CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

CEO'S TWO YEARS CONTRACTED WIFE

last updateLast Updated : 2025-12-29
By:  NingNingUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
4Chapters
11views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Hindi kailanman inakala ni Alexandra na magiging bahagi ng isang kasal ang kanyang buhay. Dalawa lamang ang mahalaga sa kanya, pamilya at trabaho. Kaya nang alukin siya ng kanyang boss na magpakasal, matigas niyang tinanggihan. Ngunit isang hindi inaasahang pangyayari ang magtutulak sa kanya na tanggapin ang kakaibang alok, maging pekeng asawa ng kanyang boss sa loob ng dalawang taon. Paano kung sa paglalaro ng puso at propesyon, ang kasinungalingan ay magdala ng tunay na damdamin?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Pigil ang nagbuntong-hininga ni Alexandra habang inaabot sa boss niya ang sandamakmak na folder.

"Sir, wala akong pakialam kung may hangover ka o masakit pa ang ulo mo. Kailangan mong pirmahan ito ngayon." Inis niyang ibinagsak ni ang mga folder na hawak niya sa mesa ng boss niya na ngayon ay nakatulala lang sa hangin.

Napairap na lang si Alexandra sa hangin at malakas na pinalo ang mesa gamit ang kamay niya na ikina-gulat ni Eros ng sobra dahil sa sobrang sama ng tingin nito kay Alexandra.

Ang aka ni Eros ang nag-hire kay Alexandra kaya walang katapat na alisin ni Eros si Alexandra. Napakababaero ba naman kasi ng tagapagmana ng mga Falcon. Sa loob ng ilang taon na nagtatrabaho si Alexandra kay Eros, hindi lang secretary ang role niya sa buhay nito. Minsan ay nanay, madalas naman ay taga ayos ng kalat sa mga babae na pinaiyak nito.

"Pirmahan mo ang mga 'yan at ako na bahala sa pino-problema mo," bored na ani ni Alexandra at inabutan ang boss ng ballpen. Agad naman kinuha iyon ng boss at pinermahan na, ikina-ngiti ni Alexandra.

Matapos pinermahan iyon ni Eros, agad kinuha ni Alexandra at kinindatan siya bago lumabas ng opisina nito.

Nang makalabas na si Alexandra, kinuha niya ang cellphone at idinial ang number ng kakilala niya.

"Give me the list. Lahat ng babaeng nakadate ng boss ng isang buong linggo, pati ang address nila at lahat ng tungkol sa kanila na mapapakinabangan para hindi na guluhin si Falcon."

Dere-deretsong pagsasalita ni Alexandra, agad sinagot ang tawag. Wala siyang narinig na sagot mula sa kabilang linya, pero rinig niya ang pagtipa sa keyboard ng boss. Ibig sabihin, ginagawa nito ang trabaho niya.

"Done, nasend ko na din sa iyo," matapos ang isang minuto ay saka lang nagsalita ang boss. Lumawak ang ngiti ni Alexandra at ini-end na ang call.

Napailing-iling na lang si Alexandra habang binabasa ang mga impormasyon tungkol sa mga babaeng naka-date ng boss sa loob ng isang linggo. Pitong babae, ibig sabihin ay isa sa isang araw lang. Himala ata, samantalang dati ay umaabot ng dalawampu ang mga babaeng binablackmail ni Alexandra para tigilan ang boss.

Sobrang babaero kasi ang boss kaya bilang secretary niya, Alexandra ang umaayos ng mga gulo na ginawa nito. Hindi iyon parte ng trabaho ni Alexandra, pero malaki ang utang na loob niya pamilay Falcon kaya ginagawa niya ang mga ito.

Ang Daddy ni Eros ang nagpaaral at nagbigay ng lahat ng kailangan ni Alexandra para mabuhay. Pinag-aral si Alexandra at nang makapagtapos ng high school, ay pinag-intern siya agad sa kumpanya. Pagkatapos ng dalawang taon, sinalang siya bilang secretary ni Eros at maging taga bantay, tulad ng usapan nila, at ngayon walong taon na siyang secretary kaya naman kilalang-kilala na niya ito.

Ang pamilya ni Eros ang tumayong magulang ni Alexandra simula nang magyari ang bagay na iyon at higit sa lahat, tumutulong ito sa kanya upang hanapin ang taong iyon. Ang taong nagdulot ng malaking butas sa puso ni Alexandra at ang taong dahilan ng paghihirap niya.

"Alexandra, nandiyan ang mommy at daddy ni CEO Eros," napabalik si Alexandra wisyo dahil sa sinalubong sa kanya ni Grace, isa sa mga empleyado dito sa kumpanya.

Nanlaki ang mga mata ni Alexandra at mabilis na tumakbo pabalik sa opisina ni Eros para makapag-ayos ito.

Walang katok-katok, pumasok si Alexandra sa opisina. Naabutan niya itong nakatulala lang kaya naman agad hinila ni Alexandra at inabutan ng suit saka pinapasok sa banyo.

Nagtataka ang boss at tiningnan si Alexandra saka pinanlisikan ng mata, pero hindi na pinansin iyon ni Alexandra dahil sanay na siya.

"Maligo ka, ang parent mo padating na ang mga–" hindi na natapos ni Alexandra ang sasabihin dahil sinara ng boss ang pinto ng banyo.

Si Alexandra naman ay agad pinulot ang mga basura na nagkalat sa loob ng opisina at inayos ang mga gamit para maganda tingnan. Siguradong, kapag naabutang madumi ng mga magulang ang opisina, ay mapapagalitan ang boss.

Saktong labas ng banyo ni Eros, tapos na din si Alexandra maglinis. Kumuha siya ng necktie sa cabinet at hinagis iyon sa boss, na agad naman nasalo nito.

Muntik na si Alexandra mapatalon sa gulat nang may kumatok sa pinto ng opisina.

"Calm down, woman, they won't bite you. Mas mahal ka nga nila kaysa sa akin," nakangisi ani ng boss. Napansin siguro niya na kinakabahan si Alexandra.

Magsasalita sana si Alexandra ng bumukas ang pinto at iniluwal noon ang mag-asawang Falcon na nasa 50 plus na.

Yumuko si Alexandra bilang paggalang at nagpaalam na sa kanila para lumabas. Ayaw niyang maki-chismis sa mga pag-uusapan nila.

"Magpakasal ka na," apat na salita mula sa daddy ni Sir Eros na ikina-tigil ni Alexandra sa paglabas. Kitang-kita niya ang gulat sa mga mata ng boss, na ikina-tawa niya ng mahina, pero mukhang narinig iyon ng parents nito dahil sa biglang pagtingin, kaya naman mabilis siyang lumabas dahil sa kahihiyan.

Gosh, bakit kasi tumawa si Alexandra? Pero sino ba namang hindi matatawa? Gusto na nilang ipakasal si Eros. Takot na takot ata ang boss sa salitang kasal dahil natrauma na.

Oppss. Dapat na ata tumahimik si Alexandra, napapa-daldal na siya.

Napailing-iling na lang si Alexandra at naglakad palabas ng kumpanya. Mukhang matagal-tagal na usapan ang mangyayari sa pagitan nito at ng parents, kaya naman gagawin muna ni Alexandra ang dapat niya.

Kinuha niya ang cellphone at tinawagan ang number ng pagmamay-ari ng isa sa mga babaeng naka-date ng boss.

"Who's this?" mataray na tanong ng babae sa kabilang linya, na ikina-ngisi ni Alexandra.

"This is Eros Falcon's wife. Nakita ko kasi ang number mo sa cellphone niya, so assume you're one of his bitches," mas tinarayan ni Alexandra ang boses niya. Sanay na siya sa ganito dahil ilang taon na niya itong ginagawa. Ang palaging sinasabi niya ay asawa siya ng boss para tigilan na siya ng mga babaeng naka-date nito.

"Hindi ako naniniwala," napatawa si Alexandra ng mahina dahil sa isinagot ng babaeng kausap niya sa kabilang linya.

"Then meet me at Dulce's Restaurant now," maawtoridad na ani ni Alexandra at binabaan siya ng tawag. Sigurado siyang pupunta ito.

Sumakay na si Alexandra sa kotse at mabilis na pinaandar ito papunta sa restaurant na pagmamay-ari ng boss.

"Good morning ma'am, may babae pong nag-iintay sa inyo sa table 8," tinanguan lang ni Alexandra ang isa sa mga waiter at naglakad na papunta sa table 8 habang nakangisi.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

No Comments
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status