Enjoy reading po at walang iwanan po Comment naman po para ma-inspired hehe
Naalala ni Theodore noon, tuwing kikirot ang paa niya ay agaran na darating ang asawa niya kapag tatawagin niya. Tatakbo ito na may bitbit na pouch para tulungan s'ya.Sumikip ang dibdib niya dahil natanto niya na matagal na itong umalis sa mansyon.Tagaktak ang pawis, lukot ang mukha, saglit siyang gumapang at binuhos ang buong pwersa upang tumayo.Lumalala ang tumutusok na kirot sa kanyang binti at wala s'yang magawa kundi tawagin si Jaspher doon sa children's playground sa kabilang silid.Subalit, hindi nito pinansin.Mabuti'y nakita s'ya ng dumaan na katulong, nagulat ito at sinugod siya. Tarantang sumugod din si Scarlet sa tabi niya at nanginginig na inaalalayan siyang umupo sa sofa. "O-Okay ka lang ba, Theo? Is it serious? Gusto mo dadalhin kita ng hospital?"Tila binuhusan siya ng sandamakmak na hiya at nairita s'ya. "No need," nagyeyelo n'yang tugon.Saka inutusan niya ang katulong. "Go, get that sachet of medicine in my jade box. Magpakulo ka ng tubig at timaplahin mo!"Hind
Napuno ng tsismis ang comment section ng video at maraming nagtatanong kung ano ang nangyayari. May isang tao kasi ang nag-leak ng impormasyon tungkol kay Aella, at marahil isa ito sa mga bisita noong birthday party ng anak n'ya. Natural na alam nito ang baho ng pamilya Larson.Matapos mabasa ng mga tsismoso ay maraming nagmura at nilait ang pamilya Larson."Scumbag pala ang Larson na 'yan? Tarantado, ang lakas ng apog para hayaan ang anak ng kabit niya na mag-blow ng kandila ng birthday cake ng anak niya. May amats ba siya?""Kawawa naman ang legal niyang asawa!""Kung ako sa asawa niya ay makipaghiwalay na siya saka ikulong ito kasama ang proste nitong kabit!"Habang abala ang mga tao sa comment section, nagpapatuloy lang ang live at saktong binuksan ni Theodore ang laptop niya at nakita niya sa balita ang live na iyon.Kumalat ang maitim na mga ulap sa kanyang mukha, sumalpok ang kilay niya, umigting ang panga niya, at nanginig s'ya sa galit. "Aella, is this the revenge you have b
"Walang masama kong iiwan mo ang hampas lupa na Theodore na 'yon! Maliban sa kanya, maraming pang lalaki na deserve ka. Hindi lang iyon, you also regained your former glory! Kaya ang tanga-tanga niya para balewalain at saktan ka!" Mahabang litanya ni Sandra.Tinaas ni Aella ang isang kilay. In fact, sang-ayon siya sa sinabi nito. Malaki ang pagkakamali n'ya na nadala siya sa alindog ng lalaking hindi naman marunong magmahal sa kanya. Kaya minsan pinagsisisihan n'ya ang mga panahon na sinayang niya. "Magsisisi siya balang araw. Tatawa talaga ako kapag k-in-arma na!" dugtong nito.Wala s'yng pakialam kung magsisisi man ito kinabukasan. Matagal na n'yang sinukuan ang taong ito. Malamang wala ng magaganap na komunikasyon sa pagitan nila matapos ng hiwalayan. Sandali silang nag-uusap habang naglalakad.Tyempong pagpasok niya apartment ay nagising si Angelica. Binaba niya at hinayaan munang makipaglaro kay Tomato. Hinubad niya ang sandals, ang suot na blazer, nagpainat-inat at binasa ang
Kalong-kalong ni Matthias si Angelica nang dumating sila sa harap ng apartment ni Aella. Nakasandal ito sa balikat niya at mahimbing na natutulog, mahigpit na kumakapit sa damit nito. Kanina pa nito binubuhat ang bata. Naawa s'ya sa binata at umakma siyang kunin ang kanyang anak. Tila may naramdaman ito, mahinang umungol at lalong humigpit ang pagkapit sa damit nito. Ngumiti s'ya sa inakto ng anak at sinubukan iwaksi ang kamay nito. Sa pagkakataong iyon ay hindi maiiwasan na mahawakan ang kamay nito. Kahit na kaunting hawak lang ay naghatid iyon ng kuryente sa buong sistema nita. Huli niyang namalayan na magkalapit sila, at nanuot sa ilong niya ang malamig at mabango na perfume nito. Wala s'yang ideya kung ano ang gagawin, natatakot siya na baka ma-offend ito. "Let me do it," kalmadong wika ni Matthias saka maingat na tinanggal ang kamay ng bata sa damit nito. Tipid s'yang ngumiti habang inaabot ang bata. Pagkatapos noon ay nagpasalamat ulit siya bago ito nagpaalama at marahan bu
Medyo naiilang si Aella na magpaalam kay Matthias pagkatapos ng hapunan. Gusto niyang manatili pa ito ng matagal kasama ang anak. Iyon ang paraan para maka-recover ng mabilis ang anak niya. Abala s'ya sa pag-iisip nang biglang tumunog ang cellphone niya. Hinukay niya ang bag at nakita niyang si Mrs. Enriquez ang tumatawag. She looked apologetically to Matthias and picked up the phone. "Miss Aella, pasensiya na sa abala." Umalalingaw-ngaw ang nag-aalala na boses ni Mrs. Enriquez. Nasa likod nito ang asawa. "You know, something bad has happened! Nag-relapse ang sakit ni Pennie. Mataas ang lagnat niya ngayon at hindi siya makahinga. May pinatawag na rin akong doktor pero gusto ko na ikaw mismo ang gagamot sa kanya." "Huwag po kayong mag-alala, parating na ho ako," pag-aalo niya. Malaki pa rin ang tiwala ng mga ito sa kanya, sana magiging epektibo ang Chinese medicine niya. Binaba niya ang cellphone, akma siyang magsasalita pero tumayo ito. "Ihahatid ko kayo," presinta nito. Tum
"M-Meron, pero okay lang, darating na ang pagkain maya-maya," ani Aella. Bumalik na s'ya sa dating huwesyo pero maputla ang kanyang mukha. Maayos na s'yang kaupo ngayon sa silya niya. Dalawang segundo s'yang pinagkatitigan ni Matthias pero biglang may dinukot ito sa bulsa at nilagay sa palad niya. "Eat something sweet, and you will recover faster." Nahihilo s'ya kunti pero tumindi nang dumapi ang kamay nito sa kamay niya. Hindi n'ya maiintindihan kung bakit may dala-dala itong candy sa bulas. Ayos lang, makakatulong naman ito sa kanya. Kinuha niya, binuksan, at sinalsal sa bibig. "T-Thank you," bulong n'ya. Kumibot ang dulo ng labi nito at binigyan din ng isa si Angelica. Kumikinang ang mata ng bata nang kinuha nito ang lollipop pero hindi maitago ang pag-aalala para sa kanya. "Okay lang po ba si Mommy?" Tanong nito kay Matthias. Ngumiti s'ya. "Okay lang ako, anak. Malalampasan ko rin ito. Don't worry about mommy, ha?" Ngumuso ito matapos ilagay sa bibig ang binalatang lollipop n