IrisPaglabas ko ay tinanguan ko na lamang ang mga nagbabantay kay Mang Nelson. Tumigil ako sa harap ng elevator at hinihintay na lamang ang pagbukas nito.Pinaglalaruan ko lamang ang baril sa kamay ko at sumisipol-sipol habang naririnig ko pa rin ang sigaw ni Mang Nelson. Umiling na lamang ako at ngumisi.Kung kailang nangyari na ay saka lamang siya magsisisi. Kakaiba talaga ang nagagawa ng pera sa isang tao. Nawala ang iniisip ko marinig ko ang pagtunog ng elevator senyales na magbubukas na ito.Pero halos tumigil ang mundo ko miski na rin ang pagtibok ng puso ko ng makita ko kung sino ang taong nasa loob nito. Ang asawa ko na ngayon ay deretso lamang ang pagkakatitig sa akin.Dahil sa pagkataranta at hindi ko pa siya kayang makita ay dali-dali akong tumalikod para takbuhan siya. Ihahakbang ko pa lang sana ang ang mga paa ko pero hinuli niya na agad ang bewang ko at mabilisan akong pinasok sa elevator."Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko pero mas lalo niya lamang hinigpitan ang pagkakaha
IrisPaggising ko ay sobrang sakit ng gitnang bahagi ng katawan ko. Hindi ako makakilos dahil kaunting galaw ko lamang ay sobrang sakit na ang nararamdaman ko. Balot na balot ng kumot ang hubad kong katawan. Hindi ko alam kung anong oras na dahil paggising ko ay sikat na ang araw. Napaungot na lang ako dahil sobrang sakit talaga ng gitnang bahagi ng katawan, hindi ko na rin maiwasang murahin ang asawa ko.Hanggat hindi siya napapagod ay hindi niya ako tinigilan magdamag. Ang gago talagang 'di yata napagod sa ginawa namin dahil naramdaman kong pumasok siya at may nilapag na pagkain sa harapan ko."Good morning, Wife!" Masiglang bati niya at nilapitan ako para halikan sa noo. Nang tingnan niya ang kabuuan ko ay ngumisi pa siya na akala mo ay nanalo sa lotto niya."Hows your sleep? Masakit pa rin ba?" Malambing niyang tanong habang inaalalayan ako sa pag-upo. Bago ko pa man siya sagutin ay sinamaan ko siya ng tingin."Bwisit ka, ang sakit pa rin hanggang ngayon." Pag-amin ko kaya napasig
Iris"IKAW ba ang may gawa ng lahat ng 'yon , Iris?" May diin ang bawat salitang lumalabas sa bibig ng taong kaharap ko ngayon. Habang ako naman ay nakadetwatrong nakaupo sa harapan niya at tumawa."Nag-iisip ka ba? Kung ako ang gumawa niyan sa tingin mo kaya ko 'yang mag-isa? 'Wag ka ngang tanga," naiirita kong saad at humigop ng kape.Narinig ko pa ang pagtawa ni Alfred na akala mo ay nauubusan ng pasensya. Ako naman ay palihim na umirap dahil talagang kinuha niya ako sa bahay habang wala ang asawa ko.Isang buwan na rin ang nakakalipas simula ng mangyari ang planong isinagawa namin. Kumalat sa publiko ang balitang kay Alfred De Vega ang planta na 'yon at iniimbestigahan na ng mga pulis.At sa isang buwan na 'yon ay grabeng pag-iimbestiga ang ginagawa ng mga pulis kay Alfred De Vega. Lalong-lalo na sa amin dahil kami ang itinuturo niyang suspek."NAGTATANONG AKO NG AYOS, SUMAGOT KA RIN NG AYOS, IRIS!" Dumagundong ang boses ni Alfred sa apat na sulok ng kuwarto. Dahil sa sinabi niyan
Iris"ISANG BUWAN na ang nakakalipas simula ng mag-imbestiga ang mga pulis tungkol sa illegal na planta ng tumatakbong mayor na si Alfred De Vega. Nakita ang ilang ebidensiya na siya nga ang nagmamay-ari ng nasabing planta. Sa ngayon ay isasailalim sa drug test ang naturang mayor. ""At nagbigay ng pahayag ang anak na babae ni Alfred De Vega na si Kiara. Kiara, anong masasabi mo sa gumawa nito?"At doon ay tumapat naman ang camera kay Kiara at tumitig ng deretso dito. Habang ako naman ay napangisi."Humanda ka, sisiguraduhin kong sisirain ki-"Naputol na lamang ang panonood ko ng mamatay ang t.v. Nang lingunin ko kung sino ang gumawa nito ay napasimangot na lamang ako."Sebastian, ang bastos mo. Kita mong nanonood ako! Bakit mo pinatay?" Naiirita kong tanong at muling sumubo ng manggang kinakain ko ngayon kaya dito dumako ang atensyon niya. "Ano 'yang kinakain mo?" Nakangiwi niyang pagtatanong kaya kumuha ako ng isang mangga at pinalamanan ng peanut butter na may toyo sabay bigay sa
IrisPALAGI kong sinasabi sa sarili ko dati na isang araw may isang taong sisira sa akin kaya kailangan kong ihanda ang sarili ko dahil alam kong sobrang sakit nito. Palagi kong nilalayo ang sarili ko sa mga taong nasa paligid ko dahil mabilis akong masaktan. Akala nila, wala akong nararamdaman kapag naririnig ko ang mga mura at masasakit na salita nila ay nadudurog agad ako. Nasasaktan ng mas higit pa sa alam nila.Kaya nang mamatay ang nag-alaga sa akin ay sinanay ko na ang sarili kong mag-isa dahil wala naman ang may gustong samahan ako, hindi na rin agad ako nagtiwala sa mga tao dahil naloko na rin ako ng taong ginawang impyerno ang buhay ko. Akala ko kapag binuo ko na ang pader na ginawa kong pangharang para 'di na nila ako masaktan ay hindi magigiba ay nagkamali ako. May isang taong giniba ito at bigla na lamang pumasok sa buhay ko. Walang iba kundi ang isang Sebastian Buenavista.Simula't sapul pa lamang ay alam ko ng delikado siya, na hindi ko dapat siyang lapitan pero ang
Iris"IRIS, kumain ka muna. Kailangang malakas ka dahil malapit ka ng manganak." Saad ni Devron ng tumabi siya sa akin habang nanood ako ng cartoon sa salas. Siyam na buwan na ang nakakalipas simula ng itakas ako ni Devron kay Sebastian lalong-lalo na kay Alfred De Vega. At sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay marami ang nangyari.Sa Cebu kami itinago ni Devron, sa isang liblib at malayong lugar dahil alam niyang hahagilapin talaga ni Sebastian ang buong Pilipinas makuha lang ulit kami. Sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay pinutol muna ni Devron ang lahat ng koneksiyon niya sa lahat, miski sa mga magulang namin. Lagi niyang sinasabi at pinapaalala sa amin na para rin daw sa kaligtasan ko lalong-lalo na sa magiging anak ko. At sa loob ng siyam na buwan na 'yon ay hindi ko na alam kung ano na ang balita kay Sebastian. Alam kong masakit pa rin ang ginawa niya pero hindi ko mapigilang mag-alala sa kaniya. Hindi siya mawala sa isip ko, dahil mahal ko siya. Kapag masama ang pakiramdam ko
Iris"SIGURADO ka ba sa desisyon mo, Iris?" Muling pagtatanong ni Devron habang karga-karga si baby Draixon na ngayon ay mahimbing na mahimbing ang tulog sa mga bisig niya.Kaya napatango naman ako at sumandal sa sofa na kinauupuan ko ngayon. Saglit kong pinagmasdan si Devron na ngayon ay hinehele ang anak ko at kitang-kita ko sa mga mata niya ang tuwa habang buhat ito. At habang pinagmamasdan ko ang mag-ninong ay isang rebulto ng tao ang pumasok sa isip ko. Mariin kong pinikit ang mga mata ko at iwinaksi siya sa aking isipan. Ayoko munang isipin ang taong 'yon, ang kailangan kong isipin ngayon ay ang kaligtasan ng anak ko dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin nahuhuli sa Alfred De Vega. Magaling magtago ang gago."Baby Draixon, sa akin ka gagaya. Huwag sa gago mong tata-" Pinutol ko kaagad ang sasabihin ni Devron ng samaan ko siya ng tingin. Kaya mahina siyang natawa at muling hinele ang anak ko. "Ang pogi-pogi ng inaanak ko, manang-mana sa Ninong niyang gwapo. Sana ay matulad mo
Iris"Roger, boss!" Saad ko at binabaan na siya ng tawag. Malakas na lamang akong bumuntong hininga at inilagay ang cellphone sa bulsa ko. Akmang lalabas na sana ako sa kwarto ng anak ko ay tumigil ako saglit at pinagkatitigan mabuti ang mukha niya. Tipid akong ngumiti dahil mas lamang ang nakuha niyang features sa Ama niya."Kamukhang-kamukha mo talaga ang Daddy mo, Draixon." Mahinang usal ko at dahan-dahan ng isinara ang pinto ng kwarto niya. Dumiretso naman ako sa kwarto ko at kinuha lahat ng kakailanganin para sa misyon ko mamaya. Nilabas ko ang black leather jacket ko at mabilisan itong sinuot. Kinuha ko na rin ang isa bag para ilagay ang iilang baril na gagamitin ko.Nang masiguro kong ayos na ang lahat ay lumabas na ako ng kwarto bitbit ang bag, helmet, at susi ng motor ko. Pagkababa ko ay nakita ko si Lance ang kaisa-isang body guard ni Draixon na may kausap sa earpiece kaya tumigil ako at hinintay siya na matapos dahil bibilinan kong bantayan maigi si Draixon sa pagtulog."