsada kung saan mga nakatira ang iba nating katrabaho at sigurado ako na tambak na naman tayo sa trabaho nito dahil tatamadin na naman ang mga iyon na pumasok" bulong nito sa akin kaya napasimangot ako dahil totoo iyon

May mga iba pa namang daanan ang mga ito na sigurado akong hindi binabaha pero ayaw nilang dumaan doon kasi ang lagi nilang dahilan ay malayo kung doon sila dadaan. Pinipilit nga ako ng HR namin na magrenew ng contract pero dala na ako sa paulit-ulit na senaryo sa kompanya. Nag-umpisa na kaming kumain ng makaupo na si boss sa tabi ko at nang matapos ay agad kong nilinis ang ginamit naming kubyertos.

"Ang lakas pa nang ulan" wala sa sariling nasambit ko dahil halos mabasa na kami ng ulan habang inilalock ko ang bahay ko. Wala nang pasok ngayon sa mga paaralan kaya hanggang ngayon ay tulog pa ang mga estudyante at tanging mga kapwa ko magtatrabaho na lamang ang makikita sa lansangan.

"Sakay" maiksing utos sa amin ni boss kaya nagkatinginan kami ni Alex bago sumunod sa utos nito dahil mahirap ding sumakay kapag ganito ang panahon

Sa passenger seat umupo si Alex sa takot na masiksik namin ang boss kaya no choice ako na sumakay sa likod ng sasakyan kung saan nakaupo si boss. Tahimik lamang ang naging byahe namin at dahil sakay kami sa kotse ni boss ay sa basement na kami bumaba upang hindi na kami mabasa pa nang ulan.

"Salamat po" magalang na pasasalamat ko dito bago ko hinila si Alex dahil kailangan ko na gumamit ng cr

Nakita ko bago sumara ang elevator ang masamang tingin sa kamay ko na nakahawak sa braso ni Alex si boss kaya napakunot ang noo ko. Napahinga naman nang maluwag si Alex nang tuluyan nang magsara ang elevator at nagpaypay ng sarili kaya napatingin ako dito.

"Ang talim ng tingin sa akin ng hottie na boss natin" natatakot na sumbong nito sa akin 

"May ginawa ka ba sa kaniya kaya ganoon na lamang ito kung tumingin sa iyo?" tanong ko dito kaya agad itong umiling

"Wala ano" tanggi nito "Baka naman akala nya straight na lalaki ako at ayaw niyang lumalapit ako sa iyo" hindi makapaniwalang sabi nito sa akin kaya napakunot noo ako

"Bakit naman niya ayaw na lumapit at sumama ako sa iyo gayong hindi ko naman siya kilala" naiiling na paliwanag nito sa akin kaya napailing ito sa sinabi ko

"Bet ka ng boss natin sa mala dyosa mong mukha at balingkinitan mong katawan ay ewan ko na lang kung hindi siya tayuan sayo" walang preno na wika nito kaya napaiwas ako ng tingin dito habang namumula ang mukha ko

Hindi na ako nakaapila pa ng biglang bumukas ang elevator kaya nagtungo na kami sa kani-kaniyang cubicle at agad na ginawa ang mga dapat naming gawin roon. Maaga kaming nagsimula sa trabaho at mabilisan ngunit maingat naming ginawa ang trabaho namin dahil wala pang kalahati ang pumasok ngayon sa department namin. Hindi ko na nagawang tumayo sa upuan ko para uminom o umihi man lang dahil sayang ang oras kaya tiniis ko na lamang at hinintay ang breaktime namin.

Hindi na ako bumaba pa upang magmeryenda dahil nagbaon na lamang ako ng sandwich para sa aming dalawa ni Alex. Hindi nakapasok sina Miles at Alexa dahil mataas ang baha sa dadaanan nila gayundin sa mga iba pang route papasok sa trabaho. Nang matapos kaming magmeryenda ni Alex ay agad na kaming nagsimulang magtrabaho kahit hindi pa oras ng trabaho. Nakaramdam na din ako ng hilo pero hindi ko na iyon pinansin pa.

"Baks ayos ka lang?" nag-aalalang tanong sa akin ni Alex nang lunch time namin kaya tumango na lamang ako upang maiwasan na pag-alalahanin pa ito.

"Namumutla ka na sigurado ka bang ayos ka lang?" paninigurado nito kaya tinanguan ko ulit ito at agad na tinapos ang pagkain ko

Hindi na kami nakapagmeryenda pa noong hapon dahil sa kailangan pa naming tapusin ang limang nakaassign sa amin na trabaho at sigurado akong overtime na naman kami nito. Nanermon pa sa amin ang aming head dahil sa hindi namin agad natapos ang mga kailangan nitong files kaya nainis na ako dito. Ang lakas ng loob na magalit sa amin na hawak niya samantalang nasa may top floor naman ito at nagpapansin sa CEO at hindi ginagawa ang trabaho nito at sa akin pa ipinasa kaya mas nadagdagan ang trabaho ko.

"Baks uwian na" agaw atensyon sa akin ni Alex kaya napatingin ako dito

"Hindi pa tapos ang trabaho ko" tipid na tugon ko dito bago muling itinuon ang atensyon sa trabaho

"Tulungan na kita" alok nito sa akin pero inilingan ko na ito

"Hindi na tatlong folder na lamang naman ito kaya mauna ka na sa aking umuwi dahil malayo pa ang tinutuluyan mo compare sa bahay ko" nakangiting wika ko dito para makumbinse itong umuwi na 

Nag-aalangan pa itong iwan ako pero kinawayan ko ito habang ay ngiti sa labi upang umalis na ito. Nang masiguro kong wala na ito ay agad akong napasimangot dahil may lima pa akong dapat tapusin na trabaho na ibinigay sa akin ng head namin bago muling pumunta sa CEO. Malalim na ang gabi nang matapos ako sa trabaho at  agad akong nag-inat nang makaramdam ng ngalay sa magkabila kong balikat.

Mabilis kong iniligpit ang mga gamit ko at agad na nagtungo sa pahingahan namin dito at doon na lamang nagpasiyang matulog dahil wala na akong masasakyan pauwi nang bahay. Agad akong nakaramdam ng kaginhawaan nang maihiga ko ang aking katawang lupa sa isang mahabang sofa na nandito. Agad akong nakatulog pagkahiga ko at hindi na ininda ang naramdaman kong pagkagutom dahil sa  pagod na naramdaman ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 51

    "Huwag kang mag-alala sir Mark kasi hindi naman akonagtanim ng sama ng loob sa inyong lahat noong mga panahong kinakailangan ko ng karamay. Ang totoo niyan nagpapasalamat ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng tulong mga taong malalapit sa akin dahil kinaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Naging matatag ako sa pinakamadlilim na parte ng buhay kong iyon kasi may buhay na kailangan kong protektahanat alagaan kahit na walang-wala ako ng mga panahon na iyon. Ilang buwan akong naging palaboy sa kalsada at namamalimos maitawid ko lamang ang sarili ko sa mga araw na iyo" wika ko dito habang inaalala ang mga pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na lumipas"Sorry" mahinang sabi nito pero umabot pa din sa pandinig ko kaya napangiti ako dito ng mapait"Ayos lang po kasi alam ko naman na hindi nyo ako responsibilidad" nakangiting sabi ko dito "Limang buwan na akong buntis ng mapadpad ako sa lugar na ito, limang buwan na hindi ko alam kung ano bang kalagayan ng anak ko

  • Hiding The Billionaire's Son   Chapter 50

    Buong maghapon na magkasama kami ni sir Mark sa tabing dagat habang pinapanood namin si Ken na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nito. Hindi kopadin nasasabi sa kaniya ang lahat, lalo na ang tungkol sa anak namin na binawian ng buhay habang nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya ang tungkol sa kakambal ni Ken lalo na at hindi ko pa alam kung ano ang motibo nito sa paglapit nito sa aming mag-ina."Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" dinig kong tanong sa akin ni sir Mark kaya bahagya akong bumaling dito bago muling ibinalik ang atensyon ko sa anak ko"Tungkol saan?" mahinang tanong ko dito "Sa lahat" maikling tugon nito sa akin kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hiniga at agad na tumango dito"Sige doon tayo sa may teresa ng bahay para mabantayan pa rin natin si Ken habang naglalaro ito sa may baybayin kasama ang mga kaibigan nito" wika ko dito at nauna ng maglakad patungo sa bahay Ramdam ko

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 49

    Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 48

    Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 47

    Matapos naming kumain ay agad na hinila ni Ken ang ama palabas ng kusina kaya napailing na lamang ako sa ginawa nito. Tumayo na din ako upang magligpit ng pinagkainan naming tatlo at hugasan na ito. Maingat ngunit mabilis ang naging kilos ko sa paghuhugas ng pinggan bago ako at saktong katatapos ko lamang ng maramdaman ko na may humawak sa damit ko. Napangiti na lamang ako dahil si babay Ken ko lang naman ang gumagawa ng ganito kapag may gusto itong gawin o puntahan upang mabilis akong mapapayag. "Mommy" napatingin ako sa anak ko ng marinig ko ang cute na boses nito "Ano po iyon anak ko?" malambing na tanong ko dito matapos kong lumuhod sa harapan nito upang mapantayan ang anak "Pwede po ba ako magpunta sa tabing dagat kasama ang daddy ko?" inosente nitong tanong sa akin kaya napangiti ako dito bago haplusin ang malambot nitong buhok "Ipapasyal mo si daddy?" pigil ngiting tanong ko dito kaya agad itong tumango sa akin ng paulit-ulit "Opo mommy pwede po ba?" umaasang tanong nito

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status