Ako si Alexandra De Vera, labing-walong taong gulang, pangalawa sa apat na magkakapatid. Mula noong bata pa ako, alam ko na ang puwesto ko sa buhay—isa lang akong anak sa labas, walang karapatang humingi ng ano man, lalo na ng respeto at pagmamahal.
Kami ng kuya ko ang nakatira sa bahay ng tatay namin, habang ang dalawa kong nakababatang kapatid ay kasama ang nanay namin doon sa maliit na bahay sa tabi ng ilog. Hindi kami dinala doon kasi mahal kami ng tatay ko—kundi dahil ayaw lang niyang maging pabigat kami sa nanay ko na halos wala namang pambuhay sa sarili niya. Ang asawa ng tatay ko at mga kapatid ko sa ama, mula pa noong maliit ako, ipinaparamdam sa amin na hindi kami kabilang doon. Bisita lang daw kami, at kahit kailan ay hindi magiging tunay na pamilya.
"Ayoko silang kasabay na kumain! hindi ko sila tanggap! Anak mo sila sa pagkakasala mo sa akin kaya hindi ko kayang maging mabait sa kanila! Magpasalamat ka na lang na tinanggap ko sila rito!" wika ng asawa ni Daddy habang naghahain.
"I know. I know. mababait naman sila. Alam naman nila kung ano lang ang lugar nila sa pamilyang ito. naaawa lang ako sa mga bata. Wala silang makain doon. Dito kahit papaano, nakakain sila ng sapat at masasarap. Huwag mo na lang stressin ang sarili mo sa kanila."
"Ginagawa ko naman pero hindi ko pa rin mapigilan na hindi ma-stress kapag naaalala ko na bunga sila ng pagkakasala mo sa akin!"
"Pero wala silang kasalanan. Saka matagal ko nang pinagsisihan ang kasalanang nagawa ko sa 'yo. Ikaw pa rin ang asawa ko, ang totoo kong mahal."
"Wag mo na akong utuin. Pasalamat ka dahil mahal ko ang mga anak natin kaya nakipagbalikan ako sa 'yo. pero ayoko pa rin sa kanila!"
Araw-araw, ganoon lang ang takbo ng buhay ko. Kapag kumakain, kami ang huling kakain, madalas ay mga tira-tira na lang ang nakukuha namin. Kapag may bisita o may handaan, pinapasok kami sa likod ng bahay o sa maliit naming kwarto—parang kahihiyan na hindi dapat makita ng ibang tao. At kapag nagagalit ang asawa ng daddy ko, ako laging ang napagbubuntungan ng galit. Sinasabihan ako ng masasakit na salita, minsan ay sinasaktan pa, at paulit-ulit na ipinapaalala na wala akong halaga at wala akong mapupuntahan sa buhay.
"Eto ang tatandaan mo, hinding-hindi kayo magiging masaya sa buhay! Hindi kayo aasenso dahil isinumpa ko kayo!" eto yung palagi niyang sinasabi sa akin na nilalabas ko na lang sa kabilang tenga ko.
Ilang beses ko nang gustong tumakas at bumalik sa nanay ko. Doon kasi, kahit gutom kami, kahit maliit lang ang bahay, ramdam ko na ako ay anak niya, mahalaga ako. Na kahit mahirap ang buhay basta magkakasama kami. Pero laging napipigilan ako ng isang bagay. "gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ito lang ang tanging paraan ko para makaalis dito, makakuha ng magandang trabaho, at balang araw ay ilabas ang nanay ko at mga kapatid ko sa hirap." Kaya kahit anong sakit, kahit anong hiya, tinitiis ko lang. "tiis lang, Alexandra, magiging maayos din ang lahat." ito ang sinasabi ko lagi sa sarili ko.
Sa eskwela naman, ibang tao ako. Doon, walang nakakaalam kung sino ako, kung saan ako nakatira, o kung anong klaseng buhay ang tinataguan ko. Kilala lang ako bilang tahimik, laging nakayuko, masipag mag-aral pero hindi marunong makihalubilo. Ayoko kasing makipagkaibigan—takot ako na kapag nalaman nila ang buhay ko, iiwasan din nila ako, katulad ng ginagawa ng mga kasama ko sa bahay.
Hanggang sa dumating ang huling taon ko sa kolehiyo, yung taon na magdadala sa akin sa pangarap ko. Akala ko ganoon lang din ang mangyayari—tahimik, mag-isa, walang ibang iniisip kundi ang pag-aaral. Pero hindi ko alam na doon ko pala makikilala ang lalaking magpapabago ng lahat—yung tahimik at boring ko na buhay, biglang magiging makulay.
Si Artur.
Labing-walong taong gulang din siya. Gwapo, laging nakangiti, may dimples sa pisngi tuwing tumatawa na parang ginawa talaga para mapalingon ang sinumang babae. Buong paaralan, siya ang pinag-uusapan—sikat, mabait, at lahat halos ng babae ay may gusto sa kanya. Ako naman, isa lang ako sa libo-libong tumitingin lang sa kanya mula sa malayo, nangangarap na sana kahit minsan ay mapansin niya ako. Hindi ko inasahan na sa dami ng tao, ako pa ang mapapansin niya.
Isang hapon, habang nasa library ako at nagpapalipas ng oras, may narinig akong mga yapak papalapit sa kinauupuan ko. Akala ko guro o kaklase ko na sasabihing kailangan ko ng umuwi. Pero nang tumingala ako, doon ko siya nakita—nakasandal sa pinto, nakangiti, nakatingin diretso sa akin.
Nanlamig ang buong katawan ko. Akala ko nananaginip lang ako.
“Bakit lagi kang mag-isa, Alexandra?” tanong niya. Ang boses niya, parang musika na pumasok diretso sa puso ko. Hindi ako nakasagot. Nakatingin lang ako sa kanya, hindi makapaniwala na alam niya ang pangalan ko.
"H-ha? b-bakit? paano mo nalaman ang pangalan ko?" palihim ko pang kinurot ang sarili ko baka kako nananaginip lang ako.
Sobrang cute niya! At... at nandito siya ngayon at kinakausap ako. "sabihin na lang natin na inalam ko ang pangalan mo kasi nagagandahan ako sa 'yo at gusto kitang maging kaibigan."
Napalunok ako nang mariin sa mga sinabi niya. Ang presko ng datingan niya pero ang cool ng dating sa akin. Masyado siyang straight-forward. He is saying na maganda daw ako at gusto niya raw akong maging kaibigan.
"Ahhh... ga-ganun ba? kung ganun, salamat! ikaw pa lang ang nagsabi sa akin niyan."
"Ang alin? na ako pa lang ang nagsabing kang maging kaibigan?"
"Oo. Saka ikaw pa lang ang unang nagsabing maganda ako," nahihiyang sabi ko. totoo naman, eh. ngayon pa lang may nagsabi sa akin na maganda ako bukod sa nanay ko.
"Hindi nga? ang ganda mo kaya! namumukod tangi ka sa lahat! kaya nga napansin agad kita." naglakad siya ng dahan-dahan palapit sa kinauupuan ko nang hindi inaalis ang tingin sa akin. Pakiramdam ko tuloy na nangangapal ang mukha ko sa hiya. "Pwede bang samahan kita, dito?"
Ang lakas ng kabog ng dibdib ko. magkaharap na kami ngayon at sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
"P-pwede naman..." mabilis na sagot ko dabay hawi ng buhok ko. For the very first time, naging concious ako sa itsura ko. Grabe naman kasi siya makatitig. Parang isa akong bulaklak na biglang nag-bloom dahil sa kilig. As in nawala na rin ako sa concentration. Isinara ko ma yung librong hawak ko. "T-tapos na akong magbasa." tumayo na ako at inayos ang gamit ko. nagulat na lang ako nang kunin niya ang bag ko.
"Ako na ang magbubuhat nito. Ihahatid na rin kita hanggang sa pagsakay mo."
"Uyy, hindi na. nakakahiya!"
"No. I insists!" bigla na lang din niya akong inakbayan. Kung makaasta siya parang nobyo ko na siya. Wala na akong naging tutol dahil crush ko nga siya at gusto ko yung pagiging sweet niya sa akin.
Pinagtitinginan kami ng mga kapwa namin estudyante. Ang iba ay napataas ng kilay at ang iba naman ay parang nagtataka kung bakit ganoon kami ka-sweet.
Wala akong ibang nararamdaman ngayon kung hindi matinding kilig. Hanggang sa makasakay ako, pinabaunan niya pa ako ng flying kiss.
Mula sa araw na iyon, nagbago ang lahat. Lagi na kaming magkasama—magkasama sa pagpasok, magkasama sa uwian, magkausap hanggang gabi sa telepono. Sa bawat sandaling kasama ko siya, parang nabubura ang lahat ng bigat at sakit na nararamdaman ko sa bahay namin. In love na in love kami sa isa’t isa—wala nang ibang mundo kaming dalawa, wala nang ibang mahalaga kundi kami lang.
Natuto na rin akong maging concious sa itsura. I start putting makeup to my face. Pinilit ko ring baguhin yung pananamit ko. Minsan pa nga akong nasabunutan ng anak ni Daddy dahil ninakaw ko yung isang t-shirt niya dahil marami naman kako siyang damit at halos nakatambak lang. Ako kasi puro luma na yung damit ko at feeling ko isang laba na lang ay malapit nang mabutas.
Grabe yun. sumakit talaga yung anit ko. pero worth it naman kasi puring-puri ako no Artur noong suot ko yun.
Lumipas ang ilang linggo, niligawan na niya ako at tinanggap ko siya nang buong puso, punong-puno ng pag-asa at paniniwalang ito na ang simula ng masayang buhay ko. Dahil pareho kaming bata, mainit ang dugo, at sobrang kapusukan—wala kaming inisip kundi ang pagmamahalan namin.
"Alexandra, pwede ka bang sumama sa akin mamaya?" tanong niya sa akin. Nandito kami ngayon sa library. Walang gaanong tao at nasa bandang dulo pa kami kaya malaya niya akong nahahaplos sa aking hita. Masyado siyang nagiging mabilis. Bawat galaw niya ay nagpapakita ng matinding pagkagusto sa akin lalo ngayon na halos kami lang ang tao rito.
"S-saan naman?" tanong ko. Parang sinisilaban ako sa init ng paghimas niya sa hita ko. Parang may kung anong init ang nararamdaman ko sa pagkababae ko.
"Sa bahay ko. Gusto na kasi kitang ipakilala sa magulang ko. Palagi kasi kitang ikinukuwento sa kanila kaya gustong-gusto ka na nilang makita."
Sino ba naman ang hindi kikiligin. 2 Weeks pa lang kaming mag-secret on pero gusto na niya akong ipakilala sa magulang niya. Until now, hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalaking ito ay obsessed na obsessed sa akin.
Meet the parents na agad ang eksena.
"Talaga? p-pwede naman. kaso saglit lang tayo, ha. baka mapagalitan kasi ako sa bahay. Alam mo naman, 'di ba? na-strict ang parents ko." sabi ko na lang sa kaniya pero ang totoo, ang inaalala ko ay yung sasabihin ng asawa at mga anak ng daddy ko. Kapag na-late ako ng uwi, malaking issue na kaagad sa kanila.
"Oo. promise! saglit lang. saglit na saglit lang," sagot niya sa akin. bigla niya akong pinaghahalikan sa leeg. halik na sobrang nakakakiliti.
"Uyy, ano ba? baka may makakita sa atin dito!" saway ko kahit na nasasarapan ako sa halik na ginagawa niya. Yung mga kamay pa niya ay pangahas na nilalamas ang malusog kong dibdib. "Artur...." ako na yung umiiwas dahil nasa maling lugar kami para sa ganitong mga bagay.
Buti na lang bago pa man mauwi pa sa kung ano ang lahat, tumigil din siya bago pa man may dumating. Natatawa na lang kaming dalawa dahil sa kalibugan namin dito sa loob ng library.