Share

Chapter 2

FIVE YEARS LATER

"Huy!" Pag gulat ni Andrea sa nakatulalang si Allegra slash Ava

Napayundag naman ito saka pinukulan siya ng masamang tingin "Ikaw talaga wala ka ng ginawang iba kundi ang gulatin ako!" Pagalit naman nito pero tinawanan lang siya ni Andrea

Kung hindi niyo siya natatandaan, well si Andrea ang dating PA ni Ava nung panahong Model pa siya at ito rin ang tumulong sa kanya para magkaroon ng bagong katauhan

"Sorry naman, ikaw naman kasi lagi ka nalang nakatulala" she laughed

Bumuntong hininga si Ava saka malungkot siyang tinignan "Eh paano ba naman kasi, na-reject nanaman ako don sa pinag-apply-an kong kompanya, nakakainis na nga e!" napalakas ang boes nito kaya agad na napatingin ang mga tao sa paligid nila

But Andrea doesn't seem to be bothered dahil mas tumawa pa ito "Eh paano ka ba naman kasi tatanggapin kung ganyan ang itsura mo?" Loko lokong sabi nito dahilan pra kumunot ang noo ni Ava

She then looked at herself, anong mali sa'kin?

"Walang mali sayo kung yan ang iniisip mo...what I mean is, hindi ka talaga matatanggap kung ganyan ka manamit, alam mo Av—I mean, Allegra, dito sa pilipinas isa sa tinitignan ay ang pananamit ng isang aplikante kaya kung ganyan kang maga-apply, hindi ka talaga matatanggap" paliwanag nito but she just rolled her eyes

Wala naman kasing mali sa suot niya e! Oo at may pagka losyang ang damit niya pero hindi naman siya nawalan ng fashion sense no, sinasadya niya lang na pangitan ang suot niya para hindi siya makilala

"Wala namang masama sa bestida ah?"

"Oo wala...pero girl, kompanya ang ina-apply-an mo kaya mag pencil skirt at blouse ka"

"Yeah whatever" Ava rolled her eyes then sips her coffee, nasa isa silang coffee shop di kalayuan sa apartment nila

Ilang segundo siyang tinignan ni Andrea bago ito bumuntong hininga "Okay sige, halika na nga!" Singhal nito making her frown

"Ha? Saan?"

"Gusto mo ng trabaho diba?"

"Oo?"

"Oh edi tara na!" Singhal nanaman nito kaya tinaasan na siya ng kilay ni Ava

Mukhang may nakakalimutan si Andrea...

"Oh ano yang tingin na yan boss? Hindi ko nakakalimutan okay? At hinding hindi ko kakalimutan...lagi kong tatandaan na ikaw pa rin ang Amo ko kaya halika na!"

*****

Makalipas ang ilang minuto ay nakauwi na sila, akala niya nga ay trabaho ang pupuntahan nila pero nagulat siya kay Andrea nang bigla itong magmaneho pabalik ng apartment

"Akala ko ba may pupuntahan tayo?"

"Oo meron nga...pero bago yon, kailangan  mo munang mag mukhang presentable" pagkasabi niya non ay dere-deretso ito sa kwarto niya saka binuksan ang cabinet tapos nagsimulang maghalukay ng damit

"Ano ba iyang ginagawa mo?! Ginugulo mo ang damit ko!" Pagalit nito pero hindi nakinig si Andrea at basta naghalukay lang ng nag halukay

Makalipas ang ilang minutong paghahanap ay sumuko na ito

"Ayoko na! Bakit ba kase ako naghanap sa mga gamit mo e sure naman akong tinapon mo na ang mga magaganda mong damit!" Singhal nanaman nito saka tumungo naman sa sariling kwarto at doon naghanap, at nang matapos na siya ay winagayway niya sa mukha ni Ava ang damit na nahanap niya

"Here! Wear this" she said in a bossy tone making Ava raised a brow

"Hayss kahit kelan ba boss hindi gumana sayo ang tonong yon? Sige na nga...isuot mo na to" pagsuko ni Andrea

"Ayoko"

"At bakit naman?"

"Baka makilala ko diyan"

"Hay nako! Bakit ka naman makikilala dito ha? Office attire naman to boss kaya hindi ka makikilala, tsaka hello? Never pang nakitang na nag office attire si Ava Whitmore no kaya sure akong walang makakakilala sayo"

"Eh paan—"

"Shhh wag ka nang maingay boss, isuot mo nalang to para makaalis na tayo" pagputol nito sa kanya kaya wala nang nagawa si Ava kundi ang sumunod nalang

MAKALIPAS ang ilang minuto ay lumabas na din ng banyo si Ava

"Oh my god! Ang sexy mo talaga boss! Kahit hindi ka na nagmo-model hindi pa rin nawala ang ka-sexy-han mo, damn! Kung lalaki lang ako malamang niligawan na kita e" aba't nagbiro pa talaga ang loko

But in fairness ha? Ang sexy niya nga, bumagay sa kanya ang pencil skirt na binigay ni Andrea, it even hugs her almost perfect curves, pati ang puting blouse nito. Kahit ibang iba na ang itsura niya sa dati ay hindi mo maitatangging napakaganda niya ngayon.

Noon kasi mahaba, straight at brown ang buhok niya, pero ngayon at maikli, blonde saka medyo kulot na.

dati rin ay lagi siyang nakaayos pero ngayon ni ang mag make up ay hindi niya na ginagawa, mahirap na kasi baka may makakilala sa kanya, gumagamit pa nga siya ng contact lenses para lang itago ang totoong kulay ng mata niya e.

Tapos kung noon ay classy ang mga damit na sinusuot niya, ngayon naman puro bestida saka baggy clothes

Tapos noon rin pala hindi siya nagsasalamin, pero ngayon nagsasalamin na siya, wala namang grado yon, pang dagdag lang sa pagdi-disguise niya

"Oh paano? Tara na?" Andrea said put of nowhere bringing her out of her thoughts

"H-Ha? O-Oo...ay pero teka? Saan pala tayo pupunta?"

"Diba gusto mong magtrabaho sa kompanya?"

"Oo"

"O pwes maghanda kana dahil matutupad na yang pangarap mo" sa sinabing iyon ni Andrea ay hindi napigilang mapatalon ni Ava sa tuwa

"Talaga?!"

"Yup, kaya halika na" saad nito na nauna na sa pinto habang si Ava naman ay nakangiti pa din

Hindi naman na ito ang unang beses na nakapagtrabaho siya sa kompanya simula ng tumakas siya sa kanila, dahil walong buwan na din ng makapag trabaho siya sa isang malaking kompanya sa New York, pero sadly hindi naging maganda ang naging experience niya kaya kinailangan niyang umalis

Sana naman ngayon ay maging maayos na ang lahat.

****

TRENTA MINUTOS ang ginugol nila bago marating ang isang napakalaking gusali sa harap nila ngayon

DE LUCA ENTERPRISES, it says

Parang pamilyar ang pangalan ng kompanyang ito

"Anong ginagawa natin dito?"

"Gusto mo ng office work diba? Oh edi ito na" parang wala lang kay Andrea ang mga sinasabi niya kaya hindi naiwasang magtaka ni Ava

Parang puno kasi ng confidence si Andrea, yuny tipong sigurado siyang makakapasok talaga si Ava.

"Oo nga, pero paano ka naman nakakasigurong matatanggap ako jan ha?"

"Girl, sinabi ko bang maga-apply ka?"

Ha???

"Halika na huy!!" Sigaw ni Andrea dahilan para magising nanaman siya, hindi niya namalayang nandon na pala sa ito sa labas ng entrance ng building at hinihintay siya

So she ran towards her

"Excuse me, nandiyan ba si Mr. De Luca? Pwede ko ba siyang puntahan?" Tanong ni Andrea sa receptionist pagkapasok nila

"And you are?"

"Andrea Fernandez"

"Ay kayo po pala Ma'am, akyat na ho kayo, hinihintay na po kayo ni Sir" mas lalong naguluhan si Ava sa sinabi ng receptionist na parang may ugnayan ang Alexander De Luca na yon at si Andrea

"Ay hindi na...pakisabi nalang na dala ko na ang hinihintay niya" with that, tumango ang receptionist saka may kinausap sa telepono

Maya maya pa ay muli itong bumaling sa kanila

"Pwede na daw ho siyang umakyat Ma'am Andrea...pero paki sign up lang po ito" pagkasabi niya non ay agad naman nag sign up si Ava

"Allegra...Fernandez" pagbasa nung receptionist saka ngumiti sa kanila

"Magkapatid po kayo?" Tanong nito, tumango naman si Andrea saka ngumiti

"Yes, she's my sister"

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status