/ Romance / Hired to Serve, Forbidden to Love / Chapter 78 — Our wedding

공유

Chapter 78 — Our wedding

작가: sweetjelly
last update 게시일: 2026-05-10 00:57:20
“Calessia…” tawag ni Mama kasabay ng mahina ngunit sunod-sunod na katok.

Hindi ako sumagot. Pinigilan ko rin ang hikbi ko. Ayaw kong marinig niya.

Tumayo ako. Lumayo sa pinto at lumublob sa bathtub. Pero ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa pinto. Hindi pa rin kasi tumigil si Mama sa pagkatok.

Nakapa ko ang dibdib ko. Ayaw kong magtampo sa kanya, kaya lang… hindi ko mapigilan itong puso kong magdamdam.

Tatlong taon na mula nang umalis ang kapatid ko. Isang araw, umuwi siya. Agad nag-impake.

Kah
sweetjelly

Hindi pa rin nakabawi...sensya

| 3
이 작품을 무료로 읽으실 수 있습니다
QR 코드를 스캔하여 앱을 다운로드하세요
잠긴 챕터
댓글 (2)
goodnovel comment avatar
Nan
Wow ... totoo ng matotoloy na ang kasalnila,sana walang kuntrabidang dumating sa araw na yon
goodnovel comment avatar
sweetjelly
HAPPY MOTHER'S Day sa mga Nanay kong Readers dito(⁠ ⁠◜⁠‿⁠◝⁠ ⁠)⁠♡ლ⁠(⁠´⁠ ⁠❥⁠ ⁠`⁠ლ⁠)
댓글 더 보기

최신 챕터

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 78 — Our wedding

    “Calessia…” tawag ni Mama kasabay ng mahina ngunit sunod-sunod na katok.Hindi ako sumagot. Pinigilan ko rin ang hikbi ko. Ayaw kong marinig niya.Tumayo ako. Lumayo sa pinto at lumublob sa bathtub. Pero ang mga mata ko ay nakatuon pa rin sa pinto. Hindi pa rin kasi tumigil si Mama sa pagkatok.Nakapa ko ang dibdib ko. Ayaw kong magtampo sa kanya, kaya lang… hindi ko mapigilan itong puso kong magdamdam.Tatlong taon na mula nang umalis ang kapatid ko. Isang araw, umuwi siya. Agad nag-impake.Kahit anong pakiusap ni Mama, hindi siya nakinig. Umalis pa rin siya.Wala si Papa no’ng araw na ‘yon. May business trip siya.At pag-uwi niya, si Mama ang sinisi niya. Wala raw silbi si Mama. Walang kuwentang ina na hindi kayang pigilan ang anak niya.Halos ikamatay ni Mama ang araw na ‘yon. Hindi siya tinigilan ni Papa. Lahat ng parte ng katawan niya ay may latay.At ako… sinubukan ko siyang awatin. Pero maski ako, hindi niya pinalampas. Labinlimang taon pa lang ako no’ng panahon na ‘yon. Gusto k

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 77—Love and Blood

    CalessiaNakangiti akong dahan-dahang nagmulat ng mga mata habang kinakapa si Marc sa tabi ko.Pero wala siya...Dismayado akong bumangon at napadaing agad. Masakit ang balakang ko. May mahapding pakiramdam din sa pagitan ng mga hita ko.Akala ko pa naman, mukha niya ang unang makikita ko paggising. O kaya’y yayakap siya sa akin habang tulog pa ako.Bigla tuloy kumirot ang dibdib ko. Para akong maiiyak. Parang may parte sa akin na nagsisising bumigay ako sa kanya kagabi.Mabilis kong itinakip ang mga palad ko sa mukha ko nang uminit ang mga mata ko.Pinili ko ’to. Ginusto ko ’to. Masaya kong ibinigay sa kanya ang lahat.Kaya wala akong karapatang mag-drama.Humugot ako ng malalim na hininga para pakalmahin ang sarili ko.Pagkatapos, maingat kong ibinaba ang mga paa ko sa sahig at dahan-dahang tumayo.Sakto namang bumukas ang pinto.Bumungad si Marc na may dalang tray ng pagkain habang nakangiti.Napakagat tuloy ako sa labi.Nag-o-overthink pa ako kanina. Pinaghahanda lang pala niya ako

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 76 — Never Letting Her Go

    Marc“Look at me, Calessia…” mahina kong utos nang pumikit siya.Gusto kong makita niya ako.Every movement.Every reaction.Sumunod siya. Dahan-dahang ibinuka ang mga mata.Parang nahihiya pa rin siya, pero hindi kumontra nang diniin ko ang sarili ko sa kanya.Hinayaan kong maramdaman niya ang init ng katawan ko na siya ang dahilan.‘Yong hiya at kaba niya kanina, tuluyang nawala. Nagpapaubaya siya. Ang katawan niya ay kusang nag-re-react sa mga haplos ko.Umawang ang labi niya kasabay ng paghawak niya sa balikat ko. Sobrang higpit na parang doon siya kumukuha ng lakas.Ramdam ko rin ang hapdi sa kuko niya na bumaon sa balat ko.“Do you know what you’re doing to me?” bulong ko, pinahangin ang salita.Napalunok siya. Hindi sumagot. Mas humigpit pa ang kapit niya sa balikat ko.Bahagya akong yumuko. Pinasadahan ko ng halik ang gilid ng panga niya pababa sa leeg.Sinadya kong bagalan. Parang sinasanay ko siya sa mga haplos ko.Narinig ko ang paglalim ng hinga niya. Parang nanigas ang kat

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 75—Restraint Ends

    MarcRamdam ko ang hiya ni Calessia habang buhat ko siya. Halos ibaon na niya ang mukha sa dibdib ko.Pero ako, ngiting-ngiti.Masaya kasi ako. Dahil alam kong masaya siya. Masaya ang mama niya. Masaya si Lola.At sa simpleng bagay na ’to… parang nabura kahit papaano ang bigat na matagal nilang dala.Pagdating namin sa estate, nagtangka siyang maunang bumaba ng kotse.Hinawakan ko agad ang pulso niya.“Wait,” mahina kong sabi.Sumenyas ako sa driver. Naiwan kaming dalawa.Pagkababa niya, agad ko siyang hinila pabalik at pinaupo sa kandungan ko.“Marc!” napatili siya. “Umayos ka nga.”Ngumisi ako. “Maayos naman ako.”“Hindi ka maayos.”“I’m perfectly fine,” bulong ko. Inilapit ko ang labi ko sa leeg niya. “I’ve got you right here.”Niyakap ko siya nang mas mahigpit. Dahan-dahang dumulas ang kamay ko sa hita niya habang ang labi ko’y nakalapat sa batok niya, inaamoy ang pabango niya.“Official fiancée na kita… hindi lang sa contract…” dagdag ko, halos pabulong. “So now, puwede na—”“Anon

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 74—The Kiss That Said Everything

    Kahit ayoko sa klase ng titig ni Olga, hindi ako yumuko. Hindi rin ako umiwas. Naging matapang ako at marahan kong binawi ang kamay ko.“Really?” mahina kong sabi, pero ang tingin ko ay kay Marc na.Tumawa si Olga.Napatingin ulit ako sa kanya.“You’re exactly how he described you,” sabi niyang medyo tumagilid pa ang ulo. “Quiet. Controlled… but you’ve got bite. I like that.”Hindi ako agad nakasagot.Then tinapik niya ang balikat ni Marc.“Approved siya sa akin, pinsan.”“Pinsan?” naulit ko, medyo nabilaukan pa habang sinasambit ’yon.Napatingin ako kay Marc, tapos kay Olga, paulit-ulit.Si Marc, napakamot sa ulo. Mukhang pinagkaisahan nila ako.Sinimangutan ko siya. Pero matamis na ngiti ang sagot niya, may kasamang pisil pa sa tagiliran ko.“Yes, she’s my cousin.” Nilibot niya ang tingin sa buong silid. Nangingislap pa rin ang mga mata niya. “And… she planned all of this.”Parang biglang uminit ang mukha ko. Nakakahiya, ah…Pinagselosan ko. Pinsan pala niya.At siya pa ang nag-prepa

  • Hired to Serve, Forbidden to Love   Chapter 73 — The Ring and the Stranger

    Calessia“Bart, bakit mo ba ako dinala rito?” tanong ko habang naglalakad kami sa lobby ng DL Hotel.Sa kotse pa lang, gusto ko nang magtanong.At saka may meeting nga siya. Bakit biglang isinama niya ako? May pa-damit pa siya.Napatingin ako sa suot kong beige long dress, simple pero elegante.Kaya lang, mula nang makasakay kami sa kotse kanina, ni minsan, hindi na niya ako nilingon. Sa phone niya lang siya nakatutok, laging nakangiti.Ang nakakainis pa, hindi ko mabasa dahil sa privacy screen ng phone niya.Hanggang sa nakarating na lang kami dito sa hotel.Ngayon nga ay hindi pa rin niya ako sinasagot.“Sinama-sama mo ako, hindi mo naman pala ako papansinin…” bulong ko, akmang babawiin ang kamay ko. Pero pinigil niya.Sinuksok na rin niya ang phone niya sa bulsa. Matiim na tumingin sa akin at ngumiti nang matamis.“Bakit mo ba kasi ako isinama? May meeting ka nga, ‘di ba?”Inismiran ko siya.Mas napangiti naman siya. Inangat niya ang kamay ko at inilapat sa labi niya.“You’re my wif

더보기
좋은 소설을 무료로 찾아 읽어보세요
GoodNovel 앱에서 수많은 인기 소설을 무료로 즐기세요! 마음에 드는 작품을 다운로드하고, 언제 어디서나 편하게 읽을 수 있습니다
앱에서 작품을 무료로 읽어보세요
앱에서 읽으려면 QR 코드를 스캔하세요.
DMCA.com Protection Status