Pinipigilan pa ni Theodore, parang baliw talaga hehehe!
"Wala kang karapatan pagsabihan ako ng ganyan! Asawa ko pa rin si Aella kaya ako lang may karapatan na sundin siya!" Umaalab na sigaw ni Theodore sa kaibigan ni Aella.Umigting ang panga ni Sandra saka tinapat ang kaangasan niya "Sino ba'ng gustong tumira sa basurang bahay na ito? Aalis ako kasama si Aella at Angelica. Period!"Tinangka nitong hawakan siya. "Subukan mo—""Itatak mo ito sa isip mo, Mr. Larson, kapag sinubukan mong pigilan ako, palalakihin ko ang isyu na ito at tatawagin ko ang mga kapit bahay mo para makita nila ang kasiyahan dito. At kapag ni-report ito sa balita, sagad sa buto mismo ang kahihiyan ng pamilya mo!"Hindi maipinta ang mukha ni Theodore sa tindi ng galit, namumula ang mata niya, lumitaw ang litid ng ugat sa gilid ng ulo niya at tila umuusok ang ilong. Ang gwapong mukha nito ay naging halimaw. Hindi ito umimik."Thank you for understanding, Mr. Larson," nang-uuyam na bwelta ni Sandra, pinipigilan tumawa.Kilala s'yang palaban dahil lumaki siya sa pamilyan
Sumabog sa galit si Theodore dahil hindi niya matanggap ang sunod-sunod na pagmamatigas nito upang makuha ang atensiyon niya. Umabot sa limitasyon ang ilang beses na pagpipigil niya sa sarili na h'wag itong saktan.Bigla s'yang tumayo, hinila ang asawa at tinulak paupo sa desk. Kinabig ng isang kamay niya ang panga nito, sa higpit ng daliri niya ay tila madudurog ang buto nito. "Can you please say that agian?" Maawtoridad n'yang utos.Hindi inaasahan ni Aella na hihilain s'ya ng ganito ng asawa, at napangiwi siya sa kirot. Nilakasan niya ang loob, sinalubong niya ang mga mata nito na may matinding hinanakit."I regret loving you. Kung alam ko lang na tanga ka sana umalis na lang ako noo pa!" Tapat niya."Hindi naman kita pinipilit na mahalin mo ako. Kung tutuusin mas tanga ka kasi minahal mo ako," giit nito. Lalong dumiin ang pagpindot sa baba niya."Theo, kinamumhian kita!" Nanginig ang mga mata nito. Kahit hindi ito kumibo alam niyang bumaon ng sagad ang binitawan niyang salita.L
Sa gulat ng mga kasambahay sa nasaksihan ay dali-dali nilang tiwagan si Theodore. Ilang sandali ay nasa mansyon na si Theodore at eksakto mismo pagkarating niya ay kinakaladkad ng mga pulis ang kapatid niya. Walang humpay ito sa pagsisigaw. Sinugod niya ito at sinuntok sa mukha dahilan para matulala. "Sapat na ba ang ginawa mo? Lumayas ka pamamahay ko bago ko dagdagan ang pasa sa mukha mo!" Mabangis niyang singhal. Nanginig ang labi nito, hindi makapaniwala sa natamo. "K-Kuya?" "Get out!" Asik niya ulit. Bumaling s'ya sa kanyang sekretaryo para utusan itong palabasin si Tyler. Mabilis nitong sinunod ang utos niya at nakiusap sa pulis na ito na lang ang magdadala sa labas. Nang naging tahimik ulit ang sala, hinagisan ni Theodore ng dismayado at kasing lamig na yelo na tingin si Aella. "Sinadya mo bang gumawa ng eksena para lalo akong kumbinsihin na totoo ang plano mong makipaghiwalay?" Tila binuhusan ng malamig na tubig si Aella. Paano hindi niya nalaman agad ang totoong pakay nit
Pagkatapos ng trabaho ay sinundo ni Aella ang kanyang anak sa ekwelahan. Napuna niya naging madaldal ito at kinikwento nito ang naganap sa klase nito ngayong araw. "Marami na akong friends, mommy," anito sa maliit na boses.Ngumiti siya. "That's nice to hear, baby," tugon niya.Malayong-malayo ito sa dati at malapit na n'yang makita ang magandang kinabukasan nito. Gumaan ang loob niya sa pagbabago nito. Kapagkuwan ay dumating na sila ng mansyon.Dumiretso agad si Angelica sa paglalaro sa aso nito. Hinayaan niya lamang ito. Umupo s'ya sa sofa, binasa ang latest project nila habang pinapanood ang dalawa. Sa oras na iyon ay abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng kanilang hapunan. Sa di inaaasahang pagkakataon ay biglang nawala ang kuryente. Napaigik ang mga ito sa gulat."Bakit ngayon pa nag-brown out?" Reklamo ng isa.Kinamot ng lalaking chef ang batok. "Hay naku! Nawalan din tayo ng tubig..."Inangat ni Aella ang kanyang ulo saka dumako ang tingin sa mga tao sa kusina. Nagtaka rin
"May iba pa po bang paraan para mapabilis ang recovery ng anak ko." Inulit ni Aella ang sinabi kanina nang sandaling nanahimik si Matthias. "Maraming beses mo na siyang tinulungan at nakita ko ang maraming pagbabago niya. Minsan, hindi halata na autistic siya.. may iba pa bang paraan?" Sandali nag-atubili ang doktor. Humugot ng malalim na hininga saka s'ya sinagot. "It's difficult for her to recover quickly. After several sessions and observations, I’ve come to understand that your daughter’s condition stems from a deep lack of love. Bukod sa support ng pamilya, isa sa pinakaimportanteng factor ay ang pagmamahal ng kanyang ama… Dahil matagal nang hindi na-a-affirm ang kanyang existence, her emotional responses have become suppressed—parang instinct na lang ang nagpa-function. Kahit bata pa siya, she already carries the basic emotional perception na parang sinasabi ng katawan niya: 'something’s missing.'" Sumikip ang bibig niya nang maringi iyon. Sa katunayan meron na siyang kutob s
Nanlaki ang mga mata ni Aella nang tumambad sa kanya ang magarang Western-style villa. Isang tingin pa lamang ay malalaman mo ng mayaman a may mataas na posisyon sa sosyodad ang nakatiria sa bahay na bato.Pinindot niya ang doorbell at pinaliwanag ang sadya niya. Dumating ang asawa ng may-ari ng villa at personal siyang sinalubong. Malapad ang ngiti nitong pinaunlakan siya. "Ah... Doc. Mat... I mean, sinabi na sa kin ni Doc. Sullivan ang tungkol sa acupuncture ability mo. Iiwan ko na sa'yo ang princess ko," seryso nitong sambit. "Any way, I'm Bella Enriquez, ang asawa ni Hugo Enriquez. Siguro kilala mo ang pamilya niya?"Sinong hindi makakakilala sa isang maimpluwensiyang businessman at isang mayor ng Bacoor, Cavite?Bahagya siyang tumango, tinago saglit ang kanyang kaba. "I will do my best po," aniya.Tinawag ni Bella ang mayordoma at inutusan na palabasin ang anak niya mula sa kwarto nito. Ilang sandali ay dumating ito, inangat niya ang ulo at kinilatis ang hilatsa nito. She found