Theo's POV"Anong ginagawa mo rito?" tanong ko kay Neo pagpasok namin sa loob ng opisina. "It's already late. Baka naman hinahanap ka na sa inyo?"Pagak siyang natawa. "Ako? Hahanapin ni Papa? Imposible! Saka bakit mo ba kinukwestyon ang pagpunta ko rito? I like it here with you more than in our house."Hindi ako umimik sa pahayag niyang iyon bagkus ay umupo lamang ako sa katapat niyang couch. Maya-maya ay binalingan ko ng tingin si Samantha na kunot-noong nakatitig sa kanyang cellphone. Bagamat panay ang ring niyon ay tila ba pinipili pa rin niyang huwag pansinin iyon. Who would it be?But my moment of staring at her comes to an end when the door closes.Agad akong nag-angat ng tingin at mula roon ay napukol ang tingin ko kay Neo na siyang nagsara ng pinto. "Problema mo?" iritable kong anas. Tumikhim siya at napahalukipkip na naglakad patungo sa pwesto ko."Ikaw ba?" aniya at umupo sa tabi ko. "Bakit ganyan ka kung makatitig kay Samantha? Tapos, ano 'yong nakita ko kanina? Baki
Samantha's POV"Sinasabi ko sa 'yo!" Panduduro sa akin ni Ariana. "Makakarating 'to kay kuya Irigo. Sigurado ako na kapag narinig niya ang pagpapalayas mo sa 'kin, na isang di hamak na secretary lang, ay hindi niya 'to magugustuhan! I'm telling you. Tomorrow? Mapapalayas ka na sa trabaho mo."Pinantaasan ko siya ng kilay at napameywang ko siyang hinarap. "Hoy! Wala akong pakialam kung magsumbong ka kay Mr. Irigo!" matapang kong tugon. "Hindi siya ang boss ko kundi ang kapatid niya na si Mr. Theo. Mas susundin ko ang CEO kaysa sa kung sino-sino."Pagak siyang natawa. "At ang kapal ng pagmumukha mong gamitin ang pangalan ni Theo! As if naman na paaalisin niya 'ko?"Umangat ang dalawa kong kilay sa sinabi niyang iyon. Naningkit ang mga mata kong tinitigan siya kasunod niyon ay ang unti-unti kong paglapit sa kanya. Bahagya siyang umatras at tiningnan ako mula ulo hanggang paa."What are you-""Bitch!" bulalas ko na ikinabilog ng mga mata niya. "Hindi mo ba nakita kung paano magdabog si
Theo's POVFor about five minutes ay matatapos na rin ang meeting ko kasama ang mga board members. Halos inabot din iyon ng fifteen hanggang twenty minutes. Samantha was supposed to be here pero dahil sa inis ko sa kanya sa pagiging late niya sa unang araw ng trabaho ay kinandaduhan ko siya sa labas. Pero kung tutuusin ay hindi lamang iyon ang dahilan. Inis ako dahil hindi man lang niya nagawang mag-sorry sa nangyari kagabi. She didn't even say goodbye to me last night. Dumagdag pa roon ang ugaling balasubas ng manliligaw niya. Napatiim-bagang na lamang ako nang muli kong maalala kung paano umasta ang lalaking iyon. I want to punch him and kick his ass!Basta-basta na lang niyang hinila si Samantha paalis doon nang hindi man lang inaalam kung sasama ba sa kanya ang dalaga. Ang kapal ng mukha!Hindi kalaunan ay tuluyan na rin kaming lumabas ng conference room. Sa pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa akin si Samantha na nakaupo sa kanyang pwesto habang abalang nakatuon ang tingin sa
Samantha's POV "Hoy, Samantha!" anas ni Alya. "Six-thirty na ng umaga. Hindi ka pa ba babangon dyan? Ang akala ko ba maaga ka? Anong nangyari? Masyado ka yatang natuwa sa dinner date niyong dalawa ni Karlo at..." Namilog ang mga mata ko nang marinig ko ang sinabi ni Alya. 6:30? Lagpas alas-sais na ng umaga? Agad akong napabalikwas ng bangon sa mga sandaling iyon. Dali-dali kong dinampot ang cellphone ko mula sa gilid ng kama at doon ay nakita ko ang oras. Tama nga ang sinabi ni Alya. Shit! Malalagot ako nito kay Theo. Sinabi ko pa man din kagabi na mas maaga akong papasok kaysa sa kanya ngayong araw. Tapos ganito ang mangyayari? Kainis din kasi ang lintik na cellphone ko! Hindi na naman tumunog ang alarm. Matapos kong ayusin ang sarili ko ay dali-dali kong hinablot ang bag ko mula sa likod ng pinto. Dinala ko na rin ang ilang mga document na pinag-aralan ko kagabi. "Hindi ka na mag-aalmusal?" tanong ni Alya. "Hindi na," sambit ko habang isinusuot ko ang sandals ko. "M
Theo's POV"Nakauwi ka na ba sa bahay?" rinig kong tanong ni Samantha sa ka-video call niya. "Hindi ko alam kung anong oras kami matatapos dito. Marami pa kaming kailangang tapusin at pag-aralan na mga document."Hindi kalaunan ay natigil ako sa ginagawa ko nang marinig ko ang paghalakhak niya. Not the kind of laugh that's annoying, but it's kinda cute and soothing to the ears.Lihim akong napangiti nang makita ko ang pagsilay ng ngiti sa kanyang mga labi habang kausap ang kanyang kaibigan. Ngunit hindi kalaunan ay agad akong napailing at ibinalik ang atensyon ko sa ginagawa ko. Isinubsob ko ang tingin ko sa folder na hawak-hawak ko habang iwinawaglit ang kung ano-anong bagay na pumapasok sa isip ko.I just did what I did a while ago because I want her to remain my secretary. That's the only reason kung bakit ko siya nagawang ipagtanggol kay kuya. Wala ng iba pa. I have a girlfriend and I'm not supposed to entertain anyone other than my woman. "Sige, tawagan na lang kita ulit mam
Samantha's POV'May silbi ka...sa 'kin. She's not going to be replaced. I want no one but her. Kung hindi mo kayang tanggapin 'yon, then I think it's time for me to resign from my position.'Hindi ko alam kung bakit paulit-ulit na rumerehistro sa akin ang mga katagang iyon ni Theo. Bukod pa roon ay napapangiti ako habang naaalala ko kung paano niya sabihin ang mga iyon. Napakaseryoso niyaMukha siyang galit.He doesn't just look like a possessive boyfriend but an obsessive one.Umiling ako at inalis ang ngiting nakaguhit sa mga labi ko. Hindi pwedeng madala ako sa ginawang katapangan na iyon ni Theo. Hindi ako pwedeng kiligin dahil boss ko siya. Hindi ako pwedeng mahulog sa kanya nang dahil lamang sa sinabi niyang iyon. I hate him, and besides, I have a boyfriend.Hindi kalaunan ay nakarating na rin kami sa main office building ng BlueSteel Designs Company. Sa puntong iyon ay nalula ako sa laki ng building na iyon at lawak ng sakop ng lugar niyon. Base sa kalkulasyon ko ay nasa 20t