Share

Kabanata 21

"Kung yang bruhang Krissy lang din naman magiging boss natin, mas maigi pang magresign nalang ako. She's the most heartless woman ever." Pagmamaktol ng isang babaeng empleyado.

"Ahy sinabi mo pa. Sobrang ganda nga pero sobrang sama naman ng ugali. Pinaglihi ata sa ampalaya. Kanino kaya nagmana yun gayung napakabait ni Mr. Parker." Segunda naman ng isa pa.

"Kung hindi lang dahil sa butihing ama ng impaktang yan ay talagang bukas na bukas din ay magreresign ako kaagad." Galit na sambit ng isa.

"Magresign na kaya tayong lahat?" Mungkahi naman ng isa.

Simula ng maupo si Krissy bilang CEO ng kanilang kompanya ay gayun na lamang ang pagkadepress ng lahat ng empleyado. Kunting mali lang kasi ay napupuna na agad ng dalaga. At malas nalang kapag natyempuhan na masama ang mood nito dahil napakabilis nitong mabigkas ang salitang 'fired'. Sa katunayan limang empleyado na ang tinanggal niya ng dahil lang sa isang mababaw na dahilan. Wala namang nagrereklamo dahil binibigay niya naman ang nararapat
Bab Terkunci
Membaca bab selanjutnya di APP

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status