Chapter 64Mabilis ko siyang itinulak. Napaupo si Rivaill sa lamesa ng gawin ko iyon. He then, crossed his arms and stared at me intently. Nanatili siyang tahimik ani mo’y hinahayaang mag-sink in sa akin ang mga sinabi niya kanina. Marahas akong tumayo dahilan para tingalain niya ako. “Hindi ako naniniwala sa ’yo. Imposible ’yan.” No—what he’s saying could be true. Ngunit may parte sa akin na ayaw maniwala. I don't believe I loved someone other than him. Kinuha ko iyong litrato sa wallet niya at saka ibinalandra sa mukha niya. “This picture? This picture could be photoshopped!” Umaawang ang mga labi niya, ngunit walang nasabing salita. Bumuntong hininga siya at saka tumango tango. “Fine, I never expect for you to believe me anyways,” “Mabuti naman at alam mo, you’ve fooled me countless times before. Hindi mo na uli ako mapapaikot diyan sa palad mo.” Matapos kong sabihin iyon ay iniwan ko siya roon. Habang naglalakad at tinatahak ang daan papunta sa mismong kalsada ay sige ang pu
Prologue"The bride is here!" I plastered my sweetest smile when they announced my arrival. Bumukas ang malaking pintuan nang simbahan at sumalubong sa akin ang mga nakakasilaw na flash ng camera. Pagkatapak na pagkatapak ko sa pulang carpet na naroon ay nagsimulang tumugtog ang mabagal na tugtugin mula sa isang piano.Talaga namang napaka-elegante ng lahat. Mula sa mga bisita, ang magandang pagkakadisenyo ng mga upuan at ang arso bispo na siyang magpapatunay nang lahat. This is my dream wedding. Ang makapagsuot ng ganito kagandang wedding gown at maikasal sa isang maganda at malaking simbahan. "Tita Pat, I'm living my dreams now," I muttered haughtily. Sinadya kong bagalan ang paglalakad. I want them to capture every bit of my beauty today. Gusto kong wala silang itirang anggulo na hindi nakukuhanan ng litrato.I want everyone to know this wedding. Gusto kong ipamukha sa lahat na ako ang nanalo. Kidding. Ilang sandaling paglalakad at ilang hakba
Chapter 1Laglag ang panga kong tiningnan ang mga babasaging plato na ibinato nito sa sahig. Hindi ang presyo nang platong iyon ang ina-alala ko kung hindi ang kadahilanang kakahugas ko lang noon at sa dalawang segundo lamang ay sinayang niya ang pagod ko."Ilang beses na kitang tinawag sa labas, bakit hindi ka lumalapit?" hiyaw nito sa mukha ko. Hindi ko mapigilang mapaatras, no offense pero ang baho talaga."Madam Loriebelle, naguurong ho kasi ako. Wala namang ginagawa si Zel, hindi ho siya ang utusan niyo," paliwanag ko sa malumanay na boses dahil alam kong hindi na naman iyon maiintindihan nang makitid niyang utak.Tinaasan niya ako nang kilay. Wala na akong nagawa kung hindi kuhanin na lamang ang walis at linisin ang kalat na ginawa niya. Sa totoo lang ay hindi naman siya ang amo ko rito sa restaurant. Kagaya ko lamang din siyang waitress dito pero akala mo na kung sino dahil palaging pinapaboran ni Mister Chua, ang may ari nitong pinagtatrabahuhan kon
Chapter 2"Anak? Ayos ka lang?" Kaagad akong nabalik sa ulirat matapos maramdaman ang marahan na pagpisil ni Mama Elle sa balikat ko. This is new, I'm dozing off. Kadalasan kasi no matter what the situation is, ay mas lalo akong hindi mapakali at mas nagiging sensitive ako sa paligid ko. Damn that guy. Ihinampas ko ang kamay sa lamesa. Nakita ko pa ang pagangat ng balikat niya dahil sa ginawa kong iyon. Tiningala niya ako nang tumayo ako. Kinuyom ko ang dalawang kamao at saka pabagsak muling umupo. "Anong problema? Matabang ba 'yong sabaw?" tiningnan niya ako ng may pagtataka at saka tinikman ang sabaw na nakahain sa mangkok ko. "Hindi naman ah, tama lang," Nasa loob kasi kami ng isang karinderya, inaya niya ako kanina matapos mai-report ang bastos na lalaking iyon. Umiling lang ako kay Mama Elle at nagkibit balikat naman siya matapos ay pinagpatuloy ang pagkain. Sumubo na rin ako. Hindi ko mapi
Chapter 3"What are you dozing off?" I snapped out of my reverie. Tinapunan ko nang tingin ang katabi ko. Pasimple ko siyang inirapan. Pasimple lang dahil takot ko na lang na baka masampal niya 'no? Kahit pa kasal na kami ay boss ko pa rin siya at sunuswelduhan niya ako kaya hindi kami dapat magkaproblema. Masungit niya akong tinaasan nang kilay, ngali ngali ko siyang hampasin nang upuan. "Wala ho, mahal ko," sagot ko sa pinakamalambing na boses. Nakita kong mas tumaas pa ang kaliwang kilay niya matapos ay umayos ng upo. Problema nito?Hindi ko na lang siya pinansin at pinanood ang mga nagsasayang bisita. Mula rito ay ramdam ko ang masasamang tingin sa 'kin ng mga ibang kababaihan. Hah! Hanggang tingin na lang kayo ano? Tumama ang paningin ko kay Stellar, i know her. Isa siya sa kasama kong artista two years ago, she was a rising star like me that time at nariyan pa rin ang mga tingin niyang puno ng inggit dahil nalamangan ko
Chapter 4Idinapa ko ang katawan at saka mahigpit na niyakap ang nagiisang unan ko rito sa maid's quarters. Talaga namang napakasarap matulog lalo na kapag lunes at wala akong aalagaan na makulit na bata. Naihatid ko na kanina pa si Aki sa eskwelahan niya, mga bandang alas otso ay natapos ko na ring malabhan ang mga damit ko at ngayon ang kailangan ko na lang gawin ay matulog at ituloy ang naudlot kong panaginip kagabi. Medyo nawawala wala na rin sa isip ko iyong bangungot at talaga namang masaya ko sanang honey moon. Hindi iyon eh, hindi iyon ang pinangarap kong honey moon, gusto ko iyong sa may beach man lang ba. Kapag nakaipon na talaga ako ng sapat na pera ako mismo ang makikipag-divorce sa lalaking iyon. Pero syempre joke lang, baka noventa y nuebe na ako bago pa 'ko yumaman. For now, tiis-tiis muna. "Anak ng abs nang punyetang si Rivaill!" Nanlaki ang mga mata ko. I immediately cupped my mouth after realizing what I just said. D
Chapter 5Huminga muna ako nang malalim bago mabilis na pinagulong ang tatlong maletang hawak ko. Dali dali ang paghakbang ko para maabutan ang napakabilis maglakad na si Rivaill. Ewan ko ba sa lalaking iyan, ang dami daming dinala tapos ako ang pagbubuhatin. Napaka-ungentleman. Isa lang naman ang maleta ko dito maliit lang din iyon kumpara sa kaniya. Hinakot na nga niya yata ang buong opisina niya, napakabigat kayang itulak."Psst, boss ikaw kaya magtulak nitong iyo!" reklamo ko sa nakatalikod nitong postura na patuloy lamang sa paglalakad. Huminto siya at saka ako nilingon. "Sinuswelduhan kita hindi ba?" aniya sa baritonong tono. "E' hindi naman wife mode ngayon, isa pa baby sitter ho ako sir, hindi taga buhat!" ungot ko sa kaniya. Totoo namang babysitting lamang ang trabaho ko, h'wag na nating isama iyong sideline ko bilang asawa niya. Nakalagay rin sa kontrata ko na hindi niya ako puwedeng utusan kapag hindi ko trabaho o
"I don't know if you're naive or just that stupid enough not to notice,""Haah." Pagbuntong hininga ko bago sumimsim sa hawak kong lemon juice. Kanina pa nage-echo sa utak ko ang mga katagang sinabi niya kanina. Ipinamumukha sa aking kasalanan kong ginusto kong kumain kasi gutom na ako. Matapos niyang sabihin 'yon ay saka niya ako iniwan. Ang ending ito ako, magisa, sa ilalim nang puno tamang inom lang ng juice dahil hindi ko na malaman kung saan ang daan pabalik.Alam ko naman iyon e', alam kong hindi kami magkasundo at ang kontrata bilang asawa niya lamang ang dahilan kung bakit magkasama kami ngayon. Pero bakit parang siya pa iyong galit imbis na dapat ako ang nasasaktan dahil sa sinabi niya kanina. Ayos lang naman, naintindihan ko naman na binabayaran niya ako at dapat ay ayusin ko ang trabaho bilang asawa niya, sana lang ay inilugar niya iyong galit niya sa 'kin. Hindi iyong nangiiwan siya. Tanghali na, siguro ay mg