Share

Kabanata 15: Desisyon

Author: Hope
last update Last Updated: 2022-03-12 17:23:20
Iris

"Anong ginagawa niyong dalawa?!" Dumagundong ang malakas na boses ni Mr Craixon Buenavista ng makita niya kami ni Sebastian sa ganoong posisyon. Hindi ko na inintindi ang nangyaring aksidente at mabilisang hinarap si Mr Buenavista na ngayon ay seryosong nakatitig sa amin. Mahina akong napamura at nagpaliwanag.

"Magpapali-" Naputol ang sasabihin ko ng muling sumigaw ang Ama ni Buenavista na ngayon ay nanliliksik ang matang nakatingin sa anak niya.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa tanang buhay ko, dahil sa galit na boses ni Mr Buenavista ay nagpasya muna akong itikom ang bibig ko at yumuko.

"Magbihis ka muna, Sebastian," bilin ni Mr Craixon at tumingin naman sa'kin ngayon. "Ms De Vega, sumunod ka muna sa asawa ko. Mag-uusap lang kami ng anak ko," saad niya kaya wala na akong naggawa ng kusang lumapit sa akin ang Ina ni Sebastian at hinawakan ako sa kamay.

Ngayon ko lang naramdaman ang panlalamig ng kamay ko at panginginig ng tuhod ko habang bumababa kami sa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Hiding his Son: The Alternative Ending

    Author's Note: Please play "Sa susunod na Habang Buhay by Ben&Ben" para ramdam po ang sakit. The truth is, ito dapat talaga ang real ending ng HHS kaso nagbago isip ko. Kaya ginawa ko ng happy ending. Enjoy reading, hopies!SebastianMy world stop for a while when I hold my wife lifeless hand. Pilit ko siyang ginigising. Pilit kong tinatapik ang pisngi niya pero hindi na siya gumagalaw. Nanlamig ako, binalot ng takot buong pagkatao ko. Parang gripo na rin ang luha ko dahil hind ito mapigil sa pag-agos."No. No, wake up. Wake up, wife. Damn, wake up please. Don't do this to me. Hindi ka puwedeng mamatay. Paano na kami ni Draixon? Iris, gumising ka. Gumising ka!" Pagwawala ko at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa asawa ko. Miski si Devron ay nagsimula na ring mataranta at magwala ng hindi pa dumadating ang ambulansya. Wala na akong pakialam kung puno na ng dugo ang damit at kamay ko."Iris. Iris, nakikiusap ako sa'yo, gumising ka. Misis ko, gumising ka na. Huwag mo'kong iwan,

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Epilogue

    Hello Hopies! This is the final chapter of Hiding his Son. Thank you for appreciating Iris and Sebastian story. May we never forget the feels and the lessons that they gave to us. This is just the beginning of Hiding Series, see you on Hiding Series #2 which is the "Maid for You." Thank you and enjoy reading! Mahaba-habang chapters ito! Don't forget to comment your thoughts or reaction about this story, stay safe and healthy always. -HopeSebastianWhen I first saw her, I knew to myself that she is the one. She's the one that I want to spend my lifetime. She's my first love."IRIS DE VEGA!"Awtomatikong umangat ang ulo ko ng marinig ko ang pangalan niya. Mabilisang hinanap ng mata ko ang presensya niya. Nang makita ko siya 'di kalayuan sa pwesto ko ay palihim akong suminghap.Ang ganda niya talaga.Nakalugay ang mahaba niyang buhok na talagang dinadala ng hangin. Ang mukha niyang inosente na hindi nakakasawang tignan. At mga mata niyang kapag titignan mo ay daig pa ang yelo sa lamig n

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 45: Death

    Iris"KAYA PALA ang tahimik mo! Naunahan mo na kami. Ilang araw mong ginawa 'to?" Tukoy ni Devron sa envelope na hawak niya at sinimulan na itong basahin. "Simula ng makapagpahinga ako ng dalawang araw. Sinulit ko na, eh." Sagot ko naman at napatingin ako kay Sebastian ng tawagin niya ang pangalan ko."Wife, bakit hindi ka nagsabi sa akin?" Ramdam ko ang tampo sa boses niya kaya tumayo ako at lumipat ng pwesto para tabihan siya.Hinawakan ko ang kamay niya at nakangiting tumitig sa kaniya. "Ang dami mo pang iniintindi ng mga oras na 'yon, Seb. Ayoko namang pati kay Alfred ay mamroblema ka. Kaya ako na ang gumawa ng hakbang na gawin ang plano. Ang dami mo ng iniisip dadagdag pa ba ako kung kaya ko namang gawin." Dahilan ko kaya tumagal ang pagkakatitig niya sa akin at hinalikan niya naman ang noo ko."Puwede ko na ba kayong kausapin tungkol sa plano? Puwede ko na kayong abalahin na dalawa?" Pagsingit ni Devron kaya mabilisan akong umalis sa pagkakayakap sa asawa ko at hinarap na rin s

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 44: Final Plan

    Iris"HAPPY BIRTHDAY DRAIXON!" Masayang sigaw namin at nagpalakpakan. Kitang-kita ko naman ang saya sa mukha ng anak ko dahil kumpleto kami ngayong birthday niya."Blow your candle baby and make a wish," malambing saad ko kaya napatingin siya sa akin at mahinang tumango. Mariing pumikit si Draixon at may ibinulong na hindi ko naman narinig. Pagkatapos niyon ay hinipan niya na ang kandila kaya muli kaming nagsigawan lahat. Nangunguna pa nga ang boses ni Devron."Kainan na!" Sigaw niya dahilan para magtawanan ang kasamahan namin habang ako naman ay napailing."Mommy, daddy. Thank you po kasi tinupad niyo po ang wish ko po na kompleto tayo sa birthday ko po. You're the best gift that I have." Malambing wika niya sa amin kaya hindi ko maiwasang umiyak.Naramdaman ko naman ang pagyakap sa amin ni Sebastian at ng tingnan ko siya ay nakatingin na siya sa mga mata ko. Kitang-kita ko ang pagmamahal na bumabakas sa mga titig niya.Mahal na mahal din kita, Sebastian. "Thank you baby for making

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 43: Encounter

    Iris"Ganiyan mo ba itrato ang isang Alfred De Vega, Iris? Nakakatuwa naman." Saad niya kaya buong tapang kong itinutok sa noo niya ang baril na hawak ko.Ramdam na ramdam ko na rin ang panginginig ng buong katawan ko dahil sa galit na lumulukob. Bumalik lahat ng sakit at poot ng makita kong muli sa harapan ko ang demonyong sumira ng buhay ko lalong-lalo na ni Sebastian."Ang kapal rin ng mukha mong magpakita pa sa amin. Anong kailangan mo?" Matapang na saad ko at binaba ang baril. Lumapit ako sa kaniya at mariing tumitig sa mga mata niya habang siya naman ay mahinang natawa."Mas lalo kang naging matapang ngayon, Iris. Nakakatuwa naman kahit ni katiting na respeto ay wala ka ng maipakita sa akin. Wala na ba talagang mababago sa naging pinagsamahan nating dalawa?" Natatawang tanong niya kaya 'di ko na mapigilang hawakan ang kwelyo niya."Kailangan pa ba ng respeto ang isang taong katulad mo? Para sa'kin kasi hindi na, tutal mamamatay ka rin naman." Saad ko kaya nakita ko ang matinding

  • Hiding his Son (Hiding Series #1)   Kabanata 42: Muling Pagbabalik

    Iris"ALAM MO PWEDE KA NG MAGING ARTISTA. Ang galing mong magpanggap, eh." Saad ko kay Devron ng magkaharap kami ngayong umaga. Naandito kami ngayon sa isang cafeteria malapit sa building ng headquarters namin. Tinawagan ko siya para sabihin sa kaniya na alam ko na ang nangyari sa limang taon na lumipas.Nginisian niya langa ako at pinag-krus niya ang dalawang braso niya dahilan para pagtaasan ko siya ng kilay sa ipinapakita niya sa akin ngayon."Pasensya na, napag-utusan lang." Nakangiting saad niya kaya tumawa ako at muli siyang sinamaan ng tingin."Napag-utusan. Ang sabihin mo ayaw mo lang malaman ko. Pero kuya..." Pinutol ko ang sasabihin ko ng tumayo ako at lumipat sa tabi niya. Nakita ko pang parang iiwas pa siya kaya hindi ko mapigilang ngumiti ng palihim.Bigla ko na lamang siyang niyakap ng sobrang higpit at hinalikan ang pisngi niya. Kitang-kita ko pa ang gulat sa mga mata niya dahil sa ginawa ko. Taranta siyang humiwalay sa akin at nabigla na lamang ako ng pagtaasan niya a

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status