thank you for reading po sana patuloy niyong susuportahan fighting!
Lumambot ang ekspresyon ni Theodore nang makitang umiiyak ang bata. Kinuyom n'ya ang palad at matalim na tingin ang sinalubong kay Aella. "Drawing lang iyon, why do you care?" Asik nito. Tila binuhusan ng malamig na tubig si Aella. Drawing lang daw iyon. Ni 'lang' nito! Hindi nito alam kung gaano kahalaga iyon sa anak niya. Pero kung magpapasaway at gagawa ng kalokohan ang anak ni Scarlet ay kino-consider lang nito. Kumirot ang puso niya sa matinding awa sa anak niya.This is the kind of father she had waited for? How pathetic. Tumiim bagang siya. "Drawing lang? Hindi mo alam na iyon ang nagpapagaling sa anak mo?! May puso ka pa ba, Theodore?! Bakit, feeling mo ikaw si Superman na paulit-ulit na pinagtatanggol ang anak ng iba?!" Suminghap siya at hinayaan niyang bumagsak ang mga luha. "Kung iyan ang gusto mo, mabuti pa maghiwalay na tayo! 'D-Di ba ito ang gusto mo?!" Sumabog din sa wakas ang puso niyang paulit-ulit na pinuno ng pighati, kirot at pagtitiis. Oras na para tul
Nagpaalam na si Aella sa sekretaryo dahil may flight pa ito papuntang Macau. Nakatulog si Angelica habang bumabyahe sila pauwi ng mansyon. Mahigpit nitong hinahawakan ang harmonica na niregalo ng psychiatrist. Hinayaan niya 'yon nang mapansin niya. Tila nakakapagod ang buong maghapon na paghihintay kay Doc. Matthias Sullivan dahil hindi ito nagpakita. Gayunpaman, nakatulong din siya sa ibang tao. Salamat sa talentong minana n'ya sa kanyang mga magulang. Agad niyang nilapag sa kama ang anak nang dumating na sila. Tinabihan n'ya ito at di n'ya namalayan na nakaidlip s'ya. Muli siyang nagising mga alas dyes ng gabi dahil nakaramdam siya ng gutom. Hindi lang siya pati rin ang anak. Nag-ingay na parang mga gutom na hayop ang kanilang sikmura. Saglit silang nag-half bath ni Angelica at no'ng natapos ay bumaba sila papuntang kusina. Subalit, hindi siya natuloy nang mamataan ang anak ni Scarlet. She never expected that he would come at this hour. Masaya itong naglalaro ng robot habang
Nasa kasagsagan sila ng biyahe patungong Fort Bonifacio nang tumunog ang cellphone ni Matthias. Kaswal niyang binuksan iyon at binasa ang message. Sumimangot s'ya at tumingin kay Prescott na excited na nagmamaneho. "Hindi ako pwedeng tumuloy sa Fort Bonifacio ngayon, may urgent na pinagawa sa akin. Dumiretso na lang tayo sa NAIA, kailangan kong pumunta ng Macau," balita niya. Bumagsak ang ngiti nito. "Eh? Ba't ngayon? Fine. Whatever!" Sinipi nito ang brake at inikot ang sasakyan. Sa Pasay na ang diretso nila, hindi na sa Taguig. "I just received a top-secret S-level document," lahad niya sa kalmadong tono. "Kaya pala. Hay, bakit ngayon pa nagkataon," reklamo mo nito. "Anong magagawa natin? Makikita rin natin si Aella Larson next time. Bilisan mo ang pagmamaneho." "Aye, aye, captain," biro nito pero nasa tono anc disappointment. Sinipa nito ang gas at dumiretso na sila ng airport. Pagdating nila ay nandoon na ang special na private jet ni Matthias. Gusto sanang sumama ni Presc
"Hindi ko alam pero hindi naman siguro masama kung subukan mo," ani Gibson na tila binibigyan si Aella ng pahintulot na gamutin ang dalawa. Maski hindi siya doktor ay pwede niyang maibahagi sa iba ang sekretong natutunan niya mula sa ninuno nila. Ito rin ang ginamit niya noon kay Theodore kaya gumaling ito sa pagiging lumpo. Kinuha niya sa bag ang acupuncture kit. "Medyo delikado po ito dahil hindi sa katawan pero kahit anong mangyari maniwala lang ho kayo sa akin," aniya. Umigting ang panga nito pero hindi umimik. Delikado ang acupuncture sa ulo pero minsan na niya itong ginawa kay Benigna noong nagkaroon ito ng migraine. "Hindi ko alam. Wala kang permiso na gawin to pero bahala na..." alinlangan nito. "Thank you for trusting," aniya. Sinimulan niya ang treatment na tinagal ng ilang oras hanggang sa gumabi. Nasa tabi ngayon si Angelica at abala sa pagguhit ng kung anu-ano sa papel. Nang matapos ang treatment ay biglang bumangon ang dalawa at ngumiti sa kanya. Halata na gumaan
Noong gabi sa military compound, umugong ang matinis na tunog ng telepono. Agad na sinagot ni Captain Gibson Pedregosa ang tawag mula kay Matthias Sullivan. "Pupunta ako dyan mamayang alas tres ng madaling araw para ipatuloy ang psychological treatment nila," imporma nito. Nagtaka si Captian pero di nag-abalang usisahin ang dahilan. Hindi normal gaya ng ibang psychiatrist ang panggagamot nito pero wala ni sinuman ang nagduda ng pagiging professional nito. Malamang may rason ito kaya iyon ang piniling oras. At saka, habilin ng superior nila na sundin ang kahit anong ire-request nito. Mabilis pa sa alas kwatro s'yang tumugon: "Okay po, doc! Maghahanda po kami." ... Alas tres ng madaling araw, may isang magarang kotse ang humahawi ng daan patungong Fort Bonifacio. Pagkarating ng compound ay mabilis na bumaba si Matthias Sullivan galing backseat, nakasuot siya ng itim na bottom down shirt, itim na pantalon at pinaresan ng makintab na itim na loafers. Sa hilatsa niyang pagigin
Kinabahan si Aella dahil kanina pa hindi nakikita ang anak. Isang oras na yata ang lumipas. Tumayo siya para nagtanong. Saka ang taong hinihintay niya ay di pa rin dumadating. Paano na? Tinamaan ng malaking disappointment ang puso n'ya at ang tanging magagawa ay kumalma. Naalala niyang sinabi rin ni Mr. Vandervilt na may posibilidad na hindi ito darating. Bumaling siya sa bintana at timing na nahagip ng mata n'ya ang magarang Rolls-Royce na papaalis. Siniklop niya ang mga kamay. Malakas ang kabog ng puso niya at tinanong ang nakaupong officer. "Sir, siya ba yong psychologist?" "Oo siya nga!" Hindi siya nagpatumpik-tumpik pa. Tumakbo siya palabas. Kaso hindi mapapantayan ng mga paa niya ang apat na gulong. Hinabol niya iyon hanggang sa kumapos ang kanyang hininga. Desperada siyang huminto, tinukod ang mga kamay sa tuhod habang minamasdan ang unti-unting paglalaho ng sasakyan sa distansya. Bumuhos s'ya ng efforts para mahanap ang taong ito, ngayon na abot kamay na niya ay saka