Kinaumagahan, nauna akong nagising kaya naman malaya kong pinagmasdan ang maamong mukha ni Xzavier. Ang amo 'pag tulog pero halimaw 'pag gising lalo na kapag alam mo na. Napa-ayos naman ako ng higa nang maramdaman kong gumalaw siya."Good morning." Nakangiting bati ko sa kaniya. Mahina akong natawa nang makita nagulat siya noong makita ako."E-Elara? Y-You're here? For real?" Sunod-sunod na tanong niya."Oo nga," natatawang sagot ko.Napabalikwas naman siya at mabilis na yumakap sa baywang ko."I thought... I thought it was a dream," sabi niya.Nataranta naman ako nang marinig kong sumisinghot siya. Wait, umiiyak siya?"Woy, bakit ka umiiyak? Ayaw mo ba na nandito ako?" Parang bata naman siyang umiling. "Then, why are you crying?" Tanong ko.Humiwalay siya sa akin at saka mabilis niyang tinakpan ang kaniyang mukha gamit ang kamay niya."Hindi lang ako makapaniwala na bumalik ka, na nandito ka na." Sagot niya. "Hindi mo alam kung gaano ako nagsisi noong malaman ko ang totoo, Elara. La
"Ang ganda mo naman, Calli, parang ikaw na yata 'yong ikakasal ah?" Inirapan ko na lang si Lina at pinagtuonan na lang ng pansin ang pag-aayos sa suot kong dress.Ngayong araw na ang sukatan ng dress kaya naman maaga pa lang ay narito na kami sa shop ni Ate Elaine dahil siya ang designer ng gown ni Lina at dress ng mga abay."Kailan niyo nga pala balak ikasal noong partner mo?" Tanong sa akin ni Ate Elaine. "Hindi pa po namin napag-uusapan ni Xzavier eh," sagot ko. "Don't worry, ate, ikaw agad ang tatawagan ko kapag may date na 'yong kasal namin." Dagdag ko pa."Sure 'yan ha?" Tumango naman ako."Calli, 'yong sundo nandiyan na sa labas." Sabay naman kaming napalingon ni Ate Elaine sa labas.At naroon na nga sa labas sina Xzavier at ang kambal."Anak niyo ba 'yong dalawang cute na batang 'yon?" Tanong ni Ate habang nakatingin sa kambal."Yes, ate." Sagot ko naman."Ang gaganda naman nila! No wonder na kayo talaga ang magulang nila." Aniya. Natawa na lang ako sa sinabi niya."Go, chang
Xzavier's POVNoong una, hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Dahil saksi ako sa nangyari sa mga magulang ko. Bata pa lang ako palagi ko na silang naririnig na nagsisigawan. Araw man o gabi, wala silang pinapalampas.Hanggang sa makatungtong na ako ng highschool, ganoon pa rin ang nangyayari sa kanila. Pero mas malala na ngayon dahil madalas kong nakikita si Dad na pinagbubuhatan ng kamay si mommy. I know masamang mangialam sa away nila pero sobra na eh, hindi na tama 'yong ganito. Ilang beses kong sinasabihan si mommy na hiwalayan na niya si Dad dahil hindi na maganda itong pagsasama nila. Masyado ng toxic. Pero ang palaging sagot niya sa akin ay hindi niya raw kayang mawala si Dad. Wala naman na akong magawa kundi ang hayaan na lang siya. Habang tumatagal ay palala nang palala ang away nila. Umabot na sa puntong tinutukan ni Dad si mommy ng baril. Matinding takot ang naramdaman ko noon kaya hindi ko nagawang protektahan at ipagtanggol si mommy.Hanggang sa napagdesisyonan na ni Dad
This is the first time na ipapakilala ko si Elara kay mommy kaya kinabahan ako."Xzav, I'm nervous.." napatingin ako kay Elara at saka hinawakan ang kamay nito."Don't be, I'm with you kaya 'wag kang kabahan." Ngumiti siya pero halata namang pilit iyon.Lihim na lang akong ngumiti saka inaya na sila sa loob. Nang malaman namin ang kuwarto ni mommy ay agad na namin itong pinuntahan.'Yong kabang nararamdaman ko kanina ay bigla na lang naglaho nang makitang maayos ang pagsalubong ni mommy kina Elara.Nang mailabas namin si mommy ay kami na rin ang naghatid sa kaniya sa bahay niya. Habang pinagmamasdan kong nag-iikot-ikot si Elara sa kuwarto ay bigla na lang nag-ring ang telepono ko."Yes?" Sagot ko sa tawag.["Gusto raw po kayong maka-usap ni Engineer Santos tungkol sa susunod niyo project."] Sagot niya."Papunta na ako." Iniwan ko muna sina Elara kasama si Mommy. At nang makarating ako sa site ay agad kong tinungo ang office ni Wiliam."Gusto mo raw akong maka-usap?" Tanong ko sa kani
"Xzav!" Itinigil ko muna ang ginagawa ko nang marinig ko ang tawag sa akin ni Elara."Yes, hon? Do you need something?" Tanong ko rito nang nakangiti."I want avocado.." she said while pouting. Fvck, she's so freaking cute!"Wala na tayong avocado eh," sabi ko. "Bili ka," parang batang tugon niya."Okay, you want to come?" I asked."Ayaw." Iling niya. "Isama mo na lang 'yong kambal kung gusto nila." She added. Tumango ako at hinalikan muna ang kaniyang noo bago magpaalam na magbibihis muna. She's six months pregnant at tatlong na buwan na lang ay ka-buwanan niya na."Twins, sama kayo?" Tanong ko sa dalawa kaya naman nahinto sila sa paglalaro sa IPad nila."Where po?" Ainsley asked."Mall." Mabilis naman silang bumaba ng kama."Yes po, sama kami!" Sabay na sabi nila."Let's go." Hindi ko na sila pinagbihis dahil mabilis lang naman kami."Hindi po sasama sa atin si mama?" Tanong ni Aislinn nang makasakay kami sa sasakyan."Nah. Ayaw niyang sumama eh." I answered.Nang makarating kami
"Have a great day, ma'am!" Naka-ngiting sambit ko matapos kong ibigay ang order ng customer. Bigla naman akong nakaramdam ng hilo kaya naman humanap muna ako ng mauupuan upang doon umupo. "Calli, are you okay? Bakit parang namumutla ka?" Lina asked. "I'm okay, don't worry..." usal ko. "Are you sure?" Tumango ako. "Sige, magpahinga ka muna riyan." Tinanguan ko ulit siya bago siya umalis sa harapan ko. Nakapikit kong hinihilot ang sintido ko at bigla na lang akong napatakip ng bibig ko nang maramdaman kong nasusuka ako. Dali-dali naman akong tumakbo papuntang cr upang doon sumuka. Matapos akong maghilamos ay napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin habang inaalala kung kailan ang huling dalaw ko. "Magto-two weeks na akong hindi dinadatnan," agad akong natigil nang may ma-realize. Hindi kaya... no, isang beses lang namin ginawa 'yon kaya imposible. Imposible itong iniisip ko. "Calli, ano'ng ginagawa mo riyan? Kanina ka pa namin hinahanap." Ani Lina. "L-Lina..." tawag ko rito,
"Ainsley, paki-gising na nga ang kapatid mo at kakain na tayo." Utos ko sa kaniya na agad din naman niyang sinunod.Kambal ang naging anak ko at iyon ay sina Ainsley at Aislinn. Hindi na ako nagtaka dahil may lahing kambal ang side ni papa. Nasabi rin sa akin si mama na may kakambal din sana ako kaso nagkaroon ng komplikasyon ang puso niya dahilan upang bawian siya ng buhay."Mama, pupunta po ba ulit kami kay mama-lola?" Tanong ng munti kong si Aislinn."Opo, kasi need mag-work ni mama para may pang bili tayo ng mga toys niyo." Paliwanag ko sa kaniya.Limang taong gulang na sila pero hindi ko pa sila pinag-aral. Ang plano ko kasi ay pagtuntong nila ng pitong taon ay ipapasok ko na sila sa first grade kaya naman tuwing uuwi kami ng bahay ay tinuturuan ko na silang magbasa at magsulat. Matapos kaming kumain ay pinaligo ko na sila habang ako naman ay maghuhugas ng pinagkainan namin."Ma, we're ready na po!" Sabay na sabi nila habang suot ang cute na pink dress nila na regalo ng ninang L
Sabado ngayon kaya nandito kami sa karinderya ni mama para tulungan siya. Natutuwa akong makita na aliw na aliw ang mga customer ni mama sa kambal dahil sa pagiging bibo nila."Ganiyan na ganiyan ka rin noong kasing edad mo sila," sambit ni mama sa gilid ko."Kanino pa ba sila magmamana, ma?" I chuckled. "Syempre sa lola," sumimangot naman ako na ikinatawa naman ni mama.Saglit pa kaming nagkulitan ni mama bago bumalik sa kaniya-kaniya naming trabaho. "Ainsley, Aislinn, kain muna kayo." Tawag ko sa kambal. "Mama, ang dami nating customer!" Natutuwang sambit ni Aislinn. "Masisipag kasi ang dalawang anghel ko eh," sabi ko sabay gulo ang buhok nila."Mama, kami na po," inagaw sa akin ni Ainsley ang kutsara saka siya na ang sumubo sa sarili, ganoon din si Aislinn.Ano ba 'yan, naiiyak tuloy ako. Hindi na talaga baby itong mga ito.Pinanood ko lang silang dalawa habang sarap na sarap sa pagkain. Tumayo ako saglit upang kumuha ng tubig nila at baka sila'y mabulunan.Halos sabay silang n