Share

Chapter 5: Trouble With You

Tahimik na silang dalawa habang nagmamaneho ngunit biglang lumiko si Kent imbis nasa ay diretso lang ang daan na tatahakin niya dapat. Napansin iyon ni Jaydah. 

"Oh bakit tayo lumiko? Malapit na ako sa shop ko," saad ni Jaydah. 

"There's someone following us, do you see that black vios? Kanina pa yan eh," saad ni Kent. 

"Damn it Kent, I don't have time for this! And don't you dare drag me to your job!" singhal ni Jaydah. 

"Calm down, okay? Ibaba kita, kailangan ko lang mailihis tong sumusunod satin," saad ni Kent. 

"But Kent! I'm almost late! I have an appointment! Pull over! Bababa na ako!" singhal ni Jaydah na naiinis na. 

"Wag ka ngang makulit! Pwedeng ako or ikaw ang pakay nila, do they know that you're a member of a crime family?! Paano kung patayin ka ng mga yan doon mismo sa shop mo? may magagawa ka?!" singhal ni Kent sa kanya. 

"I don't know Kent, tiyuhin ko lang naman ang mafia boss at hindi ako, kamag anak lang ako," saad ni Jaydah. 

"Kahit na May! Delikado pa rin! Hindi ka ba nila winarningan man lang?! At talagang nagtayo ka pa ng company? Mainit sa mata ng mga kaaway yan!" singhal ni Kent. 

"Bakit?! Hindi galing sa pamilya ko ang perang ginastos ko dyan, it's a clean money, hindi katulad mo na puro galing sa marumi ang perang kinikita! it's my hard earned money from States! Anong gusto mong gawin ko sa buhay ko?! Magmukmok sa mansyon?! Mas mabuti pang gumawa na lang ako ng pera!" singhal ni Jaydah at nag crossed arms na dahil sa inis niya. 

"At talagang iniinsulto mo pa ang trabaho ko?! Damn it May! Ikaw na nga itong nililigtas ko sa kapahamakan ikaw pa 'tong may ganang magalit!" singhal ni Kent na nagdabog na sa manibela. 

"I don't want to be saved by you Kent! I don't care! Pakialam ko sa trabaho mo?! All I'm saying is ayokong ma involved dyan dahil hindi naman ako mafia– ahhh!" napasigaw si Jaydah nang may biglang tumamang bala ng baril sa backseat, nabasag ang salamin ng kotse. 

"Tang'ina! Yuko!" singhal ni Kent at saka nagmadali sa pagmamaneho. 

"Hindi pa bulletproof itong sasakyan! Hays! Bakit bumibili ka ng ganitong kotse?!" singhal ulit ni Kent habang hirap na hirap na umiiwas sa mga bala ng baril. 

Nanginginig sa takot at naiiyak na si Jaydah habang nakayuko at nakatakip sa tenga niya. 

"I don't want to die! Please Kent!" saad ni Jaydah habang umiiyak.

"Hey! No one will die, May!" saad ni Kent at saka hinugot ang baril niya at binuksan ang binata ng driver's seat at saka pinakawalan ang mga bala ng kanyang baril. 

"Damn it! Ang dami nila!" singhal ni Kent at saka mabilis na nagmaneho, mabuti na lamang at kakaunti ang mga kotseng dumadaan sa kalyeng iyon. Naabot niya na ang speed limit ng sasakyan. 

"Kent!" saad ni Jaydah na napahawak na ng mahigpit sa suot niyang suit habang nagmamaneho siya. 

Hinayaan lang siya ni Kent dahil kilala niya ang dating nobya, gingawa iyon ni Jaydah lagi pag natatakot ito. 

"Okay, just hold on," saad ni Kent at saka pinaputukan ang mga kalaban na sumusunod sa kanila. 

Maya maya ay naubusan na siya ng bala ngunit nailihis na nila ang mga ito kung kaya't tinuloy-tuloy na ni Kent ang pagmamaneho, nakarating sila sa isang tunnel at doon ay inihinto ni Kent ang kotse at saka tinignan si Jaydah. 

"It's okay Baby, wala na sila, halika nga rito," saad ni Kent at saka niyakap si Jaydah ng mahigpit dahil humahagulgol na ito ng iyak at nanginginig na sa takot. 

"I hate you," saad ni Jaydah habang umiiyak, wala siyang lakas ng loob na tanggalin ang mga bisig ni Kent na yumayakap sa kanyang katawan ngayon dahil nanghihina siya sa sobrang takot. 

"I know, it's alright, I'm so sorry," saad ni Kent at saka ginawaran ng halik sa noo ang dalaga. 

"I hate you so much right now," saad ni Jaydah. 

"I'll find them and kill them, don't worry," saad ni Kent at saka nagmaneho na ulit. 

Pagpunta nila sa office ni Jaydah ay takot na takot itong bumaba ng kotse kung kaya't binuhat na lang siya ni Kent at saka sila pumasok sa loob. 

Sumubsob pa si Jaydah sa dibdib ni Kent dahil ayaw niyang makita siya ng mga empleyado niya sa ganong kalagayan. 

"Saan office mo?" tanong ni Kent habang pasakay sila ng elevator. 

"5th floor," tipid na sagot ni Jaydah. 

Dinala siya doon ni Kent at saktong nakakita siya ng sofa kung kaya't maingat niyang ibinaba doon si Jaydah at saka siya kumuha ng tubig at inabot sa dalaga. 

"Okay ka na ba?" tanong ni Kent sa nag aalalang boses habang umiinom si Jaydah ng tubig. 

Nang mailapag nito ang baso sa center table ay nagsalita ito. 

"You're asking me now if I'm alright?! Do I look okay Kent?! Muntik lang naman tayong mamatay!" singhal ni Jaydah na naiiyak pa rin habang nakaupo lang sa sofa. 

Umupo naman si Kent sa center table, gawa iyon sa kahoy kaya matibay at kaya siya nito, magkaharap sila ni Jaydah ngayon at tumingin siya ng malamlam sa dalaga. 

"I already said I'm sorry," saad ni Kent na mahinahon. 

"Palagi ka namang ganyan eh! Wag mo na nga akong ihahatid kahit kailan! This is the last time!" singhal ni Jaydah. 

"Why are you so damn mad at me?!" singhal ni Kent dahil naiinis na rin siya. 

"Because it's always you Kent! I'm always in danger when I'm with you!" singhal ni Jaydah. 

"Oh really?! Pinapabayaan ba kita?! Kahit kailan, hindi kita pinabayaan May! Alam mo yan!" singhal ni Kent. 

"Just don't drag me into this again! You fucking son of a–" singhal ni Jaydah ngunit naputol na ang mga sasabihin niya ng halikan siya ni Kent. 

Dinikdik niya ang dibdib nito ngunit ayaw nito magpaawat at hinaplos pa ang buhok niya at mas nilaliman pa ang halik. 

"Damn it, I miss those sexy lips," saad pa ni Kent at saka isinandal si Jaydah sa sofa.

"Uhmmmp! Bitiwan mo ako! Bastos ka! Uhmmp!" singhal ni Jaydah ngunit malakas ang binata. It was a very aggressive kiss at hindi makalaban si Jaydah dahil hawak nito ang magkabilang braso niya. 

"Kent, ano ba!" singhal ni Jaydah, nakawala ang isang braso niya kay Kent kung kaya't mabilis niyang pinadapo ang kamay niya sa pisngi nito at sinampal ang binata. 

"Aray! Bakit mo ako sinampal?! Kiss lang, ang damot damot!" singhal pa ni Kent at saka binitiwan ang dalaga. 

"The nerve of you na halikan ako! Umalis ka na nga!" singhal ni Jaydah at saka nag ayos ng upo. 

"Wow! Ikaw na ang ang hinatid ko rito tapos paalisin mo ako ng ganyan ganyan lang, wala bang foods dito? Nagugutom na ako eh," saad ni Kent na hinipo ang tiyan at naghanap ng pagkain sa office niya. 

Napa rolled eyes na lang si Jaydah at bumuntong hininga, inis pa rin siya pero hinatid siya ni Kent dito ng ligtas kaya wala siyang nagawa kundi ayusin ang paikitungo niya rito, "Anong gusto mo? Magpapa deliver ako," 

"Uhmm, gusto ko ng burger saka black coffee," saad ni Kent. 

"Fine," saad ni Jaydah at ngdutdot sa cellphone niya upang mag order online. 

Nang dumating na ang pagkain ay kumain silang dalawa ng tahimik. 

"Ang sarap! Salamat Master!" saad ni Kent habang kinakain yung burger. 

"Just finish your food and get the fuck out!" saad ni Jaydah at umirap. 

"Sungit! tss," bulong ni Kent at saka pinapatuloy ang pag kain. 

"Narinig ko iyon!" singhal ni Jaydah at pinaningkitan siya ng mata. 

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Brenda Polido
pakipot c may eh hahahah sarap yan
goodnovel comment avatar
May Flor
Ayay.. Sherep ng kisss lagpokkk. .........️
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status