Share

Kabanata 125.2: Ruin

Author: Purplexxen
last update Huling Na-update: 2025-11-07 05:19:16

“Umalis kaninang madaling araw si Silver, Avi. Nasabi niya ba sa’yo kung saan siya pupunta?” Si Manang Petrina nang makababa siya sa kusina.

Maaga siyang gumigising para tumulong sa paghahanda ng almusal ng pamilya. Ngunit nang umagang iyon, masama ang kaniyang pakiramdam, pinilit niya lamang ang sarili na gumising ng maaga para tumulong sa kusina.

Nasa harap na siya ng sink at maghuhugas na dapat ng kamay nang marinig ang sinabi ni Manang Petrina.

Lumingon siya sa babae at marahang umiling.

“Hindi po kami nagkausap kahapon, Manang.” Amin niya.

“Avi? Ano’ng problema?” Madaling lumapit ang ginang at maingat na inilapat ang palad sa noo niya.

“Mainit ka, anak!” Sigaw nito.

Dahan-dahan siyang umiling. “Ayos lang po—”

“Ay, naku! Hindi. Hindi ka maayos. Tingnan mo nga, namumutla ka.”

Hinawakan ni Manang Petrina ang braso niya at pilit siya nitong pinaupo malapit sa island counter. Medyo nanghihina nga siya, pero sa isip niya’y ayos pa naman siya. Kaya niya pa.

“Nakapagpahinga ka
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Mga Comments (3)
goodnovel comment avatar
Sharon M. Sanchez
Oo subrang tagal nmn paulit ulit lng
goodnovel comment avatar
Ansaliyah Adilao Bangcola
walang kataposan ...
goodnovel comment avatar
Ansaliyah Adilao Bangcola
tsssss nag hahanap ako ng comment D2 bat Wala akong mabasa sawana ba kayo sa story na ito me matagal na...
Tignan lahat ng Komento

Pinakabagong kabanata

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 126.2: Father

    Bago pa makalapit sa mesa ni Mr. Galwynn ay nag-angat na ito ng malamig na tingin. Parang agilang nagmamasid at handa nang mandagit. “What’s this?” Pagkalapag niya sa printed files ay nagtanong agad ang lalaki. “That’s the monthly report from the finance department, Mr. Galwynn.” Aniya. Kinuha ni Silvestre ang folder saka binuklat. Mabilis nitong pinasadahan ng tingin ang ilang pahina bago isinara at inilagay sa isang drawer. Nanatili naman siyang nakatayo sa harap ng mesa nito. “Anything else?” Malamig nitong tanong. Tumango siya, “Yes, Mr. Galwynn.” “Proceed.” “Kagabi ay galing ako sa Arc Hotel, may isang empleyado akong kinausap para malaman kung nag-oopisina pa rin ba ang kanilang general manager. Ang sabi niya, may itinalagang bagong general manager ang hotel. Hindi na ang anak ni Mr. Cuesta ang namamahala, mayroon nang bago.” Noong una’y blangko ang mga mata ni Silvestre, ngunit dahil sa sinabi ni Gino, nagkaroon ng kakaibang emosyon ang mga mata ng lalaki. Magk

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 126: Father

    Lumipas ang ilang araw, ngunit hindi pa rin matagpuan ng mga tauhan ni Fatima ang dating nobyo ni Arsen. Inimbestigahan na nila maging ang pamilyang Cuesta ngunit wala rin silang nakuhang lead. Ang nakapagtataka lang, lahat ng gamit ni Drake ay naroon pa rin sa mumurahing hotel room na kinuha nito. Lahat ng gamit, maging ang passport at mga ID nito ay naroon pa rin. Kaya’t mahirap paniwalaan na umalis ito ng bansa.Kaya't patuloy na kinukulit ni Arsen ang kaniyang Tiyahin na hanapin nang mabuti si Drake. Lalo pa't malapit nang ianunsyo ang kaniyang engagement kay Silvestre. Ayaw niyang magulo na naman ang kanilang mga plano.Sa isang sikat na shoes store. Isinusukat ni Arsen ang mga sandals sa kaniyang paa, abala ang sales lady na paglingkuran siya. Mahigit sampung klase ng high heels ang nakalatag sa tiles at isa-isa niya iyong isinusukat— tinitingnan kung babagay ba sa kaniya. “That one, Hija. It looks good on you.” Si Arabella nang maisuot ni Arsen ang isang pares. Syempre naman

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 125.3: Ruin

    Ilang oras na byahe bago sila makarating sa syudad. Sa mansion ay sinalubong siya ng kaniyang mga kapatid. Si Rafael at Uriel ang nasa labas at naghihintay sa kaniya. “Aeve…” “I’m tired. Let’s talk later.” Malamig niyang sabi, hindi napigilan ang pagkairita dala ng pagod at puyat. “No, we will talk. Now.” Maawtoridad na saad ni Uriel. Napatigil siya sa paglalakad. Malalim siyang humugot ng hininga. Kung iritado siya, ay iritado rin ang kaniyang mga kapatid, hindi pwedeng sabay-sabay silang maging ganito. Humarap siya kay Uriel. Matigas ang ekspresyon ng mukha nito. Si Rafael naman ay blangko ang ekspresyon ng mukha. Humakbang si Uriel at naglakad papuntang dining area. Naiwan sila nila ni Rafael. “Hindi nakatulog ng maayos si Uriel, Aeve. He waited, so don’t ignore us.” Mahinahon ngunit halatang may diin sa salita ni Rafael. She's a spoiled daughter and sister. Sa materyal na bagay ay spoiled siya ni David, kahit ano’ng gusto niya’y kayang bilhin ng pera ni David. Samantalang s

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 125.2: Ruin

    “Umalis kaninang madaling araw si Silver, Avi. Nasabi niya ba sa’yo kung saan siya pupunta?” Si Manang Petrina nang makababa siya sa kusina. Maaga siyang gumigising para tumulong sa paghahanda ng almusal ng pamilya. Ngunit nang umagang iyon, masama ang kaniyang pakiramdam, pinilit niya lamang ang sarili na gumising ng maaga para tumulong sa kusina. Nasa harap na siya ng sink at maghuhugas na dapat ng kamay nang marinig ang sinabi ni Manang Petrina. Lumingon siya sa babae at marahang umiling. “Hindi po kami nagkausap kahapon, Manang.” Amin niya. “Avi? Ano’ng problema?” Madaling lumapit ang ginang at maingat na inilapat ang palad sa noo niya. “Mainit ka, anak!” Sigaw nito. Dahan-dahan siyang umiling. “Ayos lang po—” “Ay, naku! Hindi. Hindi ka maayos. Tingnan mo nga, namumutla ka.” Hinawakan ni Manang Petrina ang braso niya at pilit siya nitong pinaupo malapit sa island counter. Medyo nanghihina nga siya, pero sa isip niya’y ayos pa naman siya. Kaya niya pa. “Nakapagpahinga ka

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 125: Ruin

    Hindi kailanman pinaramdam ni Silvestre sa kaniya na may halaga siya. Sa tuwing tinitingnan siya ni Silvestre noon ay walang pagmamahal, kung may emosyon man na rumereplekta sa mga mata nito, iyon ay digusto at panghahamak lamang. Palaging iniisip ng lalaki na kaya lamang siya nagpakasal dito ay dahil sa ambisyon niyang umangat ang estado sa lipunan. Iniisip nitong pera at yaman lamang ni Lucio Galwynn ang kaniyang habol. Sa tuwing binibigyan siya ng mga mamahaling regalo, wala siyang maramdamang tuwa sa kaniyang puso. Mas lalo lamang na lumalaki ang kahungkagan na kaniyang nararamdaman. Kagaya lamang si Silver ng kaniyang amang si David, akala nito’y sapat na ang materyal na bagay para tumbasan ang pagmamahal na kaniyang nilulumos mula rito. Kaya ngayon na para itong tangang habol ng habol sa kaniya saan man siya magpunta ay talagang naguguluhan siya. Hindi niya malaman kung gusto lamang nitong isabotahe ang kaniyang mga date o sadyang makasarili lamang ang lalaki at gusto ni

  • His Divorced Wife Is A Secret Spoiled Millionaire   Kabanata 124.4: Kitchen

    Bakit nga ba siya naaapektuhan sa ideyang naroon si Silvestre at natutulog sa couch? Ano bang pakialam niya?Iritado na tuloy niyang binuksan ang refrigerator at kinuha ang karton ng gatas. Nagtungo siya sa lalagyan ng mga baso’t tasa para kumuha ng isang babasaging baso. Nagsalin siya ng gatas. Nang mapuno iyon ay saka lamang niya ibinalik sa loob ng refrigerator ang karton. “Can’t sleep?” Halos mapatalon siya sa gulat nang marinig ang baritono at medyo paos na boses ni Silver. Nilingon niya ang lalaki at nakita ito sa hamba ng pintuan ng kusina. Nakasandal ito, medyo pagod ang ekspresyon ng mukha, at namumula ng kaunti ang mga mata. Pinaikot niya ang mga mata at hindi na sinagot si Silvestre. “I can't sleep, too.” Sumbong nito na parang bata. Nagtagis ang kaniyang bagang. Ano’ng pakialam niya? Alangan naman problemahin niya pa iyon? Binalikan niya ang gatas na nasa baso. Mahigpit niya iyong hinawakan, nagtatagis ang kaniyang bagang at parang nagkakagulo sa likod ng kaniyang

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status