BUMALIK na si Irene sa trabaho. Ang daming nagulat na employees dahil sa pagdating niya at nagsimula nanaman ang mga bulong-bulungan pero wala siyang pakialam doon. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makapasok. Ilang beses pa nilang pinagtalunan ni Eugene ang pagpasok niya sa trabaho at kasama na doon ang plano nila na tapusin na ang kasamaan ni Elijah. Alam ni Irene na hindi siya titigilan ng lalaki kaya nga sinadya niya na pumasok dahil maaaring makuha siya nito. Dahil naging busy na sina Eugene sa pagligtas kay Irene noong isang linggo itong nawala ang dami na nitong tambak na trabaho. Katulad nang normal na araw nila ay hindi na sila halos magkitaan dahil sa daming kailangan gawin. Nalaman niya mula sa asawa kung kanino nito nalaman kung nasaan siya, kay Keith. Nagtataka pa ‘rin siya kung bakit biglang nawala si Keith. Ayon kay Eugene ay kasama pa nila ang lalaki na iligtas siya pero bigla nalang itong naglaho na parang bula. Alam niya na may nangyayari kay Keith ngunit hindi niya
“KYLIE!” Dali-daling lumapit si Eugene sa anak nang makita niya itong umiiyak sa sulok ng higaan na naroroon. “Anak ayos ka lang ba?! Nasaan si mommy?!” Doon lang napaangat nang tingin si Kylie dahil hindi niya nabosesan ang ama sa sunod-sunod na putok ng baril sa paligid. Nang makilala si Eugene ay mas lalong napaiyak ang bata at niyakap ang ama. “D-daddy! Nakaka-alala na po ako! Kinuha ni kuya Elijah si mommy! Tinutukan po siya ng baril sa ulo!” Natigilan si Eugene dahil sa narinig. Una nalaman niya na naaalala na siya ng anak at masaya siya doon, pero nang sabihin nito ang ginawa ni Elijah sa asawa ay mas lalong sumiklab ang galit sa puso niya. “Eugene! Ako nang bahala kay Kylie! Kailangan mong iligtas si Irene!” “Tito Keith!” Napalingon sila pareho sa nagsalita at agad na niyakap ni Kylie ang tito na matagal na niyang hindi nakikita. Niyakap naman siya pabalik ni Keith pero tumingin ito kay Eugene. “Eugene tumatakbo ang oras!” Dahil doon ay napatango si Eugene a
NAGISING si Eugene dahil sa tapik sa kaniya at naramdaman niya na mayroong nakayakap sa kaniya. “Pftt! Lupit mo Eugene! Iniwan lang kita tapos may kasama ka ng babae?!” Dahil sa sinabi ni Mason ay natauhan siya at naalala ang mga nangyari. "Tsk." Tanging sabi niya at dali-daling inalis ang kamay ng babae sa kaniyang tiyan at bumangon. Dahil sa ginawa niya ay napabaling ang babae sa kabilang parte at niyakap ang unan doon. “Grabe ang harsh,” tawang sabi ni Mason at hinagis sa kaibigan ang damit nito. Inintay niya na matapos sa pagbibihis ang kaibigan ng maisipan niyang lapitan ang babae at tignan ang muka nito. “Don’t you dare go near her!” mahina ngunit may diing malamig na sabi nito. Napataas naman ang kamay ni Mason dahil doon at natawa. “Grabe talaga talas ng pandinig mo Eugene! Titignan ko lang si chika babes mo e! Magkano bayad mo? Baka pwede 'rin—ouch!” Napadaing si Mason ng batuhin siya ni Eugene ng telephone na nakuha niya sa isang tabi na ikinatanggal nito sa saksak
(ONE MONTH LATER) ISANG buwan ang lumipas at simula ng araw na mahimatay si Irene dahil sa kagagawan ng pinsan niya ay hindi na siya tinigilan nito’t palaging inuutusan. Sa dami nilang maid na naroroon ay siya lang ang tanging inuutusan nito. Nanjan at bubuhusan siya nito ng juice na tinimpla, o ‘di kaya naman itutulak siya sa swimming pool. Mabuti nalang at marunong siyang lumangoy kaya walang problema. Ngunit sa nakalipas na isang buwan na hindi niya alam kung kakayanin pa ba niya ang mga pagpapahirap nito lalo na at nakaramdaman siya ng kakaiba sa kaniyang katawan. Nagsimula na siyang mapagod ng mabilis, palaging antukin at nagsusuka sa umaga. Mayroon na nga siyang maliit na timba sa loob ng kanilang kwarto dahil napapagod na siya kakapabalik-balik sa banyo. “Hindi kaya may sakit ka na Irene?! Hindi ka na kumakain! Ang payat-payat mo na!” sermon sa kaniya ni Eva. Simula ng i-announce na siya ay maid na sinabihan nalang ‘din niya ang mga ito na alisin na ang tawag na 'Ms.' Sa
IRENE TEKA, nasaan ako? Bakit madilim dito? Bulag na ba ako at wala na akong makita? Sinubukan kong tumingin kahit saan at nagawa ko pang kapain ang mata ko kung bukas ba o hindi ngunit bukas naman ito. Wala talaga akong makita kahit isa. Napayakap nalang ako sa sarili ko dahil sa takot sa dilim. Simula ng mawala si mommy at daddy ay naging matatakutin na ako sa dilim lalo na’t alalang-alala ko pa na sobrang dilim ng paligid ng magpunta kami sa ospital dahil madaling araw iyon. Napatingin ako sa isang parte ng may makita akong Liwanag, hindi ako nagdalawang isip na tumakbo papunta doon. Ngunit sa dulo ng Liwanag na iyon ay nakita ko ang scene na ayaw na ayaw ko ng balikan. “M-mommy! Daddy! Please fight for me! Hindi ko alam ang gagawin ko mag-isa!” Umiiyak ang batang ako sa isang tabi kasama si Eva at ang ilang katulong namin at driver. Naalala ko ang gabing iyon na nagising ako sa kalampag ni Eva sa kwarto ko at binalitang naaksidente sila mommy at daddy. Takot na takot ako ng p
“KAPAG sinabi ko na umire ka umire Irene, okay?!” Parang nag-eeco sa pandinig ni Irene ang boses ng kaniyang doktora. Naiintindihan naman niya ang sinasabi nito lalo na ramdam na ramdam niya ang sakit sa kaniyang balakang na parang mahihiwalay ito sa dalawa. Ngunit sa panahon na iyon ay wala siyang lakas ng loob para manganak, nanghihina siya. “Irene!” Muling tawag sa kaniya na ikinailing niya ng marahan. “H-hindi ko kaya doktora,” Hindi nagustuhan ng kaniyang doktora ang narinig na iyon kung kaya tinapik tapik nito ang kaniyang pisnge. “Kapag hindi mo ginawa ay mawawala sa’yo ang anak mo! Ang tagal mong inalagaan ang bata sa loob ng tiyan mo ngayon ka pa ba susuko?” Pagpapalakas ng loob nito habang hinihimas ang kaniyang tiyan. Dahil sa narinig ay sunod-sunod na tumulo ang kaniyang luha. “P-pero si Kayla…” Natigilan sandali ang doktora niya at napatingin sa mga nurses na kasama niya. Hindi lingid sa kanila ang nangyari kay Kayla dahil nakita nila ito ng dinala sa ospital
SUMAKAY nalang ako sa Taxi para makauwi na sa bahay. Napabuntong hininga ako ng sumandal sa kinauupuan ko. Anim na taon na ang nakalipas, sa anim na taon na ‘yon ay marami na ang nangyari. Noong una ang akala ko ay hindi na gagaling pa si Kayla. Unang taon, pangalawang taon, nawawalan na ako ng pag-asa pero dumating bigla ang isang araw ng sabihin ng doctor na nagkaroon na ng progress ang sakit niya. Simula noon ay nagtuloy-tuloy ang progress niya at nitong nakaraang taon lang ay gumaling na siya. Yes, inabot ng halos limang taon ang gamutan ni Kayla, pabalik balik kasi ang sakit niya. Nakailang operasyon na ‘din siya at sa awa ng Diyos ay gumaling ang kaibigan ko. Cancer free na siya! Wala ng mas sasaya pa saakin ng ideklara siyang cancer free ng doctor. Halos sambahin ko na nga sila dahil sa pagliligtas sa kaibigan ko. Ang kaso sa kabila ng paggaling niya ay ang pagkaubos ng pera na naitabi niya pati na ako. May kaunti akong pera kaso para sa panggastos nalang namin araw-araw
“MOMMY, you are spacing out again!” Napakurap ako ng magsalita si Kylie na kaharap ko nga pala ngayon. Naiwan kaming dalawa sa hapagkainan dahil wala na si Kayla at Ivan at mayroon ‘daw panonoorin sa TV. Linggo ngayon at naisip ko na ‘wag na munang maghanap ng trabaho dahil pagod pa ako, pagod sa mga nalaman ko. “S-sorry anak, iniisip ko lang kung matatanggap ba ako sa trabaho ko,” Well, half true naman ang sinabi ko. Sana lang talaga matanggap ako sa mga pinag-applayan ko, ang dami kaya nu’n! Kapag ni isa walang tumawag saakin ipapasunog ko kumpanya nila, joke lang. “Do not worry mommy! Alam ko pong matatanggap ka, ikaw pa po ba?! Bukod sa maganda na matalino pa! Sa inyo nga po ako nagmana ng kagandahan at katalinuhan,” Natawa ako sa sinabi niya at pinisil ang ilong nito. Kahit kailan talaga ang ang taas ng self confidence ng anak ko, ayos lang naman ‘yun dahil alam ko na walang mang-aapi sa kaniya kapag pumasok na sila. Mabuti nalang tinuruan namin silang magtagalog ni Kayla,