Ang sunod na lumabas ay ang antikong herbal capsule. Ang Ashwagandha, known for cognitive and neurological supprot. Ito na ang matagal na inaabangan ni Aella. "And now, ladies and gentlemen, we present a rare battle of organically cultivated Ashwagandha root extract-known for centuries to support mental clarity, balance, and calming the nervous system. A prized herb in Ayurvedic healing," anunsyo ng auctioneer. "Malamang ito ang sinasabi ni Doc. Sullivan. Ito ang kailangan ng anak ko para mapakalma siya," she murmured. Banayad na ngumiti si Raffaelo. "Then we're not leaving without it." Kinagat niya ang ibabang labi. May tinabi naman siyang pera, siguro sapat na para makuha ang herbs. "Bidding starts in 20 thousand pesos!" anunsyo ng Actioneer. She crossed her arms, dinadalaw na s'ya ng pangamba. Tinaas ni Aella ang paddle. "Twenty thousand!" "Fifty thousand!" matalim na sigaw ni Theodore. Walang ibang gustong komontra sa kanila kundi ito lang. "Sixty thousand!" sabad ni Raf
"Are you ready?" masuyong bulong ni Raffaelo kay Aella. Biglang pumintig ng mabilis ang puso niya sa kakaibang tono ng pananalita nito. Saka ngayong gabi ay napakagwapo nito—tila model na hinugot sa men's magazine. Tumango siya sabay libot ng tingin sa lahat na naka-full glam. Abala ang mga waiters sa paghatid ng champagne. Nakaupo siya ngayon katabi ang charismatic boss niya. Kiniling niya ang ulo at nagkataon na nasipat niya si Theo, nakaupo sa kabilang banda kasama ang kalaguyo nito. Bumalik siya sa pagsandal at dinertso ang tingin. Ilang sandali ay lumabas sa stage ang auctioneer at nilabas ang centerpiece ngayong gabi. Ito ay isang Céleste Daimond Necklace. Purong puting ginto na may 50 carats walang palyang dyamante at binuksan ang bid na 20 million pesos. Tulalang nag-ingat ang lahat. Bumaling si Raffaelo kay Aella na may bahid ng ngiti sa labi, di maitago ang excitement. "Natatandaan ko mahihilig ka sa diamond?" napaisip niyang turan. Napamulagat ito saka bumuntong hining
Nagulat si Aella nang dumating ang mga magulang niya. Gusto lamang alamin nito ang kalagayan niya, ngayon na may bagong bahay siya at wala na sa puder ng asawa niya. Huminga ng maluwag ang mag-asawa nang malaman na maayos sila. Kaso isa pa rin pagsubok ang pagkaroon ng trauma ni Angelica. Matagal-tagal pa ang proseso bago pahupain iyon kaya minsan na-a-anxiety na s'ya na bago bumalik sa dati. Umaasa s'ya na hindi lumalala ang autism nito.Kumakain sila ng hapunan nang tumunog ang kanyang cellphone. Tumayo s'ya't sinagot ito."Yes, sir?" pormal niyang sagot.Bumuga ng hangin si Raffaelo sa kabilang linya. "Ilang beses ko ng sinabi sa'yo na bawal maging pormal. By the way, I wanted to talk to you about something... special."Binuka niya ng bahagya ang bibig. "May problema ba sa formula ng perfume?""No. Hindi pa nga tapos ang pagpaplano 'non," sabi nito, " ah, there's a charity auction tomorrow night. I'd like you to come with me.""Ah, ako?" hindi niya makaniwalang tanong.Sumimangot s
"You really have no shame, do you, Aella?" Nanginginig ang mga mata ni Theodore, namumula ang mukha, malamig ang tono ng pananalita sa malakas na boses. Napalingon ang ibang emplyedo ng Aurelia sa kanila. Lumitaw ang ilang litid ng ugat ni Aella sa gilid ng sentido. "Shame? Ako pa ngayon ang walang hiya—" "Kasal ka pa sa akin, pero may gana ka pang makipagharutan at maglandi sa ibang lalaki na para bang single ka? Are you that desperate for attention?!" asik niya. Lumaganap ang apoy ng galit sa dibdib ni Aella, hindi pa rin kasi tapos ang isyu ng pagbibintang nito sa kanya. Nagtataka s'ya kung ano ang totoong pakay nito. Ang lakas ng apog para magpakita sa workplace n'ya. Wala na talaga s'yang mukha ihaharap sa boss niya. Mabuti na lamang ay kaibigan niya si Raffaelo. Nagpupuyos s'ya sa galit na nilapitan ito. "Ako pa ang naging makasalanang tao ngayon. Nakalimutan mong ikaw ang mahilig sa ganitong gawain. Aba, sino si Scarlet sa buhay mo? 'Di ba, kalaguyo mo siya at unli-ha
Matapos ang nangyari noong nakaraan ay hindi muna nagpakita si Theodore kay Aella pero naging malamig siya kay Scarlet kahit na binigyan niya ito ng isa pang pagkakataon. Sinubsob n'ya muna ang sarili sa trabaho at saka s'ya babalik kapag kumalma na ang lahat. Sinampahan ng kaso ni Aella si Scarlet pero binayaran lamang nito ang ginawang damage ng anak. Ang kinaiinisan ni Scarlet ay pinipilit siya ni Theo na humihingi ng tawad kay Aella. Sa taas ng pride nito ay di naiwasan n Theo na sigawan pero sa huli ay nagpakumbaba at humingi ng paumahin kay Aella. Sa ginawang damage ng babaeng ay nabawasan ang pag-asa niyang makausap ulit si Aella. Sa kabilang dako naman, abala si Aella sa kanyang work-in-progress na proyekto sa Aurelia Design Studio ngayong hapon. Nakakunot ang noo niya habang nilapat-lipat ang tingin. Nawawalan s'ya ng konsentrasyon dahil iniisip n'ya si Angelica. Hindi pa rin nito nalalampasan ang trauma sa pagkalunod, kahit na nababalisa siya'y kailangan niya itong iwan da
Naalimpungatan si Aella noong gabing iyon, nakatulog siya ng maaga dulot ng pagod sa nangyari kanina. Pumunta muna siya ng kusina para uminom ng tubig. Sinipat niya ang wall clock—pasado alas dyes pa lamang. Huminto s'ya sa pag-inom ng tubig nang bigyan tumunog ang door bell. Sino ba iyon ganitong oras? Nakanguso siyang lumapit sa intercom, may CCTV kaya makikita niya kung sino ang nag-door bell. Pumitik ang kanyang puso hindi sa gulat kundi sa galit. What the hell his doing here? Pinagbuksan n'ya ito ng pinto. Naasar s'ya nang matanaw ang basang-basa nitong buhok at damit, saka tumutulo 'yon sa sahig. "Hindi ka na nahiya?" angil niya. Desperado itong nanginginig. "Please... listen to me. Magkasama kami ni Angelica pero saglit ko siyang iniwan sa tabi para sagutin ang tawag. H-Hindi ko alam na... bigla na siyang—" "H-Hindi mo alam na sa katangahan mo ay pagbabayaran iyon ng buhay ng anak mo! Ngayon naniniwala ka na, na totoong binu-bully ng anak ni Scarlet ang anak mo?!" pamumutol