Thank you po sa pagbabasa sana hindi niyo ako iiwan. Love lots God bless you all!
Inaakala siguro ni Theodore na walang masama sa ginawa nito? Nilunok lang panghihiya ni Aella kanina at pinatuloy pa rin nito ang normal na ginagawa. Ginagap ni Sandra ang kamay n'ya pakalmahin s'y ang kaunti. Tinignan niya ito sa mga mata at tila may pinapahatid na mensahe.Naalala n'ya ang totoong pakay n'ya rito—kailangan niyang makakuha ng matibat na ebidensiya. Bahala na ang detective ang gagawin ang ibang bagay. Dapat niya munang palakasin ang loob at magpanggap na matapang. Hindi ito ang oras para magpadala sa kanyang emosyon. Tutal matagal na niyang binigyan ng malaking ekes si Theodore sa kanyang puso.Ang dating umaalab niyang pagmamahal dito ay naging galit, hinanakit at pagkasuklam. Wala ng bawian iyon. Ang ninais niya ngayon ay makalaya sa kadenang nilagay nito sa kamay at paa niya. Malaki ang pagsisisi niya na minahal ang tanga at bulak na lalaking ito.Lumapit ang staff at tinulungan hiwain ang cake. Binigay ni Theo ang unang piraso sa salbahing bata. "Thank you for hel
Matalim na ginawatan ng tingin ni Aella si Scarlet. Ang lakas ng loob ng dalawa pumunta sa gathering ng pamilya. Iniisip siguro ng dalawa na masaya niya. Magara at eleganteng nakasuot ng damit ang dalawa. Sinundan n'ya ng tingin hanggang sa huminto ang mga ito sa tabi ng kanyang asawa, pinapakitang smart ang tindig. Bago s'ya makahirit ay malapad itong ngumisi. "We came here specially to celebrate Angelica's birthday. Hindi mo sana pasasamain. Saka para kanya, isang simpleng regalo lang na maingat naming pinili ni Jaspher," anito.Hindi s'ya na sorpresa na magpapakita ang dalawa sa ganitong okasyon. Hangang-hanga siya sa audicity ni Theodore na dalhin ang kabit niya rito. At talagang sinadya ng mga ito. Ito na ang tamang pagkakataon para makakuha s'ya ng ebidensiya. Hindi epektibo sa kanya ang pagpapanggap nito. "Hindi kami tumatanggap ng regalo sa di kilalang tao, pasensiya na," pranka niyang tugon. "Hindi pa kita kilala kaya wala kang karapatan magkipag-usap ng kaswal sa akin."
Dumating ang gabi. Naglalakad sa pasilyo ng Grand Regal Hotel sina Aella, Sandra at Angelica. Tutungo sila sa eighth floor kung saan ang banquet hall. Bumungad sa kanina ang maraming bisita. Hindi n'ya personal na kilala at sa palagay n'ya ay mga sikat personalidad galing sa pominenteng pamilya ng alta-sosyondad at malamang maga kaibigan ng pamilya Larson. Nasipat n'ya ang ilang executives at myembro ng pamilya na presente noon sa kasal nila. Nakasuot ng elegante ang lahat, abala sa pagtitsimisan at tawanan. Nagbago ang ihip ng hangin nang tumuntong s'ya ng venue. Simpleng rason lang—dahil s'ya ay nakakasilaw. Nakasuot siya ng umaapoy na pulang damit na 3-inches below the knee, hapit iyon sa katawan niya sanhi para makita ang maliit niyang beywang. Simple lang ang make up niya at nakalugay ang alon-alon na hanggang beywang na buhok. She was incredibly bright and gorgeous. Siya ang literal na makuha kasa tingin. Umindayog ang balakang niya nang sinimulan niya ang paghakbang hab
Kinagabihan, abala si Aella sa pagguguhit ng bagong wedding dresses nang tumunog ang cellphone niya. Mabilis n'yang hinamblot, ngumiwi s'ya ng makita ang pangalan ni Clarissa Ramirez sa caller i.d. "Umuwi ba ang asawa mo para mapag-usapan niyo ang annulment? Sinaktan ka naman ba?" Nag-aalalang tanong ng mama niya. Ginulong niya ang mga mata pero wala siyang balak magsinungaling. "No, hindi siya bumalik. Ang totoo, sampung araw na siyang hindi umuuwi." "Sumusubra na si Theodore ha!" Sumabog ang inis nito. Wala na sa isip nito ang pamilya, pero ang lakas ng loob nito para i-delay ang annulment! Sadya s'yang tinutukso ang hampas lupa! Hindi 'yon importante sa kanya. Useless lang ang magalit. "Ma, Pa, h'wag kayong mag-aalala. Nakahanap na ako ng tao na mangangalap ng ebidensiya na nagche-cheat s'ya. Kapag meron na kami, tuloy-tuloy na ang proseso ng kaso," giit niya sa kalmadong tono. Gumaan ang loob ng ama niya nang marinig iyon. Upang iwasan ang maalala ang demonyo niyang asawa ay
Sumalpok ang kilay ni Raffaelo. Parang naintriga sa sinabi niya. Humugot muna ng malalim na hininga si Aella bago ito sinagot. "Ang lala mo naman mag-isip. Naisipan ko lang ito dahil ayokong makita ang mga dating kliyente ni Theo na sinira ni Scarlet! Pinagharapan ko ang mga iyon, at sinikap ko na kunin ang loob nila paunti-unti... ngayon, gusto akong target-in ni Scarlet, kaya ba't ako uupo lang dito at hihintay ang kamatayan ko?" Naging mapait lalo ang mukha nito. "Hindi ko hahayaan i-bully niya ako ng paulit-ulit. Pinapalampas ko s'ya noon pero dadaan muna s'ya sa baga ng apoy bago ako patumbahin. I want her to know that the fruits of other person's labor are not easy to take away!" Bumagsak ang balikat nito at naging payapa ang mukha. As long as she's not targetting the person with the surname Larson, she can still have a sense of luck. "Alright, I support you. Since that woman has such a greedy appetite and dares to step into your field, let her see for herself that no
Kinahapunan ay sandali siyang tumambay sa Weiss Café—ang maliit na gusali sa tabi ng company building ng mga Conti. Mailang lalaki at babae sa loob na nakatayo sa tabi. Isa doon ay i Ralph Gazo. Magalang itong hinarap ang boss n'yang si Scarlet Dixon na nakaupo sa nireserbang upuan kanina. Ngumuso ito. Nahihiya magsalita sa umpisa ang lalaki. "Ma'am, sinubukan po namin ang lahat pero hindi pa rin kami tinanggap ni Raffaelo Conti. Ang talas ng mahaderang babae na si Aella Larson," imporma n'ya. Esaherada nitong inangat ang ulo. "You are a bunch of rubbish!" Singhal niya, "Simpleng bagay lang hindi niyo pa nagawa? Hindi niyo inaayos ang pag-a-acting niyo kaya nakita agad ang totoo niyong kulay!" Nalungkot ang lahat at nanginginig na nakatayo sa harap niya. "Pero sinabi naman namin ang gusto niyong sabihin sa kanya," rason pa nito. "Ah, para sa'yo, mali ang tinuro ko?" Lumukot ang mukha ni Scarlet at kulang na lang ay sisipain niya palabas ang pesteng inutil! Buong akala