Here's the continuation. I hope you liked it.
Alas syete y media nang ipatawag si Silvestre ni Lucio. Si Benito, ang pinagkakatiwalaan nito ay lubos na nag-aalala sa kalusugan ng matanda dahil tumaas bigla ang blood pressure nito nang makita sa tv ang balita tungkol kay Fatima."Is it true?" Mariin ang boses ni Lucio.Namumula ang mukha at leeg nito dahil sa galit. Lalo itong tumanda sa paningin ni Silvestre.Nasa higaan si Lucio, binabantayan naman ni Benito ang heart rate nito at ang blood pressure dahil ayaw na naman nitong magpapasok ng doktor sa loob ng silid. Kagaya ng madalas nitong gawin kapag nagtatampo o kaya'y nagagalit, hindi ito tumatanggap ng doktor."Totoo ba na ginawa iyon ni Fatima?!""Abuelo..." Silvestre tried to sound calm."How could you let her, Silver?!" Putol nito, histerikal na ngayon dahil sa galit."How could let that woman ruin our reputation? Alam kong malawak ang nasasakupan mo, pero hindi ko akalain na mapapabayaan mo ng husto ang real estate! Dahil sa kompanyang iyon ay nakapagpatayo tayo ng mga gu
Sa kompanya ng mga Galwynn ay nagkatipon ang board of directors. Agad na pinatawag ni Bernard Galwynn ang kaniyang nasasakupan para magkaroon ng pagpupulong tungkol sa eskandalong nangyari. Pinangunahan niya ang meeting, habang sa kaniyang kanan naman ay si Silvestre na tahimik na nakikinig at nagmamasid. Madilim ang mukha nito, matalim ang mga mata, at tikom ang bibig. "The first in our list is to eliminate the negative impact of this scandal. As soon as possibke, we need to control the public opinion. Ang Public Relation Department ang maglilinis, they need to erase all the digital footprints that might smear our reputation in the social media. We need to restore the image of the Galwynn Group. Ang publiko ang magiging husgado natin, kung masama ang opinyon nila sa atin, posibleng bumagsak ang stock natin. This has a direct impact on our company's market and stock." Matuwid ang pagkakaupo ni Bernard sa gitna ng mahabang mesa. Nakakunot ang kaniyang noo, at tila tumanda lalo a
Ala singko ng hapon nang dalhin sa presinto si Fatima. Kumalat naman agad ang balita tungkol sa pagkakadakip nito kaya ang mga reporter ay sumugod din sa presinto para kapanayamin ito.Ngunit umiwas si Fatima. Ayaw nitong humarap sa mga reporter. Nasa loob naman ng sasakyan si Bartolome, kausap niya sa telepono ang isang pulis na matagal na niyang kakilala. Hindi siya makapasok sa loob ng presinto dahil nagkakagulo sa labas ang mga reporter na pilit na itinataboy ng kapulisan. Gusto niyang samahan ang kaniyang asawa, pero siguradong kung makikita siya ng mga reporter ay dudumugin siya para humingi ng statement tungkol sa nangyayari. Ngunit hindi pa malinaw ang lahat sa kaniya kaya ayaw niyang humarap kahit kanino, lalo na sa media, para magbigay ng kahit na anong impormasyon. Kung sino-sino na rin ang tumatawag sa kaniya para magtanong, pero wala siyang sinasagot, kahit pa ang kaniyang kapatid na si Bernard. “Ang president ng New Center City Mall ang nag-file ng kaso laban ka
Kilala ni Uriel ang kanilang ama. Mataas ang tingin nito sa sarili at hindi ito basta-basta humihingi ng pabor sa ibang tao o sa kamag-anak. Kaya malaking bagay para sa kaniya na hilingin nito na hawakan niya ang kaso ni Fatima. Ngunit kilala niya rin si Aeverie. Kagaya lang din ito ng kanilang amang si David, mataas ang pride at hindi gustong pinapakialaman ang sarili nitong buhay. Ngayon ay nahahati siya. Hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanila. Hindi siya nakapagbigay ng sagot. Ngunit hindi inalintana ni David ang kaniyang pananahimik. Tumitig lamang ito sa lawa at muling pinaglaruan ang crystal. Ilang saglit pa'y narinig nila ang mabigat na mga yabag mula sa kanilang likod. "Mr. Cuesta." Nilingon nilang pareho si Pablo, ang matandang sekretaryo ni David. Ngumiti ang matandang sekretaryo nang magtama ang kanilang tingin.Growing up, Pablo is like their second father. Mas madalas pa nila itong makita at makasama kaya naging pana
Sa likod ng bahay ng Palacio La Cuesta.Tahimik na pinagmamasdan ni David ang lawa. Sa kaniyang kamay ay isang bilog na laruan na gawa sa mamahalin at makinis na crystal. Madalas niya iyong hawakan at haplusin kapag kailangan niyang mag-isip ng malalim.Tinutulungan nito ang kaniyang isip na kumalma at mag-isip ng naaayon sa kaniyang layunin.Mabagal na yabag ang kaniyang narinig mula sa kaniyang likod. Matanda na siya, pero hanggang ngayon ay kilala niya pa rin ang bawat yabag ng kaniyang mga anak."Uriel." Bati niya sa malamig na tinig."Pinatawag mo raw ako, Dad?" Tanong nito at tumigil malapit sa kaniyang kinauupuan.Malungkot siyang ngumiti.Sa kaniyang mga anak, si Uriel ang madalas niyang hinihingan ng legal na payo tungkol sa kaniyang mga problema. Malalim ang kaalaman nito tungkol sa mga batas. At kilala na ito pagdating sa korte— isang magaling, matalino, at guwapong abogado."Have a seat, son." He urged the man.Nilingon niya si Uriel. Seryoso ang ekspresyon ng mukha nito.
Kagaya ng sabi ni Aeverie, may mga pulis nang naghihintay sa lobby. Hindi iyon matatakasan ni Fatima dahil kailangan nilang dumaan doon bago tuluyang makaalis ng country club. Upang hindi madawit ang pangalan ni Mayor Ye sa eskandalo, minabuti niyang magpaalam na muna kay Bartolome at Fatima at mauna nang umalis nang hindi sila magkasabay-sabay sa lobby. Hindi niya gusto na may masabi ang mga tao sa kaniya kung sakali na lumabas ang balita tungkol kay Fatima. Baka mahagip siya ng camera o ng videographer, o ng mga reporter, mahirap na at baka isipin ng mga tao na kasali siya sa nangyayaring katiwalian. Umiiyak at gulong-gulo si Lucinda. Hindi niya alam ang kaniyang mararamdaman, lalo pa nang basahin ng isang pulis ang dala nitong warrant of arrest para sa kaniyang ina. Walang kasalanan ang kaniyang Mommy. Imposible! Nagkakamali lamang ang mga pulis. Ngunit kahit ang magsalita para ipagtanggol ang kaniyang ina ay hindi niya magawa. Tahimik lamang siyang umiiyak sa isang sulok haban