Share

Chapter 56

Chapter 56

Tinahak ko ang daang itinuro ni Lily. Doon ay nadatnan ko ang isang kotse, natatakpan ito ng berde na tela at mangilan ngilang mga sanga ng puno. Mababakas ang ginawa niyang pagtatago sa kotse na ito pero dahil lang sa ’kin ay napurnada.

Ipinilig ko ang ulo, hindi ngayon ang oras para makonsensya pa. I should be thankful to Lily. Nahirapan akong tanggalin ang mga sangang nakapatong dahil marami rami rin iyon, pero hindi kalaunan ay naawas ko rin iyon lahat.

Gamit ang nangangatal na mga kamay ay binuksan ko ang pinto niyon. Matapos makasakay ay kaagad akong natigilan.

Isa na lang ang problema ko, hindi pa ako nakapagmaneho noon.

Kaagad akong napabuntong hininga. “Paano na ’to?”

Hinawakan ko ang manibela at inumpog doon ang ulo ko, mabilis naman akong napadaing nang napalakas iyon.

Ilang sandali lamang, walang pagpipilian ay sinubukan kong ipasok ang susi at iikot, halos mapatalon ako nang biglang umandar ang makina.

“Anong kasunod? Hindi ko na alam. . .” Napakamot na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status