Billionaire's Bride Replacement

Billionaire's Bride Replacement

last updateLast Updated : 2025-12-16
By:  SofiaTheFirstOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
2views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Nagising na lamang si Bernadette sa loob ng isang kwartong hindi pamilyar sa kanya. At ang malala pa, pinagpililitan ng isang lalaki na noon niya lang nakita na asawa siya nito. Pinilit niyang ipinaliwag na hindi siya ang asawa nito, pero sarado ang mga tainga ng lalaki. Wala ng nagawa pa si Bernadette kundi ang panindigan ang pagpapanggap habang naghahanap siya ng paraan para makaalis doon. Pero habang tumatagal siya kasama peke niyang asawa, pati ang anak nito, hindi niya namamalayan na nahuhulog na pala siya at napapamahal sa pamilyang iyon. Anong gagawin niya kung isang araw ay bumalik ang totoong asawa at paalisin siya?

View More

Chapter 1

Chapter 1

“Palabasin niyo ako rito!”

Alam ng mga lalaki ang utos na dapat sundin. Walang pag-aalinlangang muling isinara ang pinto. Ramdam ni Bernadette ang biglang pagkawala ng lakas sa kanyang mga tuhod at braso, para bang hinihigop ng takot ang buong katawan niya. Ang mga binti niya ay nanginginig, at tila bawat paghinga ay mabigat sa dibdib.

“Huwag ka ngang sumigaw! Nakakarindi ka na!"

Binundol ng matinding kaba ang puso niya. Napalingon siya sa lalaking tinuhod niya kanina. Nakatingin sa kanya si Ysmael Bailey, nakapako ang malamig at matalim na mga mata. Ang katahimikan sa silid ay parang lumulutang sa pagitan nila, at bawat galaw ng lalaki ay tila may bigat na bumabalot sa dibdib ni Bernadette.

“Nasaktan ba?” nauutal na tanong niya, may halong kaba at pagtatangka na mapaluwag ang tensyon.

Pinukol siya ni Ysmael ng isang tinging kayang magpatahimik ng kahit sinong makaharap nito. Napalunok si Bernadette, ramdam ang bigat ng tensyon at ang init ng takot na kumakalat sa kanyang katawan. Ang paligid ay tahimik, ang mga dingding ay tila nakikinig sa bawat paghinga.

“I brought you back here to take care of our child.”

“Ano bang sinasabi mo? Wala pa akong anak, hoy! Nag-aaral pa ako. Working student, sa gabi ay sumasayaw ako sa bar.”

“What?!”

“O, kita mo hindi mo alam? Hindi nga ako ang asawa mo,” tugon ni Bernadette, pilit pinapakalma ang sarili, ramdam ang pagngangalit ng lalaki sa bawat pagbigkas ng salita. Ang kanyang mga kamay ay nanginginig habang sinusubukan niyang panatilihing steady ang boses.

“Shut up!”

Napaatras siya sa lakas ng sigaw. Napayuko si Bernadette, pilit pinipigilan ang katawan na manginig habang papalapit si Ysmael. Ang bawat hakbang ng lalaki ay tila bumibigat sa sahig, at naramdaman niya ang unti-unting pagsikip ng dibdib niya.

“Please… hindi nga ako ang asawa mo. Pwede mo akong paimbestigahan,” ulit niyang pakiusap, halos pabulong at may halong pag-asa sa tinig. Ang mga mata niya ay malaki at nangingilid, naglalantad ng matinding kaba at pangungulila sa katarungan.

Alam ni Bernadette na kailangan niyang ulitin iyon, umaasang kahit kaunti ay dudungaw ang katotohanan sa mata ni Ysmael. Ang katawan niya ay naka-kurba at nakayuko, handang tanggapin ang anumang parusa basta lang mapakinggan.

“Maawa ka naman sa akin. Sigurado akong nag-aalala na sa akin ang mga magulang ko. May sakit sa puso ang aking ina at baka sa sobrang pag-aalala ay atakihin na naman iyon,” halos maiyak niyang dagdag, ang boses niya ay nanginginig, ramdam ang bawat pagtibok ng puso sa paligid na tahimik.

“Don’t make me look foolish, Blaire. Because no matter what you say, I won’t believe you anymore.”

“Ang kulit mo naman, hindi nga ako si Blaire. Subukan mo lang maniwala sa akin. Alisin muna natin iyang si Blaire at ipasok mo ako sa isipan mo bilang si Bernadette Soriano. Iyan ang tunay kong pangalan.”

Alam niya na kapag hindi niya ito nagawa, mawawala ang lahat sa kanya at pati ang seguridad ng kanyang mga magulang ay nakataya. Ramdam niya ang lamig ng silid, ang tensyon ay bumabalot sa kanilang paligid, halos makapanahimik ang hangin sa bigat ng sitwasyon.

“Hindi mo na mabibilog ang ulo ko, Blaire.”

“Please… gagawin ko lahat ng nais mo. Kailangan ko lang talagang makauwi ngayon. Kahit samahan mo pa ako sa bahay namin. Pakiusap, kahit para man lamang sa ina kong may sakit.”

Napansin ni Bernadette na tila humupa ang bahagyang galit ni Ysmael, ngunit muling bumalik ang kaba nang lapitan siya nito. Ang bawat hakbang ay parang pagbagsak ng martilyo sa kanyang dibdib.

“Pakiusap, huwag mo akong sasaktan. Ginawa ko lang iyon para ipagtanggol ang sarili ko.”

Pinag-aaralan ni Ysmael ang kanyang mukha, bawat kilay at galaw ay binibigyang pansin, wari ba’y sinusukat ang bawat salita kung totoo o hindi.

“It’s difficult to regain the trust that you have repeatedly broken, Blaire.”

Napaatras si Bernadette. Kinakabahan siya sa kakaibang titig ng lalaki, ramdam niya ang init at bigat ng silid. Halos marinig ang tibok ng puso niya sa katahimikan.

Sa isip niya, marahil sa anak na lamang siya hihingi ng tulong. Kailangan muna niyang alamin kung sino talaga si Blaire.

“Hindi nga ako si Blaire,” giit pa rin niya, halos nanginginig ang boses habang pinipilit itaas ang kanyang ulo.

Bigla siyang hinawakan ni Ysmael sa braso at marahas na hinila. Napangiwi siya sa sobrang sakit, ramdam ang bawat kalamnan niya na napipilitan.

“Aray!”

Itinulak siya ni Ysmael sa malambot na kama. Ang kutson ay yumakap sa kanyang katawan habang muling bumangon ang kaba. Pinilit niyang huminga ng malalim, ramdam ang bawat pintig ng puso na tila kumakabog sa paligid ng silid.

Biglang nag-ring ang cellphone niya. Napalingon siya sa Father clock. Alas sais na ng gabi. Oras na dapat ay nasa meeting place na sila ni Robin. Isang panandaliang takot at pag-aalala ang dumampi sa kanyang isipan.

Panginoon ko po, ano bang dapat kong gawin?

“Anong gagawin mo?” nanginginig niyang tanong, hawak-hawak ang sariling mga kamay na medyo nanginginig.

“Maghuhubad. Gusto kong bumawi ka sa ginawa mong pagtuhod sa akin.”

“Ano?!” bulalas niya. Napapalingon siya sa katawan ni Ysmael. Ang titig niya ay parang sinusukatan ang bawat galaw ni Bernadette.

Napalunok siya habang napapatingin sa napakaayos na katawan ng lalaki. Ang bawat kurba at linya ng kalamnan ay nakakahulog ng hininga.

As she gazes upon his chiseled abdomen, she cannot help but be mesmerized by the perfect definition and sculpted lines. Ramdam niya ang sariling pulso na bumibilis sa kaba.

Nang akmang huhubarin ni Ysmael ang pantalon, napasigaw siya.

“Sandali lang, bakit pati pantalon mo kailangan mong hubarin sa harapan ko? Nababaliw ka na ba?”

“Shut up, Blaire!”

Awtomatikong nagtakip ng mga mata si Bernadette, ramdam ang init ng silid at ang bigat ng presensya ng lalaki sa kanyang likuran. Tumalikod siya, pilit nilalayo ang sarili.

“Manyak ka! Manyak! Bastos!”

Narinig niya ang malutong na halakhak ni Ysmael. Ngunit naramdaman din niya ang pag-uga ng kama, ang kutson ay bahagyang gumalaw sa bawat kilos ng lalaki.

“Don’t you dare na lumapit sa akin at talagang makakatikim ka ulit ng pagtuhod,” banta niya.

“Oh, really?”

“Hindi ako nagbibiro!” mariin niyang tugon habang nakaharap sa kanya. Napalunok siya muli, pilit itinaas ang tingin ngunit nasilayan ang nakakatakot na pagkalalaki ni Ysmael.

“Nakakahiya ka!” ani niya, muling tinalikuran.

“Truly, it’s more shameful for you to be with your useless guy,” malamig na sagot ni Ysmael, ramdam ang bigat ng tinig sa katahimikan ng silid.

Kumunot ang noo ni Bernadette. May ibang lalaki ba ang tunay na asawa nito? Nang maalala niya si Knoxx, lihim siyang nalungkot at bumigat ang dibdib.

Bahagyang nawala ang kaba nang mahiga si Ysmael at natakpan ng kumot ang katawan. Ang ilaw mula sa bintana ay dumampi sa kanyang mukha, nagpapatingkad ng mga linya ng katawan ng lalaki.

“Hindi ka ba talaga naniniwala sa akin?” seryosong tanong niya, halos maiyak.

“No one believes in people who lie.”

“Paano ko mapatutunayan sa iyo na hindi nga ako ang asawa mo?”

“Let’s fuck.”

Nanigas si Bernadette, ramdam ang buong katawan na parang frozen sa takot at kaba.

“Kung isusugal ko ang pinakainiingatan kong dangal, pakakawalan mo na ba ako? Kailangan ko ng assurance. Kaya kong ibigay lahat para sa mga magulang ko.”

Pinakatitigan siya ni Ysmael, wari bang sinusuri ang bawat linya ng mukha niya kung nagsasabi ba siya ng totoo.

“Please…” nagmamakaawang sabi ni Bernadette, may luha sa mga mata, “Pakawalan mo ako. Hindi ako ang asawa mo. Hindi ito ang buhay ko.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status