Home / Romance / His Abandoned Wife Sweetest Comeback / Chapter 192—He had a Crush

Share

Chapter 192—He had a Crush

Author: Winter Red
last update Last Updated: 2025-07-31 20:12:58
Saglit na gumawa ng sariling eksena si Andrew sa utak niya—iyong tipong madramang pagtatagpo ng isa isang pamilya sa telenovela.

Umigitng ang panga ni Matthias nang mapansin ito, dinalaw siya ng iritasyon at pinukol ang matalim na tingin sa kaibigan. "Gusto mo ba'ng matanggalan ng isang ngipin?"

Hinipo nito ang panga at pilyong ngumisi. "Pakiramdam ko mas mahalaga sa iba ang love life nila kaysa mga kaibigan nila! Hindi mo ko ni-reply-an kagabi pero noong si Miss Aella ang tumawag sa'yo, mabilis pa sa kidlat mo s'yang sinagot. Ang baitbait mo pa kay Angel, pero sa akin kulang na lang ay lamunin na ko ng buo."

Tinaas nito ang isang kilay, pinili maging malamig. "Hindi lahat ng oras ay sukbit ko ang cellphone ko. Nakalimutan mo na mas abala ako sa'yo. I have many priorities, then you can't even type clear. You better learn to write and read again with the kids there," sumbat n'ya saka tinalikuran. Inisang hakbang n'ya ang daan patungo sa kotse. Nasa backseat s'ya nang pinigilan ni And
Winter Red

Thank you for reading po :) God bless you all! Inlababo na si 2nd ML natin haha!

| 12
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (2)
goodnovel comment avatar
Aviana
Fafa Mattias galawin muna ang baso 🩷🩷🩷
goodnovel comment avatar
Ledarolf Lim
yes I love na sya nkakakilig slang dalawa
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 194—He Care for them

    Sinara ni Andrew ang bibig nang matauhan. Alam n'ya ang tungkol sa contract marriage na ito. Isang antikong alyansa sa pagitan ng Sullivan Family at Marasigan Family. Nakakatawa ito para sa kanya. Anong era na ba sila ngayon? At bakit nauuso pa rin ang arrange marriages? Gayunpaman, mataas ang estado ng pamilyang sullivan at masyadong binibigyan halaga ang pagtitiwala kaya seryoso ang mga ito sa ganitong bagay. Kilala ni Matthias, hindi agad-agad nitong tatanggapin at hahayaan na manipulahin ng pamilya nito. His bestfriend never had any girlfriend due to this reason. Naka-lima na s'ya at heto single pa rin ito. Inikot n'ya ang mga mata at walang ginawa kundi ibahin ang usapan. "Bumubuti na ang kondisyon ni Angelica, huh. She's interacting now with those people she knows on a daily basis, almost like a grown up child. Salamat sa treatment mo." Huminto siya, naningkit ng mga mata. "Ah, napansin ko... napahaba yata ang stay mo sa Manila. May tatanungin sana ako pero hindi ako sigurad

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 193—Speaking of my fiancé

    Naputol ang masaya nilang pagkikwentuhan nang biglang dumating ang pinuno ng mga bodyguard. Si Hansel. "Sir, may nakita po kaming intruders sa labas ng mansyon...dalawang kilometro ang layo. Nahuli namin sila pero hindi namin alam kung mga espiya sila. Ipapakulong natin sila?" Kumunot ang noo ni Prescott nang marinig iyon. Kakalabas lang niya bitbit ang prutas na pinahanda ng boss niya. May sumusunod ba sa kanila? Walang reaksyon si Matthias dahil hindi na bago sa kanya 'yon. Kinibot n'ya ang dulo ng labi. Nalaman niy 'yon habang nagbumabyahe sula pauwi kaninang tanghali. Alam niyang sinusundan siya ng mga iyon para saktan siya at alamin ang ginagawa niya pero wala namang nangyari... malamang gusto lang kumuha ng impormasyon tungkol sa kanya. Ang bobo ng mga ito para manmanan siya. Malamang tauhan iyon ni Theodoroe Larson. Tinatamad siyang makipag-deal sa alagad nito. "'Wag na. Hayaan niyo sila at bigyan niyo lang ng babala. Kung babalik sila ulit, siguraduhin niyong mawawala s

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 192—He had a Crush

    Saglit na gumawa ng sariling eksena si Andrew sa utak niya—iyong tipong madramang pagtatagpo ng isa isang pamilya sa telenovela. Umigitng ang panga ni Matthias nang mapansin ito, dinalaw siya ng iritasyon at pinukol ang matalim na tingin sa kaibigan. "Gusto mo ba'ng matanggalan ng isang ngipin?" Hinipo nito ang panga at pilyong ngumisi. "Pakiramdam ko mas mahalaga sa iba ang love life nila kaysa mga kaibigan nila! Hindi mo ko ni-reply-an kagabi pero noong si Miss Aella ang tumawag sa'yo, mabilis pa sa kidlat mo s'yang sinagot. Ang baitbait mo pa kay Angel, pero sa akin kulang na lang ay lamunin na ko ng buo." Tinaas nito ang isang kilay, pinili maging malamig. "Hindi lahat ng oras ay sukbit ko ang cellphone ko. Nakalimutan mo na mas abala ako sa'yo. I have many priorities, then you can't even type clear. You better learn to write and read again with the kids there," sumbat n'ya saka tinalikuran. Inisang hakbang n'ya ang daan patungo sa kotse. Nasa backseat s'ya nang pinigilan ni And

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 191—Dumbfounded

    Natameme si Matthias sa padalos-dalos na kilos ng bata, nalito si Prescott, naaliw si Andrew at bahagyang napauwang ng bibig si Aella. Ang tapang ng munti. Ito ang kauna-unahang tao na naglakas loob na halikan si Matthias. Hindi ito mahilig makipagsabayan sa ibang tao. Madalas ay nilalayo nito ang sarili sa iba, wala itong pakialam sa sasabihin ng iba. Nahiya si Aella at nag-alala na baka magagalit ang psychologist pero ang totoo ay nag-o-overthinking lang silang dalawa ni Prescott. Samantala si Andrew ay di pa rin nakahuma sa pagiging aliw. Muling bumalik sa tamang katinuan si Matthias. "Well, I like Angelica, too." Matamis pa sa honey na ngumiti ang bata. Sa huli ay binigyan pansin ni Matthias ang ina ng bata. "Your daughter's current condition proves that the first phase of treatment was perfect. Mas maiga na, ihinto muna natin saglit ang treatment." "Ah?" Nauwang ng bibig si Aella, bigla s'yang nag-panic at may halong panlulumo. Ibig sabihin ba nito ay hindi niya na makikita

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 190—Kiss by an Angel

    "Ah, wala naman po. Kasi po... ngayon araw ay may ginanap na awarding ceremony sa eskwelahan ni Angelica dahil nanalo siya ng first prize sa painting competition at gusto ka n'ya kayong bigyan ng certificate niya," paliwanag ni Aella sa binata. Hindi ito umimik. Nagpatuloy siya, "gusto ho kayong pasalamatan ng anak ko kasi tinuruan niyo ho siya at syempre natatandaan niya iyon." Matamis na ngiti ang pumaskil sa mukha ni Matthias sa kabilang linya. Tinutop n'ya ang bibig dahil hindi n'ya maiwasan di maantig sa bata. Palagi s'yang pinasasaya ng dalawang ito. "Sure, tamang-tama katatapos ko lang sa trabaho. Pupunta agad ako dyan." "Sige po," aniya saka pinatay ang tawag. Sa pagkakataon ding iyon ay nakita ni Matthias ang text message ni Andrew. Bahagya niyang tinaas ang isang kilay nang mabasa ang nakakaintrigang salita. "Daughter?" Akala niya ba mas mataas ang IQ ni Andrew kesa sa kanya? Ano klaseng kabobohan? O baka sinadya nito? Gusto siyang bigyan agad ng anak. Nasa thir

  • His Abandoned Wife Sweetest Comeback    Chapter 189—Award Ceremony

    Kinabukasan, pagkatapos kumain ni Aella ng almusal ay dumeretso na sila sa paaralan ng kanyang anak. Simple lamang ang seremonya pero ramdam niya ang kasiyahan ng lahat. Dumating din ibang mga magulang para makisali at masaksihan ang masayang kaganapan ng kanilang buhay. Bagamat hindi pang-professional level ang masterpiece ng kanyang anak pero bawat guhit at kulay nito ay pinipresenta ang pagkatao nito. This also give parents a clearer picture of their children's current recovery status. Bilang master of ceremony, natikas na nakatayo si Andrew Fajardo sa stage, suot ang paborito niyang suit. Inanunsyo niya ang premyo at sinabi sa mga bata na iguhit kung ano ang nasa isipan ng mga ito. Sa kanyang gabay ay natutu ang mga bata na ipahayag ang saloobin ng mga ito na sadyang kinatuwa ng mga magulang ng mga ito. Sa wakas, dumating ang pagkakataon ni Angelica. "The last child to be honored is Angelica Larson. She's also the last girl to enroll in our class. This time, she won first prize

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status