Share

Chapter 6: The Accident

Isang malaking piging ang ginanap sa mansyon ng mga Aldama. Si Siobeh kasi ang na-appoint na bagong leader ng crime group organization. Naroon si Alejandro Clemente, Rodney Xiu, Ezekiel Xiu, James Oycungco, Kevin Angeles, si Don Juancho Angeles at ang iba pang mga kasapi ng crime group. 

"Let's all propose a toast, to the new leader of this crime organization, Ms. Siobeh Aldama," saad ni Don Juancho Angeles at saka itinaas ang wine glass niya. 

Sinundan naman iyon ng masigabong palakpakan ng buong crime group at ng pagtaas ng mga wine glass nila. 

Nakaupo sila sa malaking board room table habang ang mga tauhan nila ay nakapalibot sa kanila kung kaya't napakaraming tao ang naroroon. 

Simula pa lang ay pansin na ng lahat ang kinikimkim na sama ng loob ni James Oycungco, naagaw kasi ni Siobeh ang pwesto na dapat ay sa kanya. 

"Thank you, thank you, everyone, hindi magiging posible ito kung hindi dahil sa inyo, at sinisigurado kong hindi kayo magsisi na ako ang pinili niyong bagong leader," saad ni Siobeh na puno ng kumpiyansa sa sarili. 

Nagulat silang lahat ng makarinig ng nabasag na plato at napatingin kay James Oycungco na mukhang hindi sang ayon sa nangyayari. 

"James! What the fuck?!" singhal ni Rodney. 

"Too late now, galit na siya," saad ni Ezekiel Xiu. 

"James, we should be celebrating for the newly appointed boss," saad ni Alejandro.

"Celebrating your fucking faces! Don Juancho, are you sure you allowed this woman to be the leader?! Come on, we are all men here!" singhal ni James. 

"That's what the majority wants James, and to top it all, she is more capable than you, more confident, and knows how to handle the business very well, she knows how to close a deal so smoothly," saad ni Don Juancho. 

"I can't believe I'm hearing this from you, this is really unbelievable! A woman?! A leader of a crime group! You're making me laugh right n–" naputol na ang mga sasabihin pa ni James nang kalabitin ni Siobeh ang gatilyo ng baril niya upang barilin ito sa ulo. 

Sunud-sunod na malalakas na putok ng baril ang umalingawngaw sa buong lugar. Bumagsak ang katawan ni James sa lamesa kung saan siya nakaupo. Nagulat ang lahat sa ginawa ni Siobeh, ngunit walang gumagalaw sa kanila para awatin ito dahil sa takot. Lumakad ang dalaga sa direksyon ng walang buhay na si James at sinabunutan ito. 

"I believe I have surpassed all the challenges of this crime group. That's why I get my prize and appointed as the boss of the bosses, kung sino pa ang tutol sa pamumuno ko ay magsabi na ngayon din! Do you see this asshole right here?! Lahat ng hindi susunod sa akin ay hinding hindi ako magdadalawang isip na patayin agad agad!" singhal ni Siobeh at marahas na binitiwan ang buhok ni James. 

"Dismissed!" saad niya pa at saka umalis sa board room. 

Paglabas niya ay nakasalubong niya si Kent at sinalubong niya ito ng suntok sa tiyan. 

"Ugh! Boss! Bakit mo ako sinuntok?!" hirap na hirap na saad ni Kent at tila namimilipit sa sahig dahil sa lakas ng pagkakasuntok ni Siobeh. 

"I remember I said to keep it lowkey right?! Bakit na-involved pa rin kayo sa problema ni Alejandro?!" singhal ni Siobeh na nagagalit na. 

"Boss, hindi namin alam na naroon ang mga assassins na gusto siyang patayin!" depensa ni Kent. 

"Talaga bang sinasagad mo ang pasensya ko huh?!" sigaw ni Siobeh. 

"Boss, wag ka ng magalit, aayusin ko na ang trabaho ko next time," saad ni Kent na nagmamakaawa. 

"There will be no next time pag napuruhan ka ng mga iyon, naiintindihan mo?!" singhal ni Siobeh. 

"Hindi pa ako mamamatay, Boss, masamang damo ako," saad ni Kent na dahan-dahang tumayo. 

"Ayus-ayusin mo ang trabaho mo Kent! Dahil ako mismo ang papatay sayo pag pumalpak ka na naman!" singhal ni Siobeh at saka dumiretso na sa paglalakad. 

Sa lobby ay naghihintay sa kanya si Amir at Elliot. 

"Talaga ang babaeng iyon, mainit na naman ang ulo, tss," saad ni Kent.

ALDAMA MANSION

Binisita ni Kent si Jumbo na nagpapagaling, nagpapahinga ito at tahimik na natutulog. 

"Amir, may lead ka na ba kung sino ang mga assassins na iyon?" tanong ni Kent kay Amir. 

"Wala pa Mr. Consigliere, tinitignan pa namin ang mga koneksyon ni Don Alejandro," saad ni Amir. 

"Alam ni Don Alejandro ang nangyari ng araw na iyon at humihingi siya ng tawad kay Boss Siobeh sa pagkakadawit natin," saad ni Elliot. 

"Kahit na, dapat pa rin nating pagbayarin ang mga assassins na iyon," saad ni Kent na kinuha ang baril niya at saka inayos-ayos. 

"Mabuti pa, uminom na lang tayo ngayong gabi or kumain, sagot ko!" saad ni Amir. 

"Yown! Yan ang gusto ko sayo Boy!" saad ni Elliot. 

"Fine, come on," saad ni Kent. 

GORGEOUS MEN RESTO BAR 

"Happy 1st monthsary, my love," saad ni Jaydah sa kasintahang si Alaric Silvestre 

Si Alaric ay isa sa mga consultants ng tatay niyang si Rodolfo Angeles. 

"Happy monthsary," saad din ng binata at saka nila ipinagdikit ang mga wine glass nila. 

Sa kabilang lamesa naman ay naroon si Amir, Elliot at Kent. Abala ang mga mata ni Elliot at Amir sa paghahanap ng magagandang babae.

"Boy, ayun ohh, kaso may kasamang lalaki eh, sa tingin mo mag asawa sila?" tanong ni Amir kay Elliot habang tinuturo ang direksyon ng kabilang lamesa kung saan nakaupo si Jaydah at Alexander, umiling-iling lang si Kent nang mapansin niya iyon. 

"Parang hindi naman eh, masyado silang pormal sa isa't-isa pero ang ganda talaga nung babae Brad! Type ko, ang kinis, ang puti saka yung boobs, panalo Men!" saad ni Elliot at nakipag apir pa kay Amir. 

"Tang'ina niyo ba, huh?! Ex ko yan! Mga gago!" singhal ni Kent sa kanila.

Nagulat ang dalawa sa tinuran ni Kent. 

"Weh? Di nga, Boss?!" saad ni Amir. 

"Tindi mo Mr. Consigliere, paano mo nakuha yan?! Nai-kama mo na?" tanong ni Elliot. 

"Ako naka-una dyan," simpleng saad ni Kent dahil totoo naman ang kanyang tinuran. 

Mas matanda siya ng limang taon kay Jaydah kung kaya't madali niya itong nauto noong sila pa at binigay nga nito ang pinakaiingat-ingatang puri sa kanya. Ang mga sandaling iyon ang siyang nagpatibay ng pagsasama nila, at muling bumalik sa ala-ala ni Kent ang masayang pamilya na dapat sana ay bubuuin nila ni Jaydah, ngunit ngayon ay wala na at tanging ala-ala na lang ang mga iyon. 

"Sige, pustahan oh, kung talagang ex mo yan Boss, halikan mo at bilhin mo, agawin mo doon sa ka-date niya, sayo na 'tong thirty thousand na parte ko sa transaction natin nung nakaraan, pag nagawa mo at dapat papayag yung lalaki ah," paghamon ni Elliot. 

"Tss, sisiw," saad ni Kent at saka lumapit sa direksyon nila Jaydah at hinalikan niya ito sa pisngi. 

"Excuse me?" gulat na tanong ni Jaydah. 

"Ten thousand pesos, for a night with your girlfriend," mayabang na saad ni Kent sa lalaki. 

Hinigit ng lalaki ang kwelyo niya ng ilabas niya ang sampung libo, napatingin doon ang lalaki. 

"What the fuck is this Kent?!" singhal ni Jaydah. 

"Make it fifty and I'll sell her to you," saad ng lalaki. 

"Alaric! What is happening here, I thought you love me?!" galit na tanong ni Jaydah sa kasintahan. 

"Sorry Babe, but money is more important than love," saad ni Alaric. 

"Deal!" saad ni Kent at saka ibinigay ang fifty thousand kay Alaric. 

Kaagad na umalis ang binata na tuwang-tuwa sa hawak niyang pera. 

"Ugh! I hate you! Wala ka na ba talagang ibang magawa kundi sirain ang buhay ko?!" singhal ni Jaydah kay Kent. 

"Atleast, nalaman mo na ngayon kung anong klaseng tao yung ipinapalit mo sa akin! Nakakahiya ka! Tignan mo oh, sumasama ka doon sa gago na iyon, binigyan ko lang ng fifty thousand binenta ka na!" singhal ni Kent. 

"I'm trying to have a normal life here, Kent!" singhal pa ni Jaydah na paiyak na. 

Nangingilid na ang luha niya sa galit. 

"Normal life?! Accept it May, you can't have that in the crime family!" singhal ni Kent. 

"That's it! I'm going home! Thanks for ruining my night!" singhal ni Jaydah. 

"Hey! I bought you so stay here and have dinner with me!" saad ni Kent kay Jaydah ngunit hindi pumayag ang dalaga at kinuha ang bag niya. 

"Fuck you! Kent! Fuck you!" singhal ni Jaydah sa sobrang inis. 

"Fine! Then fuck me right now! Huh?! Fuck me!" singhal ni Kent ngunit hindi natinag si Jaydah at saka dali-daling lumabas ng restaurant. 

Pilit niyang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang panyo niya habang patawid ng kalsada ngunit isang kotse ang mabilis na paparating sa direksyon ng dalaga. 

"May!" singhal ni Kent at mabilis na itinulak ang dalaga dahilan upang si Kent ang mabangga ng kotse. 

Comments (1)
goodnovel comment avatar
May Flor
Hala. Ang tawa ko sa gitna di matapos tapos bakit my pa ganun sa ending miss A. ......... Kent my babe. ......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status