Share

His Bodyguard Wife
His Bodyguard Wife
Author: @KumanderEriii

CHAPTER 1

CHAPTER: 01

|Texana West Point Of View|

*BOOGGHHSS*

*BOOGGHHSS*

*CLANG*

*CLANG*

*SWISH*

Yan ang mga normal na tunog na maririnig mo sa Underground, isama mo na rin ang mga hiyawan ng mga mafia para ipakita ang suporta nila sa dalawang tao na naglalaban sa Circle of Death.

Napahawak ako sa bibig ko at hindi na napigilan pa ang sarili na mapahikab dahil sa labis na pagkabagot. Halos apat na oras at kalahati na akong nanonood ng laban ng mga mafia pero ni isa sa mga laban ng mga ito ay walang nakakuha ng interes ko.

Bakit ba kasi kailangan ko pang panoorin ang laban nila? It's because of my dad. He told me to watch every mafia's fight and report it to him.

Napabuga ako ng marahas na hangin tsaka tamad na sinalo ang tatlong shuriken na papunta sa direksyon ko gamit ang apat kong daliri.

Napatingin tuloy sa akin ang lahat.

"P-patawad D-death Glass, hindi ko s-sinasadya." Utal na saad ng lalaking nasa Circle of Death na siyang may-ari ng mga shuriken.

Agad itong lumuhod habang nakangisi naman ang lalaking kalaban niya na mukhang sinadya na pumwesto patalikod sa akin upang ako ang tamaan ng shuriken ng lalaki.

Nakatalikod kasi sa gawi ko 'yong lalaking kalaban niya kaya ng umiwas ito sa mga shuriken na hinagis niya ay sa akin 'yon pumunta.

"Patawad? Muntik mo ng masaktan si Death Glass sa tingin mo patatawarin ka niya?" Ngising aso na saad ng lalaking kalaban niya kaya sinamaan niya ito ng tingin.

Balak s******p sa akin ng isang 'to tch.

"Para sayo dapat ang mga shuriken na 'yon, kung hindi ka lang umiwas!"

"Anong tingin mo sa akin tanga para hayaan na matamaan ako ng mga shuriken mo?"

Mga hangal. Dahil busy sila sa pagtatalo ay hindi nila na pansin ang paghagis ko pabalik ng mga shuriken sa direksyon nila.

Agad silang napahawak sa kanilang leeg kung saan bumaon ang shuriken na hinagis ko. Sumirit mula roon ang masagana nilang dugo at bago sila bumulagta sa sahig at bawian ng buhay ay nanlalaki pa muna ang mata nila akong nilingon.

Hindi makapaniwala sa ginawa ko. Tch.

"Next fighters." Wika ko na siyang bumasag sa katahimikan ng paligid

Agad na pumunta sa Circle of Death ang sunod na maglalaban at hindi inalintana ang dalawang bangkay na nasa paligid nila.

Nagsimula silang maglaban kaya itinuon ko nalang ang paningin ko sa kanila. Muli na ring umingay ang paligid na parang walang nangyari kanina.

***

Pinatunog ko ang aking leeg tsaka hinimas ang batok ko bago ako tumayo at nag-unat unat. Hindi ko na kayang tagalan pa ang ganito. Pakiramdam ko ang pagka-boredom ang papatay sa akin.

Tumalikod na ako sa mga naglalaban at akmang aalis na pero kung minamalas ka nga naman ay may babae akong nakabangaan at mukhang hindi niya nagustuhan ang nangyari kaya sinimulan niya akong sigawan.

Natahimik ang kaninang maingay na mga Mafia na nakaupo sa mga bleachers maging ang mga naglalaban sa Circle of Death ay napatigil din at natuon ang attention sa akin at sa babaeng 'to na panay ang daldal.

Kung titingnan ang itsura at pag-asta nito masasabi kong baguhan lang siya sa Mafia World. Halatadong walang alam eh.

"Are you listening bitch?! Look what have you done to my dress!" Muli niyang sigaw matapos mabuhos ang dala niyang coke float sa kanyang damit dahil sa pagkaka-banggaan namin.

"So?" Walang gana kong turan tsaka inayos ang eye glasses na suot ko at hinilot ang itaas na bahagi ng ilong ko.

"W-what?!" Hindi makapaniwala niyang singhal dahil sa naging tugon ko.

"B-bella itigil mo na 'to, humingi ka nalang ng tawad sa kany—"

"Apologize to her? No way! Why would I do that? Siya ang may kasalanan kaya bakit ako hihingi ng tawad sa kanya? And look what she did to my dress, my gosh, It cost 50 thousand kaya!" Pagpuputol niya sa sasabihin ng tatlong babae na biglang lumapit sa kanya

Kung hindi ako nagkakamali ay mga ka-gangmate niya ito.

"Stop this nonsense argument Bella!"

Ipinasok ko ang palad ko sa bulsa ng leather jacket na suot ko tsaka binalingan ng tingin ang taong nagsalita

Isang babae na nakasuot ng all violet outfit ang dumating at kasalukuyan na palapit sa direksyon namin.

"What do you think are you doing Bella? You're just new here yet you dare to make a mess?" Muli niyang saad tsaka huminto isang hakbang ang layo sa amin

"S-sorry Leader, We tried to stop her but she didn't liste—"

"Bakit ba ako ang sinisisi niyo? Ano bang mali sa ginawa ko? Ang babaeng 'yan ang may kasalanan, tatanga tanga at hindi tumitingin sa dinaraan niy—"

"SHUT THE FUCK UP BELLA!" Galit na sigaw ng babaeng bagong dating kaya natigilan si 'Bella' daw. "Kneel and apologize to her!" Dagdag niya pa pero matigas talaga ito at hindi siya sinunod

"I won't kneel to anyone." Usal nito kaya halos umusok ang ilong ng babae at akmang sisigawan siya ng sumingit na ako sa usapan nila

"Enough, I didn't know that you're accepting a brat in your gang Ara." Malamig kong wika at kita ko naman ang paglunok nila kahit si Bella na akala mo kung sino ay napalunok rin

"H-how dare you to called me a BRAT?" Sigaw niya at napasinghap ang lahat ng akmang sasampalin niya ako pero bago pa man lumapat sa pisnge ko ang marumi niyang kamay ay mabilis ko na 'yong nasalo tsaka ko siya sinipa sa tiyan dahilan para bahagya siyang tumalsik at mapaupo sa sahig.

Bigla namang lumuhod si Ara maging ang tatlo pang babae na ka-gangmate niya sa harapan ko at yumuko.

"O-ouch! D-damn you bitch! Kayo! A-ano bang ginagawa niyo? Bakit kayo lumuluhod sa harapan ng babaeng 'yan? Sino ba siya?" Sigaw ni Bella na matalim ang tingin na ipinupukol sa akin habang nakasalampak pa rin siya sa sahig.

Wala talaga siyang ideya kung sinong kaharap niya.

"J-just shut your mouth Bella if you don't want to die." Sagot sa kanya ng isa sa mga kasamahan niya

"I w-will kick her out of my gang but p-please forgive u---"

"You know me right? I do not accept apology Ara." Pagpuputol ko sa sasabihin ng leader nila "I won't accept your apology because you didn't do anything wrong, but this stupid gangmate of yours was too bitchy." Dagdag ko pa habang nakatitig kay Bella na biglang napalunok

"Give me your gun." Usal ko kay Ara at nanginginig naman niyang inabot sa akin ang baril niya

Ikinasa ko iyon tsaka itinutok sa direksyon ni Bella at Itinapat sa noo niya

"W-what are you going to d-do?" Utal niyang wika tsaka tumayo at humakbang paatras.

Namumutla rin ang kanyang mukha kaya napangisi ako.

"I guess you already have an idea if who I am." Ngisi kong wika na mas lalo niyang ikinalunok

"I-i'm sorry please f-forgive m—"

"Too late, It's fucking too late, You already messed with me so just accept the consequence of your action, but before you die, let me introduce myself first. I'm DEATH GLASS the Rank 3 in the Mafia World." Malamig kong wika at bago pa siya makakilos ay kinalabit ko na ang gantilyo ng baril na hawak ko at walang kurap na pinasadahan ng tingin ang bala na unti unting tumagos sa noo niya dahilan para bumulagta siya sa sahig at dumaloy ang masaganang dugo mula sa kanyang butas na noo.

Agad siyang binawian ng buhay habang dilat ang mga mata kaya mas lalo akong napangisi. She's so young to die, I know. but too bad 'cause she messed with satan's daughter.

Mercy is not in my vocabulary.

"Headshot."

Pinaikot ko ang baril sa kamay ko bago inilapag sa harapan ni Ara.

"Before accepting a gangmate make sure it's not a brat and weak like that BITCH, understood?" Wika ko kaya sunod sunod siyang napatango.

"Good." Usal ko bago nakapamulsang lumakad palabas ng underground.

Pagkalabas ay agad na bumungad sa akin ang isang Limousine at mula sa driversit ay lumabas ang lalaking nasa edad 50 na si Arnold na siyang driver ng ama ko at personal butler rin.

"Mabuti at lumabas na po kayo Lady Texana, pinapasundo na po kayo ng inyong ama." Wika niya tsaka ako pinagbuksan ng pinto sa backsit kaya walang imik akong pumasok dito.

Pumasok na rin naman siya sa driversit at sinimulang paandarin ang sasakyan namin kaya sumandal nalang ako sa sandalan ng upuan tsaka pinag-krus ang aking braso at binti bago pumikit.

*SCREECHHH*

Kumunot ang noo ko ng biglaang nag-preno si Arnold at kung hindi ko lang na itukod ang paa ko sa likuran ng upuan niya ay paniguradong sumubsob na ako.

"What's the problem?" Kunot noo kong saad nang dumilat ako at tingnan niya

"May bigla po kasing tumawid lady Texana." Sagot niya kasabay ng pagkalampag ng ilang lalaki na nasa edad labing walo sa bintana at hood ng sasakyan namin.

"Hoy mga gago! Lumabas kayo dyan! Tingnan niyo ang ginawa niyo sa kaibigan namin!" Sigaw ng mga ito kaya napabuntong hininga ako

Another stupid human, Tch.

"Ano na?! Lalabas ba kayo dyan o gusto niyong tumawag pa kami ng pulis?!"

"Sandali lang lady texana, kakausapin ko lang sila." Paalam ni Arnold tsaka lumabas ng sasakyan habang ako ay nanatili sa loob at pinanood lang sila

"Hoy tanda tingnan mo ang ginawa mo! Nabunggo mo siya, Bayaran mo ang pangpa-hospital ng kaibigan namin, tingnan mo dumudugo ang binti niya."

"Bakit ba kasi bigla bigla nalang tumatawid 'yang kaibigan mo?" Usal ni Arnold at tsaka nilapitan ang lalaking nakahiga sa kalsada na NABUNGGO daw niya.

Panay ang d***g at mura nito habang nakahawak sa binti niyang DUMUDUGO.

"Aba! Ang kaibigan pa namin  ang sinisisi m---"

"Hindi ko siya sinisisi dahil pareho lang kaming may kasalanan, kaysa dumada kayo dyan tulungan niyo nalang akong isakay siya sa sasakyan para madala sa hospital." Kalmadong wika ni Arnold kaya nagkatinginan 'yong mga lalaki

"H-hindi na! Bigyan mo nalang kami ng 20 thousand, kami na ang magdadala sa kanya sa hospital." Sagot ng isa na siyang ikina-iling ko

"20 thousand? Napaka-laki namang halaga no'n." Kunot noong saad ni Arnold

"Pst! Edi 15 thousand nalang."

"Wala akong gano'ng halaga, Ten thousand lang ang meron ako dito." Muling sagot ni Arnold

"Ok na nga 'yan, akin na."

Tumingin ako sa wrist watch ko at agad na napailing ng makitang alas-nuebe na ng gabi. Gusto ko ng magpahinga, kaya lang masyadong maraming paepal sa gusto ko.

Kinuha ko ang baril na nasa tabi ko lang tsaka inilagay sa bewang ko bago ako lumabas ng sasakyan.

I guess I need to teach these bastard a lesson.

END OF CHAPTER:01

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status