Halos hindi siya mapakali ng mga sandaling iyon habang naghihintay kay Irish, kinailangan pa kasi nitong kausapin ang mga katatagpuin nila dahil na rin sa medyo malihim ang nasabing mga tao.Natigil lang siya nang madama ang marahan na pagtapik ng isa sa mga kasama niya roon.“Oh Claresse, bakit?” tarantang pansin niya rito.Nawala tuloy ang malambing na titig ng kaibigan at napalitan na lang bigla ng pag-aalala dahil sa kanyang pagkabalisa.“May naghahanap sa iyo sa labas,” turan na lang nito sabay turo sa nasabing lugar.“Sino?” Napakunot na lang siya ng noo pakabaling sa may labas.Halos wala siyang makita roon kung hindi ang mga anino ng mga taong nakaupo sa ilang mga lamesa, bahagya rin ang dilim dahil sa gabi na at hindi rin nakatulong ang mga patay sinding ilaw.“Iyon isa sa mga lalake noon nakaraan, kakilala mo raw siya eh,” sagot na lang nito.“Huh?” Mas lalo lang siyang napakunot ng noo nang bahagyang mapa-isip. Ilang saglit rin ang kinailangan niya bago mapagtanto kung sino
"Kamusta pakiramdam mo, ayos ka lang?" Marahan tapik ni Irish kay Freyja dahil sa pagkatulala.Nakayukong tumango na lang siya, pilit na iwinawaksi sa kanyang isipan ang mga nangyari. "Sa umpisa lang iyan, masasanay ka rin kapag tumagal," makulit na turan ni Irish.Napakunot noo na lang siya sa sinabi nito, ngunit hindi na siya nag-abala pang barahin o pansinin iyon. Napatingin na lang siya sa kanyang kamay, nanginginig nanaman iyon nang dumampi sa kanyang alaala ang mga ginawa. Agad niya na lang tinakpan ang kanyang mukha na wariy naghihilamos upang pahupain ang nararamdamang kaguluhan sa kanyang isipan. Isang malalim na hininga ang pinakawalan ni Freyja para huminahon muli. "Nandito na po tayo," turan ng nagmamaneho ng tricycle. "Oh siya, hanggang dito na lang kami, baka magkagulo pa kapag may nakakita sa amin," saad ni Irish. Tumango na lang siya sa babae na may tipid na ngiti sa mukha. Hindi niya rin naman gusto na may maka-alam na dito siya humihingi ng tulong para magkape
May kung anong liwanag ang bigla na lang sumilaw sa mgamata niya, mainit ang sinag na bumalot sa kanyang katawan, bahagya niyang naaninag ang isang tao na humarang sa harapan at ganoon na lang ang galak niya nang mabatid kung sino ang nagmamay ari noon."Nanay!" malambing niyang sambit dito.Naaninag niya ang matamis na ngiti nito bago gumalaw ang mga labi ng ina, hindi niya narinig ang mga salitang lumabas doon pero may kung anong pwersa ang parang nagpahinahon sa kanya.Nanatili ang ngiti sa kanyang mukha hanggang sa maidilat niya ang kanyang mga mata, nadama niya na lang ang dahan dahan na pagkawala ng ilang luha habang nagmumulat.Ang hikbi ni Freyja ang pumukaw sa atensyon ng mga naroon na nagbabantay sa kanya. Agad naman na lumapit ang mga ito na bakas pa rin ang pag aalala sa mukha."Ateng, jusko ateng!" alingawngaw ng mga matitinis na boses sa paligid
"Ate, anong gagawin ko!" hagulgol niya sa babaeng kaharap.Wala na siyang nagawa kung hindi ang puntahan ito matapos ng lahat ng nalaman, dahil na rin sa pagkataranta at kaguluhan."Bakit?" kunot noo nitong saad."Buntis ako!" bulalas niya.Ganoon na lang ang panlalaki ng mata nito, kasabay ng mabilis na pamumutla sa kanyang sinabi."Ha!" Napabatok na lang ito sa sarili. "Paano nangyari iyon, hindi mo ba ininom iyong binigay kong gamot sa iyo?" sermon nito.Napakagat labi na lang siya sa sinabi ng babae. Hindi na niya na nagawang sagutin ang katanungan dahil nawaglit sa kanyang isipan ang tungkol sa gamot dahil sa sobrang kaba ng panahon na iyon."Hindi ko na alam ang gagawin ko," muli niya na lang na sambit.Hindi na niya napigilan ang mapahikbi dahil sa tila nagsisimula nanaman siyang masadlak ng dahil lamang sa mga kamalian na nagawa."Jusko, ano ba naman iyang kamalasan mo, hindi na natapos." Punas na lang nito ng pawis sa noo. "Labas na ako diyan, alam mo naman na hindi natin pwe
Patapos niyang pumayag sa alok nito ay agad na rin sila nitong dinala sa bahay na tinutuluyan. Literal na napatulala na lang silang lahat habang nagpapalibot sa bahay nito, dahil sa ganda at laki ng naturang lupang tinitirhan ng lalake."Dito ka sa resthouse mag-i-istay, makakasama mo si manang dito, pero uwian lang kasi siya kaya ikaw ang magiging pinaka bantay dito." Turan ni sir Luke.Tango ang isinagot ni Freyja habang sumusunod sila dito. Mula sa pagparada sa malaking mansyon ay tumawid lamang sila sa kabilang kalsada at naroon ang isa pang bahay na dalawang palapag lamang, ngunit napakalawak ng sukat noon at napapalibutan ng ilang bukirin."Sa kabilang bahay naman iyong ninang at kinakapatid mo, kulang kasi ng tao doon ngayon," turo naman ng lalake sa mansyon na pinagparadahan nila.Napanganga na lang sila sa paghanga sa ganda ng lugar nang makapasok na sa loob ng kanyang tutuluyan, tila isang
Hindi mapakali si Freyja habang itinatakip ang unan sa kanyang tenga, pilit niya na lang na ipinagkikibit balikat ang mga ugong at takas na ingay na kanyang naririnig mula sa ikalawang palapag ng bahay.Hindi niya maintindihan ang kakatwang pakiramdam niya ng mga sandaling iyon habang naglalaro sa kanyang isipan ang mga nangyayari sa taas.Pero magkahalo ang pagkabagabag at interest sa kanyang isipan ng mga sandaling iyon dahil sa mga nangyayari, kaya naman ganoon na lang ang kaguluhan sa kanya.May kung anong bumabagabag kay Freyja dahil sa mga nalalaman, ngunit hindi niya maintindihan kung bakit nadarama niya pa ang kakaibang sikip sa kanyang dibdib.Huminahon lang siya nang matigil na ang mga kakatuwang ingay na naririnig mula sa ikalawang palapag ng bahay.Mabilis siyang dinalaw ng antok dahil sa pagiging payapa ng paligid at pagod, nagising na lang siya sa gitna ng kahimbingan nang makarinig ng kung anong ingay mula sa labas ng silid, nilingon niya kaagad ang orasan na nakalagay
"Ow, ow! Dahan-dahan lang," daing ng lalake dahil sa panginginig ng kamay ni Freyja habang dinadampian ng bimpong may yelo ang pasa nito sa mata."Sorry po sir," kinuha na lang nito ang hawak niya at sinenyasan na siya na umalis.Nasa sala na sila ng mga oras na iyon at naka-upo na sa sofa at magkaharap na ang amo at ang taong nanugod dito.Napayuko na lang siya dito dulo’t ng lungkot at awa, bago umalis ay binalingan niyang muli ng tingin ang babaeng galit na galit na umatake rito.Napakaganda at mala artista ang postura ng dalaga, idagdag pa roon ang kakaibang angas nito habang nakadekwatrong nakaupo sa harapan nila."Anong ginagawa mo dito?" anas ng amo niya.Naningkit na lang ang mata ng babae dahil doon. "Siraulo ka!" singhal nito.Napaatras na lang ng mabilisan si Freyja nang makitang hubarin ng binibini ang suot nitong sandals at ibato sa kanyang amo. Mabuti na lamang at mabilis na naka ilag ang binata sa ginawa nito."Noon isang araw pa kita hinahanap, nandito ka lang pala" du
"Sir, kape niyo po," lapag niya sa mainit at bagong timplang inumin sa harapan nito.Halatang masakit ang ulo ng amo niya dahil sa hindi matigil na paghilot nito sa ulo habang nakatukod ang siko sa lamesa."Thanks," tipid na tugon nito bago humigop sa tasa.Matapos ng gabing iyon ay mas naging maalaga na siya sa binata, ipinangako niya sa sarili na gagawin niya ang lahat upang matulungan ang lalake sa abot ng kanyang makakaya, bilang kabayaran sa panibagong buhay na ipinagkaloob nito sa kanya.Wala na siyang paki-alam kahit pa mayroon itong madilim na lihim, basta ang importante sa kanya ay ang masuklian ang kabutihan nito sa kanila.Naroon rin kasi ang tuwang naidudulot nito sa kanya, lalo na at alam niyang kahit papaano sa simpleng paraan niya ay mababawasan niya ang kung anong mabigat na dinaramdamdam ng amo. Iyon na lang ang tanging paraan na alam niya para pasalamatan ito.