Share

FINAL CHAPTER

last update Last Updated: 2025-09-28 12:32:43
Hindi naging madali para sa akin na makasama ang taong naging dahilan ng sakit at paghihirap ko sa nakaraan ngunit para sa anak ko ay handa akong gawin ang lahat dahil kaligayahan lamang ng bata ang hinahangad ko. Mabilis na lumipas ang linggo at balik na naman kami ngayon sa kani-kaniyang trabaho, patuloy pa din na nanliligaw sa akin si Sir Mark pero hinahayaan ko na lamang ito kahit na paulit-ulit kong sinasabi rito na hindi na kailangan pa ang bagay na iyon,.

Naparusahan na ang mga may sala at tuluyan ng natahimik ang mga namayapa dahil sa tuluyan ng naungkat ang katotohanan sa naudlot na pag-iibigan nina lolo Mark. Nasa akin pa rin naman ang desisyon kung tatanggapin ko pa ang apo nito o hindi na dahil ang hangad lamang naman nila ay makilala nila ang tunay na inibig ni lolo. Masaya ako para sa kanila at masaya na din ako para sa sarili ko dahil nabigyan na ng hustisya ang lahat ng masasamang nangyari sa aming pamilya sa nakaraan.

Malaya na ding nakakasama ng anak ko ang kaniyang
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elt FedericoGadayan
ngek anobbayan sana sila padin ang magpakasql...
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Hiding The Billionaire's Son   FINAL CHAPTER

    Hindi naging madali para sa akin na makasama ang taong naging dahilan ng sakit at paghihirap ko sa nakaraan ngunit para sa anak ko ay handa akong gawin ang lahat dahil kaligayahan lamang ng bata ang hinahangad ko. Mabilis na lumipas ang linggo at balik na naman kami ngayon sa kani-kaniyang trabaho, patuloy pa din na nanliligaw sa akin si Sir Mark pero hinahayaan ko na lamang ito kahit na paulit-ulit kong sinasabi rito na hindi na kailangan pa ang bagay na iyon,.Naparusahan na ang mga may sala at tuluyan ng natahimik ang mga namayapa dahil sa tuluyan ng naungkat ang katotohanan sa naudlot na pag-iibigan nina lolo Mark. Nasa akin pa rin naman ang desisyon kung tatanggapin ko pa ang apo nito o hindi na dahil ang hangad lamang naman nila ay makilala nila ang tunay na inibig ni lolo. Masaya ako para sa kanila at masaya na din ako para sa sarili ko dahil nabigyan na ng hustisya ang lahat ng masasamang nangyari sa aming pamilya sa nakaraan. Malaya na ding nakakasama ng anak ko ang kaniyang

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 51

    "Huwag kang mag-alala sir Mark kasi hindi naman akonagtanim ng sama ng loob sa inyong lahat noong mga panahong kinakailangan ko ng karamay. Ang totoo niyan nagpapasalamat ako kasi napatunayan ko sa sarili ko na hindi ko kailangan ng tulong mga taong malalapit sa akin dahil kinaya ko na tumayo sa sarili kong mga paa. Naging matatag ako sa pinakamadlilim na parte ng buhay kong iyon kasi may buhay na kailangan kong protektahanat alagaan kahit na walang-wala ako ng mga panahon na iyon. Ilang buwan akong naging palaboy sa kalsada at namamalimos maitawid ko lamang ang sarili ko sa mga araw na iyo" wika ko dito habang inaalala ang mga pinagdaanan ko sa loob ng limang taon na lumipas"Sorry" mahinang sabi nito pero umabot pa din sa pandinig ko kaya napangiti ako dito ng mapait"Ayos lang po kasi alam ko naman na hindi nyo ako responsibilidad" nakangiting sabi ko dito "Limang buwan na akong buntis ng mapadpad ako sa lugar na ito, limang buwan na hindi ko alam kung ano bang kalagayan ng anak ko

  • Hiding The Billionaire's Son   Chapter 50

    Buong maghapon na magkasama kami ni sir Mark sa tabing dagat habang pinapanood namin si Ken na masayang naglalaro kasama ang mga kaibigan nito. Hindi kopadin nasasabi sa kaniya ang lahat, lalo na ang tungkol sa anak namin na binawian ng buhay habang nasa loob pa lamang ng sinapupunan ko. Hindi ko alam kung paano ko sisimulan na sabihin sa kaniya ang tungkol sa kakambal ni Ken lalo na at hindi ko pa alam kung ano ang motibo nito sa paglapit nito sa aming mag-ina."Pwede ba tayong mag-usap ng tayong dalawa lang?" dinig kong tanong sa akin ni sir Mark kaya bahagya akong bumaling dito bago muling ibinalik ang atensyon ko sa anak ko"Tungkol saan?" mahinang tanong ko dito "Sa lahat" maikling tugon nito sa akin kaya nagpakawala ako ng isang malalim na buntong hiniga at agad na tumango dito"Sige doon tayo sa may teresa ng bahay para mabantayan pa rin natin si Ken habang naglalaro ito sa may baybayin kasama ang mga kaibigan nito" wika ko dito at nauna ng maglakad patungo sa bahay Ramdam ko

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 50

    Mabilis na lumipas ang mga araw at nakahanap na din naman ako ng resort na pweding pagdausan ng kaarawan ni Ken sa Enero 5. Hindi na din nagawa pang makahanap ng tutuluyan si sir Mark sa buong pananatili niya dito sa amin dahil sa talagang punuan na nga ang mga hotel at resort. Wala na ulit dito ang mag-ama dahil kasalukuyan ang mga ito na nanliligo sa dagat na naging paborito na atang gawain ng bata sa tuwing nandito kami. Abala ako sa pagluluto ng aming pananghalian dahil sigurado akong gutom na ang dalawa kapag bumalik na sila dito galing sa dagat. Naisip ko na kausapin na din si sir Mark tungkol sa plano nito sa bata upang hindi na ako mangapa pa sa sitwasyon namin. Kalahating minuto pa ang hinintay ko bago ako natapos sa pagluluto at napangiti ako ng makita ko ang anak ko na masiglang naglalakad papalapit sa akin kahit na basa pa ito mula sa panliligo sa dagat."Mommy ano po ulam?" tanong nito sa akin"Paborito mo pong tinola" nakangiting tugon ko dito kaya agad na nagniningning

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 49

    Mdadilim pa salabas ng magising ako kinabukasan kaya naman agad na akong bumangon at kumuha ng maliinis kong kasuotan at agad na nagtungo sa banyo upang maligo na. Dahil Disyembre na at nasa probinsya kami, idagdag mo pa na malapit kami sa dagat ay damang-dama ko ang malamig na simoy ng hangin patunay na buwan na ng kapaskuhan. Mabilis lamang ang naging pagliligo ko at agad na pinatuyo ang buho gamit ang hair dryer na matagal ko ng ginagamit habang nakaupo sa harap ng salamin ko. Agad na tiningnan ko ang oras sa orasan kong nakasabit sa dingding at ng makitang pasado ala singko na ng umaga ay agad na akong nagtungo sa labas upang makapaghanda na ako ng umagahan naming tatlo.Tahimik pa sa labas at sigurado akong tulog pa ang mag-ama kaya dahan-dahan at may pag-iingat ang naging kilos ko upang hindi sila magising. Nakahinga ako ng maluwag noong makarating ako sa kusina kaya naman naghanap na ako ng pwede kong lutuin na bagay sa ganitong kalamig na panahon. Nakita ko ang isang buong ka

  • Hiding The Billionaire's Son   CHAPTER 48

    Madilim na sa labas ng magising kaya agad akong napabalikwas ng bangon at dali-daling bumaba ng kama at mabilis na nagtungo sa pinto upang lumabas ng silid ko dahil baka hindi pa kumakain ang anak ko ng tanghalian gayong napasarap ang tulog ko at nakaligtaan na magluto ng pananghalian namin. Hindi ko na naisip ang hitsura ko at agad na nagtungo sa baba ng bahay at agad na hinanap si Ken upang tanungin kung nakakain na ito at natigilan ako noong pagpasok ko sa kusin ay nandoon pa din si sir Mark at abala sa pagluluto. "Daddy bakit po hindi pa nagigising si mommy? Matutulog po ba ulit ito ng mahaba katulad noong nasa Manila pa kami? Maghihintay po ba ulit ako ng matagal bago ko maramdaman ang pagmamahal ni mommy? Marinig yung malambing at mahinahon na boses nito sa tuwing kausap ako? Hindi ko po ba ulit masisilayan ang kislap ng mga mata nito sa tuwing masaya ito at ang mga halakhak nito sa tuwing nanonood kami ng mga palabas sa tv?" malungkot na sunod-sunod na tanong ni Ken sa ama nit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status