Hiding The CEO'S Baby

Hiding The CEO'S Baby

last updateLast Updated : 2022-03-30
By:  ZenshineCompleted
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
25 ratings. 25 reviews
78Chapters
149.3Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Pagkatapos mamatayan ng kanyang fiance' ay halos malugmok sa lungkot at sakit si Timothy. Pero isang gabi na napagpasyahan niya na pansamantalang lumimot sa isang bar kung saan madalas niyang puntahan ay nakita niya ang mismong kakambal ng kanyang namatay na fiance' na si Heilena. Iniuwi niya ito sa kanila at sa labis na pagkasabik. Pero nang gabing pagkakamaling iyon ay kahit sa una at huling pagkakataon ay naramdaman niyang kailangan siya ng binata at may nangyari ngasa kanila. lena na lahat ng nangyari sa kanila nang gabing iyon ay pawang pagkakamali lang. Lumuwas siya sa ibang bansa. Sa pagbabalik nila sa Pilipinas makalipas ng limang taon ay nagkita silang muli ni Timothy. Mabihag na kaya ni Heilena ang puso ni Timothy sa pagbabalik niya? Malaman na kaya ni Timothy na may anak sila ni Heilena? Paano kung bigla na lang nilang matuklasan na ang inakala nilang namatay nang kakambal ni Heilena na si Heilen ay buhay pa la?

View More

Chapter 1

CHAPTER 1

Name anything at mayroon si Timothy ng halos lahat ng bagay na

pinapangarap ng sino man. Yaman, magandang buhay, magandang mukha at

katawan. Halos lahat ng pangarap niya ay naabot na niya maliban sa isang

bagay na matagal na niyang gustong mangyari. Ang pakasalan ang girlfriend

niya which is his fiance’ now. She’s Heilen. Mula sa isa ring magandang

pamilya. Heilen has a twin sister, Heilena. At parehas na mala-anghel ang

mukha nilang dalawa. Gano’n pa man, kahit minsan ay hindi pa nagkakamali

si Timothy sa kambal. He knows his girlfriend too well.

Nakangiti habang sukat-sukat ni Timothy ang Tuxedo niya. Sa susunod na

linggo na kasi ang nakatakdang kasal niya kay Heilen. The love of his life.

Nagtatrabaho kasi ito bilang isang fashion designer sa Paris. Kanina lang ay

magkausap pa silang dalawa over the phone habang pasakay na ito ng

eroplano.

Hindi na masukat ang ngiti ni Timothy dahil susunduin na niya ang dalaga sa

airport mamaya. He missed her very much. Simula kasi nang magtrabaho ang

girlfriend niya sa ibang bansa ay paminsan-minsan na lang ito kung umuwi.

Kaya walang mapagsidlan ang pagkasabik niya.

He took off his tuxedo and decided to just go to the kitchen at magluto ng mga

favorite dishes ni Heilen. After drinking a glass of water ay walang anu-anong

nabitawan niya itong bigla.

“Uh? That’s kind of strange,” aniya sa sarili. Nagkabasag-basag ang basong

iyon pero hindi niya na pinansin.

“Manang?” tawag niya sa katulong nilang si Manang Tina. Medyo may

katandaan na rin ito sa edad niyang singkwenta pero malakas pa rin ang

pangangatawan. Siya ang halos nagpalaki na kay Timothy while his parents

were busy running their business na ngayon ay siya na ang namamahala.

“Yes, Sir? Ano po ang kailangan niyo?”

“Please, pakilinisan naman ito. Nadulas sa kamay ko at nabasag.”

Napahawak sa kanyang bibig si Manang Tina. “Sir, ang sabi nila ay mayroon

daw na masamang mangyayari kapagka may isang bagay kang nabasag.”

Kwento nito sa kanya.

Napailing-iling si Timothy saka sarkastikong ngumiti. “Ano ka ba, manang.

Huwag ka ngang magpapaniwala sa mga pamahiin. The glass has nothing to

do with our fate.”

Iniwan na lang niya doon ang matanda saka nagtimpla ng paborito niyang

chocolate milk drink.

This is his way of starting up his day. Sinadya niya talagang i-clear ang

schedule niya sa araw na ito dahil sa sobrang excitement niya sa pag-uwi ng

girlfriend niya.

Habang nagso-scroll sa kanyang cell phone ay halos mabitawan niya ito nang

makatanggap ng tawag mula kay Heleina, kakambal ng girlfriend niyang si

Heilen. Kunot-noo niya itong sinagot. “What?”

Pero ilang segundo pang natahimik ang nasa kabilang linyang si Heilena

hanggang sa marinig na lamang ni Timothy ang impit nitong paghikbi. “H-

Huwag ka sanang m-mabibigla. P-Pero kasi. . .N-Nag-crashed d-daw ang e-

eroplanong sinasakyan ni ate.” Nanginginig at garalgal ang boses niya nang

sabihin iyon.

Hindi agad na nakakurap si Timothy. Pakiramdam niya ay sandaling tumigil

ang tibok ng puso niya. Parang may mabigat na bagay na nakadagan do’n.

Umiling-iling ang binata. “No, Heleina. Stop joking around, okay? Ano ka ba!

Plane crash? Psh. Pauwi na ang ate mo,” anito na tila hindi matanggap at ma-

process lahat ng mga narinig niya mula kay Timothy.

“W-Wala na si ate Heilen, Timothy! She’s dead! W-Wala na ang ate ko!” Nang

sabihin iyon ni Heilena ay doon na siya napahagulhol nang tuluyan.

At doon na tuluyang bumagsak ang mga luha ng binata. “F*ck,” humahangos

nitong sambit.

Pinaghahagis niya lahat ng nasa mesa niya. “Aaaaaaghhhhh!!!” sigaw nito.

Nanunuot ang sakit sa puso niya. Para siyang tinataga habang dilat ang mga

mata niya. Para siyang mababaliw sa sakit.

He questioned the almighty. “Why? Why does it have to be Heilen?! Of all

people!! Why??! Ikakasal pa dapat kami, e! I was supposed to live my happily

ever after with her!” d***g nito habang impit na humihikbi. Nabitawan na nito

ang kanyang cell phone while the call is still on.

Napatakip na lamang si Heilena ng kanyang bibig sa kabilang linya to stop

herself from bursting in too much tears. Nasasaktan siya nang marinig ang

iyak ni Timothy. Nasasaktan siya para sa pagkamatay ng ate niya.

Pakiramdam niya, unti-unting gumuguho ang mundo nila.

Nasasaktan siya para kay Timothy. He was so much excited for the wedding.

He is so in love with her twin sister, at kahit na noon pa man ay may lihim na

itong gusto sa binata, ni-set-aside niya ang nararamdaman niya para sa

dalawa. Ganon niya kamahal ang mga ito.

Buong pamilya nina Timothy at Heilena ay nagluksa sa pagkamatay ng

dalaga. Alam nila na wala nang pag-asa pang mabuhay ito dahil sa plane

crash lalo pa’t walang naibalitang survivor. Isang buwang matapos ang

pagkamatay ni Heilen ay hindi nakausad sa buhay niya si Timothy. He kept on

dwelling on his past. Hindi niya pa rin talaga matanggap. One month isn’t

enough to move on. Preska pa rin ang sugat sa puso niya. At wala siyang

ideya kung kailan ito maghihilom, o kung hihilom pa nga ba?

“Tim, ang sabi ni mommy ay pumunta ka raw sa bahay mamaya. Birthday

namin ni ate Heilen. Did you forget? Alam mo na, tulad ng nakasanayan?”

wika ni Heilena habang nakatayo sa tapat ng kuwarto ni Timothy.

Nakatalukbong lang ng kumot ang binata pero gising ito. Bukod sa

katotohanang napabayaan na niya ang trabaho niya ay pati na rin ang sarili

niya. Lagi na itong naglalasing. Naging patapon na ang buhay niya. But who

would forget? Kahit kailan, hindi niya makakalimutan ang araw na ito.

“Can you just leave, Heilena? Sa tuwing nakikita kita, nasasaktan ako. Don’t

ever show your face to me again.” Pagdidiin nito habang nakatalukbong ng

kumot.

Heilena moved closely into him. “But my parents are waiting for you, Tim.

Tulad ng dati, nakalimutan mo na ba? You used To dance the two of us.”

Doon na napabangon ang binata at galit na hinarap si Heilena.“Bingi ka ba,

ha?! Hindi ka ba makaintindi?!”

That shout starled Heilena dahilan para mapaatras siyang bigla. “S-Sorry. K-

Kasi, a-akala ko. . .”

“Ano? Akala mo gusto ko ding isayaw ka tuwing birthday niyo ni Heilen? No! I

was just doing that because of your twin! Ngayon na wala na siya, wala na rin

akong dahilan pa para gawin iyon sa ‘yo. I am not dumb to not know that you

like me. But sorry, Heilena, you are not Heilen and you will never be her!”

Iyon na yata ang pinakamasakit na katagang narinig niya mula kay Timothy.

Mabilis na pinahid ng dalaga ang pumatak na luha sa pisngi niya saka

nagmamadaling lumabas ng silid na iyon.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

10
100%(25)
9
0%(0)
8
0%(0)
7
0%(0)
6
0%(0)
5
0%(0)
4
0%(0)
3
0%(0)
2
0%(0)
1
0%(0)
10 / 10.0
25 ratings · 25 reviews
Write a review
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-05 03:30:05
2
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-01 08:24:29
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-08-01 08:23:54
2
user avatar
YNM
sobra ganda ng story n eto dhil my forever tlg d man s lhat pero nptunayan dto n meron khit ano mangyari pgtlg nktadhana thank u Ms.A.ganda cmula s cmula hnagang s matapos...️...️...️
2022-06-23 06:02:49
4
user avatar
Bhie Rambonanza In
Grabe sobrang ganda ng story na to..sa daming pinagdaanan ni Heilena pero in the end naging masaya n sya sa piling ng lalaking minahal nya ng lubusan.. congrats Ms.A galing mo tlga
2022-05-23 09:13:53
7
user avatar
JHAZPHER
Recommended and worth it basahin!
2022-05-06 10:52:10
5
user avatar
Marj Villena
done reading ganda po ng story miss author thankyou
2022-05-05 21:04:48
5
user avatar
Bhie Rambonanza In
I really love this story, even I'm busy but I'm trying to read a chapter everyday, I'm excited to know if Heilena and Timothy will have happy ending
2022-04-26 10:26:27
2
user avatar
Gina Dalaguit
daming excitement...️...️
2022-04-19 21:04:57
1
user avatar
Keziah Kairues
One of my fav genre in reading....scape while being pregnant....habang nagbabasa kc ako ng ganitong story makakarelated akong masyado...sa gaya kc nitong story maipapakita ang tunay na kahulugan nga salitang tapang at sakrepisyo lalo na bilang babae at isang ina....Koduss sau otor
2022-04-19 18:46:58
1
user avatar
Wca Leigh
napakaganda kasing ganda ng author... keep it up
2022-04-14 04:16:16
1
user avatar
Josephine Cabubas Advento
dami ng twist, exciting ...
2022-04-13 12:08:45
1
user avatar
RM Viray Cunanan Siobal
Nice Author .........
2022-04-13 11:17:14
1
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-04-06 07:54:38
2
user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2022-04-04 08:57:34
3
  • 1
  • 2
78 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status