Mas lalong lumalala ang sitwasyon ni David dahil hindi nito magawang pakalmahin ang sarili. Lumapit si Aeverie sa doktor at sinabing bigyan ng tranquilizer shot ang ama. Noong una, ayaw ng doktor na sundin ang pinag-uutos ni Aeverie. Ngunit nang sabihin sa kaniya ni Aeverie na kakayanin pa naman ng katawan ni David ang gamot at mas malaki ang tyansa na bumaba ang banta sa kalusugan nito kung mapapakalma nila ito gamit ang gamot ay pumayag na ang doktor. Tinurukan si David ng tranquilizer kaya unti-unti itong nanghina at ilang minuto lang ay nawalan na ng malay. Bumaba ang blood pressure nito at bumalik sa normal ang bilis ng tibok ng puso nito. Saka lamang napanatag ang lahat. "Mas mabuti kung sa kuwarto na magpapahinga si Mr. Cuesta." Saad ng doktor at isa-isa nang inayos ang mga gamit. "Bukas ay babalik kami, Mrs. Cuesta," Baling nito kay Felistia. "Imomonitor ulit namin ang blood pressure niya." "Thank you, Doc." Ani Felistia. Nang umalis ang doktor at ang nurse ay hu
Malalim na ang gabi at wala na halos mga tao sa kasaldang kanilang dinadaanan. May kaunting kaba sa dibdib ni Aeverie, at hindi niya maipaliwanag kung para saan ang emosyong iyon. Sa mansion ni David Cuesta sila dinala ng driver. Kapwa tahimik sila ni Rafael nang bumaba sa sasakyan at tila nakikiramdam lamang sa kaniya ang lalaki. Pagpasok pa lang nila sa mansion, ramdam na agad ni Aeverie ang bigat sa atmospera. Natanaw niyang nakaupo ang tatlong babae sa mahabang sofa na nakaharap sa malaking pintuan. Tahimik ang tatlo at nakatanaw din sa pagpasok niya. Napalunok siya at dahan-dahan itinulak ang sarili para makita ang kabuuan ng sala. At tama siya sa kaniyang hula, sa katapat na mahabang sofa kung nasaan ang tatlong babae, ay naroon si David Cuesta. Nakaupo ito sa isa pang mahabang sofa, sa gilid nito ay isang batang nurse at sa harap naman ni David ay ang matandang doktor. Minomonitor ng doktor ang blood pressure at heart rate nito. "Aeve..." matigas na tawag ni David nang ma
Nagulat si Aeverie sa tono ng pang-aangkin ni Silvestre sa kaniya. Hindi siya makapaniwala na binanggit nito sa isang estranghero ang kanilang relasyon. Teka... Napakurap si Aeverie, inuunawa ang kaniyang narinig. Did he just call me his wife?! Sumilip siya at nang makita ni Silvestre ang kaniyang anino sa likod ni Jeoff ay agad siyang tiningnan. Nahuli nito ang kaniyang pagsilip. Nagtama ang kanilang tingin. Seryoso ang mukha nito, walang bahid ng pagbibiro— tanging pagbabanta lamang at kayabangan. At talagang pinagyayabang na nito ngayon ang kanilang relasyon?! Nagtagis ang bagang ni Aeverie. Tuluyan niyang itinulak ang sarili para harapin si Silvestre. "The last time I remember, Mr. Galwynn. You're no longer my husband." Malamig niyang turan, wala na rin pakialam kung may ibang taong nakakarinig sa kanila. May lumitaw na mapanuyang ngiti sa labi ni Silvestre. "I don't think that's right, Aeverie. I'm your husband. May titulo akong magpapatunay." Aeverie's eyes wid
Pagkatapos na magamot at matahi ang kaniyang sugat sa kamay, benendahan iyon ng nurse. Maingat ang bawat kilos nito, tila natatakot na masaktan siya kahit pa parang namamanhid na ang kaniyang kamay dahil sa pagkakatahi nito ng walang anesthesia. Naubusan ng anesthesia ang ospital kaya kailangan siyang tahiin ng walang anesthetic.The procedure of stitching her up was pretty painful. Ngunit mas kakayanan niyang masaktan ng ilang minuto kaysa hayaan na maubusan siya ng dugo.Nilinis na rin ang kaniyang sugat sa braso. Kaya pagkatapos na makuha ang reseta para sa kaniya ay pinalabas na sila ng emergency room.“Can you walk? Or you want me to get a wheelchair for you?” Mahinang tanong ng lalaki.Nilingon niya ito at saka umiling. Maliit siyang ngumiti.“No, thank you. Kaya ko pa naman maglakad.”Gusto niya sanang idagdag na nahiwa lang ang kamay niya at hindi naman siya nabaldado. Pero ayaw niyang magbiro, baka hindi sila magkahumor ng lalaki. Baka maoffend niya pa ito.Isa pa, kahit pa t
Duguan ang kamay at braso ni Aeverie kaya’t sapilitan siyang dinala ni Jeoff sa ospital pagkatapos nitong tawagan ang security guards ng hotel. Kailangan magamot ang kaniyang mga sugat, ngunit hindi niya magawang iwanan si Anniza na takot na takot dahil sa nangyari. Kaya naman, nang umakyat si Blue pagkatapos nitong malaman ang nangyari, pinakiusapan niya itong manatili at konsulahin si Anniza upang hindi matakot at umiyak. Sigurado siyang mas matataranta si Anniza kung isasama niya ito sa ospital lalo pa’t gagamutin ang kaniyang mga sugat. Ayaw magpaiwan ni Blue, ngunit nang makitang namumutla at hindi makahinga ng maayos si Anniza dahil sa pag-iyak, napilitan itong magpaiwan. Sa byahe papunta sa ospital ay inaayos ni Aeverie ang benda sa kaniyang kamay. Dumudugo pa rin iyon, at matinding kirot ang kaniyang nararamdaman, ngunit kailangan niyang diinan ang pagkakapisil ng panyo sa kaniyang palad para bumagal ang pagdugo. Si Jeoff na nasa sasakyan ay napapasulyap na lamang sa
Noong una’y nagulat pa ang mag-asawa. Pinatawag nila si Silvestre, ngunit hindi nila naisip na pupunta ito. Sumugod si Ara, namumuo na naman ang luha sa mga mata nito at namumula ang mukha sa galit. “Silvestre! How dare you?! Look at what you have done! Do you want to force her to death so that you can be with your ex-wife?!” "Mrs. Espejo, Huminahon po kayo!" Nagmadaling lumapit si Gino at inilayo si Ara kay Silvestre. Ngunit itinulak lamang palayo ni Arabella si Gino. Gusto niyang sugurin si Silvestre at sampalin ito. Magulo na ang kaniyang isip, mas lalo lamang na gumulo nang makita ito. May ilang nurse at health care employee na napapadaan at napapatingin sa kanila. “Huminahon? Nasa loob pa rin ang anak ko at walang malay! Ni hindi ko alam kung ano na ang nangyayari sa kaniya. Lumayo ka sa akin!” Umiyak si Ara, patuloy niyang itinulak si Gino na humaharang sa kaniya para malapitan si Silvestre. “You were so heartless! She has cried all her tears for an unfaithful man