Share

CHAPTER 39

last update Last Updated: 2025-11-22 20:19:18

Inaagaw pa ng antok ang buong diwa ni Anie nang maramdaman niya ang mabining paghalik ng dalawang labi--- isa sa kanyang kanang pisngi, ang isa naman ay sa kaliwa. Sa kabila ng inaantok pa at nais pa sanang magpahinga ay hindi niya pa rin mapigilang mapangiti.

“Sana ay laging ganyan sa tuwing magigising ako,” saad niya sa halos natatawang tinig. Nang mapansin kasing gising na siya ay magkapanabay na sumiksik sa kanyang tabi ang dalawa--- sina Archer at Ava, her twins!

Apat na taon na ang kambal... ang kanyang mga anak. It was a roller coaster of emotions when she found out that she was carrying twins. Naroon ang galak. Maging sina Patty at James na kasama niya sa buong durasyon ng pagbubuntis niya ay labis na natuwa na dalawang anghel ang darating sa kanilang mga buhay. Pakiramdam niya nga ay mas excited pa ang mag-asawa sa panganganak niya. At dahil malabong magkaroon ng anak ang mga ito ay itinuring na ng dalawa na sariling mga anak sina Archer at Ava. Mommy at daddy pa nga ang tawa
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (3)
goodnovel comment avatar
Resilyn Cabunoc
napa boring ng basahin into,.........
goodnovel comment avatar
Christine Johna Myzing
salamat SA UD...️ madam, Sana pagdoon na c Alvaro at jewel s shop punta din anak nila hahaha... ano kaya gawin ni Alvaro s kambal Yong lalaki niyang anak kamukha Nia at Yong babae din girl version Nia......
goodnovel comment avatar
Averlyn De Vera Salazar
More and more updates po
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 47

    Natatarantang pinaglipat-lipat ni Anie ang kanyang paningin sa mga taong naroon. Iba’t ibang emosyon ang nakalarawan sa mukha ng mga ito habang nakatitig sa kanyang anak. Si Theo ay may ngiti sa mga labi habang nakatuon ang mga mata kay Ava. Noon pa man ay alam na niyang magiliw talaga ito sa kanyang mga anak. Hindi nakaliligtas sa kanya ang tuwa sa mukha nito sa tuwing kasama ang dalawang bata.And surprisingly, Anie saw a smile on Jewel’s face as well. Mukhang naaliw din ang dalaga nang makita si Ava lalo na nang magsalita ito. Sa dalawang anak niya kasi, si Ava talaga ang mas madaldal habang si Archer naman ay mas madalas tahimik at seryoso lamang. Iyon marahil ang rason kung bakit nakuha ni Ava ang atensyon ni Jewel. Ganoon pa rin kaya ang reaksyon nito kapag nalamang anak ni Alvaro ang batang pinagmamasdan nito ngayon?Then, she looked at James. Isang makahulugang tingin ang iginawad niya rito na waring agad naman nitong nakuha. Mabilis na nga itong napatayo nang tuwid bago disim

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 46

    Malakas na naitulak ni Anie si Alvaro na labis nitong ikinabigla. Nang mapaatras ang binata ay mabilis na siyang bumaba mula sa pagkakaupo sa kanyang mesa. Isa-isa na niyang isinara ulit ang mga butones ng suot niyang blusa saka inayos ang kanyang sarili.She wanted to hate herself. Bakit ganoon na lamang ang epekto nito sa kanya? Bakit kaydali niyang makalimot basta ito ang kasama niya? Bakit kaydali niyang madarang sa bawat halik at haplos nito? Kung hindi pa ito nagtanong tungkol sa peklat niya sa tiyan ay hindi pa siya babalik sa matinong kaisipan.Hindi na siya natuto. Minsan na siyang napaglaruan ni Alvaro, napapayag na maging alipin nito sa kama bilang kabayaran ng kasalanang inaakusa nito. Hinayaan niyang mangyari iyon dahil na rin sa ayaw niyang magpang-abot ito at ang pamilya niya. But deep inside, Anie knew it wasn’t only about it. Alam niya sa kanyang sariling unti-unti na siyang nahulog sa binata sa kabila ng dahilan ng pagdala nito sa kanya sa resort na iyon.And she was

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 45

    Daig pa ni Anie ang ipinako sa kanyang kinatatayuan nang lumapat ang mga labi ni Alvaro sa kanya. Nanlaki rin ang kanyang mga mata dahil sa labis na pagkabigla. His lips were pressed firmly against her lips and she couldn’t even move her head to avoid him. Mariin din kasi ang hawak nito sa kanyang batok dahilan para hindi siya makaiwas.Agad niyang naiangat ang kanyang dalawang kamay at mariing napahawak sa long-sleeved polo na suot ni Alvaro. Ilang segundong para siyang nawala sa kanyang sarili dahil sa paghalik na ginawa nito. Matapos ang maraming taon ay ngayon lamang ulit siya nahagkan ng binata at sari-saring emosyon ang agad na lumukob sa kanyang dibdib dahil doon.Pero agad niyang pinanaig ang matinong kaisipan. Hindi niya itatangging malaki pa rin ang epekto sa kanya ni Alvaro. He still had a huge effect on her to the point that she couldn’t help but rattled in anticipation whenever he’s near. Pero mali... maling-mali kung hahayaan niya ito sa ginagawa ngayon. He’s getting mar

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 44

    Parang wala sa sariling sinasalansan ni Anie ang ilang papel na nasa ibabaw ng kanyang mesa. Inililigpit na niya ang ibang gamit roon habang ang ilan naman na dinadala niya pauwi ay isinisilid na niya sa loob ng kanyang shoulder bag.It was already passed six in the afternoon. Kanina lang sila nakabalik ni Theo sa PJ Studio matapos ng ilang oras na pagkuha ng litrato kina Alvaro at Jewel. Si Theo ay agad na inasikaso ang pag-eedit ng ibang larawan ng magkasintahan samantalang siya ay sinimulang magbasa ng mga email na natanggap ng studio. Nang mapansin niyang mag-aalas sais na rin naman ay nagsimula na siyang mag-ayos ng kanyang mga gamit.Malayo ang itinatakbo ng isipan niya. Hanggang sa mga oras na iyon ay hindi mawala sa isipan niya ang ekspresyong nakita niya sa mga mata ni Alvaro nang magtagpo ang kanilang mga paningin kaninang kinukuhanan ni Theo ng larawan ang mga ito.He was instructed to look at Jewel with loving expression in his eyes. And yes, he was able to give the emotio

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 43

    “I-I am glad you came, Anie,” saad ni Marcelo sa mahinang tinig habang may ngiti sa mga labi.Gumanti rin ng ngiti si Anie sa kanyang ama kasabay ng marahan niyang paghakbang palapit sa kamang kinahihigaan nito. Bakas na ang katandaan kay Marcelo, maging ang pagiging mahina ng katawan nito. At kahit pa lumaki siyang hindi malapit sa kanyang ama ay hindi niya pa rin maiwasang mag-alala para rito.Nakalabas na ito ng ospital at ngayon ay sa bahay na lamang tuluyang nagpapagaling. Though, she saw a nurse a while ago and Anie knew she was personally taking care of her father. Sa yamang mayroon ang mga De la Serna, nasisiguro niyang hindi pababayaan ng kanyang mga kapatid ang kalusugan ng kanilang ama at kayang-kayang kumuha ng mga ito ng personal nurse.Nang tuluyang makalapit sa kamang kinaroroonan nito ay naupo sa isang silyang nakapuwesto malapit roon si Anie. Matapos niyang makausap ang kanyang Kuya Trace ay ngayon lamang siya nagpasyang dalawin ang kanyang ama. Nagdadalawang-isip pa

  • His Heart Series 3: His Ruthless Heart   CHAPTER 42

    Marahang naglakad si Anie palapit sa tatlong tao na ngayon ay pare-pareho nang nakatuon sa kanya ang mga mata. There was Theo. Kasama na nito ang mga bagong kliyente nila sa PJ Studio. Agad pang napatitig si Anie sa babaeng kaharap ng katrabaho niya. She was beautiful, dressed sophisticatedly and with so much class. Ito iyong uri ng babae na kahit siguro hindi maglagay ng kolorete sa mukha ay maganda pa rin.Then, her eyes darted to the man beside the lady. Ang lalaking sa loob ng mga nakalipas na taon ay hindi niya man lang nakalimutan. Sa tingin niya nga, wala yatang araw na hindi man lang ito pumasok sa isipan niya. Araw-araw ay may nagiging paalala sa kanya ang binata--- ang kanyang mga anak.It was the reason why it became so hard for her to forget him. How could she? Sa tuwing nakikita niya ang mga bata ay ito ang naaalala niya.Si Alvaro...Mariing napalunok si Anie. Nagtagpo ang kanilang mga paningin dahil sa kanya na rin nakatitig ang binata. Hindi pa maitago ang pagkagulat s

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status