“Ang isang presidente ng kompanyang kagaya ng sa atin ay dapat lang na maabilidad at hindi mabilis na maimpluwensya ng mga tao— higit na mas mainam na may paninindigan ang isang lider.” Sumulyap si Lucio sa kaniyang apo. “Kung hindi magaling si Silver sa pamamalakad ng kompanya, kahit na apo ko siya, hindi ko ipagkakatiwala sa kaniya ang pamumuno.” Sinalubong ni Silvestre ang titig ng kaniyang Abuelo. Sa harap ng maraming tao ay hindi ito nahihiyang sabihin iyon— may papuri ngunit may pagbabanta. Alam niya na malaki ang tiwala sa kaniya ng kaniyang Abuelo pagdating sa pamamahala ng kompanya kahit na masyado siyang strikto at mahigpit. He’s a soldier, so discipline is already engraves in his soul. Iyon din ang dahilan kung bakit desiplinado rin ang kaniyang nasasakupan— ang kaniyang mga empleyado. “Pinaubaya ko na ang pamamahala ng mga negosyo ko sa mga anak ko. Pero umaabot pa rin sa pandinig ko ang mga balita tungkol sa apo ninyo, Mr. Galwynn. Marami ang humahanga sa kaniya lalo
Sa likod ng entablado ay pinupuri at pinapasalamatan si Aeverie ng mga naroon. Bakas sa mukha ng grupo ang kagalakan sa pagkakaligtas sa kanila ng babae mula sa pagkapahiya sa mga bisita. Ang mga tumutugtog ng instrumental ay tunay na humanga sa galing niya lalo pa't hindi maitatanggi na napakaganda ng kaniyang boses. Alam nila na ang tunay na mangangawit ay may pusong gaya ng babaeng ito. Nilapitan si Aeverie ng lalaking nakasama niya sa entablado na tumugtog ng piano. Kinakantyawan ito ng mga kasamahan, at kahit na nahihiya at nag-aalangan ay nagpahayag ito ng paghanga sa galing niyang umawit. Si Rafael naman ay hindi agad nakarating sa likod ng entablado dahil hinarang ito ng ilang mga negosyante at kakilala. Ayaw naman niyang maging bastos sa mga matatandang pumigil sa kaniya kaya pinaunlankan niya ang pagbati ng mga ito. Ang mga mata niya'y nakatanaw kung saan maaaring dumaan ang kaniyang kapatid. Binabantayan niya pa rin ito, ngunit hindi pa rin lumalabas ang babae. Lingi
Ang pamilyar na melodiya ng Le Temps des Lilas ni Ernest Chausson ay biglang nagpakaba kay Rafael habang pinagmamasdan ang kaniyang kapatid na nakatayo sa gitna ng entablado. Noong kumakanta pa si Aeverie ay isa ito sa pinakamagaling at hinahangaan ng mga vocal coach. Natural ang talento nito, hindi pinipilit at hindi na kailangan na e-pressure para makuha ang tamang tyempo at melodiya. Ngunit ilang taon nang hindi kumakanta si Aeverie. Ilang taon na nitong pinagpahinga ang boses at talento. Ngunit hindi man lang kababakasan ng takot ang magandang mukha ng babae. Nang bumuka ang bibig nito para sa intro ng kanta ay napatulala ang mga tao nang marinig na sobrang lamig ng boses nito. Naipikit ni Rafael ang kaniyang mga mata, lumuwag ang kaniyang paghinga at isang ngiti ang sumilay sa kaniyang labi. Hindi siya nagduda, natakot lamang siya… ngunit alam niya sa kaniyang sarili na malaki ang tiwala niya sa kakayahan ng kaniyang kapatid. Kaya nang magmulat siya ay tinitigan niya ang kapat
Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ni Aeverie nang bumaba ang mukha ni Silvestre sa kaniya. She could feel it— the sudden heat and anticipation. Alam niya na kaniyang makatakas sa pagitan ng mga braso nito, kaya niyang matakasan ito… ngunit bakit hindi niya magawa? Bakit may pwersa pa rin na pumipigil sa kaniyang umiwas at lumayo? Nasaan na ang galit sa kaniyang puso? Nasaan na ang panatang hindi na niya hahayaan na makalapit sa kaniya ang lalaking ito? Nagtama ang kanilang tingin at sa sandaling iyon malinaw niyang nakita sa mga mata ni Silvestre ang pananabik na madampian ng halik ang kaniyang labi. Mas lalong bumilis ng tibok ng kaniyang puso. “Silvestre. Avi.” Ang malalim na boses ni Benito ang nagpatigil kay Silvestre sa paglapit pa lalo. Pareho silang napatingin sa kanan at nakita ang matandang sekretaryo ni Lucio. May halong gulat at pag-aalala ang ekspresyon ng mukha ng matandang lalaki. Halatang ayaw sanang makaisturbo sa kanila ngunit kailangan. Gumapang ang h
“What the heck? Are you crazy?!” Gulat niyang sigaw. “You lied to me again and again, Aeverie... Who do you think wouldn't go crazy?” “Ano bang sinasabi mo? Tyaka layuan mo nga—” nahigit niya ang hininga nang ilapit lalo ni Silvestre ang mukha sa kaniya. Hindi niya natuloy ang pagproprotesta dahil kaunting pagkakamali lang ay maglalapat agad ang kanilang labi sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Hindi niya gustong mangyari iyon. The last thing she wants to happen is to get kissed by this man. Ngunit kung may makakakita sa kanila ay iisipin na naghahalikan silang dalawa. Lalo pa't bahagyang nakakiling ang ulo ni Silvestre, nakaanggulo para sa isang romantikong halik kagaya ng mga nakikita sa telenobela. Mabuti na lamang at parang hindi iyon palaging dinadaanan ng mga bisita at empleyado dahil walang ibang naroon kung hindi silang dalawa lang. “You’re a liar in nature, Aeverie Cuesta.” Naging madilim ang mga mata ni Silvestre, puno ng pait at panghuhusga nang pukulin siy
Pagkatapos na magbukas ng mga regalo ay nagpapatuloy ang masayang selebrasyon, nagbigay naman ng mensahe ang mga bisita habang inihahain ng mga waiter ang pagkain sa kani-kanilang mga mesa. Ninais ni Aeverie na mag-ayos ng makeup, kaya pansamantalang nilisan niya ang tabi ng kanyang Abuelo. Pagkatapos na makapagpaalam kay Rafael ay naglakad na siya patungo sa pasilyo na magdadala sa kaniya sa powder room. Habang naglalakad ay hindi niya mapigilan na hindi mapangiti ng may sarkasmo nang maalala ang mga pagpapahiyang inihanda nina Arsen at Fatima sa kaniya—mga hamak na pakanang puno ng kahihiyan na bumalik din sa kanila bilang karma. Those women are the real definition of b*tch*s. Hindi talaga siya tatantanan ng pamilya ni Arsen hangga't hindi siya napapabagsak. Alam niyang babatikusin siya, ngunit maswerte lamang siya at sa katangahan ng magtiyahin ay hindi nasukat ng dalawa ang isang bagay: ang pagmamahal sa kaniya ni Lucio. Too bad, the old man favored her so much. Kaya kahit na a