BAGO pa ‘man tumawag si Roger kay Mason ay nagising na si Irene kung kaya agad niya itong nilapitan at tinanong kung ayos lang ba ito. “N-nasaan ako?” Ngunit ‘yan ang nakuhang sagot ni Roger mula kay Irene. “Hindi mo ba naaalala? Hinimatay ka kanina sa elevator. Sabihin mo nga saakin ang totoo Irene? Sinaktan ka ba ni Hannah? Hindi ba pinsan mo siya?” Gulat na napatingin si Irene kay Roger dahil sa sinabi nito. Hindi na siya nagulat pa tungkol sa alam niyang pinsan niya si Hannah pero ang tanong nito kung sinaktan ba siya ng babae, doon siya nagulat. Napatahimik siya sandali dahil doon at napayuko. Agad siyang nakaramdam ng takot, takot na baka maulit ang ginawa ng tito at tita niya sa magulang ni Kayla. Biglang pumasok sa isip niya ang nakangiting niyang mga anak kung kaya agad siyang tumingin kay Roger at hinawakan ang kamay nito. “M-manong tulungan mo ako! T-tulungan mo kami ng mga anak ko! Baka—b-baka kami ang saktan nila kapag nalaman nilang buhay pa kami!” Natigilan si R
Nanlaki ang mata ni Kayla dahil sa kaniyang narinig at ang kaninang inaantok ay bigla nalang nabuhayan at dali-daling binuksan ang pinto. Napanga-nga siya ng makita doon si Eugen Alzarez na sa social media niya lang nakikita! “Ikaw nga! Grabe kamukang-kamuka mo si Ivan—” Agad na napatakip ng bibig si Kayla dahil sa kaniyang sinabi ngunit hindi niya napansin ang pagkuyom ng kamao ni Eugene. “E-eugen calm down. Maaaring tulog na sila Irene at ang mga bata,” mahinang bulong ni Roger dito na kinakabahan pa. “Tulog na talaga sila, kaso si Irene kasi may lagnat kaya—” “Fever?!” Nagulat si Kayla ng biglang sumigaw si Eugene at dali-daling pumasok sa loob na ikinaiwas lang ni Kayla. “E-eugene ‘wag kang maingay tulog sila!” lapit na sabi ni Roger dito at huminto naman si Eugene. Si Kayla naman ay hindi makapaniwalang nakatingin kay Eugene lalo na at gusto na niyang tumili dahil sa inaasta nito. Narinig lang nito na may lagnat ang kaibigan niya ay nagalit na ito agad. Napaatras siya n
EUGENE AGAD kong pinatay ang tawag nang marinig ko ang sinabi ni Mason. Nagsimula na akong pagpawisan ng malamig kahit na naka-aircon dito sa office ko at nagsimula na ‘ring manginig ang aking kamay habang tinatawagan si Roger. Paanong nagawa niyang ilihim saakin ang totoo?! “Sh*t!” Inis na sabi ko ng hindi ko makontak si Roger dahil mayroon pa itong kausap sa kabilang linya. Kailangan ko siyang hanapin para alamin ang totoo! Tumayo na ako mula sa kinauupuan ko ngunit hindi ko inaasahan na muli akong mapapa-upo sa swivel chair dahil sa panghihina ng tuhod ko. Doon ko lang naramdaman na sobra na ang panginginig ng katawan ko at sobrang bilis ‘din ng tibok ng puso ko. Napapikit ako ng muling pumasok sa isip ko ang sinabi ni Mason. Hindi ako makapaniwala, hindi ko inaasahan ito pero bakit nga ba hindi ko pinaniwalaan ang puso ko na kakaiba na kung tumibok noong una at pangalawang beses ko siyang nakausap? Naalala ko six years ago, parang na-hypnotize ako sa boses niya at pinang
Seryoso kong sabi at naglakad papunta sa aking upuan ngunit napahinto ako ng may humawak sa kamay ko. “Dumudugo ang kamay mo Eugene!” Hinila ko naman paalis ang kamay ko sa kaniya at naupo sa upuan ko. “Don’t mind it. I want you to tell me what more information you get, especially how did you meet that Hannah Legazpi.” “Ikukwento ko lang sa’yo kung hahayaan mo akong gamutin ‘yan! Baka mag-alala lang sa’yo si Irene kapag nakita ‘yan!” Natahimik ako sa sinabi niya. She will be worried? I’ve done a big mistake though. Lalo na niloko ko siya at ngayon legal na kasal na kami. Sh*t! Isa pa ‘yan sa kinakainis ko ngayon. Ano ba talagang pinaggagagawa ko sa buhay?! Hindi sa ganoong paraan ko gustong pakasalan si Irene… Namalayan ko nalang na ginagamot na pala ako ni Eva habang kinukwento niya ang mga nakuha niyang impormasyon. Hindi na ako magtataka kung paano niya nalaman ang bagay na ‘yun dahil kilala ko si Eva, katulad ni Mason ay magaling sa impormasyon si Eva pero para nga lang si
IRENE “I love you, Irene. I love you more than my life.” Agad akong napabangon ng magising ako mula sa pagkakatulog. Hindi ko maiwasan na mapatulala sa kung saan dahil sa panaginip kong ‘yun. Boses ‘yun ni Eugene hindi ba? Bakit napanaginipan ko siya? Napailing ako dahil sa iniisip ko at kinapa ang sarili ko. Nakahinga naman ako ng maluwag dahil wala na akong lagnat. Tumayo na ako at niligpit ang aking higaan. Pagkatapos ay nag-ayos na ako ng sarili ko at nag bihis. Tutal ay ayos na naman ako papasok ako ngayon, papasok ako para kausapin si Eugene. Hindi ako papayag na may gawin nanamang masama saamin sila Hannah kaya aaminin ko na sa kaniya ang totoo. Napabuntong hininga ako dahil doon pero tinuloy ko pa ‘rin ang balak ko. Matapos kong maglinis lang ng katawan, dahil di pa ako pwedeng maligo, nag suot lang ako ng damit na palagi kong sinusoot sa trabaho at lumabas sa aming kwarto. Naririnig ko ang boses ng kambal mula sa kusina at mukang nagluluto ang mga ito, sabagay m
NAGISING ako dahil sa laming ng paligid. Hinanap ko naman ang kumot at ibinalot ‘yun sa aking katawan ngunit natigilan ako ng maalala ang nangyari at agad na napabangon. “Oh my! Gising ka na hija!” Napalingon ako sa nagsalita at nakita ko ang may katandaan nang babae na mukang nagulat ‘din ng makita ako. Maglalagay palang sana siya ng pagkain sa may maliit na lamesa na nasa may gitna nitong kwarto. Teka sino siya? “S-sino ka po? At nasaan po ako?” Tumingin ako sa paligid at nakita ko ang kwarto na hindi ko kilala. Maaliwalas naman sa loob pero napako ang mata ko sa may bintana. “Snow?!” gulat kong bulalas ng makita mayroong snow sa sahig at umuulan ‘din ng snow! “Haha yes hija, snow nga ‘yan. Ako nga pala si Evergreen, mommy ako ni Eva. Nandito ka ngayon sa bahay namin… Sa Canada,” “C-canada?!” *** (Ganap bago magkita si Hannah at Irene) “ATE Eva!” masayang sabi ni Hannah at tumakbo papunta kay Hannah ngunit lumayo sa kaniya ang babae na ikinatigil niya. “A-ate Eva?” nagtat
HINDI mapakali si Irene sa kaniyang kinauupuan dahil katatapos niya lang magpaliwanag kay Eugene at hindi pa ‘rin ito nagsasalita o nagbibigay manlang ng reaction tungkol doon. Natatakot siya na baka hindi nito matanggap ang mga bata o ‘di kaya naman ilayo nito sa kaniya ang kambal. “E-eugene ‘wag mo sanang ilayo saakin ang mga bata… Tyaka gusto ko ‘din sana humingi ng tulong sa’yo dahil kay H-hannah… Ayoko na may masama nanamang mangyari, kapag nakikita ko nga siya hindi ako makahinga at hindi gumagana ng maayos ang utak ko,” Ang hindi alam ni Irene ay naging malalim ang pag-iisip ni Eugene dahil sa kaniyang mga kinuwento. Kahit alam na ni Eugene ang iba tungkol sa mga kinuwento ni Irene ay hindi pa ‘rin niya maiwasan na mainis at sisihin ang kaniyang sarili. “N-naaksidente ako…” Agad na napaangat ng tingin si Irene kay Eugene ng bigla nalang itong magsalita. “Naaksidente ako kasama ang pamilya ko… ako lang ang natira at kasabay niyon ang pagkawala ng paningin ko… I was hopele
TATLONG araw na simula ng hindi umuuwi si Irene sa kanilang bahay. Doon na nagsimulang mag-alala ang kambal sa kanilang ina at napapatanong kung totoo nga ba na kasama ang daddy nila ang kanilang mommy. Kapag tinatanong naman nila si Kayla tungkol sa kanilang ina ay katulad ng sinabi nito noon ay nasa out of town ito dahil sa negosyo. Gusto nilang paniwalaan iyon ngunit nag-aalala na sila pare dito. Kung kaya nabuo ang desisyon ni Ivan na puntahan ang ama sa opisina at siguraduhin kung totoo nga ba na nasa out of town ang mommy niya. Kapag nakita niya sa kumpanya nito ang daddy niya isa lang ang ibig sabihin niyon; nasa panganib ang mommy niya. Mas naging buo ang desisyon ni Ivan na puntahan ang daddy niya dahil sa isipin na baka napahamak na ang kanilang mommy. Kaya noong isang beses na nakatulog si Kayla ng tanghali dahil binabantayan siya nito’t nagkalagnat silang kambal ay doon siya tumakas. Dala ang perang kinuha sa kaniyang tita Kayla ay sumakay siya ng jeep papunta sa kumpa