Share

CHAPTER 4

CHAPTER:04

|Third Person POV|

Ipinikit ni West ang kanyang mata habang dinadama ang bawat paghampas ng malamig na hangin sa mukha niya.

Kasalukuyan siyang nakaupo sa isang bench na nasa gilid ng kalsada, napagod na kasi siya kakalakad dahil malayo layo na siya sa bahay nila.

Pinag-krus niya ang kanyang mga braso at marahan na iginagalaw ang kanyang ulo na akala mo ay may pinapakinggan na kanta at dinadama ang bawat nota nito.

Ala-una na ng madaling araw kaya wala ng tao sa paligid, malamang ay mahimbing pa ang tulog ng mga ito hindi kagaya niya na hindi pa rin ulit dinadalaw ng antok.

Napamulat siya ng mata ng marinig ang mga tunog ng humaharurot na sasakyan at dahil katapat niya lang ang kalsada ay kitang kita niya ang pagdating ng apat na sasakyan.

Kumunot ang kanyang noo ng magpa-ikot ikot sa gitna ng kalsada ang sasakyan na nauuna pero kalaunan ay huminto rin iyon sampung hakbang ang layo sa kanya kaya napahinto rin ang tatlong sasakyan na humahabol dito.

Mula sa pulang Ferrari na nagpaikot ikot kanina sa gitna ng kalsada ay lumabas ang isang lalaki na nakahawak sa kanyang ulo at mukhang naka-inom.

Mula sa tatlong sasakyan na humahabol dito ay lumabas ang mga nagma-maneho nito. Tatlong lalaki na pawang may mga hikaw sa mukha.

"Paano ba 'yan Kalem, wala ka ng mata-takbuhan." Ngising wika ng isa sa mga ito na may hikaw sa ibabang labi.

Nag-angat naman ng ulo 'yong lalaking hinahabol nila na ang pangalan ay 'Kalem' tsaka sila nginisihan pabalik.

"Hindi ako tumakbo, bobo! nag-kotse ako." Ngising wika nito kaya sumama ang timpla ng mukha ng tatlong lalaki habang siya naman ay sumandal lang sa nakabukas na pintuan ng kanyang sasakyan.

Napangisi naman si West dahil sa sinagot nito. Kung titingnan ito ay chill lang ito at parang wala lang ang presensya ng tatlong lalaki pero sa loob loob nito ay panay ang pagmura nito. Kung hindi lang na-flat ang gulong ng sasakyan niya matapos nitong magpa-ikot ikot sa gitna ng kalsada ay dapat hindi siya huminto para maabutan ng mga humahabol sa kanya.

Isa pa, hindi siya pwedeng magkulong nalang sa loob ng kanyang sasakyan at hintayin na may dumating na tulong dahil kung hindi siya lumabas agad sa kotse niya ay paniguradong na suffocate na siya ng usok na lumabas sa kanyang sasakyan dahil bukod sa na flat ang gulong nito ay mukhang may na sunog rin na piyesa dito dahil sa sobrang bilis ng pagpapatakbo niya dito kanina.

"Ang tapang mo pa rin ha? Tingnan natin kung hanggang saan 'yang tapang mo." Madilim ang mukha na saad ng lalaking may hikaw sa ilong tsaka may kinuha ang mga ito sa compartment ng kotse nila

"Shit." Napamura nalang si Kalem sa kanyang isip matapos makita ang hawak ng mga ito na baseball bat.

Kahit saan tingnan ay wala siyang laban sa mga ito dahil bukod sa nahihilo siya dahil sa dami niyang na inom ay hindi rin siya marunong makipag-laban kahit self defense lang, Isa pa, tatlo ang mga ito at may mga armas pa habang siya ay mag-isa lang wala pang ibang dala kung hindi ang panyo na nasa bulsa niya.

Tumaas ang isang kilay ni West ng makita ang hawak ng tatlong lalaki.

Tatawa tawa ang mga ito habang mabagal na lumalakad papunta sa direksyon ni Kalem na napa-alis sa pagkakasandal sa pintuan ng kotse niya at ngayon ay humahakbang paatras upang lumayo sa kanila.

"Are you fucking coward? Pagtu-tulungan niyo ako para lang matalo?" Sigaw nito sa tatlong lalaki habang panay ang atras

"Hahaha! Hindi kami duwag Kalem, Hindi lang talaga kami tanga kagaya mo. Umaatras ka na, huwag mong sabihin na natatakot ka? Nasaan na ang tapang mo kanina ha?" Mapang-asar na wika ng mga ito

"Hindi ako natatakot sa inyo, at kung hinahanap niyo ang tapang ko huwag niyo ng hanapin dahil hindi 'yon nagpapakita sa mga mahihinang tao kagaya niyo, isa pa, Ano naman kung umaatras ako? Sa inyo bang mga paa 'to para pakialam niyo?" Sagot rin ni Kalem na hindi magpapatalo pagdating sa larangan ng pang-aasar.

Kinakabahan na siya at natatakot sa pwedeng gawin sa kanya ng mga ito pero hindi naman siya papayag na basta basta nalang ma-agrabyado.

"Interesting." Ngising wika ni West

"Mayabang ka talagang gago ka 'no?! Hayaan mo at aalisin namin 'yang tapang mo, ang laki ng atraso mo sa aming tatlo, Ang lakas ng loob mong agawin ang girlfriend namin!" Usal naman ng lalaking may hikaw sa kilay

Hindi naman na pigilan ni Kalem ang hindi mapahagalpak ng tawa dahil sa sinabi nito. Iyon ba ang dahilan kung bakit siya hina-hunting ng mga ito?

Pathetic.

Sa pagkaka-alala niya ay hindi niya inagaw ang girlfriend ng mga ito dahil ang mga ito ang kusang lumalapit at lumalandi sa kanya.

Isa pa, sa dami ng babaeng lumandi sa kanya ay hindi niya alam kung sino sa mga iyon ang 'GIRLFRIEND' na tinutukoy ng tatlong ungas na kaharap niya.

Ang totoo ay hindi niya kilala ang tatlong lalaki na kaharap niya ngayon, at kung paano nalaman ng mga ito ang pangalan niya ay hindi niya alam.

Nasa bar lang siya kanina at masayang nakikipag-sayawan sa mga babae na nandito pero bigla nalang siyang sinugod ng tatlong ungas na 'to at mabuti nalang ay mabilis siyang naka-labas ng bar at nakasakay sa kotse niya pero ang mga gago, sinundan pa rin siya.

"Sino ba ang mga girlfriend niyo ha? Yong babae bang malaki ang mata pati ang hinaharap? O 'yong babaeng chinita na matambok ang puwet? Aha! baka 'yong babaeng bilugan ang mukha at coca-cola ang katawan, O hindi kaya ay 'yong babaeng mukhang hipon." Ngisi niyang wika sa tatlong lalaki kaya matalim siyang tiningnan ng mga ito.

Mukhang tumama ang description niya sa Girlfriend ng mga ito.

Gusto niya pa sana na isa isang i-describe ang mga babaeng naka-landian niya pero huwag nalang dahil baka paos na siya ay hindi pa rin niya nade-describe ang mga ito.

"Gago ka talaga Kalem!" Nang gigigil na sigaw ng mga ito tsaka tumakbo pasugod sa kanya at dahil sa gulat ay hindi niya na nagawa pang kumilos at pumikit nalang at hinintay ang pagtama ng baseball bat na hawak ng mga ito sa kanya.

Dapat pala ay hindi nalang siya nag-cutting classes para lang pumunta ng bar, O hindi kaya ay dapat isinama niya nalang ang dalawa niyang kaibigan para may kakampi siya, kaya naman ay hindi niya sana itinapon ang cellphone niya para na tawagan niya ang mga ito, pero kahit magsisi pa siya ngayon na mas pinili niyang magpakasaya kaysa mag-aral ay huli na dahil nasa harapan niya na ang problema.

Naaawa lang siya sa sarili dahil masusugatan ang napaka-gwapo niyang mukha at napaka-sexy niya na katawan.

Matapos pumikit ni Kalem ay mabilis na tumakbo papunta sa direksyon nila si West at humarang sa kanyang harapan tsaka sinalo gamit ang magkabilang palad ang baseball bat ng dalawang lalaki na nasa magkabilang gilid niya habang nakatukod sa dibdib ng lalaking nasa gitna ang kanyang kanang paa dahilan para hindi ito tuluyang makalapit sa kanya at maiwan sa ere ang baseball bat na hawak nito.

Nagulat ang tatlong lalaki sa bigla niyang pagsulpot at nang mag-angat siya ng tingin ay bumakas ang takot sa mukha ng mga ito ng masalubong ang kulay pula niyang mga mata na walang bahid na kahit na anong emosyon.

Hindi naka-kilos ang mga ito at tila natuod sa kinatatayuan nila. Kaya sinamantala niya iyon at tsaka bahagyang binawi ang paa sa dibdib ng lalaking nasa gitna bago iyon sinipa at parang papel naman itong tumilapon at tumama sa hood ng sasakyan nito na bahagyang nayupi.

Ilang segundo na ang lumipas ay hindi pa rin nakakaramdam ng sakit si Kalem at ng may marinig siyang parang tumalsik ay agad siyang nagmulat ng mata at napanganga ng makita ang isang misteryosong tao na nakatayo sa harapan niya at nakatalikod sa gawi niya, Salo salo nito sa magkabilang palad ang baseball bat ng dalawang lalaki.

Umawang ang kanyang labi ng makita ang isa pang lalaki na mukhang nawalan ng malay matapos tumama sa harapan ng sasakyan nito. Mukhang ito rin 'yong narinig niyang tumalsik.

Inapakan ni West ang paa ng lalaking nasa kanan niya dahilan para mapadaing ito at mabitawan ang baseball bat na hawak niya tsaka yumuko upang hawakan ang kanyang paa pero isa iyong malaking pagkakamali dahil nang maiwan sa palad ni West ang baseball bat ay agad nito iyong pinaikot kaya ngayon ay maayos na itong hawak ng dalaga.

"Sleep well." Wika nito at bago pa mai-angat ng lalaki ang kanyang ulo ay tumama na sa kanyang mukha ang Baseball bat na hawak ni West dahilan para agad siyang mawalan ng malay.

"And the last one." Binalingan ni West ng tingin ang natitirang lalaki kaya nanlaki ang mata nito at tsaka mabilis na binitawan ang baseball bat na sinalo niya tsaka ito tumalikod at akmang sasakay sa kotse niya pero agad na inihagis ni West ang baseball bat papunta sa direksyon nito at agad naman iyong tumama sa likuran ng ulo ng lalaki dahilan para masubsob ito sa kalsada at kagaya ng dalawa nitong kasama ay nawalan rin ito ng malay.

"Weak." Iling na wika ni West tsaka binitawan ang isa pang baseball bat na hawak niya

Pinagpagan niya ang kanyang kamay tsaka nilingon si Kalem na nakatulala lang habang nakatitig sa kanya

Nang magtama ang paningin nilang dalawa ay umawang ang bibig nito ng makita ang mga mata niya.

"Y-your eyes." Mahina nitong wika kasabay ng pag-ihip ng malakas na hangin ay ang pagka-hulog ng hood na nakataklob sa ulo nito kaya ngayon ay buo niyang nakita ang itsura nito.

"B-babae ka?!" Hindi makapaniwalang saad ni Kalem tsaka ito pumikit ng at humawak sa kanyang ulo ng umikot ang kanyang paningin.

Isang malutong na mura ang pinakawalan niya ng unti-unting lumabo ang paningin niya at bago pa siya bumagsak sa semento ay naramdaman niya na ang pagpulupot ng dalawang mainit na braso sa kanyang bewang at batok para hindi siya tuluyang mahulog.

"Thank You Ms.Red eyes." Huli niyang saad bago tuluyang lamunin ng dilim.

Napangisi naman si West dahil sa tinawag nito sa kanya.

"Ms.Red eyes huh? Not bad." Wika niya sa sarili

"Master Kalem! Nasaan ka ba?!"

Maingat niyang inilapag sa semento si Kalem ng marinig niya ang mga boses na papalapit sa direksyon nila.

Mabilis siyang nagtago sa mga halaman na nasa gilid ng kalsada at pinanood ang mga ito.

Higit sa limang lalaki ang dumating, pawang mga naka-black suit ang mga ito. Mukhang mga bodyguard ng binata.

"Si Master Kalem!"

Agad nilang nilapitan si Kalem at binuhat pasakay sa isang Van tsaka iyon pinaalis.

May tatlong men in black na naiwan na agad binuhat 'yong tatlong lalaki na walang malay dahil kay West.

"Ano kayang nangyari sa tatlong 'to? Si Master Kalem kaya ang may gawa nito?" Tanong ng isa sa mga men in black

"Ewan, alam mo namang magkasama tayo simula pa kanina eh." Sagot ng kasama niya kaya napangiwi nalang siya.

Ipinasok nila ang tatlong lalaki sa kanya kanyang sasakyan ng mga ito tsaka sila pumwesto sa driversit at mabilis iyong pinaharurot paalis.

Dadalhin nila ang tatlong lalaki sa hospital dahil mukhang may nasira sa mukha o ulo ng mga 'to.

Lumabas si West sa pinag-tataguan niya tsaka lumakad palapit sa naiwang kotse ni Kalem pero hindi pa man siya nakakalapit dito ay napatigil na siya ng may maapakan.

Yumuko siya at tsaka inalis ang paa sa bagay na naapakan niya at ng makitang I.D iyon ni Kalem ay agad niya iyong dinampot.

Pinasadahan niya iyon ng tingin at hindi niya maiwasang hindi mapailing dahil maangas ang itsura nito sa larawan.

Bumaba ang tingin niya sa pangalan nito.

"Kalem Dela Vega huh? Nice name." Wika niya bago ibinulsa ang I.D nito.

Pwede niya naman iyong ilagay sa sasakyan nito pero may kung anong nagsasabi sa kanya na dalhin iyon.

Napabuga siya ng marahas na hangin tsaka tinanaw ang mahabang kalsada. Dapat pala nag-bike siya, ngayon tuloy ay mahaba haba na naman ang lalakarin niya.

END OF CHAPTER:04

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status