Iris"Anong ginagawa niyong dalawa?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Mr Craixon Buenavista ng makita niya kami ni Sebastian sa ganoong posisyon. Hindi ko na inintindi ang nangyaring aksidente at mabilisang hinarap si Mr Buenavista na ngayon ay seryosong nakatitig sa amin. Mahina akong napamura at nagpaliwanag."Magpapali-" Naputol ang sasabihin ko ng muling sumigaw ang Ama ni Buenavista na ngayon ay nanliliksik ang matang nakatingin sa anak niya.Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa tanang buhay ko, dahil sa galit na boses ni Mr Buenavista ay nagpasya muna akong itikom ang bibig ko at yumuko."Magbihis ka muna, Sebastian," bilin ni Mr Craixon at tumingin naman sa'kin ngayon. "Ms De Vega, sumunod ka muna sa asawa ko. Mag-uusap lang kami ng anak ko," saad niya kaya wala na akong naggawa ng kusang lumapit sa akin ang Ina ni Sebastian at hinawakan ako sa kamay.Ngayon ko lang naramdaman ang panlalamig ng kamay ko at panginginig ng tuhod ko habang bumababa kami sa
IrisMatapos ang walang kuwentang desisyon na nangyari. Sa huli ay nanalo pa rin si Sebastian habang ang Ama ko naman ay wala ng nagawa. Ako naman ay sobrang sama ng aura dahil maikakasal pa ako ng hindi oras."Huwag kayong mag-alala. Sa Papel sila ikakasal at kukuha tayo ng pari para mapaniwala natin ang mga taong makakasaksi ng kasal niyong dalawa. 'Diba Sebastian?" Pagtatanong ni Mr Craixon habang nakangiti.Ako naman ay dire-diretso lamang ang paglalakad at hindi iniintindi ang pinagsasabi nila. Mas lalo lamang nadadagdagan ang init at galit ng ulo ko."Yes po. Also, 'wag po kayong mag-alala. Aalagaan ko po si Iris." Narinig kong saad ni Sebastian kaya napangiwi ako at sumakay na sa motor."Iris sa atin ka dumiretso," rinig kong saad ni Alfred De Vega habang inaayos ko ang helmet. Napatingin ako sa cellphone ko na nakalagay sa phone holder. Nakita ko pang napatingin sa akin ang lahat. Dahil si Devron ang tumatawag ay sinagot ko ito at sinadyang iloud speaker para marinig nila ang p
IrisPagkatapos ng pangyayaring 'yon ay basta ko na lamang nilayasan ulit si Sebastian at iniwan na lang basta sa lugar ni Alfred De Vega. Mas lalo niya lamang dinadagdagan ang galit ko sa ginawa niyang pagpigil at paglayo sa lugar ni Alfred De Vega.Nang itinigil ko ang motor sa tapat ng apartment ko ay napahinga na lamang ako ng malalim dahil talagang hinintay ako ni Devron kahit hindi naman kailangan.Nang makababa na ako ay saka ko lamang naramdaman ang matinding pagod at halo-halong emosyon na nararamdaman ko sa mga nangyari ngayon araw.Marahan kong isinuklay ang buhok gamit ang kamay ko at marahang kumatok sa pintuan ng apartment ko. Ilang minuto pa ang itinagal ko sa labas bago ito mabuksan ni Devron na ngayon ay parang kagigising lang.Nang makita ko siya sa ganoong ayos ay napakagat labi na lang ako at sunod-sunod na tumulo ang luha ko. Hindi ko na nakayanan ang bigat na nararamdaman ko.Pakiramdam ko ay sa ganitong paraan ay mahimasmasan ako sa nangyari ngayong araw. Sa buon
Iris"Omg! Bagay na bagay sa'yo ang wedding dress. Lalong naging dyosa! Paniguradong hindi ka na talaga pakakawalan ni Sebastian kapag nakita ka niya!" Saad ng baklang taga-ayos ko ngayon habang ako naman ay napasimangot.Ang alam talaga ng nag-aayos sa akin ngayon ay totoo ang kasalang magaganap kaya todo ayos siya sa akin. Nang makita ko ang sarili ko sa salamin ay napahawak na lamang ako sa wedding gown na suot ko ngayon.Kakaiba ang design na pinagawa ni Sebastian. Puff sleeve off shoulder gown ang nangyaring design. Habang ang baba naman nito ay napapalibutan ng mga diamonds na talagang nakakasilaw dahil kumikinang pa ito.Napahawak naman ako koronang nasa ibabaw ng ulo ko. Maliit ito na akala mo ay isa akong prinsesa na ihahatid sa prinsipe niya. Ang ayos naman ng buhok ay naka-bun at napapalibutan ng bulaklak na magaganda.Hindi ko alam pero lihim akong napangiti sa ayos ko. Kahit isang taon lang naman kaming magsasama ni Sebastian ay talagang pinaghandaan nila. Napatingin naman
IrisNaggising na lang ako sa sinag ng araw na tumama sa mukha ko. Kaya mariin kong ipinikit ang mata ko sabay harang ng kamay sa mukha ko.Nang makapag-adjust na ako sa liwanag ay napaungot na lang ako dahil sa matinding kirot na nararamdaman ko sa ulo. Nang tingnan ko ang suot ko ay nagtaka na lamang ako kung bakit nakabalot ako ng kumot.Nang maalala ko ang nangyari kagabi at kung sino ang kasama ko ay mabilisan akong bumangon at pinakiramdaman ang sarili ko. Kung may masakit babsa akin o may nararamdaman ba akong hindi maganda.Nang maramdaman kong wala naman ay nakahinga ako nang maluwag at nagdesisyong kumuha ng damit. Pero pagbukas ko walk in closet namin ay napasimangot ako nang maalala kong hindi ko nadala ang damit ko.Hindi rin naman kasi sinabi nila na deretso bahay na pala kami. Namangha pa nga ako dahil talagang bumili pa ng bahay si Alfred De Vega. Noong una ay ayoko pang pumayag pero talagang pinagbantaan ako.Napailing na lamang ako at napadako sa mga damit na nakasabi
IrisIsang linggo. Isang linggo na ang pagsasama namin ni Sebastian sa isang bahay. Sa totoo ay magaan naman ang loob ko sa kaniya at masaya naman siyang kasama.Kaso minsan ay nakakainis. Lagi na lang akong inaasar sa lahat ng bagay. Minsan pa nga ay hindi ko nagugustuhan ang lumalabas sa bibig niya, dahilan para mas lalo akong mainis ako sa kaniya.Sa isang linggong pagsasama namin ni Sebastian ay nasasaulo ko na rin ang ugali niya. Kapag seryoso ang pinag-uusapan namin ay talagang nagiging seryoso siya, pero kapag kalokohan na ay siya pa ang nangunguna na minsan ay sinasakyan ko na lamang."I'm home!" Rinig kong sigaw niya pagpasok sa bahay namin kaya saglit ko lang siyang tinapunan ng tingin at muling bumalik sa panonood ko.Kapag gan'tong senaryo ay sinanay ko na talaga ang sarili ko. Noong unang beses talaga ay nanibago ako dahil araw-araw na kaming magkasama. Sa tutuusin ay parang ayos lang naman ang presensiya namin sa isa't-isa."Welcome home, musta ang lakad?" Pagtatanong ko
IrisNagising na lamang ako sa amoy gamot ng hospital. Nang tuluyan ko ng imulat ang mata ko ay dumiretso ang tingin ko sa kamay ko dahil may dextrose na namang nakakabit dito.Mahina na lamang akong napasuntok dahil naandito na naman ako. Pangatlong balik ko na dito. Noong una ay halos mamatay na ako sa kamay ni Alfred De Vega, noong pangalawa naman ay iniligtas ko ang Ina ni Devron at ngayon naman ay nabaril na naman ako."Bwisit na buhay 'to! Ako na lang ang laging nao-ospital, puwede bang iba naman?" Naba-badtrip kong saad at sumandal sa kama.Pero mas lalo pang sumama ang araw at gising ko ng makita ko ang taong pumasok sa kuwarto ko. Nang magtama ang mata namin ay mabilisan ko siyang tinaasan ng kilay at siya naman ay napataas ang kamay na tila sumusuko."Easy, Iris. Binisita lang kita dahil nakita ko 'yung message mo sa akin. Bakit ka nga pala nakasimangot ngayon? May masakit ba sa'yo?" Nag-aalalang pagtatanong ni Devron pero imbis na sagutin ay ako naman ang nagtanong."Teka, a
Iris"Dahan-dahan naman, masakit pa." Naiiritang saad ko habang kaharap ko si Sebastian na ngayon ay ginagamot ang gumagaling ko ng sugat sa balikat.Mahigit dalawang linggo na rin ang nakalilipas simula ng makalabas ako ng hospital. At sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay grabe ang pag-aalaga sa'kin ni Sebastian.Aminin ko man o hindi ay may iba na akong nararamdaman sa kaniya. Kapag katabi ko siya o kaya ay hinahawakan niya ako ay bigla na lamang bumibilis ang tibok ng puso ko.Lalong triple ang pagtibok ng puso ko kapag hinahalikan niya ako sa noo o kaya naman ay bigla na lamang niyayakap. Noong una ay nagagalit pa ako at naiilang pero kalaunan ay hinayaan ko na rin.Dahil nagugustuhan ko na rin. Naiinis ako sa sarili ko dahil sa nararamdaman ko kay Sebastian. Natatakot akong umamin pero alam kong sa sarili ko na unti-unti na akong nahuhulog sa isang Sebastian Buenavista.Napadako ako sa seryosong mukha niya na ngayon ay malapit lang sa akin. Hindi ko alam kung paano at saan nagsim