SHE grumpily opened her eyes, and a white and obviously expensive ceiling welcomed her. Her head is throbbing and she felt so tardy today. Idagdag pa ang nananakit niyang katawan at mumunting hapdi sa ilang parte ng hita, dibdib at leeg niya na para bang kinagat siya ng mabangis na hayop.
Anastacia decided to pull herself up and when she did, she fell back on the soft bed as the flesh between her legs stung. She gasped and that's when she found herself naked under the white sheets covering her body.
“OH MY GOSH!” She exaggeratedly exclaimed.
Sinapo niya ang kaniyang ulo at pilit na inalala ang nangyari. She bit her lower lip. Hinalukay niya ang kaniyang alaala hanggang sa magflashback sa isipan niya ang pinaggagawa niya sa bar. Sumikdo ang puso niya nang maalala ang aksidenteng pagbangga niya isang lalaki na alam niyang gwapo pero hindi naman niya maalala ang mukha.
Napalunok siya. Talaga bang binenta niya ang sarili niya sa lalaking 'yon?
Napailing siya sa sariling kagagahan at saka pa lamang niya napansin ang isang note at isang bugkos ng bulaklak sa bedside table. May katabi itong tray na puno ng masasarap na pagkain.
Inabot niya ang note. Umawang ang kaniyang labi dahil sa ganda ng sulat kamay ng lalaki at sa laman ng sulat nito. 'Bambina, I have to go out for a while. This suite is already yours. I bought it last night for you. I am expecting you here when I come back. We will talk.
PS. I put a little amount of money in your bag. You need it right.
Yours,
Alessandro'Anastacia gasped again. Oh my gosh! Alessandro? Pangalan palang mukhang daks na. Kaya ba feeling niya wasak siya?
Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka dahan-dahang bumangon ulit. Her face crumpled when her feminity hurts again but she could bear it so she slowly collected her clothes and wore it.
Tumingin siya sa bulaklak at umismid. Typical na one night stand. Alam niyang hindi na babalik ang lalaki at excuse lang nito na may pupuntahan ito. At anong binili ang magarang suite na ito? Nunkang magwaldas ng pera ang isang lalaki sa katulad niyang shonga na e mahirap pa. Saka ang tipo ng mayayamang lalaki ay 'yung mga babaeng pang-rampa na, pang-kama pa. Samantalang siya, pang-kama lang. Hindi naman kasi maitatanggi sexy siya at maganda pero hindi siya kasingganda ng mga bigtime na modelo sa buong mundo na pang miss Universe ang datingan pati ang utak. Isa lamang siyang hamak na babaeng polluted ang utak na nangangailangan ng malaking pera para sa operasyon ng kaniyang ama.
Nang makalabas ng suite ay halos mahimatay si Anastacia nang makita ang dalawang lalaking nakabantay sa may pintuan. Namilog ang kaniyang mga mata.
“Signora, you can't leave.”
Ngumiwi siya. “Paanong hindi e hindi naman ako dito nakatira! Uuwi na ako!”
Nangunot ang noo ng lalaki saka tiningnan ang kasama nito. “Cosa ha detto?” —What she said?
Muling nalukot ang mukha ni Anastacia. Hindi siya marunong mag-Italian. Ingles at Tagalog lang ang kaniya niyang intindihin at salitain.
Muli siyang hinarap ng lalaki. “Signora, our boss will kill us if you leave. Please, go back inside. He wants you here when he come back.”
Umikot ang mga mata ni Anastacia. “He! Sabihin niyo sa boss niyo kausapin niya pwet niya! Paraanin niyo 'ko!” Sinadya niyang magsalita ng Tagalog para hindi siya maintindihan ng mga ito.
Napabuga nalang siya ng hangin nang harangin siya ng dalawa. “Signora, please!” Halos nagmamakaawa na ang dalawa.
Bumuntong-hininga siya. “But there's someone inside and he was trying to harm me!”
Nanlaki ang mata ng mga lalaki. “Who is inside?!”
“Non lo so.” —I don't know.
Humagikhik si Anastacia nang pumasok ang isa sa loob. Abala naman ang isa sa pagsilip kaya dahan-dahan siyang naglakad palayo. Kahit masakit ang kaniyang katawan ay nagawa niyang makatakas nang hindi namamalayan ng mga lalaki.
Humalakhak siya nang makasakay sa elevator pero agad siyang napangiwi nang muling maramdaman ang sakit. Ano ba kasing klaseng alaga ang mayroon ang Italiano na 'yon?
***
“ARAY!”
Isang malakas na hampas ang sumalubong kay Anastacia nang makapasok siya sa loob ng apartment nila ng kaniyang kaibigan. Galit niyang nilingon si Carlo o mas kilalang Carla. Ang kaibigan niyang bading.
“Chaka mo! Why ka nagdisappear last night? Kaloka ka, day! Nashookt ang friend mong diyosa.”
Umismid siya. “K-Kasi ano...”
“Anes? Anes na? Chumika ka na kundi jojombagin kita!”
Marahas siyang bumuga ng hangin at naupo sa sofa. Inipon niya sa kabila ang kaniyang buhok at halos mapatalon siya nang magfreak out ang kaibigan niya. Nanlalaki ang matang nilingon niya ito.
“Ano?”
“BRUHA KA! THE WHO ANG KINALANTARI MO? BAKIT KA MAY KISS MARKS? BRUHA YOUUU!”
Nakagat niya ang pang-ibabang labi. Tinitigan niya ang kaibigan. “Carla, may nangyari kagabi—”
“WHAT? THE WHO 'YARN? MADATUNG BA ANG HOMBRE? THE WHO NA, ATI! MUKHA KANG BINABOY, BRUHA! WILD BA SI KOYA? MASHEREP?”
Gusto niyang palunukin ng remote ang kaibigan niyang atribida at OA. Talagang ganoon ang tanong nito sa kaniya imbes na tanungin kung okay lang siya. Hello, siya ang kawawa dahil nakuha lang naman ng lalaki ang virginity niya. For God's sake, matagal niyang iningatan ang bagay na 'yon, ano? Although may kasalanan rin siya dahil inioffer niya ang katawan niya para sa pera.
Speaking of pera, nabanggit nga pala ng Alessandro na 'yon sa note na ay inilagay itong kaonting pera sa bag niya.
Hindi niya pinansin ang pagmamaktol ni Carla, sa halip ay binuksan niya ang bag niya. Literal siyang nahulog sa kaniyang upuan nang makita ang sandamakmak na lilibuhing pera sa kaniyang bag. Halos mapuno ang bag niya at halatang basta nalang inilagay ang pera na 'yon sa loob.
“Ano 'yan—AY! KWARTA!”
Dinakot ni Carla ang pera pero pinalo niya ito sa kamay. Pinandilatan niya ito ng mata. “Bruha ka! Binenta ko ang katawan ko para dito, ano!”
Umismid ang kaibigan niya. “Damot!”
Hindi na niya pinansin ang kaibigan. Inipon niya ang sandamakmak na pera saka ipinatong sa coffee table. Sobrang dami nito at malulutong pa. Napakabango rin dahil bagong-bago. Halos manginig ang kamay niya dahil sa napakaraming pera na hawak niya. Hindi siya makapaniwala. Kaonti ito para sa Italianong daks na 'yon? Shocks! Pwede kayang maulit?
“Tunay ba 'to?” aniya saka sinipat-sipat ang pera. Suminghap siya nang makompirmang tunay na pera ang hawak niya. In-inspeksyon niya rin ang iba pa saka niyakap ang mga ito.
“MAYAMAN NA AKO, CARLA!”
“Chaka mo! Pang- chemo 'yan ng tatay mo!“
Inismiran niya ang kaibigan. “Alam ko pero pwede ko kaya talaga 'tong gamitin?”
Umikot ang mata ni Carla. “Heller? Pinagsiksikan na nga riyan sa bag mo e, malamang sayo na 'yan!”
“Pero kasi… Baka kasuhan ako ng estaffa.”
Katakot-takot na batok ang inabot niya mula sa kaibigan. “Gaga! Hindi 'yan estaffa kasi nakuha naman niya ang gusto niya! Kapalit ng puday mo 'yan, ano!”
Ngumiwi siya at kinurot ang bunganga ng kaibigan na sumimangot ng husto. Napakabastos kasi ng kaibigan niya. Hindi tumulad sa kaniya na medyo medyo lang ang ka-walanghiyaan sa katawan.
“Bilangin mo na!” excited na utos sa kaniya ni Carla.
Sinimulan ni Anastacia na bilangin ang sandamakmak na pera at inabot lang naman siya ng isa't-kalahating oras dahil bukod sa ilang beses niyang inulit ay talaga namang napakarami nito. Nananakit na ang braso, leeg at balakang niya pero keri lang para sa datung. Para sa tatay niya 'to, ano!
“Nine hundred t-thousand?” halos himatayin si Anastacia sa total amount ng perang binilang niya.
Nagtitili si Carla. “MADATUNG SIYA, BRUHA! PAISA KA PA, DALI!”
Sinampal niya ng makapal at mabangong pera ang kaibigan. “Bakit hindi ikaw? Binugbug ako ng k*****a ng gagong 'yon, ano!”
Humalakhak si Carla. “Masherep naman diba?”
Nangingiti siyang nagkibit-balikat saka kiyemeng nagsalita. “Mesherep,” aniya saka sabay silang nagtatalon habang tumitili.
Tuwang-tuwa ang dalaga. Hindi talaga niya pagsisisihan na nakilala niya ang Alessandro na 'yon. May pandagdag na siya sa pang-chemotherapy ng kaniyang ama. At kung magkikita pa sila, talagang ipagduduldulan niya sa lalaki ang katawan niya kapalit ng isa pang 900, 000 pesos. Gagawin niya ang lahat para mabuhay lang ang kaniyang ama kaya kahit katawan niya pa ang kapalit ay ayos lamang sa kaniya.
Hindi talaga nakakapagsisi na naglasing sila ni Carla kagabi.
Pera! Pera! Madali lang naman palang magkapera basta sexy siya. Napahagikhik siya. Magkikita pa kaya sila?
~
Anastacia’s POVKINAUMAGAHAN ay napangiwi ako nang magising ako sa ingay sa labas ng bahay. Linggo, wala akong trabaho kaya ayos lang na tanghali ako nagising.Kunot ang noong tumingin ako sa paligid. Malinis ang buong bahay, malinis, as in, wala ring tao bukod sa akin. Nagkalat ang mga alagang pusa ni Aki. Ang isa ay nakasabit pa ang kuko sa bagong bili kong kurtina.Agad kong inawat ang pusa sa pangmamaltrato nito sa kurtina ko.“You’re cheating!” Boses iyon ni Alessandro.Napatingin ako sa labas ng bintana. Agad rin akong lumabas at naabutan ang mga binatilyong anak ng kapitbahay na nagkukumpulan sa loob ng bakuran ko. Naroon rin sina Leonardo at Alessandro. Maging ang magaling na si Aki ay nakikiusyoso.Ano bang ginagawa nila?“Madaya ka naman, Asyong. Ubos na barya ng papa ko,” pasinghal na sambit ni Aki.“Anong madaya? Patas ‘to, boi.”Palapit na ako nang naghagis ng barya sa ere ang payat na binatilyong si Asyong at natampal ko ang noo ko nang marealize ang ginagawa nila.Cara
Anastacia’s POVBWISET ako buong araw kaya naman nang bumaba ako sa tricycle ay nakasimangot ako pero mas lalo akong napasimangot nang makita ang dalawang magkasunod na kotse sa harap ng bakuran ng bahay ko. Isa kay Alessandro at ang isa ay kay Leonardo.Kunot ang noo na pumasok ako sa bakuran at sa labas palang ay dinig na dinig ko na ang boses ni Leonardo na bakas ang pagkadismaya.“Just get a fcking gas stove, Alessandro. This fcking stove is obviously not working!”Ano?“Anastacia will be here any minute from now, and I promised her dinner. When will that fcking gas stove be delivered, huh?”“Then use the fcking chopper!”Namulagat ang mga mata ko. Chopper?Saglit na katahimikan bago ko narinig muli ang boses ni Alessandro. “Fine! Call our men.”Anak ng…Pumasok ako sa bahay dahil naririndi ako sa mga pagmumura nila. Ganoon nalang ang gulat ko nang maabutan ko si Leonardo at Alessandro sa harap ng kalan. Pareho silang may uling sa pisngi at noo. Punong-puno ng uling ang kalan pero
Anastacia's POVAGAD-AGAD rin na umalis si Carla. Masyado siyang taranta at emosyonal kaya hindi ko siya hinayaang umalis mag-isa. Gamit ang sasakyan ni Alessandro ay sama-sama kaming lumuwas sa siyudad para ihatid si Carla sa kanila. Tulala siya buong biyahe. Sinubukan siyang kausapin ni Aki upang kahit papaano ay gumaan ang kaniyang loob pero wala talaga siyang imik.His family doesn't like him because he's gay. Panganay siya sa kanilang magkakapatid at dalawang babae ang sumunod sa kaniya. Siya ang inaasahan ng kaniyang ama sa maliit nilang negosyo pero mula nang malaman nito na pusong babae si Carla ay tila ito may sakit na nakahahawa. Pinandirihan ng sariling ama at itinakwil ng sariling pamilya.Mabait na tao si Carla kaya kahit ganoon ang sinapit niya sa kamay ng sarili niyang pamilya ay hindi siya nagtanim ng sama ng loob. Nang mabuntis naman nito ang babaeng nakilala nito sa bar ay walang pag-aalinlangan niyang sinuportahan. Iyon nga lang, inabuso rin ng babae at ng kapatid ni
Anastacia's POV “PAPA, bakit ang tagal mong dumating? Bakit wala ka habang lumalaki ako? Bakit ngayon ka lang, papa?” Patuloy ang pag-iyak ni Aki sa bisig ng kaniyang ama at hindi naman alam ni Alessandro kung paano patatahanin ang anak. “Akala ko wala ka na, papa. Akala ko hindi ka na babalik. Akala ko wala talaga akong papa. Bakit kasi ang tagal mong dumating? Edi sana nakita ng mga kaklase ko na magkamukha talaga tayo!” Napakagat ako ng labi habang pinagmamasdan sila. Halo-halo na ang nararamdaman ko ngayon. “Anong trabaho mo, papa? Seaman ka ba? Sino iyong lalaking kamukha mo? Kapatid mo ba siya?” Sinulyapan ako ni Alessandro na may pangungusap sa mga mata. Humihingi ng tulong dahil obvious namang hindi niya naiintindihan ang bata. “Naku! Sayang ang drama mo, Akilito. Hindi ka naiintindihan niyang ama mo,” si Carla na naroon na pala sa tabi ng mag-ama at inuusisa si Alessandro. Natigilan si Aki at hinarap si Carla. “Bingi ba siya, tita?” “Hindi siya bingi, bungol siya,” sag
Anastacia’s POV WALA akong imik habang nakaupo sa pang-isahang sofa at nakatingin sa natutulog na lalaki sa kama. Hindi pa rin ako makapaniwala na magtatagpo kaming muli pagkatapos ng ilang taon. Pagtatagpong hindi inaasahan pero tiyak kong pinagplanuhan ni Leonardo. Tutol ako sa pagkikitang ito pero hindi ko maikakaila na nagsasaya ang puso ko ngayong natatanaw ko siya. Alessandro left to protect us. Naiintindihan ko ang rason niya. Ayaw lang talagang tanggapin ng puso ko na iniwan niya ako habang buntis ako sa anak namin at pagkatapos pang mawala ng ama ko. Mahal ko siya. Sobrang mahal ko si Alessandro pero hindi ko magagawang basta nalang siyang ibalik sa buhay ko dahil alam kong mahihirapan rin kaming dalawa. Guilty pa siya at takot pa na mapahamak kami. Maya-maya ay biglang bumangon si Alessandro. Bakas sa mukha niya ang gulat habang nagpapalinga-linga sa paligid at nang tumama ang kaniyang paningin sa akin ay umawang ang kaniyang mga labi at muling namutla. Bakit ba ganoon
NANG umalingawngaw ang sigaw ko ay agad na dumating si Leonardo at gulat na gulat na napatingin sa kapatid na nakahandusay sa sahig.Hindi ko alam ang gagawin. Masyado akong natataranta at alam kong ganoon rin si Leonardo. Ano ba naman kasing drama ni Alessandro at parang nagkaepilepsy nang makita ako? Masyado ba siya g nagulat sa kagandahan ko kaya hinimatay siya? Alam ko namang mukha akong diyosa pero sobra naman yata na himatayin siya.Agad na dinaluhan ni Leonardo ang kapatid, “Alessandro!”Napakagat ako ng pang-ibabang labi habang hindi malaman ang gagawin. Malakas ang pintig ng puso ko at tarantang-taranta ako. Baka napasama ang bagsak niya. Ayokong mabalo ng maaga at ang dahilan ay hinimatay ang asawa ko nang makita ako.“A-Ayos lang ba siya?”Tiningnan ako ni Leonardo ng matalim, “He’s breathing but he’s also bleeding.”Napasinghap ako. Oo nga! Kitang-kita ko na dumudugo ang ulo niya pero nakahinga pa rin ako ng maluwag nang malamang buhay pa siya.“What did you do?” Galit na