Share

CHAPTER 11

last update Last Updated: 2025-09-20 18:31:10

“A-Ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Anie kay Alvaro.

“May mahirap bang intindihin sa mga sinabi ko?” paasik nitong balik-tanong sa kanya. “I will repeat, Anie. You, being a De la Serna, is a big mistake. Maybe introducing yourself as part of them was a wrong move.”

Agad ang pagdikit ng mga kilay ni Anie nang marinig niya ang mga sinabi nito. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga paningin dahilan para kitang-kita niya ang labis na poot na nakasalamin sa mga mata ng binata. Kung para saan o kanino ang poot na iyon ay hindi niya masabi.

Was it for her? Dahil ba sa nagawa niyang pagkakamali sa trabaho kaya ganoon na lamang ang galit nito? Bakit pakiramdam niya ay labis naman yata. Alam niyang may kasalanan siya, pero ang gawin ito sa kanya ay sobra-sobra nang paniningil nito.

At ano ang ibig nitong sabihing mali na nagpakilala pa siya sa kanyang pamilya? May galit ba ito sa pamilya ng kanyang ama? Sa mga De la Serna?

Disimulado niyang hinamig ang kanyang sarili saka na
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 16

    Matamang nakatuon ang mga mata ni Anie sa malawak na dagat. Maganda ang panahon kaya payapa rin ang malawak na tubig. Mabini lamang ang paghampas ng bawat alon sa pinong buhangin ng resort na umaabot pa sa kanyang kinatatayuan.Nasa may dalampasigan siya at kanina pa naglalakad-lakad. Nakatayo na siya ngayon sa bahaging tinatamaan ng mga alon at hindi na inalintana kung mabasa man ang tsinelas na kanyang suot. Hindi kalayuan sa kanyang kinatatayuan ay ang dalawang tauhan ni Alvaro na nakasunod saan man siya magpunta. Sadyang dumidistansiya lamang ang mga ito para mabigyan siya ng pagkakataong mapag-isa.Hindi niya pa mapigilan ang pag-ahon ng inis, partikular para kay Alvaro. Heto ba ang malayang tinatawag nito? Hindi nga siya ikinukulong sa loob ng silid ngunit lagi namang may nakabuntot saan man siya magpunta. Alam niya rin na kahit nasa loob na siya ng kuwarto ay may nakatalaga pa ring magbantay sa labas niyon para masigurong hindi siya makatatakas.Muli niyang inihakbang ang kanya

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 15

    “What do you mean na tatlong araw kang hindi papasok sa kompanya? Paano ang trabaho mo, Alvaro?” magkasunod na tanong ni Philip sa kanya mula sa kabilang linya. Kausap ito ni Alvaro sa kanyang cell phone habang nakatayo siya at nakatutok ang kanyang paningin sa malawak na dagat.“There is nothing to worry, Uncle. I am still working on my laptop. What is the use of the internet anyway? Magagawa ko pa ring makipag-usap kay Baron,” wika niya rito sa magaan na tinig.“How about our meeting with Carson Builders? Nakatakda tayong makipagkita sa kanila sa makalawa, Alvaro?”“I cancelled it,” mabilis niyang saad dito.“You what?!” gulat nitong reaksyon. “Why did you do it?”Nagpakawala pa muna ng isang buntonghininga si Alvaro bago sumagot sa kanyang tiyuhin. “Hindi natin kailangang makisosyo sa kanila, Uncle. Savalleno Real Estate can stand without them. Besides, nakakukuha tayo ng mga kliyente kahit wala sila. If we merge with them, mas sila ang makikinabang kaysa sa tayo. We are doing busi

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 14

    Alvaro’s head slightly tilted because of what Anie did. Alam niyang bahagya itong nasaktan dahil napalakas ang sampal na iginawad niya rito. Maging ang palad niya nga ay bahagyang humapdi dahil doon ngunit hindi niya ipinahalata sa binata. Disimulado na niyang hinamig ang sarili at tumayo nang tuwid.Maya-maya pa ay marahas nang lumingon ulit sa kanya si Alvaro. Hindi maitago ang pagdilim ng mukha nito nang tumitig sa kanya kasabay ng paghaplos sa pisngi nitong nasampal niya.“D-Deserve mo iyan,” nauutal niyang sabi na pilit pa ring pinatatatag ang sarili sa harap nito.“Really, Anie? I deserved it? After helping on paying Nando’s debt?” buwelta nito sa kanya.“Pagtulong ang tawag mo roon?” balik-tanong niya pa. “Panggigipit sa akin ang tawag sa ginawa mo, Alvaro.”Marahas itong napaismid habang patuloy pa rin sa paghaplos sa pisngi nito. Pagkaraan, ibinaba na nito ang kamay saka nagwika. “So be it,” anito. “But that won’t change the fact that you owe me something, Anie. More than hal

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 13

    Sunod-sunod ang naging paglunok ni Anie habang nakatitig sa mukha ni Alvaro. Hindi nakaligtas sa kanya ang pagtiim-bagang nito dahil sa nakitang binabalak niyang gawin. Dahil sa nakikitang ekspresyon sa mukha ng binata ay marahan niya pang naihakbang paatras ang kanyang mga paa.Napasulyapan pa si Anie sa pintuang nilabasan nito. Mula sa kinatatayuan niya ay nakita niya ang kusina. Noon niya lang napagtantong doon galing ang binata at kung anong oras ito dumating sa bahay na iyon ay hindi niya alam.“G-Gusto ko nang umuwi, Alvaro,” wika niya sa mahinang tinig. “N-Nakikiusap ako. Mananagot ka lang sa batas kapag nalaman nila itong ginagawa mo.”Agad na tumikwas ang isang sulok ng mga labi nito matapos marinig ang mga sinabi niya. Dahan-dahan na rin itong humakbang palapit sa kanya sanhi para mapaatras pa siya. “And how would that be possible, Anie? You think I will give you a chance to do that?”“Ano ba ang gusto mo?” she said in frustration. “Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kun

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 12

    “So, what do you think about the project, Alvaro?” direktang tanong sa kanya ni Philip. Mataman pa itong tumitig sa kanyang mukha na para bang hinihintay talaga ang kanyang sagot.Naisandal ni Alvaro ang kanyang likod sa sandalan ng high-back swivel chair na kanyang kinauupuan kasabay ng masusi niyang pagtingin sa malaking white screen kung saan ipinapakita pa ang ilang detalye ng project proposal na ipinipresenta ng kanilang mga empleyado kani-kanina lang. Nasa harapan pa nga nila ang empleyado niyang nagsalita kanina na ngayon ay naghihintay rin ng sagot niya sa tanong ng kanyang tiyuhin.Kasalukuyan siyang nasa conference room ng Savalleno Real Estate Company kasama ang ilang empleyado nila at ang kanyang Uncle Philip. Pinag-uusapan nila ang detalye ng bagong proyektong kanilang hahawakan. Their employees presented a power point to him showing the details of their upcoming project, which he will approve.“I want a more detailed information about the developing of infrastructure, es

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 11

    “A-Ano ang ibig mong sabihin?” naguguluhang tanong ni Anie kay Alvaro.“May mahirap bang intindihin sa mga sinabi ko?” paasik nitong balik-tanong sa kanya. “I will repeat, Anie. You, being a De la Serna, is a big mistake. Maybe introducing yourself as part of them was a wrong move.”Agad ang pagdikit ng mga kilay ni Anie nang marinig niya ang mga sinabi nito. Nanatiling magkahinang ang kanilang mga paningin dahilan para kitang-kita niya ang labis na poot na nakasalamin sa mga mata ng binata. Kung para saan o kanino ang poot na iyon ay hindi niya masabi.Was it for her? Dahil ba sa nagawa niyang pagkakamali sa trabaho kaya ganoon na lamang ang galit nito? Bakit pakiramdam niya ay labis naman yata. Alam niyang may kasalanan siya, pero ang gawin ito sa kanya ay sobra-sobra nang paniningil nito.At ano ang ibig nitong sabihing mali na nagpakilala pa siya sa kanyang pamilya? May galit ba ito sa pamilya ng kanyang ama? Sa mga De la Serna?Disimulado niyang hinamig ang kanyang sarili saka na

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status