Noong gabing iyon na pinagtabuyan ni Heilena si Timothy ay halos bagsak ang balikat nitong nagmaneho pauwi. Bukod sa nasasaktan siya ng sobra ay nag-uumapaw ang galit niya kay Allain. Sinusubok talaga nito ang kanyang pasensya. Parang gusto niya itong patahimikin na lang. Kung puwede lang sana ay ginawa na niya but he can’t.
Hindi niya namamalayan na nagmamaneho na pa la siya papunta sa condo kung saan tumutuloy si Allain. Alam niya iyon dahil alam niya ang personal details ng mga empleyado niya. Akala siguro ni Allain ay mapapalampas ni Timothy ang ginawa niya pero hindi. Hindi niya ito palalampasin sa pagkakataong ‘to dahil sobra na.
Pinindot niya ang door bell sa unit ni Allain ng paulit ulit na para bang nagmamadali ito. Agad naman iyon na napansin ni Allain dahil halos masira na ang door bell niya kapipindot ni Timothy. Nang pagbuksan niya ito ng pinto ay lumapad ang kanyang ngiti. She became so excited nang tumambad sa kany
KINAUMAGAHAN, pipikit-pikit pa si Timothy bago tuluyan niyang naimulat ang kanyang mga mata. Naguluhan siya kung bakit tila puting-puti ang nakapaligid sa kanya. Inilibot niya ang kanyang paningin saka niya napagtanto na nasa isang hospital pa la siya dulot ng aksidenteng nangyari noong nakaraan. "Sir? G-Gising na kayo??!" uutal-utal na wika ng kanilang kasambahay na siyang isa sa mapagkakatiwalaan nila. Siya itong nagbantay muna sa kanya pansamantala. Hindi rin naman puwede si Carlo dahil siya ang pansalamantalang sumalo sa mga gawain nito sa opisina. May benda sa may bandang ulo niya si Timothy gawa ng bubog mula sa pagkabasag ng salamin ng kotse niya. Mabuti na lang at hindi tumama sa mga mata niya ang mga bubog dahil pag nagkataon pa ay maari niya pa itong ikabulag. Nasa kustodiya na rin ng mga police ang truck na bumangga sa binata at kasalukuyan pa ring iniimbestigahan ang naganap. &nb
KUNOT-NOO si Tinsley nang isakay siya ng Tita Bea niya sa kotse nito. Hindi niya alam kung saan sila pupunta pero mukhang importante dahil nagmamadali ang dalaga."Tita Bea, where are you taking me? Is it that important?" anito sa kanya nang makasakay sila ng sasakyan."Sorry, baby. Nabigla ka ba? Pasensya na. Your Tito Tim has to see you."Mas lalong nangunot ang noo ng bata. "R-Really? B-But why? He left me that night. I thought he was already saying goodbye to me," malungkot na sagot nito sabay yuko niya.Napakagat ng labi niya si Bea saka ini-start ang engine ng kanyang kotse. Mabilis nitong pinaharurot ang kotse niya papuntang hospital kung saan naka-confine ang binata. Mabuti na lang talaga at nalaman niya mula kay Carlo na naaksidente ito dahil kung hindi, hanggang ngayon ay walang kaalam-alam ang bata. Lalo pa at napalapit na ang loob nito kay Timothy."You will know when we get there, sweet heart." Tanging
TILA nakokonsensya na si Heilena dahil sa katotohanang hindi nga man lang niya nadalaw si Timothy sa hospital. Nadagdagan pa ang guilt na nararamdaman niya dahil sa pinadalanng litrato ni Bea. Hindi niya tuloy malaman kung sino ba ang mas kinakampiha nito. Siya ang kaibigan pero parang mas pumapanig pa ito kay Timothy."Nakakainis ka talaga, Bea." She uttered saka niya hinagis ang cell phone sa kama niya.Natigilan siya saglit saka niya dinampot ulit ang cell phone niya para tingnan ang larawan ng binata. Ang dami nitong sugat. Parang pinipiga naman ang puso niya. Naaawa siya dito. Yet, hindi niya maatim na puntahan ito."Karma mo na siguro iyan, Tim," walang anu-anong wika niya."Aisshh!" inis na dugtong pa niya sabay sabunot sa buhok niya.Inihiga niya ang sarili niya sa kama saka ginulo-gulo ang kanyang buhok. Kahit pumikit siya ay si Timothy ang pumapasok sa isipan niya. Lalo na ang mga sugat
SO, sa madaling salita, hindi pa rin napuputol ang relasyon nina Allain at Timothy? Gano'n ba 'yon? Ito ang mga nasa isipan ni Heilena. She is gritting her teeth while imagining what Allain would possibly do inside Timothy's room nang sila lang dalawa. She's jealous as hell but she can't admit it to herself. Mas lalo lang nadaragdagan at nagpapatong-patong ang trust issues niya kay Timothy. "Friend, sinabi ko naman kasi sa 'yo, si Allain nga lang ang habol nang habol kay Fafa Timothy. Ba't kasi ang kulit ng lahi mo at ayaw mong maniwala sa 'kin? Mukha ba 'kong prankster?" Tila nangungunsumi na wika ni Bea, kaibigan niya. They're having a coffee at a nearby coffee shop at pinag-uusapan si Timothy at Allain. Hindi matapos-tapos kasi ang katigasan ng puso ni Heilena. Kabado na siya lagi. Lagi na lang. Para bang, nahihirapan na siyang magtiwala ng buo. Hindi nakaimik si Heilena. She sip on her hot mocha cof
Hindi masukat at tila abot langit ang tuwa ni Timothy dahil sa wakas, matutupad na ang pangarap nya na matawag na daddy ng anak niya. Simula nang malaman niyang may anak siya kay Heilena ay na-excite na siya na makita ito doon pa lang. Ibang klase pa la talaga ang pakiramdam kapag may maliit na bata na tatawag sa kanya ng daddy. He treasure Tinsley as much as he do for Heilena. Sa kanilang dalawa na lang umiikot ang mundo niya ngayon.Akala niya, simula nang makalabas na siya ng hospital at magkabati sila ni Heilena, Allain will stop pestering her. Pero mukhang wala talaga itong balak na sumuko. Hindi niya alam kung gawa sa anong napakakapal na bagay ang mukha nito at mukhang hindi talaga matitinag sa simpleng pakiusap. Lakas loob ito na nagpunta sa opisina ni Timothy na parang walang nagawang kasalanan."Allain, I don't have time to spare for y--""Tim, wala ako dito para awayin ka. I am here to remind you that
A MONTH AFTER. . . SABIK NA SABIK na gumising si Heilena para gisingin sa kanyang bati at halik ang anak niyang si Tinsley. It's her sixth birthday at walang humpay ang pasasalamat araw-araw ni Heilena dahil umabot sila sa puntong ito. Every morning is a blessing and this is indeed one of the most great blessing that ever happened in their life. Magbubunga na ang lahat nang pinaghirapan nila ng isang buwan sa paghahanda sa birthday ng bata. They want it to be grand at syempre, maraming bisita. Nag-hire lang sila ng isang photography team na kukunan ng litrato ang lahat ng kaganapan sa loob ng venue. Malawak ang labas ng mansiyon nila and they made everything possible para gawin itong venue. Ito ang pinakaunang birthday ng bata sa Pilipinas at ito rin ang pinakauna nitong birthday na magkakaroon siya ng magarbong selebrasyon. Hindi ito dapat na ma-miss ng kahit na sino. "Good morning, sweety! Happy birthday!" Bati agad ni
PASADO alas sais y medya ng ng gabi kaya maya’t maya na ang announcement ni Heilena na ano mang oras ay uumpisahan na ang engrandeng celebration ng kaarawan ni Tinsley. Lahat nang kakilala ni Heilena sa Pilipinas at mga kaibigan ay inimbita niya lalo na iyong may mgakapatid o pamangkin na mga bata para naman maranasan ni Tinsley na may mga bisita siyang mga bata na kaedaran niya o kahit pa hindi nalalayo ang edad sa kanya basta bata, pasok na ‘yon. Ayaw naman niya na puro mga matatanda ang nakapalibot sa anak niya.Pambata rin ang magarbo nilang backdrop. As the little girl requested na gusto nito ng Little Pony themed birthday party ay pinagbigyan na siya ng mommy niya. The venue was field with Little Pony decorations and balloons. Maging ang five layer-cake niya ay themed cake rin na Little Pony. She is just so lucky for having such a supportive family. Isa pa, deserve naman ito ng bata. She has been obedient all along at hindi masyadong naging sak
MAKALIPAS ng ilang minuto ay tinawag na si Tinsley for her grand entrance. Si Xander ang pinag-escort sa kanya ni Heilena. Gustohin man kasi nila na si Timothy ang mag-escort, ayaw nilang I-spoil muna ang bata. Although magkasama naman sila sa backstage. “Ladies and gentleman, our birthday celebrator, Baby Tinsley De Guzman!” masiglang anunsyo ng emcee. “And because Little Pony is her favorite, you will notice that our venue has been decorated with Little Pony theme as her request. Truly this little girl is everyone’s apple of the eye. Basta talaga unang apo, mahal na mahal iyan ng lahat! Napakagandang bata. Nasa dugo talaga ang kagandahan!” Bungad pa ng emcee habang inihahatid ni Xander si Tinsley sa upuan na naka-serve sa kanya. Doon mismo sa may mini stage. Todo ngiti naman si Tinsley sa mga sinabi ng emcee. Feel na feel niya ang little pony costume niya. “Happy birthday, Tinsley. Here you go. Take a seat,” naka