thank you po sa pagbabasa. sana regaluhan niyo ng Gems si Theodore kung naiinis kayo sa kanya :)
Matigas at malamig ang ekspresyon ni Theodore Larson na tila ba inambonan siya ng nyebe. Dismayado siya sa pagiging ma-attitude ni Aella. Sesermonan niya sana pero basta na lang siya tinalikuran habang buhat-buhat ang anak. Naging barado sa kanyang dibdib ang galit na kanina pa pinipigilan at sanhi kaya natagalan siyang huminga ng maayos. Gumugol siya ng mahabang pasensiya at sandali siyang nagtimpi para dito kaya siguro basta na lang itong nag-tantrum at walang modong nakipagsagutan sa kanya ng paulit-ulit.Trinato pa nito ng masama si Scarlet sa opisina, pati ang anak nito ay dinamay.Why didn't he realize before that she was so petty?Umaalab ang galit niya habang sinusundan ito ng tingin palayo. Kumislot siya nang maramdaman ang maliit na kamay na humawak sa kamay niya. Jaspher shot his apologetic look to him. "Sorry po talaga, Tito. Dahil sa akin ay nagalit siya at ngayon hate na hate niya ako. Hindi na po ako babalik rito." Saglit itong huminto para humugot ng hangin. Ngumuso i
Matalim ang tingin ni Aella nang lumabas mula sa kusina sina Theodore at Jaspher. May hawak na plastic cups ang bata. Nilipat niya ang tingin sa anak na naglalaro ng pink winter bear nito. Pinasya niyang manatili rito dahil ayaw niyang masira ang kaligayahan nito kahit na kanina pa siya atat na umalis."Tita, calamansi juice po para kay Angel!" anito sabay angat ng baso."I didn't expect you to be able to do it, Jas. You really impress me," wika ni Theodore.Nahihiyang lumabi si Jaspher. "Turo po ito ni Mommy...""Oh, bigyan mo na si Angelica," ani Theodore sabay muwestra ng kamay sa direksyon ng anak.Tumalima ito. "Tita sa inyo po ang isa."Napakunot siya ng noo at maingat na tinanong. "Ano ba 'yan?""Calamansi juice po na piniga ko mismo. I am using this to apologize to Angel," sagot nito na kumikinang ang mata.Dahil sa hindi niya kinuha ang alok nito, dumiretso ito kay Angelica at sapilitan na ipinahawak ang baso. "Inumin mo, Angel. Masarap iyan!"Sa pamimilit nito ay nabitawan n
"Hindi pa naka-almusal si Angelica. Papakainin ko muna siya kaya wala siyang maglaro ngayon," tugon ni Aella sa malamig na tono.Lumabi si Jaspher. "Okay lang po, tita. Pakainin niyo po muna si Angel. Maghihintay po ako." Nahuli niya ang pagkislap ng kapilyohan sa mata nito. Hindi 'yon napansin ni Theodore dahil iniisip nito na sosobra ang pagtataray niya sa bata. Nasa isip nito na well-behaved at considerate si Jaspher. Inangat nito ang kamay at ginulo ang buhok ng bata. "Very good, Jas. You're always sensible," paghahanga nito.Inikot niya ang mga mata, binalewala ito at hinila ang kamay ng anak. Wala s'yang lingon na umalis at dumiretso ng dining room.Sa kabila ng lahat, masaya si Aella na ignorante at mahina ang anak niya para matanto ang malamig na trato ng ama nito dahil sa pagiging autistic nito. How sad it would be to see her own dad treating others better than her. Nawala ang panlasa niya habang nginunguya ang bacon, samantala si Angelica ay sarap na sarap sa cheese hotdo
Hinamas niya ang tyan. Nainitan na ito ng salabat na ininom niya kanina."Are you feeling better now?" nag-aalalang usisa ni Sandra. "Nilalamig ka pa ba? O may masakit pa ba sa'yo.""I feel much better now, thank you," sabi niya sabay iling. "Sigurado kang okay ka na?" Pinasadahan siya ng tingin.Pumalatak siya. "Okay na nga ako. Sige na, uuwi na ako.""Huh? Why don't you stay here with me tonight? 'Wag ka na mag-isip ng kung ano, dito ka na muna matulog at ihahatid kita sa inyo bukas ng umaga," alok nito."Hindi pwede. Paseniya na.""Eh bakit?"She acknowledged her good intentions, but she still declined it. "Nasa bahay si Angelica at ayokong iwan siya mag-isa lalo na umuulan ngayon. Takot siya sa kidlat. Kung hindi ako uuwi, baka hindi siya makatulog. Ayoko rin lumala ang sakit niya."Sumulyap sa bintana si Sandra. Ngumiwi ito nang matanto na lumalakas at dumadami ang kulog at kidlat sa labas na talagang nakakatakot. Ito mismo ang sitwasyon na mas kinakailangan siya ng anak. Angeli
Tinanggihan ni Aella ang mga kasamahan na sasabay siya uuwi sa mga ito. Pinili niyang mag-isa dahil wala s'ya sa mood. Kumikidlat at malakas ang ihip ng hangin noong lumabas siya ng restaurant. Hinugot n'ya ang cellphone sa bulsa para tumawag ng taxi ngunit wala ng bakanteng slots. Napabuntong hininga siya't pinatuloy ang paglalakad. Nangangatog ang kalamnan at nahihilo siya. Saktong pagtungong niya daan na baradong tubig sa butas ay ang pagdaan ng pamilyar na itim na range rover. Nabasa siya nang inapakan iyon ng sasakyan. Naningkit ang mata niya nang makita ang bulto ng kilalang niyang lalaki sa back seat at si Scarlet na sumasandal sa balikat nito.Nangilid ang luha sa kanyang mga mata. Umupo siya sa tabi, nanginginig na hinanap sa contacts ang pwedeng tawagan. Nagsimula rin ang pagpatak ng malalaking butil ng ulan.Sa huli, tanging ang kaibigan niyang si Sandra ang sumagot. "Pwede mo ba akong sunduin, Sandra?""Ella, what's going on? Where are you?" gulat nitong tugon. Ramdam
Ilan sa emplyedong kasama nila ay pinuri ang mga pagkain para matuwa si Scarlet at Theodore. Napansin ni Aella na nawalan ng interes ang asawa, naging malamig ang tingin nito at wala ng pakialam.Napahugot ng malalim na hininga si Sunny at kiniling ang ulo sa kanya. "Hayaan mo sila. Hindi natin sila pwedeng ma-offend. Pagpasensiyahan mo na, kung ayaw mo maapektuhan ang susunod mong trabaho," bulong nito na sila lang ang makakarinig.Bumalik ang lakas ng loob niya matapos nitong ipakita ang pagiging maunawain at kabaitan. Naalala niya noong mga unang araw niya sa trabaho ng kompanya ay ito ang naging sandalan at katuwang niya.Sa ngayon, kakapalan niya muna ang pagmumukha. Kapagkuwan'y sinimulan nilang kumain ng hapunan. Naging masaya ang tensyon sa pagitan nila nang magsimulang mag-inuman ang lahat. Ang kilalang niyang madalas na malamig at aristocrat na si Theo ay natunaw at bumaba sa mundo para kay Scarlet. Nagkaroon ng confident